C17

1180 Words
Nakalipas na ang ilang minuto ngunit parang patuloy ko pa ring naririnig ang nanginginig na boses ni Kylué. Ang rumaragasang takot at pag-aalalang umagos mula sa kaniyang labi sabay sa mga katagang sinabi nito sa 'kin ay talaga namang binagabag ako. Nang hindi na nakatiis pa. Inilabas ko na ang cellphone at hinanap ang pangalan nito sa 'king contacts. Bago siyang tuluyang tawagan ay sinarado ko muna ang pinto sa may shotgun seat kung saan ko ipinasok ang maletang pinagtaguan ko ng case ng sniper. Habang umiikot papunta sa driver's seat ay itinapat ko na ang cellphone sa 'king tainga. Parang piraso ng manipis na papel na nalukot ang aking mukha nang ni-reject ni Kylué ang aking mga tawag. Habang hawak ang nub ng pinto ng kotse, muli kong idinial ang number niya, sa pagkakataong 'to ay mas mabilis niyang na-reject ang aking tawag. I gritted my teeth and get in the car. As the engine comes to life, my phone made its noises. Thinking that it's a return call from Kylué, I answered it without inhibition. "You were busy or something- "Esquivar, this is Pax. We got a situation. Malapit ka na basa RMS?" umayos ako nang upo. Ang pagkakahawak ko sa manibelang minamaniobra ay mas tumikas kasabay nang biglaang pagseryoso ng atmosphere na bumalot sa 'kin. "Medyo malayo pa. Bakit? Anong nangyayari riyan? May sumugod ba sa 'tin?" sunod-sunod kong tanong kay Pax habang mas dinidinaan ang pagkakatapas sa gas pedal para mas mapabilis pa ang pagpapatakbo sa kotse. Ang ingay galing sa pagkabuhay ng propeller ng chopper ay naging dahilan para lalo akong mabahala. Kung naririnig ko ang ingay na 'yon ay ibig sabihin wala si Pax sa RMS kung hindi nasa lote siya kung saan lumalapag ang mga paparating at paalis na chopper ng Raspcallion. Bukod sa nakabibinging tunog ng chopper ay parang mayroon pa ring kinakausap si Pax mula sa kabilang linya at kahit na sinubukan kayong pakinggan ay wala naman akong napala. "Pax. Ano bang nangyayari riyan?" I shouted. "It's not us. It's the Miscreant. Sumabog ang yateng sinasakyan ng mga Cruorem. Mauuna na kami nina Noe sa Palawan." Pagkasabi niya non ay natapos na ang pagtawag nito sa 'kin. Nagmamadaling ipinihit ko papunta sa u-turn ang sasakyan at halos paliparin na 'to marating ko lang kaagad ang lote. Ilang beses ko pa ulit tinawagan si Kylué ngunit patuloy niya lang din na nirereject ang tawag ko. Tangina. Pagkababa ko ng kotse pagdating sa lote. Sumalubong sa 'kin ang isang pawn dala-dala ang parisukat na case. Nang magtapat kaming dalawa ay binuksan na nito ang hawak para makuha ko na ang dalawang kulay silver na handgun. Habang isinusuksok ko 'yon sa tagiliran ay namataan ko ang paglapit ni Kylué sa papaandar ng chopper. "Sinong knight ang naiwan sa RMS?" tanong ko sa pawn. "Wala pong natirang knight doon maliban sa femme fatale, pawn at soon-to-be pawns," anito habang isinasara ang case na kalaunan ay hawak niya na lang sa isang kamay. Isang beses pa 'kong tumango sa lalaking kaharap bago ko 'to nilampasan at dumiretso na sa huling chopper ng Rapscallion na handa na ring umalis. "Si Nirvana at Posie pa lang ang na-recover mula sa pinanyarihan ng pagsabog. Hindi pa nakikita sina Sin at Artemis pero patuloy pa rin naman ang search and rescue operation," pag-iimporma sa 'kin ng isa pang Rapscallion Knight na kasama namin ni Kylué sa chopper. My eyes drifts away from the Rapscallion Knight and find it looking after Kylué whose eyes are pasted on the chopper's window. Humigit isang oras at kalahati ang kinailangan naming igugol sa pagbiyahe bago marating ang helipad ng Hotel McAllister. Ang isa't kalahating oras na 'yon ay inubos ko lang din sa panunuod ko kay Kylué na hindi man lang ako nilingon. Balisa lang 'to at para bang lumilipad na ang utak niya sa kung saan. Malamang ay nag-aalala siya kina Sin. Although he claimed that he never wants to be part of the Cruorems, I believe at the back of his mind, he hopes too. Paglapag ng chopper. Agad nang bumaba ang mga kasamahan namin. Saka pa lang din lumingon sa 'kin si Kylué. The absence of the usual emotion that dwells well on his eyes stopped me for a moment-until I heard him clear his throat. "They'll be fine. Mahahanap din sina Sin." Tatapikin ko sana 'to sa braso ngunit maagap niyang iniwas ang sarili at tuluyan nang kumilos para bumaba na rin sa chopper. Naiwan akong nagtataka sa loob at walang maintindihan maliban sa hinuhang galit at parang nandidiri ito sa 'kin base na rin sa naging reaksyon niya. Ilang segundo matapos kong matauhan ay kumilos na rin ako pababa ng chopper. Sakto sa paglalakad ko palayo roon ay ang pagdating naman ni Kraige na mukhang narito talaga para sumalubong sa 'min. Una nitong nilapitan si Kylué. Habang may kung anong sinasabi sa pamangkin, ang mga mata naman niya ay sa 'kin na nakatuon. Nang tumango si Kylué rito at patakbo nang lumakad sa pinto para makababa sa helipad ay saka nagpatuloy si Kraige sa paglapit sa 'kin. "Lord-" "Hindi pa rin nakikita ang katawan ng mag-asawa." Sa pagbuntong-hininga niya ay bumalatay rin ang konsumisyon at pag-aalala sa mukha nito, bagay na ngayon ko lang nakita. Standing firmly before his eyes. "Anong gagawin ko?" I asked him. "This is gonna be the start of Miscreant's fall and I'm afraid we can't do anything to protect them. I'm not risking my knights and pawns for this battle," he murmured between his heavy sighs. May the God help Miscreant. PAGDATING SA HOSPITAL kung saan isinugod si Nirvana at Posie ay agad kong nakita si Valkyrie. Nakaupo 'to sa bench na nasa gilid ng hallway at nakayuko. Isang hakbang pa bago kami magtapat na dalawa ay nag-angat na 'to ng ulo para hanapin ako na para bang pamilyar na siya sa aking presensya. Namumugto ang mga mata at nanginginig ang mga labi. Tumayo 'to at humihikbing yumakap sa 'kin na aking ikinagulat. "Kumusta yung magkapatid?" sniffing and trying to stop herself from sobbing, she let go of me and step back. Valkyrie bit her shaking lips. "Nasa ICU si Posie at si Nirvana..." Marahan nitong nilingon ang kulay puting pinto na nasa likuran niya. "D-Did he sent you to guard them?" I nodded and reach for the doorknob. May hinala si Kraige na nasa panganib pa rin ang nakaligtas na magkapatid at ang tanging magagawa na lang namin para sa kanila ay ang protektahan silang dalawa. Iyon na lang dahil mukhang hindi na mahahanap pa ang magulang nila. Malakas ang naging pagsabog. Impossibleng buhay pa sina Sin at Artemis. "Hindi ko maintindihan. Bakit kailangang mangyari 'to? Paano 'to nagawa ni Throne sa sarili niyang pamilya-kay Posie. She's just a child. Bakit pati siya idadamay," bulong ni Valkyrie. A memories of mine from the incident earlier flashed briefly. Hindi ko alam. Maaring katulad nang nangyari sa 'kin kanina ay nadamay lang din ang pinaka-batang Cruorem. Si Persephone at ang anak ng target ko-minalas lang sila. Minalas sila dahil anak sila ng mga magulang nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD