Chapter 9

2962 Words
Chapter KAYLA’S POV Tumigil ng ilang segundo ang mundo ko, na ngayon magkadikit ang katawan namin ni Aris. Ang mainit niyang palad, naka hawak pa rin sa baywang kahit naka suot man ako ng damit at nanalaytay doon ang kuryente sa buong katawan ko. Napa-lunok ako ng mariin, tumitig sa mga mata niya ni Aris na puno ng lamlam samantala naman ang kamay ko, gumalaw ng konti at may nahawakan na matigas na bagay. Sandali, bakit matigas? Ano ba ito? Kinapa-kapa ko pa ulit, hindi ko mahulaan kong ano ba talaga iyon Napa-kurap ako ng mata na bumaba ang mata ko para alamin kung ano iyon. Dinapuan ako ng hiya na mapag tanto ko, kung saan ako naka hawak kundi sa matipono niyang dibdib. Pumula na parang kamatis ang pisngi ko, sa hiya na aking ginawa kaya’t parang napapasong-napa layo ako kay Aris. “Oh, bakit ka lumayo babes? Ayaw mo na bang humawak sa dibdib ko?” Sumilay ang pilyong tono sa labi ni Aris, iritadong lumingon sakanya. “It’s fine with me, as long na ikaw basta ang hahawak sa akin.” Uminit ang mag kabilang pisngi ko, hindi lang sa inis kundi sa ginawa ko. “Che!” Asik ko na lang sakanya. Pwede na bang bugbogin ang asunggot na ito? Kaasar! Naiinis na ako sa kanya. Tumalikod na ako sakanya at parang nag mamartsang padabog na nag lakad para iwan siya. Rinig ko ang pag tawa ni Aris na nang iinis, na lalo ko pang kina-bwisit ng todo. “Babe, saan ka pupunta? Ayaw mo na ba talagang humawak?” Rinig ko pang pahabol niyang tanong na sumunod na sa akin. Binilisan ko na ang hakbang ko palayo sakanya papunta sa sasakyan. “Babes!” Pag tawag niya na ilang beses pa, na ilang beses ko na siyang minumura sa isipan ko. Hinatid na ako ni Aris pabalik sa kompaiya, hindi na kami nag kibuan pang dalawa at nilibang ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana para hindi na talaga siya pansinin hanggang maka-alis na ako. Mabuti na rin talaga, hindi na ako kinulit at kinausap pa ni Aris sa buong byahe. Nag iingat siguro na baka hindi ko siya mapag sungitan muli. Ilang minuto ang lumipas, nakarating na kami sa tapat ng kompanya. Inalis ko na ang seatbelt, akmang aalis na sana ngunit nag salita muli si Aris. “Babes,” tumayo ang buhok ko sa batok na tawagin niya ako. Kung kukulitin mo naman ako, tama na paki-usap. “Dalhin mo na itong pasalubong ko muli sa’yo.” Inabot niya ang supot ng plastic. Kahit hindi na ako mag tanong, alam ko naman kung ano ang laman no’n kundi saging na naman. Diba, kakabigay niya pa lang sa akin ng saging? Bakit, binibigyan niya ako ulit? Kahit ayaw ko man kunin at tanggapin, kinuha ko na lang ang supot para maka alis at hindi niya na ako kulitin pa. Hindi na ako nag salita pa, lumabas na ako sasakyan at sinarado ko na ang pinto ng malakas palatandaan na naiinis pa rin ako. Hindi na lumabas si Aris kotse, naroon pa rin sa loob ng sasakyan at naka- hawak ang isa niyang kamay sa manibela samantala naman dumungaw sa akin sa labas. “Mauna na ako babes, bye! See you!” Ngumiti siya ng kay tamis at kumindat bago binuhay ang sasakyan at umalis na. Napa-awang na lang ako ng labi, habang sinusundan ang sasakyan niya hanggang kusa na iyon maka layo. Pumanhik na ako sa loob ng kompaniya at dire-diretso na akong tumunggo papasok sa Opisina ko. Kulang na lang itapon ko ang sarili kong maupo na lang sa swivel chair, mariin na mapa-pikit ng mata na maalala na naman ang nangyari kanina. Nag flashback sa isipan ko ang naka-ngiting si Aris, kumulo na naman ang dugo sa katawan ko na maalala ang pag mumukha ng lalaking iyon. “Kainis talaga siya!” Himutok ko ng mahina, nilagay sa ibabaw ng desk ang plastic na binigay niya. Bakit ba, dinala ko pa hanggang ngayon dito sa Opisina ko ang saging na binigay niya? Dapat tinapon ko na ito. Sapo-sapo ko ang mukha ko hanggang narinig ko na lang ang mahinang pag katok sa pintuan. “Yes, come in.” Bumukas ang pintuan at kasunod ang yabag ng paa na familiar na pumasok sa Opisina ko. Ang yabag ng paa piniling huminto sa tapat ng desk ko. “Mam Kayla ito na po iyong files na hini-hinggi niyo sa akin kanina.” Mainggat na nilagay ng secretary ko ang documento na kanina ko pa sa kanya hinihinggi. Imbes na umalis, na wala na akong ipag uutos pa. Nag taka na lang ako, nananatili pa siya roon nakatayo at nababasa ko sa mukha niya na may gusto siyang sabihin pa. “Yes? May kailangan ka pa ba?” Wala na akong panahon pa mag paligoy-ligoy. Kay Aris pa lang quota na ako kaagad, “Sino po iyong kasama niyo kanina na lalaki Mam?” Tumaas ang kilay ko, kahit hindi niya ipunto kung saan papunta alam ko naman si Aris ang tinutukoy niya. Sa galaw at ngiti niyang parang nahihiya, nakuha ko kaagad na may interes siya sa asunggot na iyon. Aba! Ang lakas din naman ang charisma ng lalaking iyon. Lahat nalang ng babae, nagkaka-interest sakanya. “Ang gwapo niyo po kasi Mam Kayla. Wala pa po ba siyang nobya?” Ang loka-loka, nag blush pa. I don’t know why I just suddenly got irritated. “Nagawa mo na ba ang pinapatapos ko sa’yong report?” “Ahh hindi pa po Mam.” Medyo kabado at guilty na hindi niya pa nagagawa ang hinihinggi ko sakanya. “Hindi pa pala eh. Ano pang tinatayo mo diyan? Tapusin mo na. I need those reports by the end of this day! Hindi ka makaka-uwi hangga’t hindi mo iyon binibigay sa akin ngayon!”My tone of voice changed — that kind of tone that would make anyone scared. Bigla siyang pinag pawisan ng malamig, na biglang naging iba ang awra na pakikitungo ko sakanya. “Opo Mam, tatapusin ko na po ngayon. Sige po.” Nag mamadali ng lumabas ang secretary ko at sunod ko narinig ang pag sarado ng pintuan hudyat naka alis na ito. STILL KAYLA’S POV “How was your meeting with Mr. Tan yesterday?” Napa-angat ako ng tingin na mag salita si Lolo. Pagkatapos ng mahabang araw na makipag meeting sa iba’t-ibang clients at trabaho na rin sa kompaniya, nag kita kaming dalawa sa Jerry’s Restaurant para kumain ng dinner. Medyo matagal-tagal na rin namin hindi nagagawa ang mag bonding at mag usap sa simpleng dinner lang. Dahil na rin naging busy ako this past few days sa trabaho, hindi ko na rin naman nabibisita pa si Lolo dahil malimit lang siya pumunta sa kompaniya. “Maayos naman ang pag uusap naming dalawa. Nagustuhan niya iyong presentation ko at baka sa susunod mag proceed na kami sa contact signing.” Napa-tango lang si Lolo, na pinag mamasdan ko siyang kumain. “Okay, may balita kana ba kay Mr. Lopez? Nabalitaan kong, pupunta siya dito sa Pilipinas next week.” Si Mr. Lopez, ang matandang Half American-German na matagal na namin na kinukuha na mag invest sa kompaniya. “Nag kausap na kami kanina, nag bigay na rin ako ng proposal. Sinisikap kong makuha rin si Mr. Lopez.” “That’s good then. Maganda rin na makuha natin si Mr. Lopez dahil marami siyang mga connection at madali na para sa atin kapag napapayag mo siya.” “Dont worry about it Lo, makukuha natin siya. Ginala ko ang tingin sa loob ng restaurant, medyo marami-rami rin ang kumakain sa loob dahil nga weekends. Ang ambiance ng lugar at soft music na pinapatugtog sa restaurant, na mag bigay gaan na lang sa pakiramdam ko. “Naikwento sa akin ni Yaya Medil, na nahilo ka raw kanina. Ano bang nangyari Lolo?” Hindi ko maiwasan na mag alaala na tumawag si Yaya Medil kanina, na nahilo raw si Lolo after visiting the site. “Napagod lang siguro ako kakaasikaso ng iba natin na negosyo. Pinuntahan ko rin ang isang warehouse, dahil meron na problema at kailangan na tignan ko iyon.” Binaba ko ang hawak kong kubyertos at tumingin sakanya. Hindi ko maiwasan na hindi mag alala sakanya, ng tumawag si Yaya Medil at ibalita na ganun nga ang nangyari kay Lolo. “Sinabi ko na sainyo Lo, na hayaan niyo na akong gumawa ng lahat ng trabaho at pati na rin sa kompaniya. Ako na ang bahala doon.” I insist. Iyan naman parati ang sinasabi ko sa kanya, na hindi na siya mag pakapagod pa at mag pahingga na lang pero nag mamatigas pa rin at sinusuway ako. “Hindi niyo rin maiwasan na mag alala ako sa kalagayan niyo lalo’t na’t hindi ko kayo nakakasama. Hayaan niyo na kasi akong bumalik sa Mansyon para katutukan na mabantayan ko kayo lagi.” Kinuha ni Lolo ang water goblet at uminom, bago niya ako sinagot. “Okay lang talaga ako Kayla, kayang-kaya ko ang sarili ko.” Bumuntong-hiningga ako ng malalim. Hindi talaga siya nakikinig sa akin. “Nandiyan naman si Medil at ibang tauhan natin na kasama ko, kayang-kaya na na nila na gawin ang trabaho nila na bantayan at alagaan ako.” Hindi na lang ako kumibo, naroon ang pag hihinayang. Really? Kahit anong sabihin at pangungumbinsi ko, hindi niya pa rin ako hinahayaan na makabalik sa Mansyon. “I know you’re worried, Kayla, but I’m really fine. For now, please just focus on the company and the rest of our ventures.” Hindi na lang ako kumibo pa at binalik ko na muli ang pag tapos ng kinakain ko. Matapos ng ilang segundong katahimikan sa panig naming dalawa, binasag muli ni Lolo ang katahimikan. “Kumusta na pala ang pinapagawa ko sa’yo, nagawa mo na ba?” Here we go again. Hindi na ako nagulat pa, dahil doon naman talaga babagsak ang pag uusap naming ngayon dalawa. “Im working on it Lo.” Iyan na lang ang sinagot ko. Hindi ko naman diretso na sabihin sa kanya, na nakipag s*x ako kay Aris para lang mabigyan ko lang siya ng Apo. Kilala ko si Lolo, hindi siya papayag na ganun. Mas maganda rin na sabihin ko sakanya kapag nag tagumpay na buntis na ako. “Kung hindi ka pa naka hanap, pwede kitang tulungan. May mga kakilala akong kasusyo natin sa negosyo, na interesado sa’yo. Pwede ko kayong iset na date para magkakilala kayo.” Hindi ko mapigilan na kilabutan sa sinabi ni Lolo. Ang mga business partners niya na kasing edad niya na at matatanda sa akin? Iniisip ko pa lang na ganun, it’s give me chills. Malaki na ang agwat ng edad nila sa akin, na para ko na silang mga Lolo. “Lo, sinabi ko na sa’yo noon. Hindi ako interesado sa kanila at malayo na ang agwat ng edad namin na para ko na silang Lolo.” Iniling ko ang ulo ko. “Kung ayaw mo ng mas matanda sa’yo. Mayron pa akong i susuggest, tiyak na magugustuhan mo dahil mag kasing edad lang kayo.” Kumunot lang ang noo ko. Sa tono ng panaalita niya, pinamimigay niya na ako kung sino-sino para lang sa gusto niya. “Do you remember Carlo Gomez? Anak ni Mr. Sebastian Gomez, ang panganay niyang lalaki matagal na siyang interesado sa’yo. Pwede ko siyang tawagan, kung interesado ka sakanya.” Hindi na maipinta ang mukha ko sa sinabi ni Lolo. Ah, that Carlo Gomez. Ang lalaking hambog, mataas ang tingin sa sarili at ilang beses na nasasali na mga scandal na kung sino-sinong babae ang kasama. Kilalang playboy, madaling mag sawa sa mga babaeng at mapanakit. Siguro tatlong beses ko lang siya nakita, no’ng minsan ka meeting ko ang Ama niya na si Mr. Sebastian Gomez. No’ng araw na una ko siyang nakita, nag simula na siya mag padala ng mga gifts, flowers at mga expensive na mga gamit. Siguro ginagamit niya iyon para masilaw lang ang mga babae na mag kagusto sakanya. Unlike me, hindi ako nadala sa mga bulok niyang mga gimik. After ilang days na pag kuha niya ng loob ko, kusa na rin sumuko ang loko at hindi na muling nag paramdam. “Marami na akong naririnig na rumors about him, Lo. He’s a playboy at araw-araw iba-ibang babae ang kasama niya. Mga ganun na lalaki para sa akin, hindi iyon papasa!” “Rumors lang iyon, malay mo nag bago nag bago na ang tao.” I rolled my eyes. Mga ganung klaseng tao, hindi na iyon mag babago. Dikit na iyon sa katawan nila. Kapag playboy-playboy na talaga. Period. Hindi na ako kumibo pa, natapos ang dinner namin ni Lolo ng matiwasay na pag uusap hanggang hinatid ko na siya palabas ng restaurant. Naka abang na doon ang itim na sasakyan at pag katapos nag paalam na rin ako sakanya. Nang makaalis na si Lolo, sumakay na rin ako sa kotse ko na naka park sa labas at tinahak na ang daan pauwi. Habang nag mamaneho, ramdam ko na ang matinding pagod at pinag halong antok sa buong araw. Ilang minuto na pag babaybay, naka uwi na rin ako pasado mag alas nuwebe na ng gabi. Pinagalaw ko na ang leeg ko, at kinuha ko na rin sa sasakyan ang iba kong mga gamit. Habang kinukuha ko na iyon sa loob, natigilan na lang ako na marinig ang nakaka- rindi at familiar na boses ng isang babae. “Sandali, lang Baby Aris!” Matagumpay kong nakuha ang files sa sasakyan, at una ko kaagad nakita si Sheena. Sobrang ikli ng suot niyang damit at naka sleeveless lang na lumantad ang malaking hinaharap. Naririnig ko rin ang tunog ng yabag niya na suot ang mataas na takong. Kahit malayo at hindi ko masyado nakita ang buong mukha niya, kilalang-kilala ko ito kahit naka pikit siguro ang mga mata ko. “Sandali lang kasi!” Nag papa- cute na boses nito at binilisan niya pa ang lakad niya na para bang may hinahabol. Sinusundan ko lang siya ng mata na pinapanuod hanggang matigilan na lang ako na maabutan niya ang isang lalaki na medyo malayo na ang distansiya sakanya. “Hintayin mo naman ako Aris!” Hagikhik pa itong napatawa na maabutan niya si Aris at parang linta na yumakap ito sa braso ng binata. Tila ba’y nagulat si Aris sa pag dikit sakanya, inaalis ang kamay neto na yakap sakanya ngunit bumabalik ito muli na yumakap ng mas mahigpit na ayaw bumitaw. “Ikaw talaga, nakaka- tampo kana. Kanina pa kita tinatawag, hindi mo ako pinapansin.” May pag tatampo sa tono na walang kibo lang si Aris at rinig ko ang munting tawa ni Sheena. Pinapanuod ko sila na mag lakad hanggang mawala sa paningin ko at hindi ko na namalayan naka kuyom na ang kamao ko. Kainis talaga silang dalawa. STILL KAYLA’S POV Nang maka rating ako sa unit ko, halos itapon ko na ang sarili ko sa couch. Pinikit ko muna sandali ang mata ko para ipag pahingga ang sarili ko, doon ko naramdaman ang matinding pagod sa mag hapon sa trabaho na gusto ko matulog na. Hindi pa naman ako mag sasampung minuto na naka hilata sa couch, at napa mulat ako ng mata ng marinig na nag doorbell. Nandito na naman ang asunggot na ito? Huwag mong pansinin Kayla, huwag mong pansinin. Pag papasunod ko na lang sa sarili ko, dahil alam kong mangungulit lang ito. Pilit ko man hindi pansinin ngunit paulit-ulit lang nag do-doorbell ito sa pinto na mag pairita na lang sa akin. Ano ba? Ano bang kailangan niya na naman? Hindi ko na namalayan na tumunggo na ako sa may pintuan at pag buksan siya ng pinto. “What?” Pasinghal na asik ko. Kaasar, bakit ba parati siyang nangugulo sa akin? “Hello babes,” presko niyang pag bati na makita ko ang maputi at pantay-pantay niyang mga ngipin. Bakit, ba parating naka ngiti ang isang ito? “Na istorbo ba kita babes?” Ano sa tingin mo? Inirapan ko na lang siya at naiinip, na bumalik na muli sa loob. “May dala ako ulit sa’yong saging.” Bumaba ang mata kong tumitig sa kamay niyang may hawak na saging. May sa unggoy ba ang lalaking ito, at parating may dala laging saging? At anong pakialam ko sa bagay na iyon? Umismid na lang ako, na naka taas pa ang kilay kong isa parang bundok na kataas. “Kung hindi ka pa kumakain, tara labas tayo. May alam akong masarap na kainan na tiyak na magugustuhan mo.” Hindi na maalis ang matamis na ngiti sa kanyang labi. Ang ngiti niya, lalo lang akong naririndi na maalala ang nangyari na mag kasama silang dalawa ni Sheena kanina sa parking lot. “Hindi ibig sabihin na pinag bigyan kita na makasama na kumain noon, close na tayo!” Asik ko na lang na mawala ang matamis na ngiti at sigla niya. “Sana huwag mong bigyan ng ibang malisya ang pinapakita ko sa’yo Aris at matuto kang lumugar kung hanggang saan ka lang sa kasunduan natin. At pwede ba? Huwag mo na akong kukulitin pa!” “Ah, okay babes sige.” Medyo lumamlam ang mata niya. “Pasensiya na kung nakukulitan kana sa akin. Sige, una na ako.” Bumagsak ang balikat niya, tila ba’y nabahiran ng lungkot ang mga mata niya. Matamlay na tumalikod na si Aris, at pabagsak kong sinarhan ang pintuan ng unit ko. Ilang segundo akong natigilan, at naalala ko ang tamlay at lungkot sa kanyang mga mata. Bakit sa isang parte ng puso ko, nakonsensiya ako ng konti? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ugh. Kainis talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD