Hindi pa sumasabog ang liwanag sa labas ng bintana. Naririnig ko na ang mahihinang pagkatok na sinamahan ng maliit na boses ni Sivan. Hindi ko alam kung pakay ba talaga nitong gisingin ako kasi kung oo dapat ay mas malakas pa nang kaonti ang boses niya. "¿Papá?" ilang beses niya nang sinabi 'yon sa loob lang ng ilang minuto. "Papá, ¿estás despierto? ¿Puedes abrir la puerta? Todavía tengo sueño." Napilitan na akong bumangon sa kama dahil sa pangungulit ni Sivan. "Simonne Giovanni si todavía tienes sueño, ¿por qué no duermes más? En tu habitación ... y déjame dormir también. Todavía es temprano. [ Simonne Giovanni if you are still sleepy why don't you sleep more? In your room... and let me sleep too. It's still early. ]" Ilang segundo rin ang lumipas. Ang buong akala ko ay bumalik na si S

