Pagpindot sa napiling timpla ng kapeng gusto kong inumin galing sa vendo machine ay inilabas ko na ang aking cellphone na ilang beses kong naramdamang mag-vibrate. Tatlong text message ang sunod-sunod na dumating—lahat 'yon ay galing kay Ryu.
Ryu Alejandre:
Ano nang nangyayari riyan?
Hindi pa rin nahahanap sina Mr. C?
Si Kylué kumusta na?
Sandali akong natutulala sa huli nitong mensahe. Bagama't pareho kaming nasa Palawan, halos hindi rin naman kami nagkikita nitong mga nakalipas na araw. Kasama kasi siya nina Kraige sa search and rescue operation habang naiwan pa rin ako rito sa hospital para bantayan si Nirvana at Persephone.
Nang mahagip ng mga mata ko ang pagkapuno ng kape sa paper cup ay tuluyan ko nang ibinalik ang cellphone sa bulsa at hindi na nga nireplyan pa si Ryu. Gano'n pa rin naman kasi ang sitwasyon. Nawawala pa rin sina Mr. C. Ang bunso ng mga Cruorem ay nasa ICU at si Nirvana, wala pa 'to sa sarili. Hindi pa siya nakakausap nang maayos.
Bago tuluyang umalis sa may coffee vendo machine ay sumagi pa ulit sa isip kong i-text si Kylué para kumustahin 'to. Malalim at ilang beses akong bumuntong-hininga bago tuluyang umiling. Hindi na. Hindi rin naman siya magrereply. Magsasayang lang ako ng oras.
Bitbit ang paper cup na may mainit na kape ay bumalik na 'ko sa private room. Hindi pa man din ako tuluyang nakakapasok sa loob ng kuwarto ay naririnig ko na ang malakas na sigawan galing doon at ang ingay dala nang pagkabasag ng kung ano.
Naalarma, mabilis kong binitawan ang paper cup at malalaking hakbang na pumasok sa loob.
"Hindi." Nirvana shakes her head fast. Valkyrie's about to come near her again but I managed to stop her. Shedding beads of tears again, she looks at me before she remove my hands that's grasping on her left arm.
"H-Hindi pa patay sina Papa, Valkyrie. It's Artemis and Crimson Cruorem that we're talking about here. Of course they made it too. They're somewhere, waiting to be rescue," Nirvana whispered, the agony on her soft voice disguise themselves as hope to cheer herself because at this time, what she need is something to hold on to. Something that will keep her sanity. Though I didn't want to burst her bubbles, I don't want her to hope for something that's not gonna happen either.
"Young Miss," she looks at me, her lifeless eyes looks familiar. I've seen it before—for a thousand times.
"Esquivar." Kinakabahang sambit ni Valkyrie sa 'king pangalan.
"Kung hindi pa rin—"
"Esquivar, ano ba?" dumagadugongdon ang boses na suway ni Valkyrie. Nirvana closed her eyes and though she's struggling, she find way to stand up through the help of the hospital bed.
"What is it?" Nirvana Cruorem reprimand, basing on the tone of her voice. I'm aware that what she wants is a direct answer.
"Esquivar, hindi—"
"Shut up, Valkyrie." Hinawi ni Nirvana ang pinsan at maliliit ang hakbang na lumapit sa 'kin, sa pagkilos nito ay ang pagtagas nang pagsusumamo sa kaniyang mga mata.
Binasa ko ang aking pang-ibabang labi. Ngayon ay hindi na 'ko sigurado kung dapat ko pa bang sabihin sa kaniya ang mangyayari pagkatapos ng araw na 'to. Mukha kasing hindi niya kakayanin.
"I said, what is it?"
"Kapag natapos ang araw na 'to at hindi pa rin nakita ang bangkay." I paused. Nirvana's eyes widen, horror takes over her orbs. "Kapag hindi pa rin nakita ang bangkay nina Mr. C ay kailangan nang itigil ang search and rescue operation ayon sa coast guard."
"Bangkay?" Nang malusaw ang mga takot sa mata niya ay mabilis na kumawala ang galit. Galit para sa 'kin at sa katotohanang binitiwan ko. "Hindi pa patay ang mga magulang ko. Hindi bangkay ang hinahanap nila!" Mariin na lang akong pumikit nang hablutin niya ang kuwelyo ko't paulit-ulit na hinampas sa ulo gamit ang nakakuyom niyang kamao.
"Nirvana. Stop it!" alingawngaw ng pang-lalaking boses sabay sa ingay nang bumukas na pinto. May pag-iingat na inalis ni Kylué ang kamay ng pamangkin na mariing nakahawak sa 'kin.
Valkyrie guided her terribly sobbing cousin on bed while Kylué moves to face me. Our eyes met, the sunshine that I love seeing on his eyes—they're still missing.
Muling bumukas ang pinto ng hospital room. Isang lalaking Doctor na sa wari ko'y kaedaran na ni Kraige ang pumasok kasama ang isang babaeng nurse na pinalabas na muna kaming tatlo.
"Ivar?" My whole body instantly freeze. The tenderness of his voice made me close my eyes as I only want to hear it on my head over and over again. Pagmulat ko, nasa harapan ko na si Kylué. Ang mata nito'y tahimik akong sinusuri, hinahanap ang pinsalang maaring natamo ko dahil sa ginawa sa 'kin ni Nirvana.
Dahil hindi ko rin naman alam kung paano ko siya kakausapin at pakikitunguhan pagkatapos ng mga nangyari ay sumenyas na lang akong magsisigarilyo muna ako sa labas. Hindi na 'ko naghintay pa nang tugon mula rito. Nagmamadali akong umalis para matakasan na rin ang samu't saring nararamdaman ko.
Sa ilalim ng malaking puno ilang hakbang ang layo mula sa parking lot ng hospital ay roon ko nilunod ang sarili mula sa usok ng paboritong sigarilyo. Halos mauubos ko na 'to nang maramdaman ko ang presensya ng lalaki sa likuran. Pagtabi nito sa 'kin ay saka ko nakumpirma ang hinala.
Si Kylué nga.
Sa huling pagkakataon ay hinithit ko ang sigarilyo saka 'to binagsak sa damuhan at tinapakan
"Natatakot ako para kay Nirvana," pagsisimula niya. Unti-unti ko 'tong tiningnan. Hindi katulad sa 'kin ang paningin niya ay nasa kawalan lang. "I don't think Posie will survive from this. If she die, Nirvana will eventually die too and that scares me. People who lost everything are the scariest, aren't they?"
I couldn't disagree for I saw it on her eyes too.
"What if she makes it—P-Posie," I said, stammering. Kylué glance at me and put his hand on the pocket of his black bomber jacket. "I don't know what will happen next if Posie make it. I just hope she wouldn't have to spend her life hating the world for taking her parents from her at such young age, like me." At that moment, I realized what happened. What went wrong, why he became cold to me and why he begged that day.
It reminds him of his past. Oo nga pala, sa harapan niya rin pala pinatay si Lady Barcelona noong five years old pa lang siya.
"I'm sorry. Hindi ko sinasadya yung nangyari sa bata. Hindi ko kayang pumatay ng inosente, Kylué. Gusto ko lang linawin." He smiles at me and reach for my hand that he puts inside of the pocket of his jacket too.
"I realized it late but at least I know now." We both sighs, relief that the walls that block us from coming to each other's now gone.
"Kumusta ka na, Ivar?" humagikhik siyang humarap sa 'kin. Nang mapansin ang aking ekspresyon ay sumeryoso na rin ang mukha nito.
"Baby—"
"Natakot ako," agap ko. Umawang ang labi nito ngunit muli niya 'yong itinikom. "Akala ko maiiwan na naman ako mag-isa, Kylué." Sa loob ng bulsa ng jacket nito ay marahan niyang pinisil ang kamay kong hawak niya pa rin.
"Don't be. You're my home. Babalik at babalik ako sa 'yo."