Chapter XLVII

1730 Words

Sa isang selda hinintay ni Four magising si Brix. Sa mga narinig niyang ulat tungkol sa nangyari, ay hindi niya maaaring hayaan si Brix na makasama ng karamihan. Marami ang nasaktan at nasugatan, at kung mauulit pa ang ginawa ni Brix ay maaaring malagasan na naman sila ng tauhan. Isa pa, kailangan na nilang umalis sa lalong madaling panahon at kung magwawala muli si Brix ay mauudlot pa ang mga plano niya. Nagising na rin si Lisa mula sa pagkakatulog. Nagtamo siya ng mga bali sa tadyang ngunit kinaya naman ng katawan niya ang pinsala. Hindi rin naman gaanong malalim ang tinamo niyang mga sugat. Masakit ang kanyang katawan ngunit kayang kaya naman na niyang kumilos gamit ang isang tungkod o saklay. Gusto ni Alden na magpahina muna ang dalaga, ngunit sadyang matigas ang ulo nito at ayaw maki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD