Kapag nakita mo na sya, wag ka magtaka kung di ka kaagad nya makilala
Kung ano ang naramdaman mong kilig, baka iyon naman ang naramdaman n’yang inis
Kung paano mo siya titigan, baka ganun ka lang din nya lagpasan, balewalain at hindi pansinin
-(Excerpt from the spoken poetry; Kapag nakita mo na s'ya)
XXXXXX
Esquivar's Pov
"We have a situation here, Ser Esquivar." Malalim akong napabuga ng hangin palabas sa 'king katawan nang marinig ko ang mga katagang 'yon galing sa 'king earpiece.
Kahit na kababa ko pa lang kay Gauzy. Dahil katatapos ko pa lamang maipanalo ang isang polo match. Kinailangan ko na kaagad bumalik dito at patakbuhin 'yon papunta sa tarangkahan na ilang metro rin ang layo mula sa Rapscallion's main house. Ang mallet na hawak na hindi ko basta-bastang nabitawan dala nang pagmamadali ay pabalang ko na lang ibinagsak sa gilid ng daanan na tinatahak ng kulay itim kong kabayo.
Gamit ang tamang lakas hinila ko ang taling nakasabit sa 'king kabayo para matigil ito sa tapat nang nakasaradong itim na tarangkahan.
"May babae sa labas. Hinahanap niya si Lord Kraige." Binalot ng pagkairita ang aking mga mata. Nagngingit sa inis na nilampasan ko ang pawn agad yumuko matapos makita ang pagbabago sa 'king ekspresyon.
Sakto sa pagtapat ko sa gate. Awtomatik 'yong bumukas. Agad kong natagpuan ang babaeng nakatayo sa tapat non, masugid na naghihintay. Inalis niya ang suot na sunglasses at matamis na ngumiti sa 'kin.
Sandali ko siyang sinuri. Hindi naman 'to mukhang panganib kay Kraige o miski kanino man. Base na rin sa hubog ng kaniyang katawan, tingin ko ay hindi ito ang tipo ng babaeng mahirap kaladkarin.
Sa ikalawang pagkakataon, pinasadahan ko nang nagbabantang tingin ang mga kalalakihang nagbabantay sa tarangkahan.
"Good morning, I'm Valkyrie. Valkyrie Cruorem, I'm Jared Cruorem of Miscreant Mafia's daughter." She offered me a hand but I didn't accept it and instead, I dropped a questioning look.
"And you're here because?"
"I wanna have some word with Kraige Artazer." Confusion sipped in me. Ang naalala ko, ang babaeng 'to ang girlfriend ni Kreios. Hindi ba dapat ito ang hinahanap niya rito hindi si Kraige?
"I'm sorry, Lady Valkyrie of Miscreant but our Lord is not someone you can talk to whenever you want. I am sure that the house of Miscreant is implementing that kind of rule too." She nodded her head quite fast. Insisting that she understands what I'm talking about.
A formal smile clasp in my lips. I overlook the car at her back. This doesn't look like the one she supposed to use if she was sent by her Lord for talk in their behalf.
"I know but I need his help," agap niya nang subukan ko na siyang talikuran. Nang muli ko itong hinarap ay pinakawalan na rin naman niya kaagad ang braso ko at kusang ibinalik ang dating distansya naming dalawa.
Her straight to the point words caught my attention. Ayaw ko man 'tong pangunahan. Wala akong ibang maisip na dahilan para humingi siya nang tulong sa 'min maliban na lang sa isang bagay. Ang pakikipagbalikan niya kay Kreios na sigurado akong impossible na dahil nakatali na 'to ngayon sa iba kay Ryu.
"Valkyrie, you'll get over Kreios, alright? Now, get in your car and drive to where you are staying right now---,"
"I came here to ask Kraige for marriage."
I blinked my eyes multiple times and stare at her like she just throw a nuclear bomb. The short-lived silence between the two of us ended when she repeated her own words even if I didn't ask her.
Hindi ko alam kung nagpapatawa siya o ano. Muli ko itong pinagmasdan. Hindi naman siya mukhang lasing at amoy alkohol pero ang mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig ay mga litanyang dapat mo lang marinig sa isang taong kasalukuyang alipin ng alak o bawal na gamot.
Kahit na pakikititigan ko pa ata siya buong araw. Wala akong makikitang dahilan para magsalita siya nang ganiyan maliban na lang kung nantitrip siya o hindi kaya.
"Pardon?" sa wakas ay nagawa ko na ring makapagbitaw ng salita.
Mula sa 'kin. Nabaling ang mga mata niya sa sasakyang paparating. Seryoso niya 'tong pinanuod na dumating hanggang sa huminto ang sasakyan na lulan si Kraige sa 'ming harapan.
"Who's she?" I heard a familiar voice of man in my earpiece. It's Kraige. I glance at direction of the car where he usually sits. I shook my head and tore my eyes of it to dart it back on the lady who's losing portion of her sane mind, I guess.
"No one just a lost lady asking for help." Pagkasabi ko non ay nagtagal pa muna ng ilang segundo ang sasakyan bago 'to tuluyang pumasok sa loob ng tarangkahan.
The lady named Valkyrie murmured heavy curses before she makes moves of trying to chase Kraige's car. Swiftly, I managed to grabbed her arm and stop her from taking another step closer to our territory but to my surprise, she is not as weak as I thought she is. Napatunayan ko 'yon nang maramdaman ko ang pagdapo ng kamao nito sa 'king panga.
Tangina.
She's about to the same thing on the other side of my jaws so she can free himself from my hold but I managed to twist her arm. Hit the back of her kneed with my left foot that made her kneel and flinch in pain.
"Bitawan mo 'ko."
"Umalis ka na," bulong ko rito bago ko pakawalan ang braso niyo. Kahit na kitang-kita ko na iniinda pa rin niya ang sakit na natamo dahil sa pag-atakeng ginawa ko ay nagawa niya pa ring magmatapang.
Isang beses siyang umiling para iparating na wala itong balak sundin ang bagay na kanina ko pa sinasabing dapat niyang gawin.
Nauubos niya na ang pasensya ko.
"Hindi mo kasi naiintindihan. K-Kailangan ko 'yung tulong ni Kraige."
"But Kraige and the whole Rapscallion is not affiliated with Miscreant so you must stop this. We will not help you---,"
"We will, Esquivar." Bigla na lamang tumabi sa 'kin si Kylue. Yumuko ito nang bahagya para abutin ang sunglasses ng dalaga na nahulog galing sa kaniyang ulo kanina dahil sa nangyari.
May kung anong kislap ng emosyon na umabot sa mata nito ang ngiting nagmula sa kaniyang labi.
"What do you think you're doing?" I said in between gritted teeth. Simpleng nilingon ni Kylué ang isang pawn. Parang robot na itong kumilos at lumakad palapit kay Valkyrie. Sa isang iglap. Hindi ko na alam kung anong nangyayari.
"Si Kraige ang nagsabi non, Ivar." Our eyes clashed. While mine is burning with exasperation his is larky. That little smirk pasted on the corner of his lips annoyed me more as it turns into grin.
"Don't take this personally---," hindi ko na siyang hinayaan pang matapos na magsalita. Iniwan ko na 'to sa tapat ng tarangkahan para bumalik sa kabayo ko.
Nang makasakay na, hinaplit ko na agad ang kabayo para patakbuhin ito pabalik sa main house. Wala pang tatlong minuto. Narating ko na ang b****a ng kwadra. Patalong akong umalis kay Gauzy bago ko 'to hinila papasok sa kaniyang kwadra. Bago ito iwan, sinalinan ko muna ng bago at malinis na tubig ang kaniyang inuman.
"Ivar!" nang sakupin ng boses na 'yon ang aking tainga. Mas lalo lang akong nagmadaling humakbang paalis ng kwadra.
"Ivar." Humalakhak 'to. "Galit ka ba?" dagdag niya habang patuloy na humahabol sa 'kin. "Sandali nga---," walang pag-aalinlangan akong humarap sa lalaking madali lang na nasira ang araw 'ko.
He gnawed his lips. With muscles of his jaw clutching, he spit out blood from his mouth that he got after I punched him out of uncontrolled anger. Tangina lang kasi.
"Anong problema mo?" nagngangalit niyang hiyaw.
Matalas ko na lang 'tong tiningnan bago tuluyang iniwan. Habang naglalakad pabalik sa personal kong espasyo sa malawak na bahay. Inilabas ko ang cellphone at idinial ang number ng babaeng matagal ko na ring hindi nakikita.
"Magkita tayo," tangi kong sinabi bago 'yon tinapos atsaka nagpatuloy na.