Ininda ni Four ang mga sipa na tumama sa kanyang katawan. Bumakat sa katawan niya ang mga pag-atakeng iyon at ngayon ay hindi na niya magawang tumayo. Hindi rin siya makahinga ng maayos at parang may tumusok na kung ano sa baga niya. Napangiwi si Four habang tinitiis ang sakit na nararamdaman. Ayaw niyang magpakita ng kahit anong kahinaan sa kalaban. Ibinaling niya ang kanyang mga mata sa labanang nagaganap sa kaniyang harapan, at nakita niyang iilan na lang sa mga kasamahan niya ang nakatayo at lumalaban. Gumuho na rin ang ibang parte ng gusali at mukhang ilang sandali na lang ang itatagal ng labanang iyon. “Huwag kang mag-alala! Karamihan sa mga ‘yan buhay pa!” nakangising sabi ni Sonic habang nakatingin sa labanan. “Pagkatapos nito, gagawin din silang sundalo ni Boss Nigel. Gaganda ang

