Maayos na nakarating sila Four sa tagong base ng Dragonica. Naging maaayos ang biyahe nila at wala silang nakalaban na mga halimaw sa daan. Isang bagay na ipinagpasalamat ng mga kasama ni Four dahil karamihan sa mga pasahero nila ay mga hindi pa nakakabawi mula sa mga pinsalang tinamo nila noong nakaraang labanan, at noong nagwala si Brix. Sinalubong sila ng mga pinagbantay ni Four sa lugar at kagaya ng iba, namangha ang mga bagong dating nakapakagandang base na iyon ng Dragonica. Para silang nakakita ng isang panibagong mundo sa loob ng lugar na iyon. Ang iba ay inihalintulad iyon sa isang malaking shopping mall. Samantalang ang iba naman ay sinabing katulad iyon ng isang modernong hotel. Kaagad na ipinababa ni Four ang mga sugatan at dinala sila sa kwarto kung saan sila payapang maka

