Nasa tuktok na ng kalangitan ang buwan nang marating nila Four ang lugar sa mapa. Kasama niya sila Justin at Alfred, at sa likuran nila ay dalawampung ultra-special. Ang ilan sa kanila ay kagagaling lang mula sa pinsalang natamamo nila sa paglusob ni Sonic at ang iba naman ay hindi pa ganoon kasanay gumamit ng mga kakayahan nila. Ipinaiwan kasi ni Four ang malalakas at magagaling para protektahan sila Lisa at ang mga naiwan sa kanilang base. Maraming pinagdaanan ang grupo nila Four bago nila narating ang lugar, lalo na nang lumubog na ang araw. Pero salamat sa mga sasakyang ginawa nila Janine at Bong, napabilis ang paglalakbay nila at nagawa nilang malagpasan ang mga halimaw na lumusob sa kanila sa daan. Nakatulong din ang mga espesyal na ilaw na nakuha nila mula sa mga tangke ng Conque

