Kabanata 17 Buti nalang Hinaplos-haplos ko ang likod ni Vizier habang nasa sala kami ng mansyon nila. Kaharap namin ang magulang niya at mga magulang ng pinsan niya. Present si sir Gavino kasama ang asawa, ma’am Delrose maging ang asawa nito at sir Ranilo habang katabi ang asawa rin nito. Nag-uusap sila tungkol sa pinasok na problema ni Hermesia, ang kapatid ni Vizier. Malaking sala talaga ito lalo pa’t may asawa na pala ang lalaking minamahal niya. Ang mas malaking problema pa kung may anak na ito, siguradong makakasira talaga siya ng pamilya. “May anak na ba ang lalaking iyon?” tanong ni Braze. Bumuntonghininga ang papa ni Vizier. “Wala pa. Crix Seychelles Monaco ay nag-iisang anak na lalaki ni Credion Monaco, ang may ari ng Hotel Paradise na sikat ngayon sa buong bansa. Kasal si Cr

