SENG : POV
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari na gising ako nasa loob nako ng clinic at nakahiga at napansin ko nandoon si jao natutulog na parang buong maghapon niya akong binantayan dali dali ko siyang ginising "awww gising kana pala" gulat niyang banggit gusto ko sana magtanong kung ano ang mga nangyari pero parang ang tagal na namin dito kaya mas mabuti na lumabas na kami "ummm jao labas na tayo baka iniintay na tayo nila daisy at som" dali dali naman akong bumababa sa pinaghigaan ko "oiiii ok kana ba? baka mas ok na mag stay kana muna dito na untog yung ulo mo sa sahig kaya mas ok na magpahinga kana muna" pagaalala niyang banggit sabay hila sa kamay ko "jao ok nako kaya tara na? salamat sa pagsama mo dito sa clinic at sa pagaalala mo kaya tara na baka nagaalala narin sila satin" sabi ko sabay hila sa kaniya. Laking gulat ko ng pagbukas ko ng pintuan may isang lalaking naka upo sa upuan hindi ako puwede magkamali hindi rin ako makapaniwala si billy naka upo sa harap ng clinic na tila kanina pa nag iintay. Saktong lalabas na kami yun din ang sabay ng pagtayo niya sabay lapit sakin "bro ok kana ba? Sorry talaga ummm eh kung ihatid ko na lang kayo? Medyo maggagabi narin eh ahhhhh yung dalawa niyo palang kasama pinapasabi na mauuna na daw sila umm ano hatid kona kayo?" Pagaalala niyang sabi sa mismong harapan ng mukha ko habang hawak hawak ang kamay ko teka nasa langit naba ako? Ohh nanaginip bako totoo bang inintay ako ni Billy sa harap ng clinic dahil nagaalala siya sakin wait teka kinikilig ako nagigising ako sa pag eemote ng biglang kurotin ako ni jao sa tagiliran "Seng ok lang ba? bat kaba nakangiti habang nakatingin kay billy epekto bayan ng pagkakauntog mo? Sabi ni jao habang nakakatitig sakin na parang lalamonin ako ng buhay "ummm billy salamat sa Pag offer mo pero sabay na lang kami umuwi magkatabi lang naman kami ng dorm kaya ok lang kahit kami na lang dalaaa—" agad ko nalang tinakpan ang bibig ni jao chance nato para makapasok at makasakay sa pinapangarap kung sasakyan kundi ang kotse ni Billy hindi Kona sasayangin ang pagkakataon at si billy narin naman ang nag offer na iihatid kami "ehehehehe ummm billy sige hatid mona kami ummm medyo madilim narin diba jao diba?" Sabi ko habang nginitian si jao "ohhh sige sige ano paba magagawa ko" pagkakasabi niya habang kita sa mukha niya ang pagkadismaya "salamat jao the best ka talaga" sabay yakap sa kaniya buti mabait si jao kung nandito sila daisy at som nako sure akong diyun papayag "ummm tara na? magsasara na ang school" sabi ni Billy at na una sa paglalakad.
Naglalakad kami kung saan naka park ang kotse ni Billy hindi talaga ako makapaniwala na sasakay ako sa pinapangarap kung sasakyan noon ngayon masasakyan kona hindi puwede masayang ang pagkakataon nato tatadtarin ko ng picture ang sasakyan nayun pag nasa loob na kami. ARAYYYY!!! sigaw ko ng malakas ng hampasin ako ni jao sa balikat ng malakas "problema mo jao sakit nun ahhh" tanong ko habang iniinda ang sakit ng hampas ni jao hindi lang siya mabait mabigat din ang kamay "bakit ka pumayag? nako diba sabi ni diasy at som kahit crush mo yan hindi ka puwede mahalata diba kung nandito lang yun nako" ani ni jao na parang kinakabahan pero kung di ako papayag sayang naman ang chance na makaupo ako sa dream car ko yung car ng taong pinapangarap ko "jao ngayon lang naman pumayag kana at wag kang maingay kila som at daisy ok sure akong magagalit yun ahhh alam kuna ililibre kita ng dalawang linggo sagot kona recess mo" pagmamakawa kung sabi kay jao pero alam kung papayag siya dahil alam ko ang kahinaan ni jao ang pagkain "ohhh sige sige basta sagot mo ahhh ahhh!" Sabi niya basta talaga sa pagkain mapapayag mo siya "nandito na tayo umm sakay na kayo ng maihatid kona kayo" Sabi ni Billy habang naka tingin sakin sabay pinagbuksan pako ng pintuan sa mismong front door this is it pansit eto na ang chance para makapag picture picture. Dali dali akong pumasok sa puwesto kung saan katabi ko si billy at sa likod naman si jao magisa sure ako maiinis nanaman siya ayaw pa naman niya na wala siyang kasama sa likod. Kukunin kona sana ang selpon ko para makapag picture at masiplehan na mapicturan si billy pero maiyak iyak ako ng makita ko ang selpon ko na lowbat ang pagkakataon naman ngayon pa talaga siya na lowbat kainis may na isip akong paraan "ummm jao ehehehehe puwede mahiram yung selpon mo lowbat kasi yung akin? tanong ko kay jao "malas mo lowbat din selpon ko ohh tignan mo" sabi niya habang pinapakita ang selpon niyang lowbat din ang pagkakataon nga naman ayaw makisama kakainis naman yun na yung chance para makapag picture para sa remembrance pero ayaw makisama ng pagkakataon. Halos maiyak iyak ako dahil wala akong nakuhang picture. Diko na pansin na nakarating na pala kami "nandito na tayo ummm satingin ko tama naman yung napuntahan ko sinundan ko lang yung sinabi niyo na direction" ani ni Billy "maraming salamat sa paghatid samin billy saktong sakto yung paghatid mo umm seng tara na? Seng!!!" Sigaw ni jao sa mismong tenga ko na lulungkot talaga ako dahil wala akong na kuhang picture "owww eto na nga jao ummm maraming salamat sa paghatid samin ni jao" ani ko kay jao sabay pasalamat kay Billy baba na dapat ako ng biglang akong hilain ni Billy "umm jao puwede ikaw na mauna kunin mona yung mga gamit niyo ok lang ba?" Tanong ni Billy kay jao habang nakangiti bakit kaya anong meron "ummmm sige seng sunod ka na lang ahh" ani ni jao at sabay labas sa kotse pero bakit kaya pinauna niya si jao pero teka lang di pako ready kung ano man yun "ummmm balak mo sana magpapicture sakin kanina diba? kaso lowbat ka" na gulat ako ng bigla akong hawakan sabalikat sabay hila sabay picture ni Billy "ayan naka pagpicture na tayo ummm send ko nalang sayo?" tanong ni Billy sakin pero di ako makapaniwala na ang lapit niya at siya mismo ang lumapit kinurot korot ko ang sarili ko para malaman kung nanaginip bako dahil hindi ako makapaniwala. Baba na dapat ako pero ayoko muna gusto ko na si billy ang magtanggal ng seat belt ko nag intay ako kung gagawin ba niya ang iniisip ko ang pagtanggal ng seat belt ko pero mukhang hindi naman niya gagawin. Na gulat ako sa kumatok sa bintana ng kotse si jao na sumisenyas hindi ba talaga niya gagawin kung ganon ako na lang magtatanggal "ummm salamat billy sa paghatid ummm baba nako" ani ko kay billy ng akmang bubuksan kona ang pintuan ng kotse na gulat ako ng biglang makipag unahan si billy na buksan ang pintuan "ahh billy teka ano bang ginagawa mo?" tanong ko kay billy na gulat ako ng bahagya pero masaya "ummm ako na magbubukas para sayo" hindi ko alam ang gagawin ko mula sa driver seat na kipag unahan siya sakin na buksan ang pintuan hindi ko alam ang nararamdaman ko sobrang lapit niya sakin "billy ako na kaya ko naman eh" pag iinarte ko sabi kay billy "hindi ako na baka mabinat ka" habang tumatagal bawat usog ko yun din ang paglapit niya kaya maslalong lumalapit ang mukha niya sa mukha ko nagulat ako ng biglang binuksan ni jao mula sa labas ang pintuan muntik nako mahulog pero mabilis akong na hawakan ni Billy para hindi ako mahulog "ehemmmm tagal naman bumaba" ani ni jao habang nakatingin sakin kahit Kaylan talaga ang epal ni jao moment kona yun eh "ummm billy puwede mona ako bitawan para makababa nako" Sabi ko Kay billy at binitawan na niya ako sa pagkakawak "salamat uli bye ingat ka sa pag drive" ani ko kay biliy at bumababa na, agad naman siyang umalis "alam mo jao panira ka ng moment" malungkot kung sabi kay jao "ako pa talaga ako yung nag iintay sa labas pagbukas lang ng pintuan naguunahan pa bakit mahirap bang buksan ang pintuan ng kotse ni Billy para tulungan ka niya sa pagbukas? ani ni jao sakin na parang kasalanan ko na nakipag unahan si billy kahit naman ako na gulat sa mga pangyayari pero ang sarap sa feelings "ano seng tulala ka nanaman baka gusto mona umuwi gabi na" ani jao sabay lakad "oiii teka lang intayin moko" dali dali ko siyang hinabol kahit medyo mataba si jao sobrang bilis niya maglakad at kahit medyo mataba siya cute naman siya "teka lang jao"