Chapter 18 'The Girl He Left' Pasikat na ang araw nang tuluyang makalabas si Ares ng Lakeside forest. Agad niyang natanaw si Red na nakasandal sa kanyang jeep at malaki ang ngising nakatanaw sa kanya. "Kumusta ang feeling ng bagong laya?" Napangisi rin si Ares sa tanong ng kanyang kuya. "Pansamantala lang, kailangan ko pang bumalik," sabi lamang niya at sumakay na silang dalawa sa sasakyan ni Red. Lingid sa kaalaman nung tatlo, nagtungo agad si Ares kay Red nang pumayag si Phoebe na lumabas ito upang sabihan ang kuya niya na siya ang susundo sa kanya. "Seriously? Babalik ka pa rin? You're free now!" Natatawa na lang si Ares sa turan ng kapatid dahil alam niyang alam nito na hindi nito pipiliing lumaya gayong may maiiwan ito sa loob ng Terra. "May nakuha ka bang info, kuya?" Pagbabago

