C11

1379 Words
Pagka-stand ko sa 'king motorsiklo at pagpatay ng makina nito ay inasahan ko nang baba na rin si Kylue ngunit hindi 'yon nangyari. Lumipas ang ilang segundo—minuto pa nga yata at nanatili lamang ang mahigpit na pagkakahawak niya sa 'king bewang na para bang natatakot itong luwagan 'yon dahil maaring mahulog siya. Hinubad ko muna ang suot na helmet at isinabit sa manibela bago ko 'to pasimpleng nilingon. Bagaman suot pa rin ni Kylué ang kaniyang helmet ay alam kong wala sa sariling pinagmamasdan niya na ang itim na kalangitang binudburan ng sandamakmak na bituin. Napatingin din ako roon. Mas malaki at maliwanag ang bilog na bilog na buwan ngayon kesa sa nakasanayan. Sumagi ang isang nakakatawang ideya sa 'king isip. Napaka-perpekto naman ng gabing 'to. Kahit na parang mas gusto kong manatili na lamang dito sa labas at pagmasdan si Kylué habang namamangha siya sa kalangitan. Mas nangibabaw ang pangangailangan kong uminom ng kahit na ano para maibsan na ang panunuyo ng aking lalamunan. Marahan akong tumikhim para kunin ang atensyon niya, sa isang kisap-mata lang ay inaalis na ni Kylué ang helmet at diretso na nang nakamasid sa 'king mga mata. Ang mga labi kong may sasabihin sa kaniya ay naitikom ko na lamang nang manlambing ang mga kurba sa mapupula niyang labi. "May yogurt drink ka ba sa loob niyang cabin?" Itinuro nito ang direksyon ng cabin na ang maliit na terrace ay pinauulanan ng liwanag ng buwa. "Wala pero puwede naman akong sumaglit sa labasan. May maliit na convenience store roon ayon sa pagkakatanda ko." Muli ko na sanang bubuhayin ang makina nang humawak siya sa 'king braso. Agad akong napatingin dito at umiling naman siya. "Huwag na. Kung ano na lang ang mayroon ka sa loob. Halika na Ivar," aniya at nauna nang maglakad papunta sa Cabin na para bang siya ang nagmamay-ari non at ako ang bisita. "This place looks like a piece of your soul." Natigilan ako mula sa ginagawang paglagay ng susi ng aking motorsiklo sa isang kulay itim na sculpted hand na nakapuwesto sa gilid ng pintuan. "That's cute," muli nitong komento nang masipat ang niluluk na kamay. "You think this is cute?" muli kong itinuro ang kamay na kahoy. Marahan siyang tumango habang pinasasadahan ng isang daliri ang kaniyang mga labi. Pasimple akong napalunok, nag-iwas nang tingin sa kaniya at iniwan na 'to sa maliit na salas para magtungo sa kusina ng cabin. "Don't you think so? Kung hindi pala e bakit nandito sa cabin mo ang bagay na 'yon?" ani Kylué nang mahanap niya ako sa kusina. Isinarado ko ang drawer na pinagkunan ko ng dalawang itim na tasa. I glance to his direction and shrugs my shoulder. "Because it's weird? I kinda like weird looking things. I often find comfort seeing weird things. It's like a reminder that I'm not the only one that's weird in this world that always seeks for perfection," sabi ko saka pinindot na ang button ng electric kettle para sa pagpapakulo ng mainit na tubig na ikalawang importanteng sangkap para sa 'king—sa 'ming kape. "I'd rather say unique than weird. Rare, one in a million. You're not weird Esquivar keep that in mind." Suddenly Kylué chuckled. "Nevermind about keeping it in your mind it'll be my pleasure to remind you that you're one in a million... and mine." Napairap na lang ako sa ere. "Too corny, Kylué. Who are you William Shakespeare's reincarnation?" nang muli ko siyang tapunan nang tingin matapos kong isalin sa tasa ang kumulong tubig ay nakanguso na 'to na para bang nagpapa-cute siya. Yes baby you're cute. Too cute and it's f*****g my mind already. "Hmm." Marahang dinala ng aking kamay ang tasa ng kape papunta sa direksyon ng counter kung saan siya pumuwesto. Habang iniinom ko na ang aking kape ay napako lang ang mata niya sa ibinigay ko. "Ayaw mo ba?" nagmamadali niyang iginalaw ang ulo na para bang kung hindi niya 'yon magawa ay may mangyayaring kung ano. I pursed my lips and tried to stop myself from smiling when I saw his soft face crumpled the moment he tasted the coffee that I make. "Wala na bang mas mapait pa rito, Ivar? Wala ka bang asukal o creamer? Wala kang pambili? Hindi ba't mayaman ka naman? Sigurado ako roon dahil ikaw ang Head Knight ng Rapscallion." I simpered at his whines and continued sipping on my cup. "Hindi ka naman magtatampo kapag hindi ko 'to ininom 'di ba, Ivar? Hindi ko kasi talaga kaya yung pait—" "Tingin mo ba ay masiyado akong mababaw para magtampo na dahil hindi mo ininom ang kapeng yan? Patawa ka naman." Again, Kylué pouted his lips and play with his finger as his eyes began to roam around. Nang mapansin kong natuon ang atensyon nito sa painting na nakasabit sa dingding malapit sa dining table. It's not really a painting but a sketch of a fallen angel. My own art—ang huling nagawa ko. "K-Kylué." I couldn't help but stutter as I suddenly felt a certain unknown twist in my chest when he ambles closer to my framed sketch. Binaba ko ang tasang hawak at sumunod na sa kaniya para pigilan na 'tong mas makalapit pa roon at madiskubreng aking gawa ang nakasabit sa pader ngunit huli na. "E. dela Torre." He gazes at me with fascination on his eyes. It was as if he discovered an ancient treasure. "So my baby's an artist too." "Was," pagtatama ko. Kylu tore his eyes off me and look earnestly at my sketch. Hinawakan ko na ang braso niya at pilit na iniharap sa 'kin. "Why did you stop?" Natahimik ako. Hindi ko magalugadgad ang aking memorya para sa sagot sa tanong nito. "Balik na tayo sa RMH? Baka kailangan na kasi nila ako—" "Ivar." "Hindi ko rin alam, Kylué. Inihinto ko kasi hindi ko na kayang gawin pa. Puwede na ba 'yon? Ngayon halika na. Iuuwi na kita. Hindi mo ba gustong makita ang mga kapatid mo?" "Life must be so damn hard on you that you eventually stop doing things that you love like doing arts, Ivar. It was and it is still. I wanna see your scars, show them to me." Puzzled and couldn't keep up with our conversation anymore all that I can do is stare back at him as if I am a stupid and unable to scream pterodactyl. What is going-on? "B-Bakit?" Slowly, he takes away the distance between as by strolling close to me until we're inches apart. "I wanna know how many times you needed someone to talk to and be with you but I wasn't there so you end up telling it to your body instead through knife, wounds and scars." I shook my head, a sign that I am against of what he wanted me to do. I just can't open up myself to him, not yet. Not tonight or never perhaps. "You just reminded me of how sad and miserable I am, Kylué. Do something about it," I demanded sounding so soft and frail. "Sorry. Curious lang. Hindi ko naman sinasadya—" Naputol na lang nang biglang pagsinghap ni Kylué ang mga sinasabi nito dala ng kaniyang pagkabigla nang buhatin ko 'to at iniupo sa ibabaw ng lamesa. With his hand on my arms and eyes attached with one another, a unsaid request of mine was granted. Apart from the silent talking of our soulful eyes, he nodded too. It was the gesture that I'm waiting for. Quickly and hungrily, I snatch his Cigarette After s*x band shirt and leans closer to his neck. Everytime my lips touches the silk-like texture of his neck is the tightening of his hold to my shoulder. While I was busy tracing his adams apple, I felt him tug the hem of my shirt. I shove his hand and move a bit away from him. My Kylué looks all disappointed with my rejection. "Please... k-kiss me, Ivar." Unceremonically, I removed my own t-shirt and the caged him on my arms. My lips then move again to leave mark on his broad shoulders, Kylué groaned in pleasure and frustration. "Esquivar!" "No kiss on my lips for tonight, Kylué Amorue. You've been a bad boy," I whispered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD