Chapter 5

1915 Words
Chapter • Five Isang katok mula sa pinto ng kwarto ko ang umagaw sa aking pansin. Pabalang kong ibinaba ang phone ko nang makitang bumukas ang pinto. Matalim kong tinignan si Vera na nakasandal na ngayon sa frame ng pinto habang nakahalukipkip. May makahulugang ngiti sa kanyang mga labi. "Dad wants the whole family to be here for dinner. Pinapasabi niyang huwag ka raw aalis dahil darating ang mga bisita." Untag niya. Umirap ako saka muling ibinalik ang tingin sa screen ng phone ko. Hindi ako kumibo at hinintay na lang siyang umalis pero tumaas ang kilay ko nang imbis umalis ay pumasok pa siya sa kwarto ko at lumapit sa shelf ng collections ko ng hour glass. Dinampot niya ang isa at pinagmasdan. "I've heard you crashed at Pearce's class yesterday." Untag niya saka tumingin sa akin. Tila may gustong ipahiwatig ang tinging ipinupukol niya. Humalukipkip ako at nilabanan ang tingin niya. "Ano naman ngayon?" Mataray kong sagot. Kumurba ang gilid ng kanyang labi saka muling ibinaling ang tingin sa hour glass na hawak. Nilaro-laro niya ito sa kanyang mga palad. "You should learn to keep your distance from people you can't even reach." Inilapag niya ang hour glass saka kinuha ang pinakamalaki at kailan ko lang nabili mula sa isang antique shop sa Astrid. Muli niya akong tinignan. "Don't be too ambitious, dear sister. Cheap people doesn't deserve to be around the important ones." Makahulugan niyang sabi saka binitawan ang hour glass. Bumagsak ito sa sahig at tuluyang nabasag. Naningkit ang mga mata ko sa galit. I felt the lust to tear her apart. My wolf wants to come out. Lalo pang nagliyab ang galit ko nang humalukipkip siya at tila nang-aasar na ngumisi. Hindi ko na nakontrol ang sarili ko. Lumabas ang matatalas kong kuko at nagbago ang kulay ng aking mga mata. Tumakbo ako palapit sa kanya at kaagad hinawakan ang leeg niya ng napakahigpit saka ko siya itinumba sa sahig. Nagngingitngit ang mga ngipin ko sa galit. "I'm gonna kill you b***h!" Singhal ko at iuunday na sana ang kamay ko sa kanyang mukha nang bigla siyang tumili ng pagkalakas-lakas. Naramdaman ko na lang na may mga braso nang humila sa akin paalis sa kanya. Kasunod nito ay ang pagpasok ng ilang deltas sa kwarto ko. Mukhang kanina pa sila nasa ibaba. Naningkit ang mga mata ko nang makita ang pag-iyak ni Vera habang hawak ang kanyang dumudugong leeg. Gusto ko siyang sugurin dahil sa ginagawa niyang pag-arte para lang makuha ang simpatya ng lahat. Marahas kong binawi ang mga braso ko sa taong nakahawak sa akin at susugod sanang muli kay Vera nang pumulupot sa bewang ko ang dalawang malakas na braso at pilit akong pinigil. "Enough, Meiko!" Umalingawngaw ang baritonong boses ni Pearce sa loob ng kwarto ko. Doon ko lang narealize na siya ang taong may hawak sa akin. Matalim ko siyang tinignan. Seryoso at galit ang ekspresyong nakaguhit sa kanyang mukha. Marahas kong kinalas ang kanyang mga braso saka ko dinampot ang basag na hour glass. Humigpit ang hawak ko sa salamin dahil sa galit. Nararamdaman ko na ang pag-init ng gilid ng mga mata ko pero pilit kong pinigil ang sarili ko. I won't cry again. Never again that people will see me weak. Naramdaman ko ang pagbaon ng ilang salamin sa balat ko. Pumatak ang dugo ko sa sahig. Malalim akong huminga bago tumayo. Muli kong sinamaan ng tingin si Vera na patuloy pa rin sa pag-iyak. "You'll pay for breaking my favorite." Galit kong banta bago ko kinuha ang jacket at phone ko saka ako lumabas. Marahas kong binangga ang mga nakaharang sa pinto. Sa sala ay naroon si Mom at Dad kasama ang pamilya ng Alpha. Tinaasan ako ng kilay ni Mom pero inirapan ko lang siya at dire-diretso akong lumabas ng bahay patungo sa kotse ko. Marahas ko itong binarurot hanggang sa tuluyan akong makalayo. Itinigil ko ang sasakyan ko sa gitna ng kakahuyan kung saan ako madalas magpunta kapag gusto kong maglabas ng sama ng loob. Hinampas ko ang manibela sa sobrang galit. Hindi ko mapigilan ang matindi kong galit. Kung pwede ko lang patayin si Vera, matagal ko nang ginawa. Palibhasa hindi niya ipinapakita sa iba ang kademonyitahang taglay niya, ako palagi ang nagmumukhang masama. Tuwing naaalala ko ang mga bagay na ginawa niya sa'kin noon para sirain ako sa mga tao at mga magulang namin, lalong kumukulo ang dugo ko. Humigpit ang hawak ko sa manibela nang maramdaman ang matinding galit na namayaning muli sa sistema ko. Nangingilid ang luha ko dahil sa galit. Isinandal ko ang ulo ko sa manibela nang hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Hanggang ngayon, ako pa rin ang talo sa aming dalawa. Ako pa rin ang umaalis. Ako pa rin ang mag-isang umiiyak ng walang nakakaalam. Halos ilang minuto na akong umiiyak ng tahimik nang biglang may kumatok sa bintana ng sasakyan ko. Kaagad kong pinunasan ang basa sa aking mga pisngi bago ko tinignan kung sino ang taong iyon. Bahagya akong natigilan nang makita siyang nakatayo sa labas ng sasakyan. Madilim ang ekspresyong nakaguhit sa mga mata niyang seryosong nakatitig sa akin. Nakakunot ang kanyang noo at tumatagaktak ang pawis mula rito. Basa rin ang kanyang t-shirt na suot. Ibinaba ko ang bintana saka nag-iwas ng tingin. "A-anong ginagawa mo rito?" Untag ko at pilit tinago ang bakas ng pag-iyak sa aking tono. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya saka niya binuksan ang pinto. Yumuko siya at tinitigan ako. Kunot-noo ko siyang binalingan. "Move, Meiko. I'll drive." Seryoso niyang sabi. Lumunok ako saka umiling. "Ayoko pang umuwi." Tugon ko saka muling nag-iwas ng tingin. "I know. I'm taking you somewhere else so move." Mariin niyang sabi. Muli akong napatingin sa kanya. Napalunok ako nang matitigan ang kanyang mga mata. Sinenyas niya ang kanyang ulo na lumipat ako. Wala na akong nagawa kun'di ang sumunod. Kahit nagtataka, hinayaan ko siyang pumasok sa driver's seat. Kumunot ang noo ko nang makita ang itim na bag na hawak niya. Inilagay niya ito sa likuran bago niya pinaandar ang sasakyan. Habang nasa daan ay walang kumikibo sa aming dalawa. Tahimik lang akong nakamasid sa labas ng kotse habang siya ay seryoso lang ding nagmamaneho. Hindi ko magawang mang-asar kahit pa kahapon lang ay sinabi niya mismong huwag ko na siyang lalapitan pero heto siya at siya mismo ang lumapit sa akin. Huminto ang sasakyan sa isang kulay puting bahay. Hindi ito kalakihan at halatang matagal na rin itong naitayo dahil sa disenyo nito. It looks likr a preserved ancestral house. Pinaliligiran ito ng mga halaman at ilang puno. Pinatay niya ang makina saka niya dinampot ang bag bago siya lumabas. Nilingon niya ako nang hindi ako kumilos. Umikot siya at pinagbuksan ako ng pinto. "Come on." Seryoso niyang utos habang nakakunot pa rin ang noo. Tumango ako bago tahimik na sumunod sa kanya. Pumasok kami sa maliit na gate pero hindi siya sa bahay dumiretso. Lumiko siya sa gilid ng bahay. Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa bandang likuran ng bakuran. Kumunot ang noo ko nang buksan niya ang maliit na pinto patungo sa basement. Kinapa niya ang phone niya sa kanyang bulsa at ginamit itong ilaw para makita niya ang daan. Nang makababa siya ay tumingin siya sa akin. "Let's go." Utos niya. Lumunok ako bago sumunod pababa ng hagdan. Muli siyang lumakad nang makapasok na kami. May hinila siya na tila switch ng ilaw. Lumiwanag ang paligid at tumambad sa akin ang napakaraming canvass at gamit sa pagpinta. Para akong nasa loob ng isang art gallery dahil sa mga nakapinta sa pader. Lumapit siya sa isang malaking mesa at inilapag doon ang bag. Hinila niya ang isang upuan saka ako tinignan. "You can sit." Untag niya bago muling bumaling sa mga gamit na nasa mesa. Tila may hinahanap siya sa kanyang mga gamit. Lumapit ako sa kanya at naupo sa silyang inialok niya. Hindi ko pa rin mapigilang ilibot ang paningin ko sa lugar. Nakakabilib ang mga larawang nakaguhit sa mga canvass at pader. Karamihan ay lobo, kalikasan, at babaeng nakatalikod na tanging tela lamang ang saplot. Lumakad siya patungo sa isang kabinet at may kinuha roong glue gun at stick glue saka siya bumalik sa mesa. Hinila niya ang isa pang upuan saka roon naupo. Tumama pa ang tuhod niya sa hita ko dahil sa lapit ng upuan niya sa akin. Pinanood ko lang siya nang buksan niya ang bag pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ang laman nito. Maingat niyang inilabas ang bawat basag na piraso ng hour glass ko saka iyon inayos para pagdikit-dikitin. Hindi ko nagawang magsalita habang pinapanood ko siyang seryosong ibinabalik sa dati ang hour glass ko. Kahit na tumatagatak na ang pawis mula sa kanyang noo, patuloy pa rin siya sa pagbuo nito. Natulala ako nang sumilay ang isang matipid na ngiti sa kanyang labi nang maikabit niya ang huling piraso. Mataman niyang pinagmasdan ito. "Sorry, hindi na magmumukhang katulad ng dati." He murmured. Inalis niya ang kanyang salamin saka niya pinunasan ang pawis sa kanyang noo. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang tumingin siya sa akin. Hindi ko alam kug bakit ba ako naiintimidate sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Para bang kasalanang tumitig sa mga mata niya. Nag-iwas ako ng tingin saka inabot ang hour glass. Hindi ko maiwasang mapangiti. Para bang design lang din ang glue na ginamit niya para mabuo ulit ito. Tumayo siya at lumakad pabalik sa cabinet para isauli ang glue gun. Nanatili siya roon at sumandal sa pader. Itinupi niya ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib habang seryosong nakatingin sa akin. "So you like time?" He mumbled. Hindi kaagad ako nakakibo. Muli kong pinagmasdan ang hour glass ko. Isang mapaklang ngiti ang lumandas sa aking labi. "I like the mystery it holds. How it seems to be so fast when you're happy and too slow when you're lonely." Tugon ko saka siya muling sinulyapan. Nanatili siyang nakatitig sa akin. "Do you often find it fast or slow?" Seryoso niyang tanong. Hindi kaagad ako nakakibo. Sandali kong pinagmasdan ang kanyang seryosong mukha. Mapakla akong ngumiti. "Slow... Most of the time, time flies so slow for me which I find unfair." I murmured. Lumakad siya palapit sa akin saka kinuha ang hour glass mula sa akin. "No, Meiko. It's not slow nor fast. You just don't know how to deal with it." Kumunot ang noo ko. "What exactly does that mean?" Isang matipid na ngiti ang lumandas sa kanyang labi. "Time is just the same. It's up to us if we'll savour the moment or we'll let it pass just because we think time flies too fast when we're already enjoying it. We're too afraid that it'll just end so soon but the truth is, time gives us all the moment we need. All we got to do is focus on it. Not on the past, not on tomorrow, but on that exact moment." Lumunok ako at muling tinitigan ang kanyang mga mata. "A-are you enjoying your now, Pearce?" Hindi siya kaagad sumagot. Seryoso lamang niya akong tinitigan sa mga mata na tila malalim ang iniisip niya. "I chose to savour everything. Cause all of these, whether it's a good or a bad memory, I'm sure everything will be a great story someday...Even the worst person on Earth can have the best life story if she'll just choose to live in the moment." He mumbled. Natulala ako nang hawiin niya ang ilang hibla ng aking buhok at inipit ito sa likod ng aking tenga. "Live in the moment, Meiko. Let your past remain a memory. Don't let it destroy you. Only you can save yourself from this misery."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD