"HOW ARE THEY?" sinipat ko ang mga pawn na nasa training. Ibinaba ni Pax ang tasa ng kapeng sinisimsim kanina at tumingin sa 'kin. Nauna nang sumikat ang araw sa kaniyang mga labi kesa sa paglabas non sa langit. "Getting better. In a month or two they'll be like our usual pawn."
"You mean languid and fool?" I sighed exasperatedly. Snatch a nunchuck from the table behind and casually plays with it as my eyes over-look Pax to watch how the soon-to-be pawns moves. I got disappointed. I tore my eyess of them and look for Picasso. "In a month, Pax. I want them to become the best pawn that we can have."
"And if they didn't become one?" tanong niya. I stopped swirling the black nunchunck and puts it back on the table. "Tell them I'll burn them alive. How's that for motivation?" Pax smirked and clapped his hand to call out the trainees while I amble my way inside of the main house to meet Kraige for my morning report.
Pagpasok ng main house imbes na tumuloy sa study ay natagpuan ko ang sariling nakatingin sa grandstaircase papunta sa ikalawang palapag. Hindi ko namalayang hinahanap ko na pala siya. Hindi ba't maagang nagigising si Kylué? Ibig sabihin non ay nasa kung saang sulok lang siya. "Looking for someone?" Ryu asked from behind. Wearing a white and flowy dress. This woman looks like a fallen angel. An angel who got kicked out from heaven. "Si Kylué ba? Maaga siyang umalis kanina. Sinamahan niya si Valkyrie." In the corner of my eyes I caught Ryu wriggling her eyebrow to tease me.
When my mind fail to save me, my lips did by simpering. Bold, braver and on my usual facade, I faced her. "I was looking for-"
"Him. I'm sure you know where you can find Kraige and so you won't waste your time to look for him in other places. Esquivar dela Torre, yes you're the greatest Rapscallion Knight and reaper but that doesn't me you're the only good observant here. Aside from that I saw the two of you kissing on the club's parking and Kylué snucked on your room, didn't he?" Parang yelong nadurog at natunaw ang aking depensa dahil sa mga narinig. Nanlalaki ang aking mga matang sinubukan kong magsalita, "I-I... I don't like him."
Ryu laughed out loud. As she does that, she kept on shaking my shoulder, pissing me more. "You do and I can't see anything wrong with that." Isang beses niya pang tinapik ang balikat bago naglakad papaakyat. Nakakaisang hakbang pa lamang 'to ay lumingon siya ulit sa 'kin. "Kraige's on the study if you're actually looking for him." She winked.
"It feels good to have you, Kylué." Awtomatik na tumakbo ang mga mata ko papunta sa pinagmulan nang pambabaeng boses. Doon ay nakita ko si Valkyrie at Kylué. May dala-dalang bag ng grocery ang mga ito at kung hindi ko lang alam na pamangkin ni Kylué si Valkyrie ay maiisip kong magkarelasyon sila, sa totoo lang ay bagay silang dalawa. Kylué's eyes spangles as he smiles cheekily to me. I looked away and walk-out.
Walang lingon-lingon ko nang pinuntahan si Kraige sa study. Pagbukas nang nakabantay na pawn sa pintuan ay bumungad sa 'kin ang likuran ni Kraige sapagkat nakaharap ito sa stained glass ng kaniyang opisina habang nilalanghap ang aroma ng matapang na kape.
"Kraige, I made an observation to our latest traineed and I think it'd be best if-"
"The heads of Miscreant Mafia are on their way here together with Valkyrie's parents-for the wedding ceremony," he murmurs right after he cut me off. Unti-unting itong humarap sa 'kin. Ang mukha niya ay nababalot nang makahulugang tagumpay. "Cruorems past finally caught up with them and they're in big trouble. Guess who asks for alliance and what we're getting in return." Sa pagkakakurba pa lang ng labi ko ay alam ko na kung ano ang makukuha ni Kraige kapalit nang pakikipag-alyansa sa Miscreant. Ang pamosong Isla Serpiente.
"Paano ka nakikisuradong ibibigay nga nila 'yon?" hamong pang-uusisa ko.
"Miscreant is an empire. A falling one. If they ever betray us it'll be their death, Esquivar. Miscreant means so much to Mr. C. It's his legacy, theirs. He won't let it go down that easy and so he's risking everything he has to save it." Hinila ni Kraige ang swivel chair sa lamesa at nagagalak na ipinahinga roon ang sarili. Itinaas nito ang hintuturo at saka sumeryoso na. "Sunduin mo sila sa pribadong paliparan sa kabilang bayan mamayang alas-singko at ihatid dito."
Sandali akong nalito. Nangunot ang aking noo at kahit na hindi ko pa isinasalita ang aking pagtutol ay alam na agad ni Kraige na hindi ako pumapayag base na rin sa naging pagbabago nang timpla sa 'king ekspresyon at pagkilos. "Miscreant made enemies all over Asia...the world rather. By now, they probably know that the great Empire is vulnerable and it's their chance to attack. There comes our responsibility to protect them in exchange for Isla Serpiente." Muling lumagok si Kraige sa tasa ng kapeng hawak. "Pagkatapos mo silang dalhin dito. Pulungin mo ang lahat ng Rapscallion pawn at Knight. Bumuo kayo ng isang battalion na ipapadala sa Naples at isa pang unit sa pamumuno mo na puprotekta sa Miscreant habang narito sila sa Pilipinas."
MULI AKONG SUMULYAP sa relong nakasabit sa 'king pala-pulsuhan at mas lalo lamang nabagabag nang makitang alas-siyete na ng gabi. Saglit kong ipinikit ang aking mata at sa pagmulat ay bumuntong-hininga. "Bakit ba hindi ka mapakali, dela Torre?" sita ni Lic habang nagmamaneho ito pabalik ng Rapscallion Main House. Kakatapos lang naming sunduin ang Miscreant Heads sa pribadong paliparan ng Rapscallion sa kabilang bayan at kasalukuyan naming pinangungunahan ang pagtahak ng daan pabalik sa RMH.
"May lakad ka ba?" muli niyang pang-uusisang hindi ko na pinansin pa. Para akong nabuhay ng kung ano sa 'king tiyan matapos kong matanaw ang mataas na tarangkahan ng Main House. "Baba na 'ko rito," bigla kong sinabi habang hinahanda ang sarili. Saglit na bumaling sa 'kin si Republic. "Baba na ako rito." Sabay sa pagsasalita ko ay narating na namin ang tarangkahang awtomatikong bumukas. Itinabi ni Lic ang minamanehong kotse sa gilid, ibinaba ang bintana at nilabas ang kamay para senyasan ang mga naka-convey sa 'min na mauna nang pumasok.
"Bakit?"
"Basta." Isasara ko na dapat ang pintuan nang sandali akong matigilan. "Ikaw na ang bahalang magpalusot para sa 'kin kapag hinanap ako ni Kraige. Babalik din ako mamaya. Bago pa nila ako kailanganin bukas ay nandito na 'ko, sigurado 'yan." Pabagsak kong isinarado ang pintuan at hinarap na ang pawn na kanina ko pa naramdaman ang presensya sa 'king likuran. Imwinestra nito ang aking Ducati sa gilid pagkatapos niyang ibigay ang helmet at susi ng motor.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Dali-dali ko nang hinablot ang mga 'yon at sumasakay sa motor na sinusuot ko ang itim na helmet. Nang maayos na ang lahat ay halos paliparin ko na ang motorsiklo papunta sa City Proper kung nasaan ang arena na pinagdarausan ng concert ng SAS. Pagdating ko sa parking lot ng arena ay rinig na rinig ko na ang tinig ng mga taong nakikisabay sa pagkanta ng banda. Isang indikasyon na nagsimula na ang concert. Paghubad ko sa helmet na suot ay muli kong pinahapyawan ang relong suot. Alas-otso na. Isang oras na ang lumipas nang magsimula ang concert.
Nasa loob na kaya si Kylué?
"You're here," sabi ng maamong boses galing sa 'king likuran. Unti-unti kong ipinihit ang sarili ko sa gawing 'yon at doon ay nakita ang nakatayong si Kylué-suot ang kulay itim na t-shirt na kaparehas ng iniwang niya sa akin.
"You came," muli niyang sinabi na parang hindi pa rin makapaniwala. Marahan akong tumango rito at nahihiyang ngumiti. "I did but I'm late, sorry."
"You should be, Ivar. It's been an hour." Ipinakita ni Kylué ang sariling relo. "Hindi na nila tayo papasukin sa loob. You've just stole my right for a perfect first date. You should make it up to me," he demanded but in a soft manner, very Kylué.
"Hop in."
"Saan mo ko dadalhin?" pang-uusisa niya habang umaangkas sa 'king likuran.
"Somewhere. Gusto kong magkape tapos... gusto rin kita," I confessed.