Chapter • Three
Halos gusto ko nang magwalk-out nang marinig ang lecture ng prof namin. How come this school hired someone like him? Wala akong naiintindihan sa kahit na anong itinuturo niya tapos ako pa ang madalas niyang nasisita.
"Miss Galliver, will you stand up and tell us the disadvantages of using this method?" Untag niya habang matamang nakatitig sa akin. Ang nakarolyo niyang dyaryo ay bahagya niyang ihinahampas sa kanyang palad.
Tumayo ako at tinaasan siya ng kilay. "I don't know, and I have no interest to know. Hindi ko naman magagamit ang formula na 'yan sa future. Wala lang magawa ang mga nagpauso niyan kaya pati kaming mga nananahimik ang buhay nagugulo."
Nagtawanan ang mga kaklase ko. Kaagad hinampas ni Prof. Edmer ang mesa sa sobrang galit. "Quiet! Anong nakakatawa?" Nanggagalaiti niyang tanong sa mga kaklase. Bigla silang nanahimik.
Bumaling muli ang tingin sa akin ni Prof. Naglakad siya palapit sa upuan ko saka pabalang na ibinagsak ang dyaryo sa mesa ko. Itinuro niya ang front page nito.
"Kung sana nag-aaral ka at hindi kung ano-ano ang inaatupag mo, may matino ka sanang utak, Miss Galliver!" Galit niyang sabi.
Umirap ako saka tinignan ang dyaryo. Ngumisi ako nang makita ang balita. Kinuha ko ang dyaryo at ipinaypay sa sarili ko. "Look who hit the front page, Prof? Aren't you proud of me?" Mapang-asar kong sabi.
Tumalim ang tingin niya sa akin. Ang ngipin niya'y nagngitngit sa sobrang galit. Nagbago ang kulay ng kanyang mga mata. Mula sa natural nitong kulay na itim, unti-unti itong naging ginto.
"Sisiguraduhin kong makakarating ito sa mga magulang mo! Detention!" Sigaw niya.
Lalong lumawak ang ngisi ko. Dinampot ko ang bag ko saka ako nagmartya palabas pero bago ako tuluyang nakalabas ng pinto, muli ko siyang tinignan. "Thanks for the early break, Prof." Mapang-asar kong sabi saka siya kinindatan. Halos pumutok na ang ugat niya sa leeg sa sobrang galit.
Nakangisi akong nagmartya papasok ng detention. Pagpasok ko ay may tatlong estudyante rin ang naroon. Dalawang lalake na punit-punit na ang mga t-shirt na suot at halatang galing sa away. Siguradong ginamit nila ang kakayahan nila kaya sila nandito. Ang isa pang lalake ay tahimik lang na nakaupo sa pinakadulo at halatang normal. Hindi naghihilom ang pasa sa kanyang pisngi.
Lumakad ako papunta sa isa sa mga silya sa likod. Kaagad akong sinundan ng tingin ng dalawang nasa bandang harap. Ngising aso ang mga ito.
"Hi, Meiko. Wanna have fun tonight?" Untag ng isa at nagtaas-baba pa ang mga kilay.
Umirap ako at tuluyang naupo sa silya. Ihinilig ko ang ulo ko sa mga braso kong nakapatong sa mesa at matutulog na sana nang bumukas ang pinto. Nilingon ko ang taong dumiretso sa harap ng mesang para sa mga prof. Seryoso lamang ang kanyang mukha nang maupo siya. Inilapag niya sa mesa ang makapal na libro saka sinimulang magbasa.
Lumandas ang ngisi sa labi ko. "So you're a bad student, too?" Untag ko habang nakatitig sa kanya.
Sandali niya akong tinapunan ng matalim na tingin. His jaw clenched as he released a deep sigh. Muli niyang itinuon ang atensyon sa binabasa.
Tumayo ako at naglakad palapit sa kanya. Naupo ako sa mesa at sinigurong tatama ang legs ko sa braso niya.
Bahagyang kumuyom ang kanyang mga kamao. "Bumalik ka sa upuan mo, Meiko. I'm here to keep an eye on you and the other students so get back to your seat now." Mariin niyang sabi.
Mahina akong tumawa saka hinaplos ang kanyang malambot na buhok. "Two days ago, you were kissing me in the library. Ngayon, bumalik ka na naman sa dati. What is wrong with you, babe?"
Hinawakan ko ang salamin niya at inalis ito. Marahas siyang bumuntong hininga. Bumakat ang ugat sa kanyang mga braso. Inagaw niya ang salamin sa akin pero kaagad kong itinaas ang kamay kong may hawak dito.
Tumayo siya at pilit inagaw ang salamin pero inilayo ko ang kamay ko. Napasinghap ako nang bigla na lamang siyang pumwesto sa gitna ng mga hita ko. Pumulupot ang isang braso niya sa bewang ko. Matalim ang tinging ipinupukol niya sa akin.
Napalunok ako nang matitigan ang mga mata niya. His deep-set hazel brown eyes looks really intimidating without his glasses.
Naramdaman ko na lang na marahas niyang binawi ang salamin sa akin. Galit niyang isinuot itong muli saka siya bumalik sa pagkakaupo.
I never thought I'd enjoy teasing someone like this. Now I'm the one who's getting into his nerves. I can feel it.
Bumaba ako ng mesa saka bumalik sa upuan ko. Nagsisimula pa lang ako, Pearce. Mahuhulog ka rin.
Halos dalawang oras na ako sa detention nang bumukas muli ang pinto at pumasok si Mom. Naningkit ang mga mata niya sa akin. Tumayo ako at humalukipkip nang makita siyang naglakad palapit sa akin.
"Hey, Mom? Thought you were--"
Natigil ang pagsasalita ko nang isang malakas na sampal ang dumampi sa aking pisngi. Matalim ko siyang tinignan. Bumabakat ang ugat sa kanyang leeg dahil sa matinding galit.
"Hindi ka na nahiya! Pati ba naman professor mo babastusin mo!" Dinuro-duro niya ang hintuturo niya sa sintido ko.
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilin ang sariling umiyak. I'm already numb. I promised myself nobody will see me cry again. Nobody. Kaya kahit na anong pagpapahiya pa ang ginagawa niya ngayon, hindi ko ibibigay sa kanya ang bagay na alam kong ikakasaya niya lang--ang makita akong umiyak.
"Tama na po, Mrs. Galliver." Malumanay ngunit may bakas ng awtoridad na sabi ng isang lalake.
Nabaling ang tingin ko sa kanya. Seryoso siyang nakatitig sa amin ni Mom. Tumayo siya at inalis ang kanyang salamin saka humalukipkip.
"Maybe Meiko should stay here a little while longer so she can think about what she did. Hurting your daughter won't change anything." Untag ni Pearce habang nakatitig kay Mom.
Natigilan si Mom sa narinig. Matalim siyang tumingin sa'kin. Nasapo niya ang kanyang noo. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. "Ang dapat sayo sa kulungan na dinadala. Walang-wala ka talaga sa kapatid mo. Wala ka nang ibang dinala sa pamilya kun'di kahihiyan at problema."
Tuluyang lumakad si Mom palabas na halatang galit na galit. Napabuntong hininga ako. Siguradong may part two mamaya ito sa bahay.
Tinignan ko si Pearce. Seryoso lamang din siyang nakatingin sa akin. Mayamaya'y umiling siyang tila nadidismaya saka muling naupo. "You'll stay here for another couple of hours." Untag niya ng hindi man lang ako tinitignan.
Padabog akong naupo at ihinilig ang ulo sa mga braso kong nakapatong sa mesa.
Lumipas ang isang oras at pinalabas na ang tatlong nauna sa akin. Nanatili akong nakahilig at nagkunwaring tulog nang lumakad si Pearce palapit sa mesang pinanggalingan ng isa sa mga lalake. Narinig ko ang pagtunog ng upuan na tila ibinalik sa ayos.
Akala ko ay babalik na siya sa pwesto niya nang maiayos na niya ang upuan pero naglakad siya patungo sa mesang katapat ng kinauupuan ko. Naupo siya sa mismong arm resr nito at humalukipkip.
"Do you wanna go home now?" Untag niya pero nanatili akong nakapikit.
"I don't have a home." Walang gana kong sabi saka ko ipinilig ang ulo ko sa kabilang direksyon. Wala ako sa mood ngayong makipag-asaran sa kanya.
A soft chuckle left his lips. "A home is where you feel safe, loved, and needed. It doesn't have to be a house nor a family. Sometimes, home is in somebody's arms."
Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. Inangat ko ang ulo ko at tinignan ko siya. Hindi niya suot ang salamin niya at hindi rin nakakunot ang kanyang noo. His eyes seems emotionless right now. Hindi ko mabasa ang iniisip niya.
Mapakla akong ngumiti. "Then I guess that makes me more homeless. I have relatives but not family. They all suck, and I don't have anyone I can call home."
Sandali siyang nanahimik na tila binabasa ang isip ko. Pinagmasdan niya lang ako gamit ang blangko niyang mga mata. Mayamaya'y isang ngisi ang lumandas sa kanyang labi. Bahagyang tumaas ang kanyang kilay.
"Then you should work hard more to find your home. Fate's not just gonna give something that precious to little bratts if it knows people like you can't take care of it yet." He murmured. Tumayo siya at lumakad patungo sa mesa sa harap. Dinampot niya ang kanyang libro at isinuot niyang muli ang salamin niya.
Pinagmasdan ko lang siyang maglakad patungo sa pinto. Bago siya tuluyang lumabas, muli niya akong sinulyapan. "You can go home now, little wolf." He mumbled before finally making his way out.