Chapter : 1

1209 Words
SENG : POV Gumising ako ng maaga at nag timpla ng kape ito kasi yung araw na makikita ko ang taong bumihag ng puso ko. inayos at hinanda kona rin yung mga gamit na gagamitin para mamaya sa laban. sana naman tumingin manlang sana siya sa camera lagi na lang kasing pa side view yung kuha ko. napa tingin ako sa orasan 10 : 30am na ng umaga at saktong naka ready nako para umalis. nagulat ako ng bahagya ng biglang may kumatok sa pintuan ng dorm ko sigurado akong sila na yan. pagkabukas ko ng pintuan niluwa nito ang mga kaibigan ko. "Hello seng musta mukhang ready kana ah?" Sabi ni daisy habang yakap yakap ako "hindi lang ready halatang excited siya" banggit ni som habang nakangiti sakin "ehh panong hindi siya magiging excited ehh makikita na niya yung crush niyang si bill—" dali dali kung tinakpan ang bibig ni jao baka kasi may makarinig samin "diba sabi ko wag niyo siyang tatawagin sa pangalan niya baka mamaya may makarinig sainyo" banggit ko habang naka kunot ang noo dahil sa kaba "ahh oo nga pala ang dapat tawag sa kaniya ay MR.MAGIC!" Sigaw nila habang pinaghahampas ako. hindi ko alam kung ako ba yung kinikilig o sila. "Shhhhhhh oiiii ang aga aga pa tumigil nga kayo at tara na anong oras na" ani ko sabay lakad pa alis "halatang excited siya tingnan niyo iniwan tayo" banggit ni daisy sabay hila sakin "dalian niyo na kasi at baka maubusan tayo ng pwesto" sabi ko sabay hila sa kanilang tatlo "aray,teka lang ohhhh" sabay sabay nilang sigaw. Dumating na kami sa campus walang pinagbago basta talaga may mga laban na ganito hindi mahulogan ng karayom ang mga tao karamihan sa kanila galing pa sa ibang school. pagpasok namin sa cover court ang lakas ng sigawan kahit hindi pa nag uumpisa ang laro. Dali Dali kaming humanap ng pwesto yung pwesto na kita ang lahat ng maglalaro hindi kasi pwede na iisang player lang yung kukuhaan mo ng picture at lalong ilalagay sa bulletin. Kung ako ang tatanongin mas gusto ko talaga naka focus lang yung camera kay Billy pero hindi kasi puwede. Nagulat ako ng bigla akong hilain ni jao kasama ko siya sa mag picture katulad korin kasi siyang photographer. "Seng saan natin puwede i pwesto yung mga camera" tanong niya habang tumitingin sa paligid. ang hirap kasi talaga maka hanap ng pwesto lalo't ang daming dumadaan at nag tatakbuhan "ehh kung doon na lang?" Turo ko sa isang pwesto na madalang lang daanan. Dali Dali kaming lumipat sa itinuro kung pwesto. di nag tagal at na ayos na namin lahat ng gagamiting camera. Dirin nag tagal at nag umpisa na ang laro lalo pang nag ingay sa loob ng cover court nung isa isang tinawag ng MD ang mga player. Unang tinawag si Billy sobrang silang nag sigawan at pati ako na patili nung na kita siya sobrang hot niya bigla tuloy uminit sa loob ng cover court. Dali dali akong nag picture sayang ang pagkakataon "ang akala koba ang oras ng pag picture pag nag umpisa na ang mismong laro eh bat nag picture kana?" tanong ni som at sinabayan ng tango nila daisy at jao "eh kasi sayang ang hot kasi ni magic banda don" sabi ko habang naka ngiti kay Billy "ikaw talaga nako di ka naman pinapansin!" ani ni daisy at sabay sabay silang nag tawanan diko alam kung kaibigan koba sila oh sadyang ganyan lang talaga sila na kakainis minsan. Naka kuha nako ng unang picture mag iintay na lang kami na mag simula ang mismong laro. Di nag tagal nag si pwesto na ang mga player sa gitna at sinabayan ng pito ng referee sabay bato ng bola unang bola ay kila billy agad. Totoo lang di ko alam kung pano mag laro ng basketball pero kung si Billy ang mag tuturo sakin kung pano mag laro ng basketball why not. Sa bawat bolang na papasok kapalit nito ang malalakas na sigawan pero hindi lang naman si billy yung sinisigawan nanjan din ang isa pang kilalang kila walang iba kundi si Sky mag kaibigan sila ni Billy mag kasama din sila sa music band magka group sila. Nagulat ako ng may biglang tumapik sa balikat ko "titig na titig baka matunaw si Mr. Magic niyan sa sobrang titig mo" Sabi ni daisy habang naka ngiti sakin "Seng ehh kung tulungan moko mag picture hindi yung naka tunga ka jan" ani ni jao habang kumukuha ng picture na kalimutan ko ang dahilan kung bakit kami pumunta dito pumunta kami dito para kumuha ng picture para sa bulletin "yan tayo nakalimutan na yung gagawin dahil kay magic " sabi ni som habang naka tingin sakin na parang kakainin ako sa sobrang inis. Ginawa kona yung dapat na kanina kopa ginawa pag wala ako na kuhang picture na maganda tiyak malalagot ako. Sa bawat tingin ko sa camera basta si billy yung nandon para sakin maganda kaya bawat pasa ng bola kay Billy sabay naman nito ng pag picture ko. Na kakatunaw ng kaluluwa ang ka pogian ni Billy ngayong araw sa totoo lang araw araw naman siyang pogi at hot para sakin. Habang tumatagal nagiging maganda ang laban magaling din kasi yung kalaban nila billy mukhang na hihirapan sila pantay ang score ng bawat team kasabay nito ang pag break gusto ko sana abutan ng towel o tubig si billy kaso "Seng ano binabalak mo tignan mo oh" sabi ni jao habang turo Kay billy gamit ang nguso at sinundan ko kung saan at sino ang tinuturo ni jao at na kita ng dalawa kung mata ang isang babae na nag pupunas ng likod ni Billy at nag abot ng tubig hindi ako alam ang maramdaman ko pero na isip ko sino ba ko para magkaganito crush ko lang naman siya at walang na mamagitan samin ni Billy kaya wala din akong pakialam kung magka girlfriend siya sino bako para mag selos diko na malayan na na hulog kona pala ang tubig na hawak hawak ko kanina "Seng ok lang yan malay mo hindi sila diba" sabi ni jao habang hinihimas ang likod ko "oo nga tama at mukhang di sila bagay" "mas bagay kayo seng" ani nila daisy at som kahit minsan medyo seryoso sila pero pag feelings na ang pinag uusapan lagi silang nanjan para umagapay sakin. Pagkatapos ng mga pangyayari muli nag umpisa ang laban pero ako naka tingin at naka titig sa isang babaeng naka upo kung saan ang pwesto ni Billy pag nag break time daming pumapasok sa utak ko nag overthink ako na di naman dapat wala namang kami pero bat nag kakaganito ako parang kanina lang saya ko pang nag picture pero ngayon parang di na mapinta ang lugar nag iba na ang texture ng bawat segundo. Di ko alam pero na gulat na lang ako ng biglang may tumama sa ulo ko hindi ko alam kung ano yun pero bigla na lang akong tumumba ang huling na rinig ko pagkatapos nun ang boses ni Billy na tinatanong ako kung "hey...bro ok ka lang ba sorry na palakas yung pagpasa ko heyy" "seng...seng...seng" sigaw nila jao,som at daisy at tuluyan nakong na walan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD