Chapter 7

3958 Words
Chapter 7 ARIS POV Nagising siya ng walang kadahilanan at umingos sa pag kakahiga sa malambot na kama. Kahit na inaantok pa, kinapa niya ang kaliwang kama para yakapin ang dalaga ngunit siya’y napa-mulat ng mata na mapag tanto na wala siyang mahawakan. Doon niya na lang nakumpirma na siya na lang ang mag-isang naka higa. Umupo siya, takip pa rin ng makapal na comforter ang kahubaran at lumantad ang batak na batak na katawan, lalo’t wala rin siyang suot pang itaas. Humingga siya ng malalim, hinahanap bawat anggulo sa loob ng Hotel ang presinsiya ng dalaga subalit hindi niya ito makita. Asan kaya siya? Sinapo niya ang mukha niya at bumuntong-hiningga na lang ng malalim. Hindi niya makaka-limutan ang magandang mukha ng dalaga kagabi. Hindi niya rin maalis sa isipan, ang sandaling nag isa na ang kanilang katawan at init na pinagsaluhan. Ang mala-anghel nitong boses sa tuwing umu-ungol at binabanggit ang kanyang pangalan sa tuwing inaangkin niya ito nang paulit-ulit, isa iyon ang tumatak sakanya nang husto. Naagaw na lang ang malalim niyang iniisip na makita niya ang isang card na naka patong sa table. Labis na kuryusidad, kinuha niya para tignan kung ano ba talaga ang laman no’n. Kinuha niya ang katamtaman na card at simulang basahin kung ano ang laman, na nag sasabing nauna na itong umuwi. Sumilay na lang ang pilyong ngisi sa labi niya na mapa-titig na lang sa card na hawak. KAYLA’S POV Kanina pa malalim ang iniisip niyang mag-isang naka-upo sa favorite spot nilang Cafe ng kaibigan na si Claudine. Naka- sandal ang dalawa niyang siko sa lamesa at kamay naka hawak sa noo niya, natatakpan ng mahaba niyang buhok ang mukha at kanina pa ganun ang posisyon simula ng umupo siya roon. Pag katapos ng trabaho niya, tinawagan niya ulit ang kaibigan para mag kita kung saan sila madalas na nag kikita. Hindi na maipinta ang mukha niya, hindi lang sa rami ng ginagawang trabaho sa kumpanya kundi naiisip niya ang nangyari kagabi. Pangyayari kung saan, nag siping sila ni Aris. Hindi siya makapaniwala, na magagawa niya kaagad iyon. Bumuntong-hininga na lang siya ng malalim at napa-angat siya ng tingin at nakita niya ang kaibigan na bihis na bihis na bagong dating. Hinahanap pa siya nito, sa loob ng Cafe at ng makita siya neto abot langit na ang ngiti sa labi. Tuwang-tuwa naman ang babaeng ito. “Kumusta Kayla, nagawa mo na ba?” Iyan kaagad ang tanong ng kaibigan ng maupo ito sa harapan niya. Pinaningkitan niya ito ng mata, hindi man lang nag preno na mag tanong kung kumusta ang araw niya. “Ano sa tingin mo?” Umayos siya ng pag kakaupo, kitang-kita niya kung paano lumiwanag ang mukha ni Claudine ng marinig na nagtagumpay na siya. “Welcome to the club, frenny! Congrats!” Akala mo naman talaga kung dapat ba may i celebrate sila sa liksi at saya ng kaibigan ngayon. Imbes maging proud, umusok ang ilong niya sa inis at nag aalbutoro ng tahimik. “Grabe ang mukha na iyan ha! September pa lang pero pang undas na ang itsura mo. Bakit ba? Hindi ka ba nasarapan? Hihi.” Hagikhik neto na hinampas niya ito sa braso para patigilin. Grabe naman kasi, naka high pitch ba naman kung kiligin kaya’t hindi rin malayo na marinig ng katabing table nila ang pinag uusapan nila. Nakaka-hiya talaga. “Ang bunganga mo, Claudine.” Pag papatahimik niya kasi sobrang maligalig ito, na hindi na lang itikom ang bibig. “Oh, bakit masama ba ang sinabi ko? Hindi kana virgin Kayla, pero ayaw mo pa rin makarinig ng mga bulgar word.” Anito. “Kumusta naman ang pagtatalik niyo ni Aris? Masarap ba?” Lumawak ang ngiti sa kanyang labi na pinag initan ako ng mukha. Aba, dapat ba talagang step by step ikwento ko sa’yo ang mga nangyari? Iniisip niya pa lang kung ano ang nangyari sa kanila ni Aris kagabi, pinamulahan siya kaagad ng pisngi. Hindi niya kayang alalahanin pa kung ano na ang sumunod na ginawa nila. Gusto niyang burahin iyon sa isipin niya. Erase, mga ganun! “Baliw, tumigil ka nga diyan.” Sita ko muli sa kanya muli at nag cross-arms. “Sinabi ko naman sa’yo noon pa na masarap talagang lumandi at makipag s*x. Pinayuhan na kita noon na subukan mo na pero hindi ka nakinig sa akin at ginampanan mo talaga ang isang pagiging maria-clara na ibibigay mo lang ang perlas ng silanganan sa lalaking mapapangasawa mo.” Hindi na siya kumibo pa ulit. “Pero anong nangyari? Hindi pa mo pa rin nagawa diba?” Sa kanilang dalawa si Claudine lang naman talaga ang tuturo sa kanya ng mga kalandian at kung ano-anong mga kalokohan. Hindi na siya nag tataka dahil dalaga pa lang ng una na itong lumandi kaya’t panigurado marami na siyang karanasan kumpara sa akin. Noon paman talaga, ayaw niyang patulan ang kalokohan ng kaibigan. “Ewan ko sa’yo.” “Naka-ilan kayong dalawa ni Aris?” Tanong niya muli. “Isa lang .” pabagsak niyang tanong dahil ayaw niya ng sagutin pa ang mga kalokohan neto. Ininom niya ang cafe Americano na order at nakikita niya sa mukha ng kaibigan na marami itong hinandang mga katanungan sa kanya. Hindi ito titigil hangga’t hindi nakukuha ang gustong marinig na sagot mula sa kanya. As expected naman na ganun na ganun ang kaibigan niya. “Bakit isa lang? Dapat tinodo niyo na ni Aris dahil nandoon na rin naman kayo sa Hotel.” Wika nito at pinag siklop ang palad na akala neto na madali lang ang pinapagawa sakanya. “Kumusta ang nota niya? Malaki ba?” May ibang pahiwatig ang mga ngiti na iyan. Sinasabi ko talaga. “Claudine.” Mababa ngunit may pag babanta niyang pag patigil dito. Hindi pa ba talaga siya titigil? Kaya niya tinawagan ang kaibigan para makapag isip-isip at kalimutan kung ano ang nangyari sakanilang dalawa ni Aris kagabi, pero heto ang kaibigan niya pilit na inuungkat pa rin. “Sasagutin mo lang naman eh. Oh, ano malaki ba talaga? Hula ko, malaki kay Aris dahil malaki ang kanyang pangangatawan at ang macho pa. Hihi. Totoo ba talaga ang chismis?” Nilapit niya talaga ang mukha niya, handa ng marinig kung ano ang isasagot ko. Huminga ako ng malalim para matapos na ito.. “Oo, okay na ba?” “Kayaah! Naka-jackpot ka talaga Kayla, ang sarap na maka- tikim na malaking nota tapos ang gwapo pa ni Aris!.” Napa-palakpak pa siya sa tuwa, na hindi niya alam kung ano na lang ang magiging reaksyon. “Tumigil ka nga diyan. Hindi kita tinawagan para si Aris ang pag usapan natin.” “Eh, ano naman ang dapat natin pag usapan? Ang boring na ginagawa mo sa trabaho?.” Angil pa neto. “Kung ako sa’yo Kayla, inulit niyo pa kaninang umaga ni Aris pag gising niyo na mag s*x. Kasi sabi ng ilan masarap kapag morning s*x para romantic.” “Hindi na namin ginawa iyon.” Kaagad napabaling ng tingin sa akin si Claudine. “Umuwi na ako kaagad at iniwan ko na si Aris na natutulog pa sa Hotel.” Kaninang umaga pag gising ko, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Dinapuan na ako ng hiya na maalala ang nangyari sa amin ni Aris, hindi ko alam kung paano ko pa siya mahaharap kaya’t sinadya ko talaga na umalis na hindi mag paalam sa kanya. “Ang chaka-chaka mo talaga. Ang sarap mong sabunutan.” Ang naging reaksyon ng kaibigan niya na gusto na talaga siyang sabunutan. “Nandon kana Kayla, oh! Nandon kana, dapat tinodo mo na mag s*x kayo mag damag para sigurado na talaga may nabuo na sa pagtatalik niyo.” ARIS POV Mula sa minamaneho niyang malaking truck, hininto niya sa isang tabi at lumabas na siya. May dalawa siyang kasamahan na lalaki na nasa bente at trenta anyos na ang edad na si Edgar at si Juanito, pagdating kaagad nila sa lokasyon kaagad na kumilos na ang kanyang mga kasamahan para gawin na ang kanilang mga trabaho. Isa-isang nilalabas ang mga box na tantya niya lalagpas sa bente piraso laman ng iba’t-ibang uri ng mga saging na order sa kanila ng supplier. May kalakihan ang mga box na iyon, at kabigatan rin kaya’t dalawa o isang box ang kayang bitbitin kada isang dalahan. Pumunta na ang mga kasamahan ni Aris sa likod ng truck para kunin na mga nasa box na mga saging, lumabas na rin ang kausap niyang supplier para i assist sila para saan ilagay ang kanilang mga dalang produkto. Tinulungan ni Aris ang kanyang kasamahan at kumuha na rin ng box. Pinatong niya ang medyo may kabigatan na box sa kanyang balikat, naka suporta naman ang kamay niyang naka-hawak roon para hindi iyon malaglag. Buong ingat na niyang dinala ang box sa loob na una na rin na nadala ng kanyang kasamahan at nilapag sa isang tabi at nag lakad pa siya palabas para dalhin pa doon ang mga nasa truck na mga saging. Tulong-tulong na silang tatlo, para matapos kaagad ang trabaho. Binuhat niya muli ang mabigat na box, hindi na alintana ang pinag halong dumi na kumapit sa katawan niya sa suot na puting sando at pawis na na dumaplos sa kanyang leeg at katawan sa pag bubuhat ng mga bibigat na mga kahon. Nang matapos na nila lahat maipasok lahat ng mga order na mga saging sa supplier, pinunasan niya na nakasabit na puting bimpo sa balikat para alisin ang pawis dulo’t ng pag bubuhat. “Kompleto na ba iyan lahat, Aris?” Lumapit ang singkwenta anyos na lalaki. Ang matandang parati nag oorder sakanya ng mga saging. “Opo, Mang Tobias kompleto na ang lahat, benteng kahon po iyan kagaya ng napag usapan natin.” Napa tango na lang ang matanda at tinignan sa loob ng bahay ang mga kahon na nilagay nila doon. Hindi na ito nag atubili pang bilangin kung tama o kulang ang kanilang dinala dahil may tiwala ito sa kanila. “Nag dagdag ako ng isang box na lakatan na saging. Libre ko na ho sainyo.” “Maraming salamat Aris, kaya gusto kong kumuha ng mga saging sa’yo dahil mura at magagandang kalidad pa.” Inabot na sakanya ng matanda ang bayad na kulay blue bills at malugod niya naman na tinanggap iyon na diretso na niyang nilagay sa bulsa “Salamat rin ho. Mag text o tumawag na lang kayo sa akin kapag mag oorder po kayo ulit para ma-ideliver ko na kaagad sainyo.” “Sige Hijo.” “Sige, una na ho kami.” paalam niya at nag paalam na sila sa matanda bago sumakay ng truck bago pumunta sa susunod pa nilang pupuntahan. Pag pasok niya ng truck nasa loob na ang kasamahan niya na nag hihintay na sakanya. Sinarado niya na ang pinto, at simulang buhayin ang makina ng truck at umalis na sila sa lugar na iyon. Tutok na tutok lang ang atensyon niya sa pag mamaneho, na ang isang kamay niya naka hawak sa manibela. Habang binabaybay ang daan, nakita niyang palubog na ang araw. Tantya niya pasado alas singko na ng hapon, maka- lipas ang trenta minutos tinabi niya ang truck sa bakanteng lote kung saan doon niya iniwan ang kotse niya kanina. Nag- tataka man, na lumingon ang kasamahan niya na inaalis niya ang pag kakasabit ng seatbelt. “Bakit, boss Aris?” Edgar ang kaidad niyang kasamahan. “Mauuna na ako, kayo na lang ang mag deliver kay Mrs. Cynthia ng sampung box na order niyang mga saging. Alam niyo naman siguro ang lokasyon niya, diba?” “Oo naman Boss, alam namin.” Juanito, iyon naman ang pinaka bata sakanila. “Sige, kayo na lang pumunta doon at kailangan ko ng umuwi.” “Bakit boss, may part time ka ba na pupuntahan na trabaho ngayon?” Edgar. Silang dalawa ang parati niyang kasama sa tuwing nag de-deliver sila pero kailangan na niyang umalis. “Wala.” Ang pangunahin niyang trabaho, ay sagingan. Mayron silang taniman sa kanilang lugar na mga saging, at siya na rin ang nag haharvest, nag de-deliver at nag aasikaso sa tuwing may order sa kanilang mga supplier. Hinahatid niya ang mga iyon at kung minsan binabagsak nilang pinapabili sa mga ilang pabrika na gumagawa ng mga saging. Sa bakanteng oras niya nag si-sideline siya ng carpentero at plumber sa mga kakilala niya na tinawagan siya kapag may ipapagawa na mga trabaho. Ayaw niya rin na mabakantehan, at gusto niya parating may ginagawa. “Kailangan kung umuwi dahil uuwi na iyon si babes.” Kinuha niya na ang supot ng plastic na hinanda niya kanina at lumabas na siya ng sasakyan. Pumalit naman sa pwesto niya si Edgar, dahil marunong naman ito magmaneho. “Ahh iyong chix na kinu-kwento mo sa amin na gusto mo. Matagal mo ng kinu-kwento sa amin pero hindi pa pinapakilala sa amin Boss Aris.” Edgar “Sa susunod, ipapakilala ko na siya sainyo. Kayo na ang bahala dyan ha? Hinampas niya ng malakas ang pinto ng truck. “Tawagan niyo na lang ako kapag na deliver niyo na kay Mrs. Cynthia..” “Okay boss!” Pinaandar na Edgar ang truck at pumunta na siya kung saan naka parada ang kanyang sasakyan. Pumasok na siya sa loob ng sasakyan at nilagay niya sa tabi rin ang supot ng plastic ng lakatan na saging na pasalubong niya kay babes. Habang naka- tingin roon hindi maalis ang ngiti sa labi niya na masilayan muli ang dalaga. Limang ang nakaka-lipas simula no’ng may nangyari sakanilang dalawa hindi niya na muling nakita pa ang dalaga na para bang iniiwasan siya neto. Hindi niya rin ito nakakatagpo na nakikita kahit inaabangan niya ito palagi tuwing umaga, pag uwi sa unit. Sa tuwing nag do-doorbell siya sa unit ng dalaga hindi na siya nilalabas neto kagabi noon kaya’t ganun na lang ang pag mamadali niyang maabutan ito ngayon kahit may mahalaga pa siyang transaction sa mga supplier, basta ang mahalaga maabutan niya ang dalaga. Gusto niya itong makita. Sabik na sabik na siyang masilayan muli ito. Binuhay niya na ang makina ng sasakyan at pinaandar niya na para maka rating kaagad sa bahay dahil malapit na ang oras ng pag uwi neto. Pinatakbo niya ng mabilis na ang sasakyan at ilang minuto lang at naka rating na kaagad siya at ig park ang sasakyan sa ground floor. Sumakay na siya ng elevator para mabilis siyang maka rating, na hawak sa kabilang kamay ang supot ng saging na pasalubong niya. Nag punas lang siya ng bimpo para maalis ang konting pawis at dumi sa katawan sa pag- bubuhat niya ng box na kahoy na puno ng saging, para lang hindi siya mag mukhang madumi na haharap kay Kayla. Nang maka- rating na siya sa floor ng unit nila, ilang hakbang lang at natanaw niya ang familiar na pigura sa pinaka dulo ng hallway. Lumawak ang ngiti sa labi niya na kahit nakatalikod ito, kaagad niyang nakilala na si Kayla iyon. “Babes,” tawag niya para maagaw ang atensyon ni Kayla subalit parang hindi ata siya narinig neto. Tinaas niya pa ang kamay sa ire na tila ba’y kumakaway na maagaw ang atensyon. “Babes, sandali lan——-“ tangkang lalapitan niya ang dalaga subalit kaagad naman siya natigilan na may humarang sa kanyang dinaraanan. Nabigla siya na makita si Sheena pala iyon at pinakita ang matamis at tila ba’y nag- aakit na ngiti sa labi. “Hi, Baby Aris. Saan ka pupunta?” Pinalandi ang tono ng pananalita, suot ang spaghetti tops na pula at maong na short shorts at lumantad ang makinis at maputi nitong balat. Hindi siya tumingin doon, dahil hindi siya interesado sa magandang katawan at malaki netong dibdib. “Sandali lang Sheena, pupuntahan ko lang si babes,” dadaan siya sa gilid nito subalit kaagad itong humarang at kinakausap siya. Palingon-lingon pa siya na sinisilip si Kayla na malayo na ito sa kanya ng konti at sa bawat segundong lumipas, kating-kati na siyang lapitan ito para maabutan pero hindi niya magawa dahil pinipigilan siya ni Sheena. “Saan ka naman pupunta?” Hinawakan ang kamay niya, ginagalaw ang malilikot na palad na humahaplos sa batak niyang muscle at hindi man lang siya naapektuhan sa ginagawa neto. “Nasira kasi iyong drinage ng lababo ko, hindi ako maka gamit kaya baka sana ayusin mo iyon.” Malambing nitong tinig, imbes sumagot ang mata niya naka-tutok pa rin kay Kayla na nasa tapat na ito ng pintuan ng unit. Shit! Kailangan niya na kaagad na lapitan ito. Kapag pumasok na ito sa unit niya, hindi na siya mag kakaron pa ng pag- kakataon na makita at maka-usap ang dalaga. “Sige, mamaya Sheena. Kailangan ko lang na umalis.” Inalis niya ang kamay nitong nakapulupot sa kanya, subalit kaagad rin itong kumapit na parang linta na ayaw ng umalis. Bumigat na lang ang pag hingga niya, at tila ba’y hinahabol siya ng oras. “Bakit hindi pwede ngayon?” Siniksik ang katawan sakanya na mapa-kurap siya ng mata. “Kailangan na kailangan na ayusin mo na ngayon Aris, hindi ako makakagamit. Sige na, ngayon mo na ayusin.” Dinikit pa lalo ni Sheena ang katawan sakanya, na tila ba’y nandiri siya na lumapat ang malusog na dibdib nito sakanya. “Pero kasi Sheen——-“ bago niya pa matapos ang sasabihin pumasok na si Kayla sa kanyang unit at sinarhan na ang pinto. Nag pakawala na lang siya ng malalim na buntong-hiningga sa pag hihinayang na tinatanaw ang ang pinto nito. Wala na. Hindi niya na naabutan pa ang dalaga. KAYLA’S POV Napa-hawak siya sa batok na maka ramdam ng pangingirot at pinag halong pagod na kanina pa siya nakaharap sa computer. Tinignan niya na lang ang table, puno ng katambak na mga papeles na kailangan niya pang i review at pirmahan. Sinandal niya muna ang likod sa swivel chair at ilang oras na siyang naka-upo sa loob ng kanyang Opisina, sumasakit na bahagya ang ulo niya na kailangan niya pang tapusin ang gagawin ngayong araw. Sinilip niya muna ang cellphone para tignan kung may mahalagang text at email sa kanya na client. Nang babalik niya ang cellphone niya, doon niya napansin na alas dos na pala ng hapon at naka- ligtaan niya ng kumain ng tanghalian dahil sa katambak ng trabaho na kanyang inaasikaso. Maya-maya na siguro siya kakain, kapag natapos na niya ang trabaho para wala na siyang iisipin para mamaya. Naagaw ang atensyon niya na marinig niya ang munting katok. “Come in.” “What is it?” Pumasok sa loob ng kanyang Opisina ang secretary niya. Naroon lang ito sa may pinto at hindi masyado pumasok para lapitan siya. “Pasensiya na po Mam Kayla sa istorbo, pero may nag hahanap po sainyo.” Nag kasalubong ang kilay niya dahil wala naman siyang inaasahan ngayon na bisita. Wala rin siyang matatandaan na appointment sa mga clients na kikitain ngayon. “Sinabihan ko na po na hindi pu-pwede pero makulit po talaga at nag pupumilit na makita kayo.” “Kung sino man iyan, paalisin mo na kung hindi clients at importante. Alam mo nama hindi ako nag tatanggap na walang appointment sa aki——-“ bago pa matapos ang anumang sasabihin ko na may pumasok sa loob ng Opisina ko. “Hello babes.” Nanlaki ang mata ko na makita si Aris. “Aris!” Nag tagis na lang ang ngipin ko, kahit na rin ako nagulat sa pag- dating niya. Anong ginagawa niya rito? “Sige na, pwede mo na kaming iwan.” Nag vow na lang ang secretary ko at nag labas na siya at sinarhan nito ang pintuan. Tumayo ako sa kinauupuan ko, at mabigat ang pag hingga na nilapitan si Aris. “What do you want? At anong ginagawa mo dito Aris? Paano mo nalaman kung saan ako nag tra-trabaho?” Sunod-sunod kong tanong. Umakyat na ang dugo sa ulo dahil hindi ko lubusang akalain na pupunta at malalaman niya kung saan ako nag tra-trabaho. Hindi din kami close, para sabihin ko sakanya kung saan diba? Napa sapo na lang ako sa noo ko, na iinis sakanya. “Ay hindi. Wala akong pakialam kung paano mo nalaman kong saan ako nag tra-trabaho, ang gusto ko lang umalis kana.” Pag tataboy ko sakanya. Ano ba kasi ang guso niya? At bakit siya nandito? “Pero babes, kakarating ko lang.” giit na niya lang ulit. “May dala pala akong pasalubong sa’yo. Ito paborito mo.” Nilahad niya ang paper-bag na hula ko saging na naman iyon. “Okay na, salamat.” Kinuha ko na ang paper-bag baka sakaling umalis na siya na hindi niya na ako guluhin. Gusto ko ng peace, gusto ko na walang nag iistorbo sa akin. Marami pa akong hahabulin na mga paper works at hindi ko lahat magagawa iyon kung nandiyan siya at nag kukulit sa akin. “Pwede kanang umalis. Go, now!” “Babes, naisip kong baka pwede ulitin natin ang ginawa natin sa Hotel?” What? Ano siya nahihibang na? Gusto niya ulit mag talik kami? “What? Hell no!” Asik ko pa. Ang kapal naman ng pag mumukha niya. “Ano ka, sinu-swerte? Umalis kana at binu- bwisit mo lang ako Aris.” Tinalikuran ko na siya dahil wala na akong panahon pa na makinig pa ng mga kalokohan niya. Narinig ko naman ang pag sunod sa akin ni Aris at nang malapit na ako sa desk ko, nag simula ulit siya mag salita. “Seryoso ako babes, ulitin natin.” Anito na kina-tigil ko naman. Inipon ko ang malalim na buntong-hiningga bago ko siya hinarap, na matalim na titig. “Malay mo, hindi ako naka 3 points sa’yo ng gabing iyon. Pwede natin ulitin, araw-araw o gusto mo pa oras-oras tayo mag tatalik. Kapag inaraw-araw natin mag s*x babes the more chances na mabubuntis kita, ano game ka na ba?” Tinaas-baba niya ang kanyang kilay at sumilay ang kapilyuhan sa labi. “Tarantado ka talaga! Uupakan na talaga kita!” Ambang susuntukin ko na sana siya subalit, natigilan ako na lumapit sa akin si Aris. Palapit nang palapit at nababasa ko sa mga mata niya, na may nabubuong mga plano. Hindi ko alam kung bakit, bigla akong napa atras at kinabahan sa pag lapit niya. Natigilan ako, na kusang lumapat ang likod ko sa desk ko at akmang aalis subalit kinorner na ako ni Aris at pinatong niya ang dalawa niyang kamay sa desk sa pagitan ko kaya’t hindi na ako makagalaw. Nanigas na ang katawan ko at ngayon ilang pulgada mag lalapat na ang katawan namin. Hindi pa rin naalis ang ngisi sa labi niya samantala naman ako, natahimik at hindi ko alam kung ano ang ire-react ko lalo’t bigla akong pinag initan sa pag lapit niya. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Umalis kana Ari——-“ hindi ko na natapos na nilapit niya pa muli ang mukha niya sa akin, konting galaw ko mag lalapat na ang labi namin. “Paano kung ayaw ko babes?” Tumama ang mainit niyang hiningga sa balat ko, na mapa-lunok ako na maamo’y ang mainit at mabango niyang hininga. Ang pag titig niya tila ba’y nag aakit iyon. “Kung ayaw mo, pwede naman ata natin gawin na ngayon dito sa Opisina mo?” Umangat ang gilid ng kanyang labi at namilog na lang ang mata ko, at bumilis na lang kalabog ng aking dibdib na hindi ko maipaliwanag na tumitig sa gwapo niyang mukha. Sandali, bakit ganito? Bakit, napaka lakas ng t***k ng puso ko? Bakit naapektuhan ako sa simpleng pag lapit niya sa akin? Normal ba ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD