KAYLA’S POV
“Oh shit.” Napa mura na lang siya sa pagmamadali palabas ng kanyang condo.
Kinuha niya na ang gucci bag na naka lagay sa table, dinoble niya na ang kilos niya para kaagad na maka- alis.
Tinali niya ang mahaba niyang buhok, hindi na siya nagkaroon pa ng oras para makapag ayus dahil na rin sa pagmamadali at late na siyang nagising.
Sinarado niya ang pinto ng makalabas siya, at habang ginagawa iyon. Sinisilip niya rin ang laman ng gucci bag, kung sakali may nakalimutan pa siya na hindi niya na kailangan pang mag pabalik-balik pa.
Habang sinisilip ang gamit niya sa loob, tumunog ang phone niya kaya’t wala siyang choice kundi sagutin kung sino man iyon at itigil muna ang pag hahalungkat niya sa gamit.
Tinignan niya ang caller, at matinis na lang siyang napa-mura na pasado alas nuwebe na ng umaga. “Hello po Mam Kayla, asan na po kayo?” Boses ng secretary niya iyon.
Abala siya sa pag kakalkal sa loob ng bag niya, para tingnan kung nilagay niya na ba lahat ng ilmportanteng bagay na kakailanganin niya mamaya. Lalong-lalo na ang files na dapat pirmahan ng importante niyang kliyente ngayon. “Kanina pa po naghihintay si Mr. Dominguez sa conference para sa 9:30 meeting niyo ngayon.” Napa mura na lang siya muli sa isipan dahil tinanghali na naman siyang nagising.
Ito lang ang pagkakataon, na hindi siya nagising sa alarm clock na si-net niya bago siya natulog kagabi at hindi niya talaga ugali na gumising na tanghali lalo’t may mga importante siyang mga meetings.
Ngayon lang talaga.
Kaasar talaga.
“Sige, sabihin mong papunta na ako diyan.” Hindi ko na hinintay pang maka sagot pa ang secretary ko, na pinutol ko na ang tawag.
Naroon naman sa gucci bag ko, ang mga kakailanganin ko kaya’t maayos na ang lahat.
Bago ihakbang ang aking paa paalis, napa lingon na lang ako sa katabing unit ko.
Room 326, ang unit ni Aris.
Ilang segundo akong napa-titig sa pintuan niyang naka sara, bago na ako nag patuloy sa pag lalakad.
Lakad-takbo na ang aking ginawa sa hallway, na naghahabol ng oras at sumakay na ako ng elevator papunta sa ground floor kung saan naka park ang aking sasakyan.
Habang pababa ang elevator, hindi na ako mapakali at magkandaugaga na pasilip-silip sa suot kung relo. Kahit man mag madali at bilisan ko man ang kilos ko papunta sa kompaniya, hindi rin naman magbabago na late na talaga ako.
Kulang na lang talaga takbuhin ko na palabas ng elevator, tinahak ko na papunta sa sasakyan ko na mabilis na paraan ng pag lalakad na animo’y hinahabol ko na ang oras.
Nang makarating na ako sa kotse ko, binuksan ko na iyon at napa tigil na lang ako sa familiar na boses na narinig ko.
“Hello, kailan ka ba makaka punta?” Hinanap ko kung saan nagmula ang boses at hindi kalayuan sa akin, natanaw ko na si Sheena.
Bihis na bihis na naman ito, kagaya ng dati sexy at maikli na mga kasuotan. “Kailangan ko talaga ng mag aayus, nasira ang cabinet ko.” Patuloy nito na kausap kung sino man sa kabilang linya.
Habang ang mata ko’y nakapako sa kanya, hindi ko rin malaman sa sarili ko kung bakit may hinahanap pa ako.
Hindi niya kasama si Aris?
Bigla akong naka ramdam ng pag hihinayang na hindi ko ito masilayan.
Asan kaya siya?
Shit.
Ano ba itong ginagawa ko?
Pinilig ko ang ulo ko, pilit na binubura sa utak ko ang nangyari.
Nasisiraan kana ba ng bait, Kayla?
Bakit hinahanap mo ang asunggot na iyon?
Huminga ako ng malalim at inis kong sinilid na ang bag ko sa loob ng sasakyan at pumasok na. Binuhay ko na ang makina ng sasakyan, pinatakbo na iyon ng mabilis na paulit-ulit na nag mumura sa aking isipan.
Kainis talaga.
STILL KAYLA’S POV
"Mam Kayla? Mam?" Pukaw na atensyon ng secretary na mabalik ako sa realidad.
Naka tayo ito sa harapan ko na may hawak na documento, hinihintay ang magiging sagot mula sa akin.
"Huh?" Umayos ako ng pag kaka-upp sa swivel chair na sapo-sapo pa rin ang mukha. "Sorry, ano nga ulit iyon?"
"Pinapaalala ko lang po sainyo Mam ang mga pipirmahan niyo," nilagay ang hawak nitong documento sa ibabaw ng desk ko.
Napa hawak na lang ako sa batok ko, ramdam ko ang pananakit bahagya ng ulo at pagod na rin sa dami kong nireview na mga paperworks.
“Okay lang po kayo Mam Kayla? Pansin ko ho, kasi nitong nagdaan na mga araw, wala po kayo sa mood na para bang may dinarama kayong sakit.” Pang uusisa na inoobserbahan nito ako.
“Masakit lang talaga ang ulo ko." Pag dadahilan ko na iyon naman talaga ang nararamdaman ko ngayon. Medyo inaantok na rin ng konti dahil pasado ala dos na ako ng madaling araw natapos ng ginawa kong report at sandamak-mak na ginagawa kaya’t siguro ako biglang nahilo.
“Gusto niyo ho bang ipag kuha ko kayo ng gamot?” Suhesyon na lang na iniling ko ang ulo ko para sabihin na huwag na.
“Huwag na, kailangan ko siguro mag pahangin saglit.” Sagot ko pa. Tinabi ko na muna ang paper-works na dala niya at mamaya na iyon titignan. Lalo lang talaga sumasakit ang ulo ko, kung ipagpipilit ko pa. “Ikaw na muna ang bahala dito, babalik din ako saglit,” tumayo na ako mariin para pumunta sa restroom saglit.
Tila lalo lang sumasakit ang ulo ko.
Kailangan ko na sigurong inuman ito ng gamot para mawala na.
Pilit akong nag lakad ng tuwid, at hindi pa man ako nakaka apat na hakbang na bigla na lang ako nahilo. Umikot ang paningin ko, mawawalan na ako ng balanse at mabuti na lang naagapan akong nahawakan ng secretary ko na matutumba sana.
“Mam Kayla. Mam.” Nag panic na ito at hindi alam ang gagawin, na naka- hawak ito sa kabila kong braso para alalayan lamang ako. Kumapit na rin ako sa kanya, na nawalan na ako ng lakas na hinihigop iyon na hindi ko maipaliwanag. “Huwag na muna ho kayo gumalaw Mam at magpahinga muna kayo saglit," inakay niya ako at hinawakan na ginaya ng maupo papunta sa couch.
Inalalayan niya ako hanggang mag lapat na lang ang likod ko sa malambot na couch, hindi ko na sinubukan pang muli na imulat ang mata ko dahil umiikot na talaga ang paningin ko.
What is happening to me?
Bakit bigla-bigla na lang ako nahilo?
“Dito lang po kayo Mam, ipag kukuha ko kayo ng maiinum," hindi na nito hinintay ang anumang sasabihin ko nang tumakbo na ito palabas ng aking Opisina, ilang segundo lumipas bumalik ito bitbit ang baso ng tubig at nilahad niya sa akin.
Kinuha ko ang baso, marahan na sinimsim, medyo nahimasmasan ako kahit konti.
"Maraming salamat," sabay abot ng baso na kina-lapag naman nito sa table.
“Okay kana po ba Mam? Kong gusto niyo, magpahinga muna kayo saglit. Panigurado nagkakasakit na kayo dahil sa puspusan niyo pong pag tra-trabaho, at na sstress na din ho kay—-" tinaas ko ang kamay para patigilin ito sa pag sasalita na lalo lamang sumasakit ang ulo ko.
"Okay lang ako," pilit akong ngumiti at sinandal ko ang likod ko sa couch.
Masasabi ko naman na hindi naman ako gaanong babad at puspusan na nagtatrabaho nitong nagdaang mga araw.
Kagabi lang dahil importante iyon.
Katunayan, hindi ko na nga natatapos at nagagawa ang dapat kong gawin sa kompaniya dahil bigla-bigla naman kaagad ako nawawala sa mood o di kaya, nababagot na hindi ko naman ugali.
Gusto ko na lang mag hilata o matulog na lang.
I don't know what's happening to me, pero nakaka bahala talaga.
“Ano pa po Mam ang gusto niyo? Kuhanan ko po kayo ng gamo——-“
“Huwag na, maraming salamat.” Matamlay na lang akong ngumiti sa kanya.
Nag pahinga muna ako saglit, binabawi ang lakas ko bago bumangon. Uminom na rin ako ng gamot sa sakit ng ulo at medyo okay-okay na ako tinapos ko na rin ang dapat kong tapusin na reports sa laptop.
Pinagalaw ko ang leeg ko, na medyo sumakit sa ilang oras nakatutok sa harapan ng laptop.
Inaayos ko na ang file ng mga paperworks sa table ng mag vibrate ang cellphone ko.
Kinuha ko ang phone para tignan, nag taka na lang ako na mag appear ang pangalan ni Lolo sa caller id.
Strange.
Bakit kaya siya tumawag?
Kahit nag tataka man, sa biglang pag tawag ni Lolo, kinuha ko ang phone at sinagot ang tawag. “Yes Lo.” Naka-tutok pa rin ang mata ko sa screen ng Laptop.
“Where are you? Do you have any plans today?”
“Here in my office, may tinatapos lang akong report. Wala naman akong plano ngayon, may ime-meet lang akong clients today kay Mr. Joaquin by 4pm in the afternoon.”
Tumingin ako sa wallclock sa office, ala una pa lang ng hapon at marami pa akong oras para tapusin ang ginagawa ko bago sa susunod kong meeting.
“Tumawag sa akin kanina ang secretary mo at sinabi na nahilo ka raw. Take the afternoon off and just get some rest.” Napa- hawak na lang ako sa batok, hindi na ako nagtataka na mabilis gumapang ang balita na makarating sa kanya ang bagay na iyon.
Marami siyang mata sa loob at labas ng kompaniya.
“Lo, hindi ako pwedeng umuwi at mag day off ngayon. I still have a lot of things to take care of, especially since I also have many meetings with clients today. I can’t reschedule the appointments anymore.” Giit ko pa. Hindi ko basta-basta maiwan-iwan ang mga gagawin ko lalo’t mga importante ang mga iyon.
“I’ll take care of your meetings and appointments for today. Umuwi kana at mag pahinga, ako na ang bahala roon.”
“Pero Lo.” Giit ko pa, na ayaw magpatalo.
“Sumunod kana lang sa akin, Kayla.” Medyo tumaas ng konti ang tono ng kanyang boses, na wala akong magawa kundi ang mag buntong-hininga na lang ng malalim.
*****
“Hello Claudine,” naglalakad na ako sa hallway, palabas ng kompaniya at sa kabilang kamay ko naman hawak ang gucci bag ko.
Matamlay akong ngumiti sa secretary at tinuon ko ang mata ko sa daan.
[Busy ka ba ngayon?]
“Nope, I’m taking this afternoon off. Bakit?” Kung siya talaga ang tatanungin ayaw niyang umuwi ngunit kapag nag tataas na ng tono ang kanyang Lolo, wala na siyang laban pa doon.
[That’s great! Tara kain tayo sa Chinese restaurant, it’s my treat na.] kahit hindi niya nakita ang kaibigan niya, abot langit na ang ngiti nito sa labi. [Oh, bakit iba ata ang boses mo ngayon? Huhulaan ko, kinukulit kana naman ni Aris ano?] rinig ko ang munting tawag niya sa kabilang linya.
Si Aris?
Ang asunggot na iyon?
Limang araw ko na siyang hindi nakikita.
Hindi na nangungulit, hindi na nabu-bwisit sa akin.
Matapos ang huli naming pag uusap, hindi ko na siya muli pang nakita pa. Siguro natauhan na sa mga sinabi ko sakanya kaya’t nahiya ng humarap sa akin. Mabuti naman iyon sa akin, para wala nag iistorbo ng buhay ko.
“Hindi, limang araw ko na hindi nakikita matapos kaming mag usap.” Saad ko pa. “Mabuti na iyon, para naman maging tahimik na rin ang buhay ko.”
[Ang harsh mo talaga kay Aris, ang bait-bait kaya ng taong iyon at ang sarap pa kasama. Palagi mo kasing pinag susungitan, bigyan mo kasi ng chance na makilala ang tao.] napa-buga na lang ako ng malalim sa sinabi niya.
Tsk, wala talaga siyang chance.
[Siya nga pala, maiba ako sasama ka mamaya? Mag kita na lang tayo sa dati nating tagpuan.]
“Siguro sa susunod na araw na lang Claudine, wala ako sa mood eh tyaka inaantok ako.” Aniya ko. Hindi niya kasi ramdam ang lumabas ngayong araw.
Ang gusto niya na lang ang mag hilata at matulog mag hapon, iyon ang gusto ng katawa niya.
[Na naman?] gulat at medyo may pag hihinayang sa tono nito. [Ganiyan na ganiyan rin ang rason mo sa akin no’ng isang araw at kahapon ng niyaya kita, keyso wala ka sa mood at inaantok! Ano ba naman Kayla, para kang buntis na nag lilihi ah.” Bigla na lang akong napa tigil sa sinabi ni Claudine.
Natigil ako sa pag iisip, something hits me na magbigay takot at nerbyos sa dibdib ko nang mapagtanto kong bakit ako nag kakaganito.
Hindi kaya?
Buntis ako?