Tumigil ang lahat sa kani-kanilang mga pwesto nang marinig ang babala ng lalaki. Walang kumilos sa kanila at lahat sila ay itiunuon ang mga mata sa malaking grupo ng mga tao sa harapan nila. Makikita sa mukha ng mga taong nasasakupan ni Four ang takot at pag-aalala. Paano nga naman kasi nila matatalo ang mga taong ito, at ang tatlong tangke na kahit isang bala lang ang pakawalan ay siguradong kaya silang ibaon sa ilalim ng lupa. Tinignan ni Four ang kalangitan. Ilang oras na lang at malapit ng lumubog ang araw. Isa pang problema kapag may naligaw na halimaw sa lugar nila. Hindi alam ni Four kung ano ang dapat gawin. Sa tingin niya ay nasa lagpas isang daan ang nakapaligid sa kanila. Naniniwala siyang kaya niyang talunin ang mga kalaban sa kanyang harapan ng walang kahirap-hirap, pero hin

