Chapter 17 'And He Leaves' — Phoebe — Nakasunod lang ako kay Prof Alarcon sa paglalakad papuntang training ground. "Bakit nakatunganga lang kayo riyan?" pagalit ni Prof nang maabutang mga nakaupo lang sila. Maging si Ares na hype pagdating sa training ay nakaupo lang din. "Nakakapanibago lang kasi wala si—Phoebe!" gulat na sabi ni Aether nang makita ako sa tabi ni Prof. Napatayo silang tatlo. "What are you doing here?" tanong ni Ares. "Hindi na ba ako welcome dito?" taas-kilay kong tanong. "Welcome back, Phoebe!" bati sa akin ni Eros at sinaluduhan pa ako. Sinaluduhan ko rin siya at lumapit sa kanila. "Kailan ang labas mo ng Terra, Ares?" Nagliwanag lalo ang mukha nila dahil sa tanong ko. "Does it mean pumapayag ka nang lumabas si Ares?" tanong ni Eros. "Yes, I trust Ares," sabi

