Sunod-sunod ang naging pag-atake ng mga taong-lobo kay Sonic. Nagawa niyang mapatalsik ang iba, pero sa dami ng mga halimaw na pumaibabaw sa kanya ay hindi siya makapalag ng husto. Kakaiba rin ang mga taong- lobo. Makintab ang mahaba at itim na balahibo ng mga ito, kulay dilaw na mga mata at parang ginto ang mga pangil ng mga ito. Maging si Four ay nagulat sa nangyari, hindi niya alam kung saan nanggaling ang mga taong-lobong bigla na lang umatake. Kitang-kita ni Four kung paano bugbugin at pagkakagatin ng mga taong-lobo si Sonic. Kahit na napipinsala ni Sonic ang mga taong-lobo at tila wala itong epekto sa tila mga gutom na gutom na mga aso. Natigilan naman ang lahat nang marinig nila ang isang malakas na sigaw ng pagmamakaawa. Hinanap nila ang pinanggagalingan noon at mas natulala sila

