Kabanata 1

2743 Words
Kabanata 1 Guni-guni "Chacel, can I buy all your ice candy?" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang boses na iyon. Napahinga ako ng malalim, muling bumalik sa akin ang epekto ng boses niya. Ito na naman muli, nandito na naman ako at kinakabahan sa lalaking ito. Pinikit ko ang mga mata, tinatagan ko ang loob para harapin ang misteryusong lalaki na ito. I sighed heavily. Humarap ako sa kanya, pinilit ang sariling kumalma. "P-pwede." mahina kong sabi. He look at me tenderly. Kinalma ko ang sarili bago umiwas ng tingin sa kanya. Lumapit siya sa akin, malagkit pa rin ang tingin. Hinanda ko ang sarili na harapin siya ng matatag. "Bibilhin ko lahat para matapos ka na sa paglalako." sabi niya. Tumango ako at ngumiti ng alanganin. Inilahad ko ang lalagyan ng ice candy sa kanya. Mabilis niya iyong tinanggap, napahinga pa ako ng dumampi ang palad niya sa akin. Napahinga ako. "S-sige. Salamat," nahihiya ko pang sabi. He smirked. Binitawan ko ang styro foam, nilapag niya muna sa sahig ang lalagyan bago kinuha ang wallet. Napahinga ako ng malalim, nilabas niya ang dalawang libo at binigay sa akin. Alanganin ko pang inabot iyon bago ngumiti ng matamis. "Keep the change, Chacel. And please, when you sale ice candy, come to me and sell it." he said softly. I nod hesitantly. "S-sige po. Thank you," I said thankfully. Mabilis akong tumalikod ng makita ang ngisi niya sa akin. Naghuhuramentado ang puso ko sa kaba, hindi ko talaga alam kung bakit ako nagiging ganito kapag kaharap siya. Vizier Costiño, the play boy and serious type of man. Kilala siya sa paaralang ito dahil sa tanyag ng pamilya nila. At kilala din siya dahil sa angkin kagwapuhan. Para naman sa akin, hindi ko siya masyadong nakikita noon. When I was grade nine, I didn't heard about him. Pero ngayong grade ten na ako, ngayon ko lang nakilala at narinig ang pangalan niya. Bumuntonghininga ako, pagkatapos ko sa classroom namin ay mabilis akong umupo sa silya. Napapikit ako ng maalalang naiwan ko na naman ang lalagyan ng ice candy sa lalaking iyon. Putspa, kailangan ko pang bumalik sa tapat ng room nila para kunin iyon! Umiling ako at kinalma na naman ang sarili. Hinintay kong dumating ang iba ko pang mga kaklase, nang ma-kompleto kami, pumasok ang guro namin para sa asignaturang Filipino. Nakinig ako para matutunan ang mga diskasyon ng titser. Ilang sandali pang oras, natapos kami. Nagpaalam si ma'am kaya sumunod ang mga kaklase kong lumabas sa klasrum. Nagpaiwan ako para ayusin ang sarili. Kailangan ko pang puntahan si Jonesar sa elementary department. Sabay kaming uuwi ngayon, ayaw pa naman ni papa na hindi kami sabay umuwi. Tumayo ako at lumabas ng classroom, bitbit ang bag at pera para sa ice candy na binenta ko ngayon, lumabas ako. Hindi pa nakakalabas ng tuluyan ng biglang sumalubong sa akin si Vizier na bitbit ang styro foam. Napaatras ako, gulat na gulat sa kanya. Napalunok pa ako bago umiwas ng tingin. Gaya nung una naming tagpo, malagkit ang mga titig niya sa akin. He smile viscously. "Dinala ko nalang dito para hindi ka na pumunta sa building namin. May ice candy ka pa na ibe-benta bukas?" he asked. I sighed. "H-hindi ko pa alam." sagot ko. He smirked. Lumapit siya sa akin, binigay ang styro foam. Mabilis ko iyong tinanggap habang naiilang pa sa kanya. Ramdam na ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin. "Alright. Kapag may ice candy kang ibe-benta bukas, hintayin mo lang ako sa tapat ng gate. Bibilhin ko lahat para hindi ka na mahirapan pa. Is that okay?" he asked gently. I sighed heavily. Naiilang talaga ako sa kanya, hindi ko kayang sabayan ang mga mata niya. Napakalalim, napakaseryoso. "S-sige." I said hesitantly. He smile sweetly. Tumitig pa siya sa akin ng ilang beses bago huminga ng malalim. Nakita kong tumalikod siya, palabas ng classroom namin. Napahinga ako ng malalim, hinintay siyang makaalis ng tuluyan. Tsaka palang ako lumabas ng makita siyang wala na. Napahinga ako ng malalim, ramdam na ramdam pa rin ang kabog ng puso ko. I feel so awkward when I see him or even talk him. Mabilis akong naglakad papunta sa elementary building, hinanap ko ang kapatid sa dagat ng mga istudyante. Nahirapan ako lalo pa't ang daming istudyante ng paaralan na ito. Naghanap pa ako hanggang sa makita siya sa upuan na palagi niyang pinaghihintayan sa akin. Ngumiti ako ng makita siya, simpleng bata talaga itong kapatid ko. Lumapit ako sa kanya, umupo sa tabi niya. Tumingin siya sa akin, ngumiti agad. "Hello, ate." magalang niyang sabi. I smile happily. "Hello, Jonesar. Kamusta ang araw mo?" tanong ko. He sighed. Mabait itong kapatid ko, hindi katulad ng ibang bata na maarte. Simula ng mawala si mama, para siyang naging responsible na bata. Hindi siya maarte sa mga bagay, kontento siya kung ano man ang maibigay ni papa. Hindi rin siya madamot, at mas lalo kong na-appreciate ang pagiging mabuti niyang kapatid at anak. "Maayos naman po ate. Uwi na tayo?" ani Jonesar. Tumango ako at ngumiti. Hinawakan ko ang kamay niya, sabay kaming tumayo at umalis ng paaralan. Sakay-sakay ang habal-habal, mahigpit kong niyakap si Jonesar, para hindi mahulog sa kalsada. Hindi naman matagal ang biniyahe namin, nakarating agad kami sa bahay. Naunang pumasok ang kapatid ko samantalang nagbayad naman ako sa driver. Napahinga ako ng malalim, napagaan ang loob dahil natapos ang araw na ito na maayos. Naglakad ako papasok ng bahay, naabutan si papa at ang kapatid ko na nag-uusap. Lumapit ako kay papa at nagmano, ngumiti naman siya at tumango sa akin. Si papa, kahit alam kong nahihirapan sa amin matatag pa rin. Hindi niya kami sinusukuan, at kahit alam kong pagod na siya, kinakaya niya pa rin para sa akin at para sa kapatid ko. Bagama't kulang na siya ngayon dahil nawala si mama, pero ramdam ko pa rin sa kanya ang pagiging mabait na ama. Mahal na mahal niya si mama, at kahit lumipas na ang maraming taon ramdam ko parin ang pag-ibig niya sa yumao kong ina. "Kumusta ang bentahan, anak?" he asked. I smile genuinely. "Naubos po, papa." sagot ko. Hindi na siya nagulat, kapag parating ganito alam niyang may ibang rason. "Pinakyaw na naman ba ulit ng anak ni Hermes Costiño?" he probed. Dahan-dahan akong napatango, wala namang choice kung di umamin. Tsaka alam niyang kapag ubos ang ice candy, isa lang ang ibig sabihin at iyon ay inubos ng anak ni Hermes Costiño. "Opo, papa." I said mannerly. He sighed while shook his head. "Hija, umiwas ka sa lalaking iyon. Anak mayaman 'yun, mahirap na baka magkaroon pa ng problema." bilin ni papa. Tumango ako. Hindi naman kami super close, nagkaka-usap lang kami kapag bumibili siya ng ice candy na bine-benta ko. Hindi ko nga siya kayang makatitigan, paano pa kaya kung magka-usap kami ng masinsinan. Baka tumakbo ang kaluluwa ko palayo! "Opo, pa." sagot ko. Pagkatapos ng pag-uusap namin, pumasok ako sa sariling kwarto at nagpalit ng pambahay. Lumabas muli ako para pumunta sa bahay ni Aling Rose. Kailangan kong i-remit sa kanya ang benta ko ngayong araw. Bitbit any styro foam na nilagyan ng ice candy, marahan akong kumatok sa pinto ni Aling Rose. Ilang beses akong kumatok bago ako pagbuksan. Ngumiti ako ng makaharap ang ginang, ganoon din siya sa akin. "Oh, ikaw pala hija. Hala sige, pasok ka." alok niya. Tumango ako at ngumiti. Pumasok ako, umupo sa kawayan niyang upuan. Binigay ko sa kanya ang styro foam bago ang pera na kita ko ngayon. "Yan po ang benta ko ngayong araw, Aling Rose. Pinakyaw po lahat ng anak ni sir Hermes yung ice candy kaya isang lakuan lamang." sabi ko. Ngumiti ang ginang. "Aysus, siya na naman. Alam mo hija, napapangiti ko bakit parating pinapakyaw ng binatang iyon ang ice candy natin?" tanong ng matanda. Napahinga ako ng malalim. Sa katunayan, wala rin akong maisasagot diyan. Hindi ko rin alam kung bakit, atsaka siya naman kasi ang lumalapit sa akin para bilhin lahat ang ice candy. Alam kong may rason ito kung bakit pinapakyaw ang paninda ko, hindi ko ngalang alam. Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko po alam, Aling Rose." magalang kong sabi. She sighed heavily. "Siguro nagagandahan siya sayo. Sino ba naman kasing hindi maaakit sa mga mata at ilong mo, hija. Kahit nga dito sa atin, humahanga sayo e. Tsaka tiyak na pasok ka sa pagiging artista kung sasali ka lang!" ani Aling Rose. Namula ang pisnge ko sa sinabi niya. Umiling ako at yumuko dahil nahihiya. Seriously? Hindi rin alam ang bagay na iyon. Oo, sabihin nating marami talagang humahanga sa akin dito dahil sa itsura ko pero hindi naman siguro iyon basehan para sa kanya. Aaminin kong nakuha ko nga ang kagandahan ni mama pero maraming rason kung bakit inuubos ni Vizier ang paninda ko. Ayokong mag-conclude, baka mapahiya pa ako. "Hindi naman siguro, Aling Rose." I said shyly. Umiling ang matanda at ngumiti. "Hindi seryoso talaga hija. Malay mo, iyon pala ang magdadala sayo sa kaginhawaan. Mayaman ang mga Costiño, lalo na yung anak ni Ranilo. Sa kanila kasi ang bagsak ng kayamanan ng pamilya. Tiba-tiba ka kapag nasungkit mo 'yun!" dagdag niya pa. Tama siya, usap-usapan sa baryo namin na mas mayaman daw ang anak ni sir Ranilo. Lahat daw kasi ng corporation ng pamilya nila ay pinagsama nalang. Kaya ma-swerte daw ang anak niya. Hindi ko pa naman nakikita iyon sapagkat nasa Maynila daw ang pamilya nila. Nakilala ko kasi sila dahil sa trabaho ni papa. Farmer si papa sa taniman nila, siya ang humahawak sa ibang taniman ng pamilya Costiño. Nakita ko na ang anak ni sir Gavino, maging ang kay ma'am Delrose. Dito kasi sila sa Samar nakatira kaya minsan nakakasalubong ko sila o di kaya'y pyesta. "Aling Rose naman po, malayo pa sa isipan ko ang ganyan. Tsaka bata pa po ako, ayoko pang masangkot sa mga ganyan." sagot ko. Ngumisi ang ginang, mukhang may pumasok na naman na kalokohan sa isipan niya. "Saktong-sakto, mahilig daw sa mga bata ang mga lalaki ng Costiño. Naku naman ineng, tiyak na hindi ka lugi kasi hitsuraan naman sila. Tapos mayaman pa!" she said while smiling idiotly. Napabuga ako ng malalim na hangin. Ibang klase talaga itong si aling Rose! Kung ano-ano nalang ang sinasabi! "Ayoko ko po sa ganyan, Aling Rose. Bata pa talaga para dyan." sagot ko. Ngumisi siya, tuwang-tuwa sa usapan namin. Totoo ba talaga iyon? Usap-usapan rin kasi sa amin na ganoon daw ang mga kalalakihan sa pamilya Costiño. Age doesn't matter to them, basta'y kapag matipuhan ka'y delikado. Ayokong maniwala sa mga sabi-sabi, uso kasi sa amin ang fake news. Baka tsismis lang iyon at maikalat ko pa, lagot na! "Oh siya, sige wag na nating pag-usapan iyon. Pero seryoso, mag-iingat ka sa pamilyang iyon. Katulad nga ng sabi mo, delikado. Balita ko pa naman ay mana daw sa tatay yung Vizier, totoo ba?" tanong niya. Honestly, hindi ko matukoy kung ano ba talaga ang pinagmanahan ni Vizier sa papa niya. Oo na't nakuha niya talaga ang itsura sa ama pero ang sabi ng karamihan, may iba pa daw. May iba pa daw na namana ang lalaking iyon sa ama niya. Ang tanong, ano nga ba? "Hindi ko po alam yan, Aling Rose." I said honestly. Tumango siya. "Alrighty, basta mag-iingat ka diyan. Lalo na't doon pala sa kanila nagtra-trabaho ang papa mo. Mag-doble ingat ka." she said concernly. I smile. "Sige po." sagot ko. Hindi na nagtagal ang usapan namin. Binigay niya sa akin ang parte ko. Sinabi niya din na wala muna akong ibe-benta bukas dahil hindi siya nakagawa ng ice candy ngayong araw. Sumang-ayon naman ako para makapag-pahinga rin sa paglalako. May mga pagkakataon kasing si Jonesar ang naglalako kapag sobra akong busy. Malaki din kasing tulong itong pagbi-benta ko sapagkat nagagamit ko ang pera sa mga pambili ng materials kapag may project ako sa school. Minsan, nagiging baon namin ng kapatid ko. Kaya minsan kapag naiisip kong napapagod ako sa paglalako, palagi ko nalang nilalagay sa utak ko na malaking ambag ito sa akin, at sa pag-aaral ko. Hindi na ako nanghihingi pa kay papa para sa allowance ko, at nakakatulong talaga iyon sa mga projects ko. Bumuntonghininga ako, maingat na pumasok sa bahay namin. Naabutan ko si papa na naghahanda na ng pagkain namin, kagagaling niya lang sa trabaho kaya alam kong pagod din siya. Bukod kasi sa pagiging farmer, may mga side line din siya. Minsan nakikita kong nag-aayos siya ng bahay, at tanod din sa barangay namin. Bilang lang naman kasi ang mayaman dito. Syempre, unang-una na diyan ang pamilya Costiño. Sila talaga ang may hawak na titulong iyon, kahit pa hindi sila involved sa politika, malago pa rin ang mga negosyo nila. Dagdagan pang mga hardworking sila kaya maraming biyaya ang dumadating. Mabait din ang pamilya nila, hindi maramot sa iba. Ganyan ang depinisyon ko ng tunay na mayaman. Hindi mataas, simple pero may ibubuga. Lumapit ako kay papa at tinulungan na siyang maghanda ng kakainin namin. Kumuha ako ng tubig, pinggan at kutsara. Tinawag ko na din si bunso para kumain na kami. Tahimik kaming tatlo habang nagdadasal si papa, binibiyayaan ang pagkain namin. Natapos siya kaya nagsimula na kaming kumain. Simple lang ang ulam namin, ginataang langka ang nasa lamesa at pritong tuyo. Kontento na kami sa ganitong ulam. Binasag ni papa ang katahimikan. "Pagkatapos kong kumain, maiiwan ko muna kayo. Pinapapunta ako ni sir Hermes sa bahay nila." ani Papa. Tumigil ako sa pagkain, pinagmasdan siya. Bakit naman kaya? "Bakit kaya, pa?" tanong ko. He sighed. "May importante daw na sasabihin sa akin ang anak nilang lalaki. Hindi ko naman alam, kaya pupunta nalang ako." sagot niya. Nagtaka ako, ano naman kayang sasabihin ng anak ni sir Hermes? Importante ba kaya? "Sige po, papa. Gagawa pa naman kami ng assignment ni Jonesar." sagot ko. Tumango siya at huminga ng malalim. Nagpatuloy kami sa pagkain, masagana dahil masarap ang ulam namin. Naubos ang kanin namin, maging ang ulam na hinanda ni papa. Niligpit ko ang kinainan namin, naunang pumasok si Jonesar sa kwarto nila ni papa. Hinugasan ko ang pinggan, umalis na din si papa para puntahan ang amo niya. Nilinis ko ang lamesa bago magpahinga sa kawayan naming upuan. Naghintay ako ng ilang oras, lumipas ang sandali bago bumukas ang pinto at pumasok si papa. Kitang-kita ko agad ang problema sa mukha niya. Ano kayang pinag-usapan nila? "Okay lang po kayo, papa?" batid ang sinseridad sa boses ko. He sighed heavily. Looking more problematic. Umupo siya sa harap ko, hindi makatingin sa akin. "Chacel, ano mang mangyari sa susunod na mga taon, anak sana tanggapin mo. Mahirap silang biguin, baka ibaon tayo sa kalugmukan." he said meaningfully. My eyes widened. Ano daw? Ano bang pinagsasabi ni papa? "Ah? Bakit po papa?" takang tanong ko. He sighed again, couldn't even stare at me. "Mahirap silang tanggihan, Chacel. Tanggapin mo sana ang magiging kapalaran mo sa kanya, hija. Delikado siyang tao," malalim niyang sabi. Umiling ako at naguluhan na talaga. Ano bang pinagsasabi ni papa? Ano bang tanggapin ko ang kapalaran? Ano ang ibig sabihin nun? May malaking impact ba siya sa akin? "Ano bang sinasabi mo, papa? Naguguluhan po ako."  I asked perplexedly. Umiling siya at hindi ako sinagot. Tumayo siya at nanghihina akong tinignan. "Patawarin mo ako, anak." he said before left me. Gulong-gulo ako sa sinabi ni papa. Hindi ko mawari kung ano ba ang ibig sabihin nun. Tumayo ako at lumapit sa pinto para isarado iyon, ni-lock ko ang siradura. Sunod kong sinarado ang bintana, tinignan ko muna ang labas, natuod sa kinatatayuan ng bumungad di kalayuan sa akin ang lalaking seryosong nakatitig sa akin, nakasandal sa itim na kotse habang malalim ang tingin. Napalunok ako, mas lalong tinambol ng kaba dahil nagtataka kung nandito siya. Bakit nandito sa tapat ng bahay namin ang isang Vizier Costiño? Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito? Malalim pa rin ang titig niya, hindi iniiwas sa akin. Napahinga ako ng malalim, mabilis na sinarado ang bintana dahil sa kabang nararamdaman. Kinapa ko ang puso, ang bilis ng t***k. Pinikit-pikit ko ang mata, umiling-iling dahil baka nananaginip lang ako. I sighed deeply. Totoo nga! Totoong nandito siya at hindi panaginip ang lahat! Mabilis akong sumilip sa butas ng dingding namin, nakita pang nandoon siya at nakatayo. Ilang sandali ay pumasok sa kotse at umalis. Bagama't kinakabahan at naguguluhan, umiling nalang ako at hinayaan iyon. Baka guni-guni ko lang! --- Alexxtott
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD