Chapter 2

1618 Words
Chapter • Two Dinampot ko ang susi ng kotse ko sa ibabaw ng side table saka ako lumabas ng kwarto. Palabas na ako ng bahay nang makita ako ni Dad. Nakaupo siya sa sala kasama si Alpha Rayver. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Muli siyang tumingin kay Alpha Rayver. "I'll just talk to my daughter, Alpha." Untag niya. Tumango si Alpha Rayver habang may matipid na ngiti. Muli akong tinignan ni Dad. Kunot na ang kanyang noo. Humalukipkip ako saka nagtaas ng kilay. Umigting ang panga ni Dad dahil sa ginawa ko. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko saka ako hinila papasok ng office niya. Walang gana akong naupo sa couch at hinintay ang sermong halos araw-araw ko nang naririnig. Hinilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha saka ako matamang tinignan. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo, Meiko. Just because you're nineteen doesn't mean you'll do stupid things more!" Bakas ang pagpipigil niyang sumigaw. Umirap ako at hindi kumibo. Marahas siyang nagpakawala ng buntong hininga. "Bakit ba hindi ka na lang gumaya sa ate Vera mo? Achiever, sumusunod sa batas ng pack, masunuring anak. Masyado bang mahirap 'yon, Meiko?" Ako naman ang napabuntong hininga. "Why can't you understand that I'm not Vera? I will never be her, Dad. Pabayaan niyo na lang ako." Inis kong sagot. Tumalim ang tingin sa akin ni dad. Umigting ang panga niya at lalong nagdilim ang ekspresyong nakaguhit sa kanyang mukha. "Sa oras na may gawin ka pang kalokohang ikakalagay ng pamilyang 'to sa kahihiyan, itatakwil na kita. Tandaan mo 'yan, Meiko!" Tuluyang tumaas ang boses ni Dad. Tinalikuran niya ako saka siya lumabas ng office. Napairap ako sa kawalan. As if I care? Ilang beses ko na bang narinig ang pambabantang 'yon? Dinampot ko ang bag ko saka ako lumabas. Dire-diretso ako sa main door at hindi na sila muling tinapunan ng tingin. Pagkasakay ko ng kotse ay ibinarurot ko ito paalis. Gumawa ng matinding ingay ang gulong ng sasakyan ko. Siguradong lalong nabwisit si Dad dahil do'n. Ipinark ko ang sasakyan ko sa tabi ng daan. Pinagmasdan ko muna ang sarili ko at siniguradong maayos ang itsura ko. Naghuhumiyaw ang pagkapula ng aking mga labi dahil sa lipstick. Sinuklay ko ng mga daliri ko ang aking buhok. Dinampot ko ang sling bag ko saka tuluyang lumabas. Pinasadahan ko ng tingin ang university. I'm sure he's here. Pareho kami ng school. Nakita ko ang logo ng suot niya  kagabi. Logo 'yon ng Science department. Malapit lang ang building nila sa department ko. Mukha namang hindi ako mahihirapang maghanap. Hindi naman gano'n kalaki ang Gildean University. Dumiretso ako sa registrar at nginitian ng matamis ang student assistant na naroon. "Hi!" I mumbled. Bahagyang namula ang pisngi niya. "M-miss M-meiko, ano pong maipaglilingkod ko?" Nauutal niyang sabi. Sandali ko siyang pinasadahan ng tingin. Isang salita ang pumasok sa isip ko. Totoy. Mukhang freshman pa lang ang isang 'to. Halatang lycan pero isang mahinang klase. Payat ang katawan at mukhang isang ubo na lang bibigay na ang baga. Muli akong ngumiti saka marahang tinapik ang kanyang balikat. "Would you be so kind and get me Pearce Rickfort's schedule?" Napalunok siya at bahagyang kumunot ang noo. "P-po?" Mahina akong tumawa. "Ang sabi ko, pwede mo bang ibigay sa'kin ang schedule ni Pearce Rickfort?" Inayos niya ang kanyang suot na salamin bago umiling. "Pero bawal ko pong gawin 'yon." Tumaas ang isang kilay ko pero pilit kong kinontrol ang sarili ko. Muli akong ngumiti saka hinaplos ang kanyang mukha. "Bakit? Ayaw mo bang makuha ang number ko, hmm? Bibigay ko sayo ang number ko kapag binigay mo sa'kin ang kailangan ko. Isa pa," Bahagya akong yumuko, making sure he'll see my boobs. "this is gonna be our little secret." I whispered in a teasing manner. Napalunok siya at namula ang pisngi. Mayamaya'y mahina siyang tumango at nagtipa sa computer. Napangiti ako nang maiprint na niya ang kailangan ko. Nang iabot niya sa akin ang papel ay kaagad ko itong ipinasok sa bag ko. Kinuha ko ang ballpen na nakaipit sa kanyang damit. Kinuha ko ang kamay niya at isinulat doon ang isang gawa-gawang number. Muli kong ibinalik ang ballpen sa kanyang damit saka ko siya kinindatan. "Thanks." Halos mapanganga siya nang makita ang ngiti ko. Nang tumalikod na ako para lumabas ay kaagad na nawala ang ngiting 'yon. Kinuha ko ang papel at pinasadahan ng tingin ang schedule. Napangisi ako. What a nerd. Naka-full load pala siya kahit na may trabaho siya sa army bilang delta. Tama nga ako. Political Science ang kinukuha niyang kurso and he's on his senior year samantalang ako sophomore pa lang sa business administration. Sinulyapan ko ang relos ko. It's his vacant time. Baka sakaling sa library ng department nila ko siya makita. Muli kong isinilid ang papel sa bag ko bago ako naglakad papunta ng library ng science department. Ilang naroon ang napatingin nang pumasok ako. Ang ilan ay ngumiti at kumaway pero may ilang tumaas ang kilay at umirap. Lumapit ako sa babaeng student assistant na nag-aayos ng ilang librong nagkalat sa mesa. Pilit akong ngumiti sa kanya. "Nandito ba si Pearce Rickfort?" Untag ko. Sandali siyang natulala. Kinurap-kurap niya pa ang mga mata niya na akala mo hindi makapaniwala. Nanlaki ang mga mata niya. "Miss Meiko!" Bulalas niya at natutop ang bibig. Itinuro niya ang sarili niya. "K-kinakausap niyo ako?" Bahagya akong natawa. "Do you see anybody else?" Sarkastiko kong sabi. Nagkamot siya ng ulo saka tumango-tango. "Sorry po. Nandoon po siya sa dulong shelf, sa ilang  constitution books." Untag niya. Lumawak ang ngiti ko. "Thank you." Tuluyan ko siyang tinalikuran at pinuntahan ko ang itinuro niyang shelf. Lumandas ang ngisi sa labi ko nang makita si Pearce na nakasandal sa pader. Sa isang kamay niya ay isang libro habang ang isa naman ay nakabaon sa kanyang pantalon. Seryoso lamang ang kanyang mukha habang nakatitig sa librong binabasa. Sa magkabila niyang tenga ay nakapasak ang kanyang earphones. Nakahalukipkip akong lumakad palapit sa kanya. Bigla ko na lamang dinampian ng halik ang kanyang pisngi nang makitang hindi niya napansin ang paglapit ko. Naningkit ang mga mata niya nang titigan ako. Kumunot ang kanyang noo at umigting ang kanyang panga. Muli niyang binaling ang tingin sa librong binabasa. "Get lost, Meiko. I'm not in the mood to play your little games." Mariin niyang sabi. Mahina akong humalakhak saka inalis ang earphone sa kanyang kanang tenga. "Come on, Pearce. You left me hanging last night. I can't get you out of my mind." Nakangisi kong sabi. Matalim niya akong tinignan. "Sorry, no more free tastes for you now go." Untag niya saka muling ibinaling ang tingin sa binabasa. Bahagyang tumaas ang kilay ko dahil sa narinig. May taglay talagang kayabangan 'tong isang 'to. Muli akong humakbang at ipinatong ang palad ko sa librong binabasa niya. Marahas siyang napabuntong hininga. "Could you please just get the hell out of here?" Bakas na ang iritasyon sa kanyang tono. Lumawak ang ngiti ko dahil sa nakikita. Hinablot ko ang libro mula sa kanyang kamay saka iyon ibinato sa sahig. Umigting ang panga niya dahil sa ginawa ko pero hindi ko siya pinansin. Ipinulupot ko ang mga braso ko sa kanyang leeg saka ko idiniin ang katawan ko sa kanya. Tumingkayad ako para magtama ang dulo ng aming mga ilong. Nakakatunaw ang matalim na tinging ipinupukol niya sa akin. Bahagya akong nakaramdam ng kakaiba pero kaagad kong kinontrol ang sarili ko. Lalo kong inilapit ang mukha ko sa kanya para halikan siya pero marahas niyang hinawakan ang mga braso ko para pigilin ako. "Stop. I don't want to play little bratt's games." Galit niyang sabi saka ako inilayo sa kanya. Tumaas ang kilay ko. "I'm not a bratt?!" Ngumisi siya saka itinupi ang kanyang matitipunong braso sa tapat ng kanyang dibdib. "You do stupid stuffs. Only bratts do that." Naningkit ang mga mata ko. "Why don't you come with me and I'll show you who you are calling bratt?" Mahina siyang tumawa saka umiling. Lumakad siya palapit sa librong itinapon ko sa sahig. Dinampot niya ito saka ibinalik sa shelf. "Hindi na kailangan. I already know what you are. You are nothing but a bratt who thinks she can have every man on Earth." Untag niya. Lalong tumaas ang kilay ko sa narinig. Humakbang ako palapit sa kanya at pwersahan siyang ipinaharap sa akin. Ngumisi ako nang idausdos ko ang palad ko sa kanyang dibdib. Napalunok ako nang maramdaman ang tigas nito. "You're right. I can have whoever I want, babe." I murmured in a teasing manner. Hinawakan niya ang kamay kong dumadausdos sa katawan niya. Matalim niya akong tinignan. "Well not me, Meiko." Napasinghap ako nang ikalso niya ang likod ko sa pader. Ang dalawa niyang kamay ay nakahawak sa aking mga balikat at tila pinipigil ang pagkilos ko. Bumilis bigla ang pagtibok ng puso ko nang ilapit niya ang kanyang mukha sa aking panga."You wanna know why I'm not dating anyone, hmm?" Bulong niya na tila may gustong ipahiwatig. Lumalim ang paghinga ko nang maramdaman ang kanyang mga labing marahas na hinahalikan ang aking panga pababa ng aking leeg. He's driving my sanity away. He's doing it in purpose and I hate myself for being so weak right now. Hindi ko man lang siya magawang pigilan kahit na alam kong ginagawa niya ito para asarin ako. Binitiwan ng isa niyang kamay ang isa kong balikat. Lalong nagwala ang dibdib ko nang maramdaman ang mainit niyang palad sa aking bewang. "You feel that, huh?" he whispered. "I don't date cause once girls experience this," humarap siya sa akin saka niya inalis ang suot niyang salamin. Napalunok ako nang matitigan ang maganda niyang mga mata. Tuluyan akong nawalan ng lakas nang hagkan niya ang mga labi ko. "they go crazy..." Bulong niya sa aking tenga nang maputol ang halik. Tuluyan niya akong binitiwan at nang imulat ko ang mga mata ko, wala na siya sa harap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD