Chapter • Six
Inayos ko ang ilang libro sa locker ko bago ko dinampot ang mga gagamitin ko para sa susunod na klase. Sinulyapan ko ang relos ko bago isinara ang locker. May isang oras pa akong vacant bago ang klase ko sa science department.
Isang hindi pamilyar na lalake ang sumandal sa tabi ng locker ko at humalukipkip. Kunot noo ko siyang nilingon. May matipid na ngiting nakaguhit sa kanyang labi.
"You must be Meiko Galliver. I've heard a lot about you." He mumbled.
Tinaasan ko siya ng kilay. "So?" Mataray kong sabi saka siya tinalikuran.
Mahina siyang humalakhak. Napairap ako sa kawalan nang sumunod siya sa akin at sinabayan ako sa paglalakad.
"I'm Dalton, by the way. I didn't see you at your home last Saturday. I'm Alpha Rayver's nephew. Kakalipat ko lang dito from Averida." Untag niya.
"Oh-kay. Done talking?" Sarkastiko kong tanong saka huminto at mataray siyang tinignan. Itinupi ko ang mga braso ko.
A soft chuckle left his lips. Naningkit ang mga mata ko nang humakbang siya palapit sa akin hanggang sa halos magdikit na ang mga katawan namin. Nakakairita ang ngising nakaguhit sa kanyang mga labi.
"The rumors are true. The famous Meiko of the Gallivers is really," inilapit niya ang kanyang mukha sa aking tenga saka roon bumulong. "challenging."
Tumalim ang tingin ko sa kanya nang muli siyang umayos ng tayo. Hindi ko gusto ang isang ito. Hindi ko alam pero kumukulo ang dugo ko sa kanya.
Muling tumaas ang kilay ko. "Yeah, and I have no time for uninteresting people." Mataray kong sabi at hinintay siyang lumayas sa harap ko pero imbis umalis ay bigla na lamang niyang hinaplos ang aking pisngi. Sandali akong hindi nakakibo dahil sa ginawa niya.
Lalong lumawak ang kanyang ngiti. "I love challenge..." He murmured. Ibinaba niya ang kanyang kamay saka ibinaon ang magkabilang palad sa bulsang kanyang pantalon. "I'll see you around, Meiko." Untag niya bago lumakad paalis.
Marahas akong napabuntong hininga. Humarap ako sa daan patungo ng science department at muli na sanang lalakad nang makita ko si Pearce sa dulo ng pasilyo. Nakahalukipkip siya habang nakasandal ang isang balikat sa pader. Seryoso ang tinging ipinupukol niya sa akin. Kumunot ang noo ko nang umiling siya saka lumakad paalis.
Kaagad akong naglakad at pilit siyang hinabol. Naabutan ko siyang pumasok ng student louge. Inilibot ko ang paningin ko sa mga tao hanggang sa makita ko siya sa isang mesa sa sulok.
Lumakad ako palapit sa kanya at naupo sa silyang katabi niya. Hindi niya ako nilingon at hindi rin pinansin. Inilapag niya ang binder at libro niya sa mesa saka niya sinimulang magsulat.
I cleared my throat. "Can I buy you something to drink or eat?" I murmured.
Hinintay ko siyang kumibo pero hindi man lang siya sumagot. Bumuntong hininga ako saka lalong inurong ang upuan ko palapit sa kanya.
Mapang-asar kong pinadausdos ang kamay ko sa kanyang hita. Napasinghap ako nang marahas niyang hinawakan ang kamay ko saka ito inialis sa pagkakahawak sa kanya. Matalim ang tinging ibinabato niya sa akin.
"The hell is wrong with you?" Singhal ko habang iniinda ang sakit ng pagkakahawak niya.
Marahas siyang bumuntong hininga saka pagalit na inilipat ang pahina ng kanyang libro. "Just because I fixed your hour glass, doesn't mean I want you around. Get lost, Meiko. Stop ruining my day." Galit niyang sabi saka itinuloy ang pagsusulat.
Umigting ang panga ko sa narinig. Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. "No. You can never push me away, Pearce. The more na itinutulak mo ako palayo, the more na lalapit ako sayo."
Padabog niyang inilapag ang kanyang ballpen saka niya ako masamang tinignan. "What part of I don't like you can't you understand?"
Naningkit ang mga mata ko. He's the first person who ever said that to me. How dare him?
"What part? That part where you keep on denying that you want me as bad as I want you. That part where you keep on restraining yourself kahit na ako na mismo 'tong lumalapit sayo. What is wrong with you, huh? Are you gay? O sadyang malabo 'yang mga mata mo?" Nanggagalaiti kong sabi. Tila biglang tumahimik ang buong paligid dahil sa lakas ng pagkakasabi ko.
Pinasadahan ng tingin ni Pearce ang mga taong nakatingin sa amin. Mayamaya'y hinubad niya ang kanyang salamin saka niya hinilot ang bridge ng kanyang ilong habang nakapikit. Bakas ang matinding iritasyon sa kanya nang magpakawala siya ng isang marahas na buntong hininga.
"You really are unbelievable..." He mumbled.
Muli niyang isinuot ang kanyang salamin saka niya dinampot ang kanyang mga gamit. Nang tumayo siya ay tumayo rin ako para sundan siya. Nang makalabas kami ng student lounge ay huminto siya sa paglalakad. Marahas na nagtaas-baba ang kanyang mga balikat. Binalingan niya ako ng may masamang tingin. Napakadilim ng ekspresyong nakaguhit sa kanyang mga mata.
Para akong biglang tinamaan ng takot nang humakbang siya palapit sa akin hanggang sa tuluyang mawala ang espasyong namamagitan sa aming mga katawan. Nakakatakot ang tinging ipinupukol niya sa akin nang ipulupot niya ang isa niyang braso sa bewang ko. Itinulak niya ang likod ko at idiniin sa kanyang katawan. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba. Hindi ko magawang gumalaw at huminga.
"You wanna play with me, Meiko? Fine. We're gonna play hanggang ikaw mismo ang sumuko sa kalokohan mong 'to." Mariin at puno ng galit niyang sabi.
Bumaba ang tingin niya sa bahagyang nakaawang kong bibig. Napalunok ako nang unti-unting lumapit ang kanyang mukha sa akin hanggang sa tuluyang magdikit ang aming mga labi. His kisses were deep. Feels like he's punishing me, making me beg him for more. I felt volts of electricity running through my veins, melting every bits of strength I have in my body.
"You want that, Meiko?" Bulong niya nang sandaling maghiwalay ang aming mga labi pero hindi pa man ako nakakabawi mula sa kawalan ng hininga ay muli niyang inangkin ang aking mga labi. Tuluyang pumikit ang aking mga mata. Ang mga palad ko'y napahawak sa tela ng kanyang damit. Para bang nawawala ako sa sarili sa bawat paggalaw ng kanyang mga labi. I've kissed dozens of men before but never in my life that I felt this way. Only Pearce can drive my sanity away with his kisses.
Parehong malalim ang aming mga paghinga nang muling maghiwalay ang aming mga labi. Iminulat ko ang mga mata ko. Napalunok ako nang makita ang galit niyang titig. His jaw clenched and his expression went darker. Inilapit niya ang kanyang mukha sa aking tenga. Napasinghap ako nang lalo pa niyang idiniin ang katawan ko sa kanyang dibdib.
"Remember how my touch affects you, little wolf. You chose the wrong victim this time. Only I can give you that kind of pleasure and I'm gonna make sure you'll beg for it soon. We're gonna play this stupid game of yours until you finally surrender." Bulong niya sa aking tenga. Puno ng pagbabanta ang kanyang tono. Bigla akong kinabahan dahil sa narinig.
Nang bitiwan niya ako ay halos mawalan ako ng balanse. Nanginginig ang mga tuhod ko at parang tinakasan ako ng lakas.
Isang matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin bago siya tumalikod st lumakad paalis. Nasapo ko ang aking noo. Pinilit kong humakbang palapit sa pader at sumandal doon para kumuha ng suporta. Hindi pa rin kumakalma ang dibdib ko.
What the hell is wrong with me? I never felt this way before. Tanging si Pearce lang ang may ganitong epekto sa akin. Mukha ngang hindi magiging madali ito para sa akin.