Halos kasisikat pa lang ng araw at kasisimula pa lang nila Lisa sa kani-kanilang mga trabaho. Marami pa silang kailangang kumpunihin sa lugar. Hindi sila maaaring magpakampante dahil hindi naman sila sigurado kung nakita nila Four ang hinahanap nilang lugar, o kung makakabalik pa ba sila. Iyon din kasi ang palaging nararamdaman ni Lisa tuwing may aalis siyang kasama. Kahit noong siya ang mag-isang umaalis para humanap ng pagkain ng mga kasama niya noon. Madalas niyang maramdaman na walang kasiguraduhan ang mga lakad niya. Hindi lingid sa kaalalaman ni Lisa ang lakas na taglay ni Four ngayon. Idagdag pa rito ang bumalik na mga alaala ng binata. At gamit ang lakas, talino at tapang ng isang Tyrant Four ay siguradong hindi ito basta-basta mapapabagsak o matatalo. Pero hindi pa rin sila pwed

