“Four. Nasaan si Lisa?” tanong ni Bong sa binatang abala sa pakikipag-usap sa iba na nagpakita ng kakaibang mga kakayahan. “Hindi ko alam,” malamig na sagot ni Four na hindi man lang tumingin sa dalawa. “Imposible namang mawala siya ng ganoon na lang! Hindi rin niya ugali ang umalis ng hindi nagpapaalam!” may inis na sabi muli ni Bong. Napatigil si Four sa ginagawa at napalingon siya kay Bong na nakakunot ang noo at tila inis na inis. “Sinisigawan mo ba ‘ko? Sinabi ko na. Hindi ko alam kung nasaan si Lisa. Kung gusto mo, hanapin mo siya! Hindi kita pipigilan!” “Talaga! Sinasabi ko nga ba na sana noon pa lang pinabayaan ka na namin! Walang utang na loob!” sabi ni Bong sabay talikod. Kaagad namang sumunod sa kanya si Alden. Hindi nagustuhan ni Four ang inasal ni Bong sa harapan niya. Na

