Hindi ko gusto ang tingin na pinupukol sa akin ni Noe at Pax pagdating ko sa RMS. Animo'y nakatahi ang mga bibig nila ngunit ang mga mata nilang pinagpipiyestahan ako ay ang siyang nagpapaulan ng mga katanungan. "You told them?" I asked the newly arrive Ryu Alejandre. Siya lang naman ang nakakaalam na pumunta ako sa exhibit ni Esquivar at nagwaldas ng ilang milyon para bilhin ang emancipation of the damned. She innocently tap her chest while she wide gaze at me. "Ako? Kapag may kumakalat na chismis ako agad ang pinagmulan? Hindi puwedeng naiwan mo sa library iyong brochure ng exhibit. Nakita ni Noe kaya nalaman niya?" Naupo ito sa sofa. Unti-unti kong napagtanto na bago pa ako dumating ay nandito na si Noe at Pax sa kuwarto. "Paano kayo nakapasok?" malinaw sa memorya ko na sinarado

