Isang araw bago ang malawakang pagsabog. Magdamag na nagtrabaho si Four sa kanyang opisina. Paulit-ulit niyang binasa ang mga report na natanggap niya mula sa kanyang mga tauhan na galing sa iba’t-ibang probinsya. Pero kahit anong gawin niya ay hindi niya mahagilap ang taong nagtraydor sa Dragonica at sa kanyang ama, si Nigel. Ni ang mga kapamilya nito ay bigla na lang nawala na parang mga bula. Gusto na niyang sukuan ang paghahanap kay Nigel, matagal na rin niya itong pinaghahahanap para makaganti. Pero hindi niya magawang burahin sa isipan niya ang galit. At bukod pa doon ay mas malalim pang dahilan kung bakit niya ito ipinahahanap. Umiinit na ang ulo ni Four sa ginagawa nang biglang makarinig siya ng mahinang katok mula sa labas ng kanyang opisina. “Narito na ako, Boss Four,” sabi

