Simula
Simula
"Anak, ikaw nalang ang pag-asa ng pamilya natin. Sana naman, matapos mo itong kolehiyo sa Manila." Punong-puno ng pag-asang sabi ni papa.
Ngayong araw ang tulak ko papuntang Manila para makipagsapalaran ng pag-aaral doon sa kolehiyo. Fresh na fresh pa ang pagkakatapos ko sa senior high ko. Bitbit ang mataas na award na nakuha ko sa senior high, isa ako sa mapalad na nabigyan ng iskolar ng pamilya Costiño para sa anumang kursong kukunin ko. Nung una, nagtataka ako kung bakit sa Manila nila inalok ang iskolar at hindi dito sa aming probinsya.
Matatandaang, taga dito sila sa Samar at halos lahat ng negosyo nila ay umiikot dito. Malaking katanungan sa akin kung bakit sa Manila nila binigay ang iskolar ko. Kahapon ko pa nakilala ng personal si Mrs. Estrecia Costiño , ang asawa ng nirerespeto at tanyag na si Hermes Gaddiel. Humanga ako sa kagandahan ni ma'am Estrecia, magandang maganda kahit simple lang. Tinawagan kasi ako ng staff nila na kahapon ang last day para kunin ang plane ticket at allowance maging ang certificate para sa iskolar nila.
Masaya naman ako kasi malaking oportunidad ito sa akin. Manila is the dream of every student in our province. Maswerte nga ako at isa ako sa nabigyan ng malaking pinto sa pag-aaral e. Huminga ako ng malalim habang ngumiti naman ang bunso kong kapatid. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ay katatapos ko palang sa senior ngayon ay makikibaka na naman ako sa kolehiyo.
"Opo naman pa. Maniwala tayo sa himala ng diyos." Magalang kong sabi.
Ngumiti ang ama ko, matanda na din siya at hirap na para pagtapusin ako sa kolehiyo. Isa sa mga rason kung bakit tinanggap ko itong iskolar ay dahil sa ama ko. Awang-awa na ako sa kanya dahil kitang-kita ko ang paghihirap niya sa pagtrabaho para lang may pang allowance ako at pagkain.
Ako talaga ang pag-asa niya lalo pa't maaga kaming iniwan ni mama. My mother died because of giving birth to my youngest brother. Dalawa lang kaming magkapatid kaya inaalagaan talaga kami ng husto ni papa. He want the best for us.
Ngumiti ako sa katapid kong sampung taon na. He looked like my father, while I am a carbon copy of my mother. Jonesar, my brother is teary eyes while looking at me. Malapit kaming dalawa sa isa't-isa, nung grade ten ako, tinutulungan niya akong maglako ng ice candy sa paaralan namin. Sobrang malaki ang naitulong niya lalo pa't minsan siya nalang ang nagbebenta kapag may long quiz kami o paparating na exam. Nakakatuwa nga kasi naiintindihan na niya ang buhay namin. Hindi siya malarong bata, hindi din siya mahilig sa mga laruan kaya malaking bagay iyon, at least hindi na kami bumibili para lang sa plastic na mga bagay.
"A-ate balik ka kaagad huh!" Naluluha niyang sabi.
Tumango ako at hinalikan siya sa pisnge. Naaawa din ako sa kanya dahil hindi niya manlang nasilayan ang ina namin. Hindi niya manlang nakapiling si mama, at maski ang mukha ay wala siyang alaala.
"Oo naman, Jone. Pagkatapos ni ate sa pag-aaral, uuwi ako dito at ipapa-ayos natin itong bahay. Bibili tayo ng maraming gamit at magkakaroon ka na ng sarili mong kwarto. Maghintay ka lang kay ate huh!" Mahina kong sabi.
Tumango siya at ngumiti ng malungkot. Si papa naman ay pinapahid na ang luha sa mata. Alam kong nahihirapan siya ngayon kasi wala na si mama. Sampung taon man ang nakalipas simula ng iwan kami ni mama, hindi kailanman tumingin ng ibang babae si papa. His loved still on my mother.
"P-pa, alagaan mo 'tong si Jonesar huh! Dapat pagbalik ko dito ay malaki na siya at gwapo na." Pagpapanatag ko ng loob nila.
Tumango si papa at muling pinahid ang luha sa mata. I hate seeing man being fragile, crying like a lady. Feeling ko kasi, hindi nila kayang maka-survived sa buhay. Proud na proud ako sa kanya dahil napalaki niya kami ng maayos. Hindi niya kailanman napagbuhatan ng kamay si mama at inalagaan niya kaming lahat. Ngayong tumatanda na siya, mas lalo kong gustong makatapos para sa kanya.
"O-oo naman, yun lang ba? Kami ng bahala dito ni bunso, basta mag-iingat ka doon." He said weakly.
I nod and smiled assuredly. Ibibigay ko ang lahat para lang matapos itong college ko. Hindi ako susuko hanggang hindi ko nakukuha ang diploma at pinag-aralan. I will lift up our life, I will help my father.
"Opo pa. Mahal na mahal ko kayong dalawa." Huling sabi ko.
Mga ngiti at pag-asa ni papa at bunso at baon ko habang nasa himpapawid kami patungong Manila. Napangiti ako sa mga alaala namin ni Jonesar. Nung panahong nagtitinda kami ng ice cream na gawa ni Aling Rose para magkaroon kami ng baon. Sobrang saya namin ng ubusin ng anak ni Ma'am Estrecia ang lahat ng ice cream. Pinakyat niya lahat at pinamigay sa mga classmate niya.
Sobra ang pasasalamat ko sa kanya kasi dahil doon, maagang naubos ang ice cream namin. Hindi ko pa malilimutan ang malalim at malagkit na tingin sa akin ni Vizier, ang anak ni sir Hermes. He always buying all the ice cream we sale. Nakakatuwa kasi natutulungan niya kami sa ganoong bagay. Natigil lang naman kami sa paglalako ng ice cream simula nung nag grade eleven ako. Ahead ng isang taon sa akin si Vizier kaya nauna siyang magtapos ng senior high.
After he graduated, hindi ko na siya nakita sa school namin. Ang balita'y sa abroad daw nag-aral ng kolehiyo ang lalaking iyon, naniwala naman ako kasi hindi ko na siya nakita sa mansyon nila e! Trabahador si papa sa palayan nila, kaya minsan napapadaan kami sa bahay nila. Mabait ang pamilya nila kasi hinayaan kaming tumira sa lupang pagmamay-ari nila.
Nung pinalayas kasi kami sa dating bahay namin, hindi nag-atubiling tumulong si ma'am Estrecia sa amin. She let us living their land for free. Malaking bagay iyon sa amin lalo pa't kapos kami sa pera. Nagtaka nga ako e, hindi kailanman humingi ng kapalit ang mga Costiño sa amin. At ngayon, nabigyan pa nila ako ng iskolar na hinahandog nila sa mga gustong-gusto mag-aral.
I remember, Scylding Vizier Costiño. Kumusta na kaya siya? Maayos ba ang pag-aaral niya? Nasa second year na siya ngayong pasukan kaya siguradong malapit na siyang matapos. Sana naman magkita pa kami at maalala niya pa ako. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil sa pagbili niya ng ice cream na nilalako namin noon e! I just want to thank him for helping me buying all those ice cream.
Bumuntonghininga ako. I reimagine his face. Siguro mas lalo siyang kumisig ngayon, mas lalong tumaas at mas lalong na-featured ang mukha ni sir Hermes sa kanya. Siguro, mas gwapo na siya kaysa noon. At for sure, marami ng babaeng naging nobya. Remembering years ago, he has the most admirers before. Minsan, nahuhuli ko siyang may kahalikang babae sa banyo. Minsan, ibang babae ang kasama niya. Pinag-aayawan pa siya ng mga kababaihan noon, kaya nga tinagurian siyang mabagsik sa babae e!
For sure, mas marami na siyang nabingwit ngayon. Well, wala naman akong gusto sa kanya. Sadyang namamangha lang ako sa gwapo niyang mukha. Atsaka, hindi kami bagay nun! Ang tipong babae nun ay sexy, maganda, magaling humalik at sikat. Kapag hindi ka pumasa sa standard niya, talagang mai-itsa-pwersa ka. Kaya mas pinili ko nalang na magtago at hindi nalang siya hangaan pa ng lubos.
Hindi nagtagal ang biyahe namin, ilang oras lang at lumanding na ang eroplano sa paliparan ng Manila. Huminga ako ng malalim at muling ngumiti. Tama na ang nakaraan, ngayon ay mas importante ang pakay ko dito. Isa-isa na kaming bumaba at napanganga agad ako ng makita ang maluwag na airport. Dati, sa telebisyon ko lang nakikita ang Ninoy Aquino International Airport, ngayon ay kaharap ko na.
One of a big come true! Nasa Manila na nga ako kasi amoy na amoy ko na ang polusyon. I smiled and started walking to the exit door. Ang nakalagay sa memo na binigay sa akin ng staff, sa isang Archimedean Luxury Condominium ako pupunta. Bali, may susundo sa akin dito at ihahatid ako sa condo na tinutukoy dito sa binigay na memo.
Ibang klase talaga ang mga Costiño, sa isang condo pa talaga ako papatirahin. Akala ko kapag iskolar sa isang bed space o apartment lang titirahan, pero sa pamilyang ito ay condo pa talaga ang binigay sa akin. Ngumiti ako at naghintay pa na susundo sa akin. Ilang oras ang lumipas at may humintong itim na kotse sa harap ko. Lumabas ang nakaitim na lalaki at seryosong tumingin sa akin.
"Chacel Jovanessa P. Arraz?" The man said seriously.
Nag-alanganin pa akong tumango. He nod and open the back seat for me. Huminga ako ng malalim at sumakay nalang sa kotse. Kinuha niya ang bagahe ko at nilagay sa compartment ng sasakyan. Wala kaming imik habang nagbibiyahe, sobrang awkward at hindi ko alam kung ano mas mainam gawin. Gusto kong magtanong sa kanya tungkol sa titirahan kong condo, ngunit kinakabahan ako sa kaseryusohan ng mukha niya.
Ilang oras lang din ang biniyahe namin hanggang sa huminto ang sasakyan sa isang mataas at malaking building. Kitang-kita mula sa loob ng kotse ang malaking letra ng pangalan ng condo. Mukhang mamahalin dito huh! Di kaya malugi ang mga Costiño sa titirahan ko?
Binuksan ng lalaki ang pinto sa akin kaya lumabas ako. Bitbit niya ang bag ko habang papasok kami sa loob. Taking-taka ako kung bakit dito ay sinasamahan niya ako? Wow, ibang klase! May pa-bodyguard pa sila huh! Umiling nalang ako at hinayaan nalang iyon. Ang lalaki na din ang nagpindot ng floor kung saan ang unit room ko. Alam na alam niya ang pupuntahan ko kaya pati iyon ay kinataka ko.
Huminto ang elevator sa tamang palapag at lumabas kami. Sumunod nalang ako sa kanya at binaliwala ang mga iniisip na pagtataka. Sa isang malaking pinto kami huminto, ito na ba yung magiging unit room ko? Wow talaga huh! Pinto palang bigatin na!
Tinapat ng lalaki ang key card sa scanner at bumukas iyon. Humanga ako at napanganga, ano yun? Bakit parang ngayon ko lang nakita 'yun? Pati sa pinto high tech na dito, samantalang sa amin yung pinto namin ay gawa pa sa kawayan. Ang daya ng buhay talaga! Huminga nalang ako ng malalim at pumasok na sa loob.
Unang bumungad sa paningin ko ang kulay puti at itim na kurtina. Maging ang sofa at TV rack ay pareho sa kulay. Ang floor mat ay itim samantalang ang kulay ng pader ay puti. Napanganga ako sa disenyo ng room na ito, ang ganda-ganda. First time ko itong makita at sobra talaga akong napahanga. Ibang klaseng unit room ito, nakakapanganga!
Nilibot ko pa ang paningin hanggang sa huminto ang mata ko sa nakatalikod na bulto ng isang lalaki. Nakaupo siya sa isang swivel chair at sa likod niya ang isang glass table. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang likod ng lalaki. Malapad ang likod niya, at kahit hindi ko pa nakikita ang harapan niya ay alam ko ng mabraso siya. Napalunok ako at kinabahan.
Ano 'to? Bakit may ganito? Sino 'tong lalaki na nakatalikod sa akin? At ano ang ginagawa niya dito?
Lumapit ang lalaki sa may bandang lamesa at tumikhim.
"Boss, she's here now." Pormal na sabi ng lalaki.
Mas lalong kumunot ang noo ko, hindi ko na maintindihan ang nangyayari! Kung kanina ay puro pagtataka lang ang bumabalot sa akin, ngayon ay matinding tanong na ito. Hindi nasabi sa akin ng staff na may lalaki dito! Hindi din nila in-inform sa akin na may bubulaga sa unit room na 'to!
Teka, baka nagkamali kami ng pinasukan? Baka sa isang unit room kami? Imposible kasing may kasama ako dito samantalang wala namang nasabi sa akin ang staff. What's going on here?
Huminga ako ng malalim at napasinghap ng biglang humarap ang lalaking nakatalikod sa akin. Nanlaki ang mata ko at napaatras pa. With brows furrowed, his eyes immediately directed at me. Sporting a deep frown, smirk on his lip and ruthless aura, halos manginig ako sa nakikita. Hindi ko makayanang makatitigan siya ng matagal. Para akong hinihigop ng malalalim niyang mga mata. He stood up while a cupped of whiskey is on his hand.
"Leave." He said firmly to the man.
Agad naman itong tumango at walang pasabi-sabing umalis sa harap namin. Nagsitayuan ang balahibo ko sa braso, naiilang sa mga mata niyang malalim kung tumingin. He smirked playfully. Nasilayan ko ng mabuti ang mukha niya, ang daming nagbago. At tama ako, mas lalong na-featured out ang mukha ni sir Hermes sa kanya.
Staring to Scylding Vizier Costiño now, makes my hair in skin stand up. Nakakanganga ang imahe ng mukha niya ngayon. Nakakapanibago sa paningin. Dalawang taon ko siyang hindi nakita kaya ngayon ay nanganga ako sa kagwapuhan niya. I can't believe, I am looking to the man who scream vigor.
"Still remember me?" He ask deeply.
Niyugyog ko ang balikat at huminga ng malalim. Sobrang dami ng pinagbago niya! Sobrang mas nadepina ang mukha ni Sir Hermes sa kanya. Nakakakaba kapag tumititig siya ng malalim sayo. Intimidating masyado at halos magpatakbo ng taong kaharap.
"O-oo naman." Nautal kong sabi.
My thighs trembling tremendously. His eyes is very powerful! Animo'y pag-aari ang buong mundo. He smiled devilishly.
"You changed...a lot!"
Nagbara ang lalamunan ko, hindi na alam ang tamang salitang bibitiwan. Nakaka-intimidate talaga ang mukha niya, kinakabahan ako ng sobra-sobra. Ngumiti ako ng alinlangan sa kanya.
"H-hehe Oo e." I said hesitantly.
Ngumisi siya at lumakad paalis sa lamesa niya. Nilapag niya ang iniinom na whiskey sa glass table bago siya lumapit sa napakalaking glass door niya. Kitang-kita mula sa loob ang napakalawak na Metro Manila.
"Let's be honest, Chaj. My mother, Estrecia Blaine give you scholarship to continue your study in college. Since, we know each other back then, I have stipulation with your scholar. Gusto ni mama na dito ka tumira sa akin at pagsilbihan ako. Well, kapalit iyon ng binigay na iskolar sayo ni mama." He said easily.
Nanlaki ang mata ko. Ano daw? Magiging katulong ba ako dito? Ano bang klaseng iskolar ito? ba't may ganitong kondisyon? Okay, sabihin na nating may mga kapalit talaga ang mga iskolar na binibigay sa iba pero hindi naman yata ganito iyon? Grabe, magiging katulong talaga ako dito?
"Teka, may ganoong kapalit ba talaga ang iskolar ni Ma'am Estrecia? Wala naman silang nasabi sa akin huh!" Takang tanong ko.
Bumaling siya sa akin at ngumisi. Hindi ako makapaniwalang may ganoong kapalit ang iskolar ng pamilya niya. Pati din ba sa ibang nakakuha ng iskolar ay ganito din ang kondisyon nila? s**t, kung alam ko lang na ganito pala ang kapalit ng ibibigay nilang tulong, hindi ko nalang sana tinanggap! Hindi ako pumunta dito para maging kasambahay niya!
"Honestly, labas si mama sa bagay na ito. I made and plan this! If you want to finish your study and make your father proud and happy, you'll take this and of course, you will stay with me. But, if not...then leave and be a beggar in the street. Paalala ko lang sayo, magkaiba ang Manila at probinsya! Kung sa lugar niyo ay nakakakain ka ng gulay na libre, dito ay hindi! It's either you will die hungry here or take my stipulation and nothing will problem." He said cooly.
He is right! s**t naman! Bakit kasi may ganitong kapalit pa ang iskolar ni Ma'am Estrecia? Hindi ako pwedeng umayaw sapagkat mamatay lang ako sa hirap dito. Kung ipagpapatuloy ko naman, makakatapos ako ng pag-aaral at mapupunan ko din ang kapalit ng iskolar na ito! I have no other choice!
"S-sige. Tinatanggap ko ang kapalit ng iskolar niyo." Mahina kong sabi.
He smiled happily.
"Good decision." He said happy.
That's end our talk before I lived hell with him. Ang akala ko, dito ako titira sa kanya at tutulong ako sa mga gawain pero hindi pala. Iba pala ang sasapit sa akin, napakahirap pala. Hindi lang pala ako magiging katulong dito, hindi lang pala iskolar ang binigay sa akin, at mas lalong hindi lang pala tulong ang binahagi sa akin, kung 'di may ibang bagay lang pala.
"S-sir parang-awa mo na! W-wag mong gawin sa akin 'to!" Umiiyak kong sabi.
He just smirked devilishly.
"Matagal ko ng gustong gawin ito sayo. Matagal na din akong naghihintay sa pagdating mo. Nakaplano na ang lahat sayo, Chaj. Nakaukit ka na sa puso at isip ko! Ngayon, ibigay mo sa akin ang lahat ng sayo at ibibigay ko naman sayo ang buong kayamanan ko. Just...fucking let me be with you!" He said huskily.
Vizier force to get my first in everything. He took my first kiss, and then now, he took my virginity without hesitation. Punong-puno ng luha ang mata ko habang takapis ang manipis na kumot sa kahubdan ko. Diring-deri ako sa sarili ko dahil sa ginawa niya. Galit na galit ako sa kanya dahil binaboy niya ako. At nagsisisi ako kung bakit ko pa tinanggap ang iskolar ng pamilya niya.
Hindi ko maintindihan kung bakit pinadala ako ni Ma'am Estrecia dito. Binigay niya lang ba ako sa baliw niyang anak? s**t na malutong! Umiling-iling ako habang maluha-luhang tinititigan ang hubad na si Vizier. Hindi ko kayang manatili sa baliw na ito! Hindi ko kayang makasama ang baliw na lalaking ito! Nakakatakot siya! Hindi ko kaya!
Wala akong ibang paraan kung 'di ang umalis dito. Kahit pa mamulubi ako sa labas ng condo niya, wala na akong pakialam! Hindi ko maatimang tumira sa lugar na ito kung siya ang kasama ko! Mabilis kong nilagay ang mga damit ko sa bag, nanginginig pa ang kamay ko habang ginagawa iyon. Lingon sa kama habang nilalagay ko lahat ng damit ko sa bag. Tulog pa siya, mahimbing pa ang tulong niya.
Nang maipasok ko lahat ng damit, dahan-dahan akong lumakad papunta sa side table at inabot ang wallet niya. Kumuha ako ng sampung libo para gamitin ko sa pagtakas sa kanya. Hindi ko mapigilang manginig habang pinagmasdan muli ang mukha niya, hindi ko inakalang ganito siyang tao! Hindi ko inakalang baliw siya! Baliw na baliw!
Mabilis akong lumabas ng penthouse niya at walang lingon-lingon na umalis sa lugar na ito. Nanginginig pa ang katawan ko habang rinig na rinig mula sa labas ng penthouse niya ang galit at baliw niyang sigaw sa loob.
"Where the f*****g hell are you, Chacel! You can't leave me! You can't do this to me! Hide and keep yourself because once I find you, I will kill you!"
Umiling-iling ako sabay sa pagtakbo palayo sa building na iyon. Hindi na ako lumingon pa at kinalimutan nalang ang nangyari sa akin sa loob ng lugar na iyon! Hinding-hindi ako magpapakita sayo! Mamatay nalang ako kaysa makasama kang baliw ka!
---
Alexxtott