Chapter 1

2276 Words
Hindi ako makapag-pokus sa klase dahil nangingibabaw ang takot na tumutugtog sa dibdib ko. Para akong praning na tumitingin-tingin ako sa paligid kung nandiyan ba si Seiko. I thought he was fine not until Diego courted me too. Lumabas ‘yung tunay na ugali ni Seiko. He looks scary whenever he’s mad and jealous. Break time na namin at lahat ng mga estudyante ay nagsitayuan na. Kung sana nandito lang si Gwynonah ay may kasama ako. Ngunit ako lang mag-isa nag-aaral sa West High University. My hands were shaking in fear. Paulit-ulit naglalaro sa isipan ko ang nangyari. May nagkakagusto rin sa akin sa kabilang department at pangalan niya ay Yuri. Wala akong ideya kung paano nalalaman ni Seiko at pinatay niya sa harapan ko si Yuri. Kaya niya raw ginawa ‘yun kasi nang malaman niya na walang iba dapat nagkakagusto sa akin kundi lang siya. I see Yuri’s blood scattered on the road as his eyes are wide open. I was startled when Diego suddenly popped in front of me. He was smiling at me from ear to ear. Tumingin ako sa paligid kung may makakakita ba sa amin dalawa. Mabilis ko niligpit ‘yung mga gamit ko at tumayo na. “Tagal na natin hindi kumakain ng lunch sa canteen,” si Diego na may pagtatampo pa sa kaniyang tono. “Libre na kita para makatipid ka rin Brenna. Ako na ang—” “No!” I interjected. “Bawal ako.” “May boyfriend ka na ba?” Hindi ako nakasagot pero patuloy lang ako sa paglalakad palayo. Naririnig ko na tinatawag niya ang pangalan ko. Wala akong tulog ngayon kasi paulit-ulit ako binabangungot sa nangyayari. “Brenna!” Diego called. Nilingon siya. “Mag lunch ka na muna mag-isa. Gusto ko muna mapag-isa…” Hinablot ni Diego ‘yung braso ko at mariin niya ako tiningnan sa mukha. Hindi na ako nakasuot ng kolorete sa mukha kaya kita ang pagkamutla ko at eyebags ko. Dumaan ang concern sa kaniyang mata na mapatitig sa akin ng matagal. “May problema ka ba? Huwag ka naman mahiya sa akin. Pwede akong makinig,” he insisted. Dumulas ang kamay niya hanggang sa mahawakan niya na ang kamay ko. “Nag-aalala na ako Brenna. Ano na nangyayari sa’yo?” “W-Wala naman.” “Ano nga? Hindi ka ganiyan.” “Hayaan mo na ako.” He huffed. “Hindi ako manhid. Nararamdaman ko na may iniisip ka. Kung gusto mo na tayong dalawa lang, tara sa rooftop at pag-usapan natin ‘yan.” Hindi ako nakasagot sa kaniya. Si Diego ay tatlong buwan na nanliligaw sa akin. Kahit ilang beses ko na siya i-turn down ay nandiyan pa rin siya. Nararamdaman ko na mahal niya talaga ako. Minsan kapag wala akong makain, siya ang manlilibre sa akin para hindi ako malipasan ng gutom. Hawak niya lang ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa rooftop. Sinarado niya ang pintuan at napatingala ako sa langit dahil ang ganda ng kulay asul. The sky was very peaceful and calming. Hinubad ni Diego ‘yung jacket niya para doon ako umupo. Umupo naman siya sa tabi ko habang may kinakalkal siya sa bag niya. Napakurap ako nang maglabas siya ng isang bote ng tubig at ham sandwich. He smiled at me. “That is for you. Napapansin ko kasi hindi ka na naman kumakain e.” “S-Salamat talaga, Diego. Kapag nagkaroon ako extra ay babayaran ko mga utang ko sa’yo.” “Tulong ko na ‘yun sa’yo. Huwag mo nang alalahanin.” “Sa totoo lang ay nahihiya na nga ako sa’yo. Tatlong buwan ka na rin nanliligaw sa akin.” Humalakhak siya at nakita ko na kumislap ang mata niya nang tumingin siya sa akin. Iniwas ko naman ang tingin ko. Gusto ko naman siya pero mababaw lang. Mas okay naman siya kaysa kay Seiko. “So… what is your problem?” he probed. I didn’t answer his remark. Nanatili akong nakayakap sa binti ko habang nakatulala sa kawalan. Hindi maalis sa mukha ko ang mukha ni Yuri na namatay sa harapan ko. Binaril siya sa ulo ni Seiko. “Ayaw kong mapahamak ka,” I answered. Huminga ako ng malalim at humilig ako sa braso ni Diego. “Hindi kaya ng konsensya ko kapag may nangyari na masama sa’yo.” His forehead creased. “What are you talking about?” “May naunang nanliligaw sa’yo. Maayos naman siya nung una hanggang sa naging seloso siya. Nalaman niya na may umamin sa akin na lalaki at nung nakaraan ay pinatay siya sa harapan ko. He was very possessive.” “Siya ba si Yuri?” Tumango ako. “Oo. Namatay si Yuri dahil sa akin. Kaya nga ayaw ko mapahamak ka.” “Alam lahat ng mga estudyante ay nawawala lang siya. Pero hindi ko aakalain na patay na talaga siya…” “Gusto ko tumigil ka na sa panliligaw mo sa akin, Diego.” Nilingon niya na ako at lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang pisnge ko at doon na bumuhos ang mga luha na tumutulo sa mata ko. Hindi ko kaya. Gusto ko pa bumisita kay Nanay sa linggo pero hindi ko magawa. Baka ipahamak pa ni Seiko si Nanay kaya nagpapadala lang ako ng pera sa kaniya. Pinapahid lang ni Seiko ‘yung luha ko at kahit siya ay nalulungkot para sa akin. Nakakainis kasi bakit ganito kalupit ang buhay sa akin. Bakit sobrang malas ko? “Hindi ako titigil manligaw sa’yo. I am willing to risk my life for you,” he said, sincerely. “B-Baka nga mapahamak ka,” I replied. ‘Si Seiko Montepalma ang mga pumapatay sa mga nagkakagusto sa akin!” His mouth widened. “Kaya pala may kakayahan siya pumatay. Pero gusto ko lang sabihin sa’yo na hindi ako natatakot sa kaniya.” “Diego… please.” “No,” he beamed. “I really love you, Brenna. You are one of the brave women I’ve known in my entire life. Kaya ang sarap mong mahalin.” “Thank you…” “I love you, Brenna. Okay lang sa akin kung hindi ko pa maririnig sa’yo ang inaasam ko pero gagawin ko ang lahat para sa’yo.” May gumuhit na ngiti sa labi ko. “Sana mahal kita ngayon para boyfriend kita. At sana walang Seiko sa buhay ko.” “Everything is going to be fine. Trust me.” I hope so. Labandera si Nanay sa Valenzuela kaya kailangan ko na umuwi. Ayaw ko siyang madamay sa kademonyohan ni Seiko Montepalma. Umiiyak lang ako kasama ni Diego at hinihimas niya lang ang braso ko. I was hoping to see my Nanay soon. Nag-aalala na ako sobra sa kalagayan niya. Lalo na’t may seven thousand ako sa wallet para makapunta ako roon. Nakuha ko na kasi ang sweldo ko sa milktea shop malapit sa school. Nang makauwi ako ay parang hindi ako mapakali. Minsan nagugulat ako na nasa harapan ko na si Seiko at nakatitig lang siya sa akin. Sinubukan ko naman isumbong sa pulisya ngunit hindi nila ako pinansin nang malaman na Montepalma. Napeperwisyo na ang buhay ko dahil kay Seiko. Nag-sisisi ako ngayon kung bakit hinayaan ko pang manligaw sa akin si Seiko. That man was super obsessed with me! Bigla ako napa-ahon nang bumukas ang pintuan. Bumungad doon si Seiko na nakapamulsa at ang dilim ng tingin niya. Sumandal ako sa headboard ng kama ko. Niyakap ko ang dalawang binti habang nanginginig sa takot. “Hello, babe,” he greeted. Umupo siya sa gilid ng kama ko. “Why are you so scared of me? Come closer.” Umiling ako. “Get out!” “Why would I? Dahil ba kay Diego?” “H-Hindi ko alam ‘yang tinutukoy mo!” “I am not f*****g stupid. I have my eyes everywhere. Alam ko ang ginagawa mo.” “Wala naman akong ginagawang masama! Tsaka wala naman tayo kaya wala kang karapatan sa akin!” His eyes darkened. “I am a f*****g Montepalma. You should be grateful that I am courting you, Brenna.” “Tumigil ka na sa panliligaw mo! Ayaw ko na sa’yo.” Umigting ang panga niya sa sinabi ko. Mas lumapit siya sa akin at halos isiksik ko na ang sarili ko sa gilid para hindi niya lang ako mahawakan. Sobra na talaga ako natatakot sa kaniya. Umangat ang kamay niya kaya mas lalo ako nanginig sa takot. Humalakhak siya bigla. “f*****g hell. Why are you so scared of me? I’m not going to hurt you.” “Hindi ako naniniwala sa’yo!” “Mahal kita, Brenna. Bakit naman kita sasaktan?” “You killed Yuri! You are murderer!” Naalala ko ang kwento sa akin ni Gwynonah noon na may sumira sa pamilya niya. Isang Montepalma ang sumira sa kasiyahan niya kaya nasa ibang bansa na si Gwynonah kasi grabe ang trauma niya. Montepalma are all devils in the flesh. No doubt. “Ano naman kung pinatay ko si Yuri? Do you f*****g love him? Answer me!” he growled. Naglalabasan ang mga ugat sa leeg niya. “Who’s your f*****g man? Tangina sabihin mo sa akin! Papatayin ko silang lahat!” I sobbed. “T-Tumigil ka na Seiko. Marami pa naman babae diyan at yung papantay sa yaman niyo.” “Mahal mo na ba si Diego?” he asked, dangerously. “O-Oo…” I replied. Sa totoo lang gusto ko pa lang si Diego. Pero baka tumigil si Seiko kapag sinabi ko oo. “Kaya tumigil ka na.” He froze in his position. Matapang ko hinarap ang mata ni Seiko. His eyes were shaded in dark, which means he was very angry. And I was scared that he might hurt me. Tapos bigla siya napangisi. “Thanks for giving me a reason to kill Diego…” he declared. Nakangisi siya habang lumalabas ng kwarto ko. Mabilis ko kinuha ang phone ko sa ibabaw ng nightstand. Tinatawagan ko ‘yung number niya pero out of coverage. Doon muli bumuhos ang luha ko. Napapatunayan ko na wala akong kwenta. Patuloy ko lang pinapahamak ang mga nagmamahal sa akin. Nandito lang ako sa kama at umiiyak. Wala akong lakas para kalabanin ang isang Montepalma. Pinahid ko ‘yung luha ko at tinext ko si Diego. Kahit man lang matanggap niya ang message ko. Tahimik ko pinagdadasal na sana ligtas siya sa kamay ni Seiko. Baka hindi na ako sobra makatulog. I am freaking traumatized. Hindi ko naman hiniling na may mayaman na lalaki na sobrang obsessed sa akin. Ang gusto ko lang naman ay mahal talaga ako at pinaparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga. Na kasabay ko makamit ang pangarap sa buhay para maka-ahon sa hirap. Kinabukasan ay nasa trabaho na ako. May tatlong customer ako naghihintay sa kanilang orders. Nanginginig pa nga ang kamay ko habang gumagawa ng order nila. Kanina ko pa sinusulyapan ang phone ko kung sakali magtext sa akin si Diego. Hindi siya pumasok kaninang klase. It is very unusual for him to be absent without a valid reason. Kanina ko pa siya hinihintay sa canteen pero hindi ko siya makita. Namumugto na ang luha ko kakaiyak. Tangina. Ang hina ko naman. Nilapag ko na ‘yung milktea sa counter at tinawag ang number nila. Umupo na ako sa upuan at chineck ko ‘yung messages. Wala pa rin siyang reply sa akin. From: Brenna Where are you? Are you okay? Please magreply ka naman. From: Brenna Nag-aalala na ako. Call me. I just want to know if you are okay. Bumuga ako ng hangin at sinubukan ko maghintay ng limang minuto pero wala pa rin. Huminga ako ng malalim. Dapat hindi ako mahina e. Dapat hinaharap ko si Seiko. Ayaw ko naman na hayaan siya sirain ang buhay ko. Lalo na’t dean lister ako sa school. Kailangan ko i-maintain ang grades ko. Maaring tumigil ako sa pag-aaral kapag bumagsak ako. Scholar pa naman ako sa school. Masyadong mahal ang West High University. Hindi ko naman afford ang school na ito kasi umaasa lang naman ako sa scholarship. Ang lungkot ko. Pakiramdam ko ay nagm-mukhang matanda na ako sa sobrang stress. Umabot din ng gabi at wala pa rin akong natatanggap na kahit anong message mula kay Diego. At iniisip ko rin si Nanay baka wala na makain sa Valenzuela kasi hindi pa ako nagpapadala. Nahagip ng mata ko ang mamahalin na sasakyan na naka park sa tapat ng apartment ng tinutuluyan ko. Nakatayo roon si Seiko hudyat na inaabangan ako. Kinuyom ko ‘yung kamao ko at naglakad ako palapit sa kaniya. Pinagkrus niya ang kamay sa dibdib habang pinagmamasdan ako. Sumandal pa siya sa kaniyang kotse. Napalunok ako. May dalawang bodyguard siyang kasama at mga armado ‘yun. “I miss you,” he said, flirtatiously. “Where is Diego? Alam kong may ginawa kang masama sa kaniya,” I responded. “Tell me, Seiko… where is he?” He shrugged his shoulder. “No idea. Why don’t you ask my men about that shithead?” “I’m f*****g serious! Nasaan si Diego?” “Somewhere…” he trailed off. Lumapit siya sa akin at sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang kaniyang kamay. “Do you know the Pasig River? He’s probably drowning.” “How dare you! Ang demonyo mo talaga!” Lumapit ako sa kaniya para pagsuntukin ang dibdib niya habang humahagulgol ako. Sana pinatigil ko na lang si Diego matagal na. Sana tinalikuran ko si Yuri nung nagconfessed siya sa akin sa harapan ng mga estudyante. Pakiramdam ko kargo ko ‘yung kasalanan. I am the reason why they are dead.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD