Chapter 8

4113 Words
Chapter 8 KAYLA’S POV “Paano kung ayaw ko babes?” Tumama ang mainit niyang hiningga sa balat ko, na mapa-lunok ako na maamo’y ang mabango niyang hininga. Ang pag titig niya tila ba’y nag aakit iyon na hini-hypnotismo ako. “Kung ayaw mo, pwede naman ata natin gawin na ngayon dito sa Opisina mo?” Umangat ang gilid ng labi niya at may pahiwatig. Shit. Kainis. Luminga ako sa kaliwa’t-kanan ko humahanap ng tyempo na maka alis ngunit wala ba talaga akong takas. Paano na ito? Unti-unting nilapit ni Aris ang sarili niya sa akin, na mag panic na ako. Bago pa mailapit ni Aris ang mukha niya, buong lakas kong inapakan siya sa paa. Sakto naman bumaon ang takong ng suot kong mataas na sandals sa paa na mapa sigaw na lang siya ng malakas. “Ahh! Damn it! Aray!” Hiyaw niya na hinawakan ang paa na inapakan ko at hindi na maipinta ang mukha niya na namimilipit na ito sa sakit. Napalayo naman si Aris sa akin ng konti, kaya doon ako nag karoon ng pag kakataon na maka layo. “Ang sakit! s**t! Ugh!” Patuloy niyag pagmumura na hinawan ang paa ko. Aba, dapat lang iyon sa kanya. Wala pa rin siyang tigil na napa daing at mura ng mahina. “Umalis kana Aris dahil hindi lang iyan ang makukuha mo sa akin!” Banta ko pa. Aba, pasalamat siya at iyan lang ang nakuha niya sa akin. Pikit-mata na tumingin si Aris, na namamaluktot pa rin, mukhang napasama ang pag apak ko roon. “Hindi ko na uulitin pa ang sasabihin ko sa’yo! Umalis kana, at huwag mo na akong guguluhin p——-“ bago ko pa na kumulo ang tyan ko sa gutom. Pikit-mata akong humingga ng malalim. Hindi lang sa simpleng pag kulo no’n kundi may sounds pa na alam ko sa sarili kong, narinig iyon ni Aris. Kahit hirap pa, umayos ng tindig si Aris at hindi ako naka- ligtas sa makahulugang tingin na may ipahiwatig na narinig niya ang pag kalam ng sikmura ko. Iyan na nga ba ang sinasabi. “Oh, bakit?” Pag tataray ko pa. “Nagututom ka, no?” “Hindi ah, guni-guni mo lang iyon.” Pa gigiit ko pa. Bakit ba kasi, nag sabay pa ngayon ang gutom ko? Kainis talaga. “Pwede ba, umalis kana nga! Naalibadbaran akong makita ang pag mumukha mo.” “Anong guni-guni babes? Rinig na rinig ko ko ang pag kalam ng sikmura mo.” Anito “Sinabi rin sa akin ng secretary mo kanina, na hindi ka pa kumakain ng tanghalian. Masama na nagpapalipas ka parati na kumain. Halika na, kakain tayo.” Kainis. Kailangan pa talaga na alamin niya pa iyon sa secretary ko? Bakit ba, napaka daldal ng lalaking ito? Nakukuha niya talaga ang inis ko parati. “Kakain tayo sa labas, libre ko na.” “At, bakit mo naman naisip na sasama ako sa’yo?” Pag cross-arms ko na lang. Ang kapal ng mukha niya na isipin, na sasama ako basta-basta kapag sinabi niya. “Hindi ako nagugutom at hindi ako kakain, ang gusto ko umalis kana!” “Kung hindi ka sasama sa akin, hindi ako aalis rito.” What the? Tinatakot niya na ako ngayon? “Oh, baka gusto mo lang talaga babes, na nandito ako mag hapon sa Opisina mo at nakikita ako parati kaya’t ayaw mong sumunod sa akin?” Pag-iinis lalo nito sa akin. “Ang kapal talaga ng pagmumukha mo.” “Halika na, kakain tayo ng lunch.” Aya niya na tumalikod na siya palabas ng Opisina. Maka- tatlong hakbang na si Aris, napansin siguro neto na hindi ako naka sunod sa kanya kaya’t nilingon niya ako muli. Tinaasan ko pa siya ng kilay, na pahiwatig na hindi ako gagalaw sa kina-tatayuan ko at sasama sa kaniya. “Hindi ka susunod babes?” “Hindi! Ayaw ko!” Aba, hindi niya ako kayang takutin! Gagawin ko ang gusto ko na walang mag kokontrol at mag didikta sa akin! “Oh baka gusto mong buhatin kita babes? Maganda nga iyon para romantic at na makita ng mga lahat ng tao kung gaano ako ka sweet sa’yo!” Mga mabulaklak niyang sasabihin na takot naman ako bigla, na tangka niya talaga siyang lalapit at totohanin ang sinabi niya. Kaasar. “Ito na, susunod na.” Labag sa loob kung tinig at iritadong naglakad pasunod sa kanya, na kina lawak naman ng ngisi niya. Wala akong choice, at baka totohanin niya pa ang banta na buhatin iyon! Mabuti na siguro ito ang pag bigyan siya na kumain, para umalis na siya at hindi na siya mangulit pa sa akin. Nauna na si Aris mag lakad, samantala naman ako naka sunod sa likuran niya na bagsak ang balikat. Hindi naman ako sobrang lapit na didikit sa kanya, kundi may distansya naman ng konti. Labag sa kalooban kong sumunod sa kanya, na kusa pang napatayo ang secretary ko sa station niya na makita niya kaming mag kasama na lumabas ni Aris sa Opisina ko. Hindi pa rin makapaniwala ang mukha ng secretary ko, na sinusundan na lang kami ng tingin na dalawa hanggang tuluyan ng maka lampas sakanya.. Tahimik lang akong naka sunod kay Aris hanggang pumasok na kami sa loob ng Elevator, sakto may isang lalaki doon tantya ko ibang department siya naka assign na nag tra-trabaho at pabor na iyon sa akin dahil maluwag naman ang loob ng elevator. Pinili kong mag pwesto sa pinaka likod at malayo kay Aris samantala naman siya may distansya rin sa akin at pinindot na niya ang first floor button kung saan kami bababa. Sumara na ang pinto ng elevator hanggang tatlong floor lang ang binaba ng bumukas iyon ulit, at naghihintay na ang ilang empleyado na papasok. Nanlaki na lang ang mata ko sa sunod na nangyari na, pumasok na sa loob ng elevator ang lampas limang katao, na nakipag siksikan na pumasok sa loob ng elevator. Ang ilan pa sakanila, binunggo pa ako para lang mag kasya kaya’t napa atras lang ako nang atras hanggang mapunta na ako sa pinaka dulo at sumampa na lang ang likod ko sa malamig na pader ng elevator. Bago pa bumunggo ang mga tao sa akin, na kusa na si Aris na humarang na humarap sa akin at sinandal niya ang isa niyang kamay sa pader ng elevator para hindi lang ako maipit ng mga taong nagsisiksikan na sa loob. Ngumisi na lang si Aris sa akin, na ngayon na mag kadikit na ang katawan namin sa isa’t-isa. Hindi ako maka galaw at maitulak siya palayo sa akin lalo’t na’t nag sisiksikan na sa loob. Napa lunok na lang ako ng mariin ng laway sabay iwas ng tingin, iniiwasan mag karoon ng eye contact sa kanya lalo na ilang dangkal na layo ng mukha namin sa isa’t-isa. Paano ba kasi ito? Paano ko siya iiwasan na tignan kung mag ganito ang posisyon namin? Hindi rin ako komportable sa posisyon namin dalawa at wala rin akong choice, kundi dumikit ang katawan namin ng ilang segundo. Binubunggo si Aris ng mga taong nagsisiksikan at gumagalaw sa loob, at napa hawak siya ng madiin sa pader muli, sinisiguro niyang hindi ako malalapitan ng mga ito at mabubunggo nila. Napa-lunok ng laway si Aris, kitang-kita ko kung paano gumalaw ang adams apple niya. Medyo pasilip ko siyang tinignan, matangos ang ilong, perpektong panga at higit sa lahat ibang charisma nito. Tumagal ng ilang segundo na ganun na posisyon na magkadikit ang katawan namin at iyon na ata ang pinaka matagal na sandali na naranasan ko. Bumukas na ang pinto ng elevator at isa-isa ng nag silabasan ang mga tao sa loob, na maka hingga na ako ng maluwag. Si Aris na ang unang lumayo sa akin at umayos na ako ng tindig. Kami na lang na dalawa ang naiwan sa loob ng elevator, na may distansya na si Aris. Hindi na kami nag kibuan na dalawa na para bang hindi namin kilalala ang isa’t-isa. Ilang floor pa ang dinaanan namin bago kami tuluyan makarating sa first floor at lumabas na mag kasama. Nauna na akong mag lakad papunta sa Cafeteria para kumain ng lunch. Hindi naman ako maarte sa pagkain, siguro tama lang siguro na dito na kami kumain at hindi na lumayo pa. Nilakihan ko na ang bawat hakbang ko na para bang hinahabol, hinahabol na talaga ako ng gutom na kanina ko pa nararamdaman. Pag karating namin sa Cafeteria, konti na rin ang mga kumakain roon at marami pa naman na bakanteng pwede mong pag pwestuhan. Lumapit kung saan naka display ang mga pag kain, para pumili ng makakain. Napa ngiwi na lang muli ako na hindi ko magustuhan ang mga pag kain na available doon. Ito lang? Wala ng iba? Bigla naman akong nalungkot bigla, na wala naman akong nagustuhan kahit ni isa na gusto kong kainin. I mean, kumakain naman ako ng mga sine-serve doon na mga pagkain ngunit hindi lang talaga iyon ang gusto ko. May ibang hinahanap ang bibig ko. “Bakit babes, may problema ba?” Lumapit si Aris sa akin, nang mapansin na nakatitig lang ako sa mga pagkain na naka display doon. “Sa iba na lang tayo kakain.” Tumalikod na ako at dire-diretso nang nag lakad para pumunta sa ground floor kung saan naka park ang sasakyan ko. Doon nalang ako kakain sa chinese restaurant, iyon ang hinahanap ng sikmura ko ngayon. Pupunta na sana kami sa ground floor ngunit lumihis na nag lakad si Aris papunta sa mismong entrance ng kompaniya. Ano ba ang ginagawa ng lalaking ito? Saan siya pupunta? Kahit nag tataka at naguguluhan wala rin naman akong choice kundi ang sumunod sakanya. “Where are we going? My car is parked on the ground floor and that’s what we’ll use.” Sumakit na ang paa ko sa mataas na takong na suot ko, pababa ako ng hagyan at hinahabol siya sa paglalakad. Ugh. Kainis talaga. “Ano na Aris, nakikinig ka ba sa akin?” Pagalit na ang tono ko hanggang tumigil na si Aris sa tapat ng isang grey old car, na naka park sa gilid ng kompaniya. Pinaningkitan ko si Aris ng mata, kahit hindi siya kumibo ko ang tumatakbo sa utak niya ngayon. Oh no, hell no! Huwag niyang i-expect na sasakay ako sa kotse na iyan! “Halika na babes.” Aya niya at binuksan niya ang pinto ng sasakyan sa driver seat. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko, nagdadalawang isip, na sumunod sa kanya. “Is it safe to ride in that? Let’s just use my car instead.” Nakaka duda at baka bigla na lang bumigay ang sasakyan niya. Yea, old model at medyo luma na nga ang kotse niya but hindi ako sure kung maayos pa ba iyon. Baka mamaya bigla na lang iyon, mawalan ng preno at tumirik nalag kapag sumakay na ako diyan. Hindi ako sasakay diyan, never talaga. Hindi naman sa jinu-judge ko ang sasakyan ni Aris pero iniisip ko pa rin naman ang safety ko. “Oo naman babes, safe na safe ka dito.” Tinapik niya pa ang sasakyan niya para i make-sure lang sa akin na magiging maayos at ligtas ako kapag sumakay ako, which is nag aalangan ako. “Halika na, saan ba gusto mong kumain?” Aya niya at sumakay na siya sa loob, na kina pikit na lang ng mata ko sa inis. “No, hindi ako sasakay diyan. Iyong sasakyan ko na lang ang gamitin natin.” I insist. “Paano ba iyan babes, nakasakay na ako dito.” Kina galaiti ko naman sa galit. Kumalma ka lang Kayla, kalma lang. “Babes, halika na baka maipit tayo sa traffic.” Hirit niya pa. Tumingin ako sa kanya na may pag tutol at labag sa loob bago ko kinilos ang sarili kong sumunod sa kanya. Bwisit talaga. Masama ang loob ko, na tumabi sakaya sa front seat at nag cross-arms na lang ako, na hindi nagugustuhan na hindi sasakyan ko ang gagamitin ko. “Babes, seat belt.” Paalala ni Aris at napa- buga na lang ako ng malalim na kinabit ang seatbelt. “Okay na ba?” Ngumisi lang siya at binuhay niya na ang makina ng sasakyan at umandar na iyon. Binabaybay na namin ang kalsada, na hindi nag kikibuan na dalawa. Nililibang ko na lang ang sarili ko, pinapanuod ang mga sasakyan at madaanan namin. Masama pa rin ang loob ko, na hindi ang sasakyan ko ang ginamit namin. Ugh. Matapos ng ilang minuto na katahimikan, binasag ni Aris na mag tanong ito. “Saan ba gusto mong kumain babes?” Tanong niya na lang. “Sa Grenwelt Chinese Food, doon ko gustong kumain.” Napa tango na lang si Aris mukhang alam niya na kung saan iyon. Ilang minuto pa, naroon na kami sa restaurant, wala na akong pinalampas na pagkakataon na lumabas na ng sasakyan dahil kanina pa talaga ako nagugutom. Katabi ng Chinese restaurant ang mga commercial building, kagaya ng Car Shop at kung ano-ano pa at may mga distansiya rin ang kalayuan ng bawat store dito. Pagpasok ko sa restaurant, sinalubong naman kami ng waitress at matamis na ngiti sa labi. “Hello Mam and Sir, good afternoon welcome to Grenwelt Chinese Restaurant, do you have any reservations?” “No, do you have any available seats for two people?” “Sorry ma’am, we don’t have a table for two available at the moment. The restaurant is full right now.” Tumingin ako sa paligid medyo punuan nga talaga ang restaurant ng mga kumakain ngayon.
“It’ll be about a 45-minute wait for the next available table.” Ano? 45 minutes? Ganun katagal ang hihintayin ko bago makapasok at makakain? Hindi ko na kayang mag hintay pa ng ganun katagal plus ilang minuto pa na dagdag bago ma serve ang mga pag kain. Ugh, I’m starving right now. “Ganun katagal?” Pakiramdam ko, nanghina ako sa narinig ko. “Excuse me, miss. I understand the restaurant is full, but I noticed a table for two over there in the corner. Would it be possible for us to be seated there?” Pinunto ng mata ko ang table sa kabila na hindi naman okupado at kina sunod niya naman tinignan kung ano ang tinutukoy ko. Ngumiti ng matamis ang babae sa akin bago ako hinarap. “I’m really sorry, ma’am, but that table is already reserved. If you’d like, I can add you to the waiting list — the wait will be around 45 minutes before we can seat you.” Ugh. Kainis. Pinikit ko na lang ang mata ko ng mariin. “Babes, gusto mo bang kumain na lang tayo sa iba?” Bulong ni Aris. Kumukulo na ang dugo ko, hindi lang sa hindi kami makapasok pa ngayon kundi sa init ng ulo ko na nagugutom na talaga ako. “Where are we going to eat, huh? I’m hungry, Aris. I can’t drive for a few more minutes para makakain lang ako.” Frustrated kong pag kakasabi. Parang aawayin ko na lahat ng tao sa init ng ulo ko ngayon. Ayaw kong umalis pa kami dito, at tyaka malalayo ang mga sunod na kainan dito. “Halika na.” Aya niya sa akin. “Malapit lang at hindi mo na kailangan pang mag hintay. May alam akong lugar babes.” Pag kukumbinsi niya. Tumingin ako kay Aris, sabay buntong-hiningga ng malalim. Nauna na siyang lumabas ng restaurant at sumunod na rin ako sa kanya, dahil nga nagugutom na rin ako. Ini- start niya muli ang sasakyan, at umalis na kami sa lugar na iyon. Hindi rin naman kami lumayo pa ni Aris, at napukaw ang atensyon ko na tinigil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Nandito na ba kami? “Nandito na tayo babes,” inalis niya na ang seatbelt niya, handa na ngang lumabas. Sumilip ako sa labas ng bintana, mukhang mali ata ang lugar na pinuntahan namin. Wala akong nakitang matataas na building sa paligid namin at mga kainan na mamahalin like restaurant. Matayog na kahoy at kabahayan ang nakikita ko sa gilid ng kalsada. Lumingon ako sa bintana sa side ko, nanlaki ang mata ko na makita ang isang maliit at parang bahay-kubo na kainan. May naka parada doon na tricycle, motor sa gilid at kitang-kita ng dalawa kung mata ang mga taong kumakain doon. “What is this time, Aris?” Inirapan ko siya. Ngumisi lang ang loko. Nang bwi-bwisit na naman. “Karinderiya ni Aling Susan.” Casual na pag kakasabi niya at hindi iyan ang gusto kong marinig. “What, no, no. Hindi ako kakain diyan.” Alam ko ang iniisip ng lalaking ito. “Halika na, babes.” Lumabas na siya sa sasakyan na mataranta naman ako. “No! Hindi ako kakain diyan, Aris! Halika na, hanap na lang tayong ibang lugar.” Giit ko na suhesyon. I'd rather starve than eat at that place. He’s just taking me to a small and cheap eatery? No way! Hindi na maipinta ang mukha niya, In her entire life, she has never eaten at a carinderia, not even at a simple food stall. Dito ba talaga niya ako dadalhin? “Ano, babes? Hindi ka sasama sa akin? Sige, kung ayaw mo, ako na lang ang kakain. Bahala ka at magugutom ka na mag hihintay sa akin sa sasakyan.” Pag babanta nito na tangka niya talaga akong iiwan sa sasakyan. “Oo, na. Sandali, hintayin mo ako.” Banat ko na lang na napa-ngisi pa siya na para bang nag tagumpay sa gusto. Hindi naman ako makakapayag ata, na mag stay mag isa sa car at mag hintay sakanya. Bumaba na ako sa sasakyan, at nauna na si Aris na pumasok sa loob. Tignan mo ang isang ito, hindi man lang ako hinintay. Umapak na ang paa ko sa mabato at lupa, binabalanse ko pa ang katawan ko medyo nahihirapan maglakad dahil mabato ng konti bago ka maka pasok sa loob ng karinderiya. Nakatakip ang ilong ko, na maka amo’y ng mabahong sigarilyo. Hindi na maipinta ang mukha ko, na ginala ang tingin ko sa paligid lalo’t na sa nakikita ko ngayon. Ibang-iba ang lugar na ito sa nakagisnan kong kinakainan na mga fancy restaurant at Cafe. Gawa sa bahay kubo ang pagkakagawa ng karinderya kaya presko at malayang nakaka pasok ang sariwang hangin. May wall electric fan na mga dalawa, at hindi iyon kasing lakas ng aircon na binubuga ng hangin. Nasa pitong table ang naroon at apat naman ang okupado na kumakain, tantya ng pananamit mga nag tratrabaho sa site at ang iba normal na napapadaan lang. Pansin ko medyo marami-rami rin ang kumakain na mga tao roon sa siksikan at maraming bumibili. Si Aris naman, naroon na sa counter, pumipili na kakainin kaya’t lumapit na rin ako sakaya. Tumingin rin ako sa glass stool, kung saan naka hilera naka lagay ang iba’t-ibang mga pagkain pero wala ni isang nakuha ang atensyon ko na kainin. Sana lang talaga, hindi na ako nag inarte kanina sa Cafeteria na mga pag kain para hindi na kami naka rating dito. “Magandang hapon Aling Susan.” Aris, binati ang isang babaeng medyo mataba at tantya niya nasa singkwenta na ang edad. May kasama naman itong babae na kasama niyang nag tatakal ng order sakanila ng ibang customer. “Ikaw pala Aris, napa daan ka.” Kaagad rin si Aris nakilala ng Ginang na mukhang suki na nga siya rito. Ang mata ng Ginang, napunta sa akin at ngumiti na lang. “Sino naman ang magandang babae na kasama mo? Nobya mo ba?” “Hindi po, pero malapit na.” Preskong tugon ni Aris na kina-salubong naman ng noo ko. “Babes, anong gusto mong kainin.” Tanong niya sa akin, hindi interesado na sumilip ako sa mga pag kain na naroon at wala talaga. Wala akong nagustuhan man lang. “Ikaw na bahala.” “Sige Aling Susan, pakuha na lang po ako ng dalawang order ng bulalo tyaka dalawang kanin, samahan mo na rin po ng isang order ng pakbet, adobo at tyaka nitong ginataang langka. Tyaka dalawang soft drinks po,” “Sige, sandali lang at i-seserve ko na lang sa table niyo.” Nilahad na ni Aris sa matanda ang bayad na kaagad naman siya nitong sinuklian. Nag hanap na si Aris ng mauupuan namin sa gilid na pang dalawahan naman, siniguro niya talaga na malapit sa electric fan para hindi ako mainitan. “Halika na babes, upo ka.” Pinag hila niya pa ako ng upuan at naupo na ako doon. Habang nag hihintay ng order namin, naka busangot na ako at panay punas ko ng noo, dumadaplos pa rin talaga ang pawis ko. Ang init, ano ba ito? “Bakit ganiyan ang mukha mo babes?” “Tinatanong mo pa talaga kung bakit? Bakit ba kasi tayo nandito? Ang init-init Aris.” Reklamo ko pa. Wala eh, nasanay na siguro ako sa malamig na aircon na hindi pa sanay ang katawan ko kahit may electric fab naman. “Sorry talaga babes. Sandali lang mag re-request ako kay Aling Susan ng isa pang electric fan.” “Huwag na.” Angil ko naman. “Pwede ka naman humanap ng mas maganda na kainin. Hindi ako kumakain sa ganitong lugar Aris, baka hindi malinis dito.” Reklamo ko pa. “Gustuhin ko man na hanapan ka ng magaganda at sosyal na kainin pero malalayo pa ang mga iyon babes. Ilang minuto pa ang baybayin natin.” Aris na mababang tono. “Tyaka, iniisip lang kita na hanggang ngayon, wala ka pa ring kain. Pag bigyan mo na ang luto ni Aling Susan, masasarap babes at tiyak na magugustuhan mo. Dito ako kung minsan kumakain.” Hindi na lang ako kumibo pa hanggang dumating na isa-isa ang mga inorder ni Aris. Nag simula na si Aris kumain, samantala naman ako, pinapanood siya na sarap na sarap. Tumitig na lang ako sa pag kain na nasa harapan ko, gaano man iyon kasarap base sa amo’y ngunit hindi ko talaga kaya. Hindi lang sa pagiging maarte kundi hindi lang ito talaga ang nakagisnan na kinakainan. Napa angat ng mukha si Aris ng mapansin niya na hindi ko ginagalaw ang pag kain ko. “Hindi ka pa ba kakain babes? Gusto mong subuan kita?” Inirapan ko siya muli. “Tsk!” “Sige na, subukan mo, masarap ang mga luto ni Aling Susan.” Aniya. “Tikman mo lang, kapag hindi mo nagustuhan hindi kita pipilitin.” Kahit labag man sa kalooban ko, kinuha ko ang kubyertos at nag sandok ng small portion ng bulalo at kanin ng konti. Tumitig muli ako sa kutsara na hawak ko, kahit nag aalangan man unti-unti kong binuka ang bibig ko at kinain iyon. Ngumunguya pa ako, hindi ko alam kong ano magiging reaksyon ko. “Ano, babes? Masarap?” Hinihintay ni Aris ang magiging reaksyon ko. “Oo.” Wala naman na duda na masarap nga talaga ang pag kakaluto! Hindi naman ata ako mapapasama kung kakainin ko ito, hindi ba? Bahala na, basta gusto ko lang ang mapunan ang gutom ko ngayon. Sabay na kaming nag salo ni Aris na kumain na dalawa at natapos rin kami at sabay na kaming dalawa pabalik sa sasakyan. Habang naglalakad, nakita ko ang pag ngisi-ngisi ni Aris na mag paagaw ng atensyon ko. “Anong ngini-ngiti mo na naman diyan?” “Wala, masaya lang ako babes at nakasama kita ngayon.” “Huwag kang matuwa at pinagbigyan lang kita para hindi mo na ako kulitin pa.” Pag tatapos ko. “So date ba iyon kanina?” “Date? Hell not!” Pag giit ko pa. “Bahala ka diyan! Bilisan mo na diyan at marami pa akong tatapusin.” Nauna na akong mag lakad kay Aris, ayaw ko ng pakinggan pa kung ano ang sasabihin niya. Sa inis ko, nilakihan ko ang hakbang ko pauna sa kanya at pag apak ko sa lupa naapakan ko ang maliit na bato, kaya’t nawalan ako ng balanse. Nanlaki na lang ang mata ko, na matutumba na ako. Bago pa ako tuluyan na bumagsak ang katawan ko sa mabato at patag na lupa, may mainit na palad na humapit sa baywang ko at hinatak ako palapit sa kanya. Napa singhap, na sumampa ang katawan ko sa matigas at malapad na dibdib ni Aris at bumilis ang kalabog ng aking puso na sobrang lapit na ang mukha namin. May anong kuryente ang nanalaytay sa katawan ko sa pag hawak niya sa baywang ko at pag dikit ng katawan namin. Bakit bigla akong pinag initan sa simpleng pag hawak niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD