Chapter 4

1722 Words
Chapter • Four Pinasadahan ko ng tingin ang mga tao sa loob ng room ng susunod na klase ni Pearce. Kumurba ang gilid ng labi ko nang makita siyang nakaupo sa pinakadulo malapit sa bintana. Nakapikit ang mga mata niya at nakapasak sa magkabila niyang tenga ang kanyang earphones. I stared at him for seconds, noticing his features. He has a natural dark brown hair that matches his fair skin. His brows are intimidating and too manly. Matangos ang kanyang ilong na bumagay sa kanyang manipis na labi. His jaw is well-defined that made him look dangerous even more without those thick glasses of him. Hinawi ko ang buhok ko sa isang side bago ako lumakad papasok. Tumahimik ang lahat nang makita ako. Nagtataka ang karamihan nang dire-diretso akong lumakad patungo sa bakanteng upuang katabi ni Pearce. Nginitian ko ang mga taong nakatingin sa akin bago ako bumaling sa kanya. I run my fingers on his arms. Bigla niyang iminulat ang mga mata niya. Bahagya pang nanlaki ang mga ito na tila ikinagulat ang nakita. Mayamaya'y naningkit ang mga ito kasabay ng pag-igting ng kanyang panga. "You're not supposed to be here. This is a senior's class." He mumbled. Bakas ang iritasyon sa kanyang mukha. Inalis niya ang kanyang earphones saka humalukipkip habang masamang nakatitig sa akin. Lumawak ang ngiti ko. Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi. "I missed you. Gusto kitang makita." Mapang-asar kong sabi. Hinawi niya ang kamay kong humahaplos sa mukha niya. "Get out of here, Meiko at tantanan mo ko. I won't play your little games." Seryoso niyang sabi bago itinuon ang atensyon sa harap ng classroom. Mahina akong humalakhak. "What if I don't want to leave?" Hindi siya kumibo ngunit kumuyom ang kanyang kamao. Lalo akong napangiti sa nakikitang reaksyon niya. Tumayo ako at naupo sa armrest ng kanyang upuan. Muli niya akong matalim na tinignan. "What do you think you're doing, Meiko?" Bakas na ang inis sa kanyang tono. I leaned closer to him until my face is almost an inch away from his. "I'll only stop once you're already mine, Pearce. I want you...so bad." I whispered in a teasing manner. His jaw clenched. Pinasadahan niya ng masamang tingin ang mga kaklase niyang nakatingin sa amin bago niya ako muling matalim na tinignan. "You want me? Then stop acting like a bratt. I hate bratts." Mariin niyang sabi. Tumaas ang kilay ko. Muli akong umayos ng upo saka humalukipkip. "I told you I'm not a bratt. Stop calling me that." Inis siyang ngumisi. "Only bratts do stuffs like these." Matalim ko siyang tinignan habang nakataas ang kilay. "Keep calling me that way, lalo lang akong hindi aalis dito." Naningkit ang mga mata niya sa galit. "Don't test my temper, Meiko." Ngumisi ako. "I'm not leaving this--" Kumawala ang matinis kong tili nang bigla na lamang niya akong binuhat na parang isang sako saka siya naglakad palabas. Ilang tao ang napatingin sa amin. Nagpumiglas ako at sinuntok ang likod niya pero ang kamao ko pa ang nasaktan dahil sa tigas nito. "Put me down you son of a b***h!" Singhal ko pero nagpatuloy siya sa paglalakad. Huminto siya at narinig ko ang pagbukas ng pinto. Pumasok siya roon saka muling naglakad. Napadaing ako nang pabalang niya akong iniupo sa isang lumang couch na naroon. Pinasadahan ko ng tingin ang silid. Ang arts room na hindi na masyadong nagagamit. Nagkalat ang mga lumang canvass sa paligid kasama ng mga lata ng pintura at iba't-ibang size ng brush. Matalim ko siyang tinignan pero gano'n din ang ginawa niya bago itinupi ang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib. "Ano ba talagang binabalak mo? Bakit ba ayaw mo kong tantanan?" Seryoso niyang sabi na tila pinipigil ang sariling magalit. Muling lumandas ang ngisi sa labi ko. Tumayo ako at lumapit sa kanya hanggang sa wala nang sapat na pagitan ang aming mga katawan. He looked down at me with so much fury. Pinadausdos ko ang mga palad ko sa kanyang mga braso. Napalunok ako nang makaramdam ng kakaiba. Muli ko siyang tinignan. "I told you, I want you. That's all." Naiinis siyang natawa. "Stop fooling around. You have a bad reputation, Meiko. Kilala kita. Alam kong may binabalak ka kaya mo ginagawa 'to." Bumuntong hininga ako. "Ang sakit mo namang magsalita? Hindi ba pwedeng nainlove lang ako sayo?" Nakangisi kong sabi. Tumalim ang tingin niya sa akin. "Inlove? Huh. That's the biggest joke you've ever said. What do you know about love? You broke dozens of heart and now you're telling me you're inlove?" Nawala ang ngisi sa labi ko dahil sa narinig. Hindi ako nakakibo. Marahas siyang bumuntong hininga saka muling lumakad pero kaagad kong hinila ang kanyang braso. He looked at me over his shoulder with so much anger. "Let go...or you'll regret this, Meiko." Puno ng pagbabanta niyang sabi. Tila bigla akong nakaramdam ng takot. The way he gazed at me sent a foreign feeling to my system. Unti-unting lumuwang ang pagkakahawak ko sa kanya. Marahas niyang binawi ang kanyang braso saka siya muling naglakad. Humalukipkip ako at muling nagsalita bago pa man siya tuluyang nakalabas. "Just so you know, I wouldn't stop until I finally have you, Pearce. I always get what I want." Mariin kong sabi. Marahas na nagtaas-baba ang kanyang mga balikat. Muli niya akong sinulyapan. Puno ng galit ang kanyang mga mata. "And I'll make sure you'll regret toying me for fun." Makahulugan niyang sabi bago tuluyang lumabas. Malutong akong napamura nang marahas na sumara ang pinto. Nasabunutan ko ang aking buhok. Nanginginig na ang kalamnan ko sa galit. Isang linggo na. Ni minsan hindi pa ako umabot ng ganito katagal para lang makuha ang gusto ko. Pesteng lalake 'to. -- Mataposvang huling klase ko ay kaagad akong dumiretso sa parking lot. Magmula kanina, hindi na naalis ang kunot sa aking noo dala ng inis. Naabutan ko si Jomyl na nakaupo sa hood ng sasakyan niya habang abalang makipaghalikan sa isang matangkad at maputing babae. Nang makita niya ako'y saglit siyang tumigil. Ang babaeng kahalikan niya'y naupo sa kanyang binti saka ako pinasadahan ng tingin. "Si Gia. Gia, si Meiko, tropa ko."Untag ni Jomyl. Tumango lang ako sa babae saka pinagmasdan ang mukha niya. Sandali akong napatitig sa mga mata niya. Parang nakita ko na ang mga ito. Ngumiti ang babae sa akin. "Hi!" Ngumiti na lang din ako bago muling binalingan si Jomyl. "Magkita na lang tayo sa Menace." Untag ko bago sumakay ng kotse ko. Tumango na lamang siya. Bago ko tuluyang na-start ang kotse ko ay nakita ko ang pagdating ni Pearce. Sandali siyang sumulyap sa akin pero kaagad ding nabaling ang tingin niya sa babaeng kasama ni Jomyl. "Giana, let's go." Seryoso niyang sabi sa babae. Sumimangot ang babae bago tinignan si Jomyl. Humalik ito sa pisngi niya bago dinampot ang bag na nakapatong sa hood ng kotse. "Kuya naman, next time itext mo na lang ako hindi 'yong para kang si papa na nanunundo." Naiinis nitong sabi bago naglakad palapit kay Pearce. Bahagyang tumaas ang kilay ko. Kung gano'n kapatid niya pala ang babaeng 'yon? Nang mawala na sila sa paningin ko ay tuluyan kong pinaandar ang sasakyan ko. Habang nasa byahe pabalik ng downtown ay bigla na lamang tumirik ang sasakyan ko. Naiinis kong nahampas ang manibela saka ako lumabas. Nasapo ko ang aking noo. Si Hank at Jomyl ang umaayos ng sasakyan ko dahil wala naman akong alam sa mga makina. Ngayon nagsisisi akong hindi man lang ako nagpaturo. Walang gaanong dumadaan sa parte na 'to dahil ibang rota 'to patungo ng downtown. Napakaraming puno at walang mga kabahayan. Tiningala ko ang langit nang biglang kumulog. Mahina akong napamura nang unti-unting pumatak ang ulan. Sinulyapan ko ang relos ko. Mag-aalas sais na ng gabi. Unti-unti nang dumidilim. Sinubukan kong tignan ang makina ng sasakyan ko pero wala talaga akong matandaan sa mga ginagawa ng dalawa rito. Lumalakas na ang ulan at basang-basa na ako. Mula sa di kalayuan ay natanaw ko ang isang pulang sasakyan. Habang palapit ito sa akin ay unti-unting bumagal ang takbo nito hanggang sa tuluyan itong tumigil sa tapat ko. Bumaba ang bintana sa shotgun seat. Kunot noo akong pinasadahan ng tingin ni Gia. Nabaling ang tingin ko sa lalakeng nagmamaneho at seryosong nakatitig sa akin. "What happened?" Ani Gia. "Car trouble, but don't worry about it." Untag ko. "Basang-basa ka na. We can give you a ride." She mumbled. Sandali kong tinapunan ng tingin si Pearce na wala na ang tingin sa akin. Pilit akong ngumiti kay Gia saka umiling. "Hindi na kailangan. Maya-maya rin siguradong maaayos ko na 'to." Kumunot ang noo niya. "Do you know how to fix it?" Sandali akong hindi nakakibo. Napabuntong hininga ako saka umiling. "No but I got this, don't worry." Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Pearce. "The queen of bratts and her pride at it's finest." Inis niyang sabi bago ako masamang tinignan. "Take the car, Gia and go home. Susunod na lang ako." Mariin niyang sabi bago lumabas ng sasakyan at dumiretso sa compartment para kunin ang tools niya. Nagtataka siyang tinignan ni Gia. "Pero kuya? I can stay and wait." "No. Naghihintay na si Mama sa downtown. Sunduin mo na siya, sige na." Utos niya sa kapatid bago binuksan ang hood ng sasakyan ko. "Oh, okay. Sabi mo eh." Ani Gia bago lumipat sa driver's seat. Kumaway siya sa akin bago tuluyang umalis. Nagtataka kong pinagmasdan ang nababasang likod ni Pearce. Lumapit ako sa kanya habang nakayakap sa sarili ko. Kunot ang kanyang noo at nakaigting ang kanyang panga habang kinakalikot ang makina. Tumatagatak ang tubig sa kanyang mukha at katawan. "S-salamat." I murmured. Hindi siya kumibo. Nagpatuloy lang siya sa pag-ayos ng makina. I cleared my throat. "S-sabi ko salamat." "I heard you. Hindi ako bingi." Galit niyang sabi bago ako matalim na sinulyapan. Umayos siya ng tao saka isinara ang hood ng kotse. "Sa susunod pwede lunukin mo naman 'yang pride mo? If you need help, ask for it hindi 'yong palagi ka na lang nagpapanggap na kaya mo kahit hindi naman." Bakas ang inis sa kanyang boses. Nag-iwas ako ng tingin. My jaw clenched but I tried to control myself. "I don't need anyone's help." Inis siyang natawa. "Ibang klase ka talaga. You're the worst person I've ever met." Matalim niya akong tinignan bago niya dinampot ang tools niya saka akmang aalis na. "Wait, I'll give you a ride so I can pay you back." I mumbled. Marahas na nagtaas-baba ang kanyang mga balikat. Muli niya akong nilingon ng may galit sa mga mata. "You wanna pay me back? Don't come near me again. That's how you'll pay me back."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD