Chapter 7

1630 Words
Chapter • Seven Pinanood ko ang madilim na kalangitan habang nakaupo sa hood ng sasakyan ko. Sa aking kamay ay ang bote ng beer na halos ilang inom na lang ay mauubos na ang laman. Sinuklay ko ng mga daliri ko ang aking umaalong buhok bago ko muling tinungga ang beer ko. Tumama sa namumula ko nang mukha ang malamig na simoy ng hangin. Tumabi sa akin si Hank at muling nag-abot ng panibagong bote ng beer. Nang tanggapin ko ito ay wala na sa akin ang tingin niya kun'di na kay Jomyl at Gia na abalang maghalikan sa loob ng kotse ni Jomyl. Nakangising umiling si Hank. "Lupit din nitong isang 'to. Akalain mong tumagal siya kay Jomyl ng isang linggo?" Ani Hank saka uminom sa kanyang beer. Natawa na lang ako. Saglit akong uminom ng beer bago muling pinagmasdan ang mga bituin sa langit. "Kapatid 'yan ni Pearce." Untag ko. "Kaya pala pamilyar. Mukhang nakita ko na nga 'yan last year no'ng sa Astrid ginanap ang Nexus. Isa 'yan sa pinakamagandang may hawak ng banner para sa Galum." Ani Hank. Nabaling ang tingin ko sa kanya. "Kailan nga pala ang susunod na Nexus?" Sandali siyang uminom sa kanyang beer bago ako tinignan. "Next week. Excited na nga kami kasi dito sa Galu magaganap ang laro. Kompleto ang limang pack this year. Pati ang Tyrain sasali." Isang beses pa lang ako nakanood ng Nexus at practice game pa 'yon ng team nina Hank. Ang Nexus ang laro ng lycans. Para itong pinagsamang lacrosse at american football. May nets ang mga sticks nila at kailangan nilang maitakbo ang bola sa goal habang ang opponents naman ay parang sa mga football teams na susubukan silang patumbahin. Walang protective gears ang players at malaya silang gumamit ng kakayahan nila and that's what makes the game more exciting. "Sinong team captain niyo this year?" Tanong ko. "Sino pa ba? E'di si Levi. Ako ang sa goal. Balita ko Galum at Astrid ang first game." Proud niyang sagot. Kung gano'n ay mukhang magiging masaya ang laro. Hindi ko pa nakitang naglaro ang team namin dahil sa field ng deltas sila nagpapractice. Hindi ako nagagawi sa bandang 'yon ng syudad. Nabaling ang tingin namin kina Jomyl nang magstart ang makina ng kanyang kotse. "Pupunta kami ng west border. Nakikipagkita 'yong magpapaswap ng parts." Ani Jomyl. Sandaling bumaling si Hank sa akin. "Gusto mong sumama?" Tinungga ko ang natitirang laman ng beer ko bago ako tumango. Tumayo kami at pumasok sa kanya-kanya naming mga sasakyan. Habang nasa daan patungo ng west border ay napansin namin ang usok na nagmumula malapit sa gate. Tila bigla akong ginapangan ng kaba. Binilisan ko ang pagpapatakbo hanggang sa ako ang nauna sa aming tatlo. Habang lumalapit ay lalong kumakapal ang usok. Ipinark ko ang sasakyan ko sa gilid ng daan saka ako lumabas. Nang tumakbo ako'y kaagad akong sinigawan ni Hank. "Meiko, get back here! It's not safe!" Sigaw niya pero hindi ko siya pinansin. Pumasok ako sa kakahuyan patungo sa gate. Sa di kalayuan ay natatanaw ko ang ilang nakabulagta sa lupang deltas. Napakaraming nagkalat na palaso. Nilapitan ko ang isa't binunot mula sa puno. Inamoy ko ang talim nito. Tama ang hinala ko. May wolfsbane ang dulo ng mga ito. Maingat ang bawat hakbang ko habang papasok ng kakahuyan. Habang pumapaloob ako ay parami ng parami ang mga deltang nakahandusay sa lupa. Ang ilan ay mukhang buhay pa pero marami na ang halatang patay na. Kaagad akong nagtago sa likod ng isang malaking puno nang makita ang isang hunter na tinitignan ang mga katawang nasa lupa. Hinintay ko siyang makalapit sa kinatataguan ko saka siya susugurin sana patayin nang biglang may nauna nang tumalon papunta sa kanya at binali ang kanyang leeg. Mula sa kakarampot na liwanag ng buwan ay naaninag ko ang pagod na mukha ni Pearce. Nakalabas ang kanyang matatalas na pangil at kuko. Kumikinang ang kulay ginto niyang mga mata. Wala na ang kanyang makapal na salamin. Kumunot ang noo ko nang makita ang malaking sugat sa kanyang likod na tila hindi naghihilom. Lalapit sana ako sa kanya nang bigla siyang tumakbo palapit sa akin at ikinulong ako sa kanyang mga bisig. Kasunod nito ay ang pagdaing niya na tila isang matalas na bagay ang tumama sa kanyang katawan. Lumalim lalo ang kanyang paghinga. Pilit niyang tinatagan ang kanyang mga tuhod. Hinawakan niya ang aking mga balikat. Bakas ang matinding pagpipigil niya sa sakit na nararamdaman. "R-run, M-Meiko." He mumbled. Mayamaya'y muli siyang dumaing. Mula sa kanyang balikat ay nasilip ko ang dalawang hunter na papalapit sa amin. Biglang nagliyab sa galit ang dibdib ko nang makitang nakahanda nang muli ang kanilang mga pana at parehong nakatutok  ang mga ito sa likod ni Pearce. Nagbago ang kulay ng aking mga mata. Lumabas ang aking matatalas na kuko at pangil. Kumawala ako sa nanghihinang mga braso ni Pearce at sinugod ang dalawa. Ang isa'y nagawa pa akong saksakin sa balikat gamit ang kanyang punyal pero kaagad kong binali ang kanyang leeg. Ang isa'y tatakbo sana nang biglang dumating si Hank at kaagad itong pinatay. Narinig ko ang ilang palahaw sa di kalayuan. Mayamaya'y lumabas mula sa madilim na parte ng kakahuyan si Jomyl at Gia. Parehong may mga bahid ng dugo ang kanilang mga damit. "There's only six of them pero nagawa nilang pabagsakin ang labindalawang delta." Ani Jomyl nang tuluyang makalapit sa amin. Nilingon ko si Pearce na nakaluhod sa harap ng punong pinagtataguan ko kanina. Napakalalim ng kanyang bawat paghinga. Lumuhod ako at hinawakan ang kanyang balikat. Pagod niya akong nilingon. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa awa. Hinawakan ko ng mahigpit ang pana sa likod niya saka ito binunot. Dumaing siya nang maalis ito. Ang isang natitira ay muli kong hinawakan saka binunot. Tuluyan niyang naisandal sa puno ang kanyang ulo. "I think dahil 'yon sa usok. I smell wolfsbane all over the place. Hindi lang natin masyadong maramdaman ang epekto dahil kakarating lang natin at halos malapit nang mamatay ang apoy." Ani Hank. Lumapit si Gia at dinaluhan ang kapatid. Bakas din ang awa niya para rito. "Why isn't he healing?" Nag-aalala nitong tanong nang makita ang sugat sa likod ni Pearce. "I'm not sure pero tingin ko dahil pa rin ito sa wolfsbane." Tugon ko. Mayamaya'y nataranta kami nang mawalan ng malay si Pearce at tuluyang bumagsak sa lupa. Sinenyasan ko si Jomyl at Hank. Kaagad naman silang lumapit at pinagtulungang akayin si Pearce. Dinala namin siya sa kotse ko. Si Gia ang naupo sa likuran kasama ni Pearce. Panay ang sulyap ko sa kanila habang nasa daan patungo sa ospital. Pagdating ng emergency ay hindi na kami pinapasok. Halos kalahating oras din kaming naghintay sa labas. Tinawagan na rin ni Gia ang ilang deltas para ipaalam ang nangyari. Mayamaya pa'y nagsidatingan na ang ilang sasakyang may sakay sa mga sugatang deltas. Napatayo kami ni Gia nang lumapit ang isang nurse. "Masyadong malakas ang wolfsbane na ginamit sa kanila pero nagsisimula nang maghilom ang mga sugat niya. Baka mayamaya lang ay pwede na rin siyang lumabas." Untag nito. "Gising na po ba si kuya?" Ani Gia. Tumango ang nurse. "Pwede na kayong pumasok para makausap siya." Tugon nito bago nagpaalam na aalis na. Papasok na sana si Gia nang biglang tumunog ang phone niya. Kumunot ang kanyang noo at mahinang napamura. Ibinulsa niya ang phone niya saka bumaling sa'kin. "Pwede ikaw munang bahala kay kuya? Kailangan ako sa bahay. May emergency lang kay Mama." Pakiusap niya. Pilit akong ngumiti saka tumango. "Don't worry. Ako nang bahala sa kanya." "Salamat." She murmured. Kumaway siya bago tumakbo palabas. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan habang naglalakad papasok. Pinasadahan ko ng tingin ang bawat kamang naroon hanggang sa mapako ang paningin ko sa pangalawang kama mula sa dulo. Naglakad ako palapit sa kanya. Nakaupo na siya sa kama at mahigpit na nakahawak sa edge nito. "Pearce..." I mumbled. Nag-angat siya ng tingin. Bakas ang matinding pagod sa kanyang mukha. Seryoso lamang niya akong tinignan saka niya mahinang pinalo-palo ang parte ng kama sa tabi niya na tila sinasabing maupo ako. Lumunok ako bago sumunod sa gusto niya. Tila biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang tumama ang braso ko sa kanyang braso. Kaagad akong nag-iwas ng tingin nang makita ang galit na ekspresyong nakaguhit sa kanyang mukha. "You almost got yourself killed, Meiko." Seryoso niyang sabi. Sumimangot ako at muli siyang tinignan. "Ako pa talaga ang sasabihan mo niyan samantalang ikaw nga 'tong muntik nang mamatay at sumalo sa mga pana." Inis kong sabi. Marahas siyang bumuntong hininga saka ihinilamos ang palad sa kanyang mukha. "Kung hindi ko ginawa 'yon, sayo sana 'yon tumama." Hindi ako nakakibo dahil sa narinig. Muling bumagsak ang tingin ko sa aking mga tuhod. "Bakit mo ginawa 'yon?" Nahihiya kong tanong. Sandali siyang hindi sumagot. Nang tignan ko siya'y nakatitig lang siya sa akin. Wala na naman akong mabasang emosyon sa kanyang mga mata. "Because it's my job." Simple niyang tugon. "Oh." Ang tangi kong naisagot. Pilit akong ngumiti saka muling tinitigan ang aking mga tuhod. Mayamaya'y naramdaman ko ang kanyang brasong hinapit ako palapit sa kanya hanggang sa tuluyan akong makulong sa kanyang bisig. Bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko. Parang sasabog na ang dibdib ko sa lakas nito. A sigh of relief left his lips. "Thank you for saving me..." He whispered. Lalong nagwala ang dibdib ko nang dampian niya ng halik ang tuktok ng aking ulo. "But please, never do that again. Stop getting yourself killed." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Natulala lamang ako sa kanya nang hawiin niya ang ilang hibla ng aking buhok. "Promise me you'll never do that again." Untag niya habang nakatitig sa aking mga mata. Lumunok ako saka pilit na ngumiti. "Promise. Sa isang kondisyon." Bahagyang kumunot ang kanyang noo dahil sa narinig. "Ano 'yon?" Lumandas ang isang ngiti sa aking labi. Lumapit ako sa kanya at dinampian ng halik ang kanyang pisngi. Napatitig lang siya sa akin dahil sa ginawa ko. "We'll go out on a date..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD