Kabanata 2

2979 Words
Kabanata 2 Softly Naging ganoon ang mga sumunod na araw. Palagi niyang binibili ang ice candy na nilalako ko. Bagama't may pagkakataong gusto ko ng magtanong kung bakit niya inuubos ang paninda ko, pero hindi ko magawang maitanong dahil nga kinakabahan ako at natatakot. Napapahinga nalang ako ng malalim, at hinahayaan nalang siya sa ginagawa. Hinahayaan ko siya kasi ayokong mawala ang pagiging suki niya sa akin. Atsaka wala pa naman siyang ginagawa na masama sa akin. Pero hanggang ngayon, naiisip ko pa rin ang sinabi sa akin ni papa. Hindi ko iyon makalimutan, hindi pa rin makuha ang ibig niyang sabihin. Napahinga nalang ako at pagod na umupo sa kawayan naming upuan. Kakauwi lang namin ni Jonesar, natapos ang klase ngayon na maayos naman. Kahit medyo nahihirapan ako sa mga ibang asignatura, ginagawa ko pa rin ang makakaya ko para mairaos ang pag-aaral. Naunang pumasok sa kwarto si Jonesar, pinapahinga ko naman ang binti ko dahil sa pagod. Wala ngayon si papa, siguro nasa Costiño Farm siya ngayon. Kapag ganito kasi, isa lang ang nasa isip ko.  Nasa farm siya at nagbabantay. Tumayo ako at pumunta sa kusina para magluto ng pagkain. Hindi ko pa napapalitan ang uniform ko, nagsaing muna ako pagkatapos hinugasan ang mga pinggan. Hinintay kong maluto ang kanin, nang maluto ay pumasok muna ako sa kwarto para magpalit ng pambahay. Tinignan ko muna ang sarili sa maliit kong salamin, maayos naman ang itsura ko kaya lumabas na ako. Pagkabukas ng pinto, bumungad agad sa akin si papa na parang nagmamadali. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan siya, hingal na hingal at animo'y hinabol ng kabayo. Ano kayang nangyari sa kanya? Bumaling siya sa akin, napahinga pa ng malalim. "Anak…" he said while sighing heavily. I tried to smile, but it doesn't mean it. Lumapit siya sa akin na ganoon pa rin ang itsura, parang nagmamadali. "Bakit po, papa?" tanong ko. He sighed heavily. "Magpalit ka ng damit, inimbitahan tayo ni sir Hermes para sa birthday ng anak niya. Kailangan ko kayong isama ni Jonesar." wika niya. Kumunot ang noo ko, sinong may birthday? "Sino pong nagdiriwang ng kaarawan pa?" tanong ko ulit. Napakamot siya ng batok. Nitong nakaraang araw, napapansin ko kay papa ang pagiging balisa. Para bang may lihim siya sa akin. Hindi ko man maitanong pero nararamdaman kong parang may lihim siya sa akin. "Si Vizier, yung panganay niyang anak." maikli niyang sagot. Ah? Teka, bakit niya naman kami i-imbitahan? Okay, sabihin nating nagtra-trabaho si papa sa kanila pero kailangan pa ba iyon? Kailangan pa ba kaming imbitahan sa kaarawan ng birthday niya? Para kasi sa akin, hindi naman kailangan. As long as my father work for them appropriately. "Kailangan pa ba, papa?" ika ko. He nodded and sighed. "Oo, anak. Gusto kayong papuntahin ni sir Vizier sa birthday niya." sagot niya. Hindi ko makuha ang punto ng lalaking iyon! Is it really necessary to invite us in his birthday? Hello, farmer lang naman si papa sa kanila! Tsaka mamaya, mga bigating tao pala ang nandoon! Nakakahiya na! "Pa, pwedeng ikaw nalang. Parang hindi ko kasi gustong sumama e." pag-amin ko. Mabilis siyang umiling, para bang sumasalungat siya sa sinabi ko. "Hindi pwede, hija!---" Natigilan siya sa pagsasalita ng may kumatok sa pinto namin. Mas lalong kumunot ang noo ko, sino naman ang panauhin namin? Bumukas ang pinto at bumungad sa aking paningin si Vizier Costiño, nakasuot ng formal, seryoso ang mga mata at lalaking lalaki ang tindig. Napakurap ako, nagulat sa kanya. Bakit naman siya nandito? "A-ahh sir pasensya na po kung pinaghintay ka namin." paumanhin ni papa. I was shock, literally shocked. Why is he here? "It's okay. I will just wait here." he said seriously. Napalunok ako, hindi pa rin makuha ang punto nitong lahat! Bakit siya nandito? Sinusundo niya ba kami? Assurance na sasama kami kaya sumama siya kay papa? Ganoon ba? "Sige po, sir. Umupo muna po kayo. Magbibihis na ang anak ko para makaalis na tayo." sagot ni papa. Nanlaki ang mata ko, hindi na nakasagot ng mabilis akong hilahin ni papa papasok ng kwarto ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko, kabadong-kabado sa kilos niya. "Chacel, magbihis ka na. Naghihintay si sir Vizier sa atin." nagmamadaling sabi ni papa. Batid sa boses niya ang kahalagahan ng panauhin namin. Para bang Diyos na hindi pwedeng paghintayin! "Pero papa---" "Chacel! Sige na! Magpalit ka na ng damit!" matigas na sabi ni papa. Napahinga ako ng malalim, tiniklop ang bibig. Ayokong naririnig ang galit ni papa, minsan lang siya magalit sa amin pero wagas naman. Atsaka tama nga naman, wala namang mawawala sa akin kapag sumama ako! Hindi naman ako ang tipo ng lalaki na iyon! Noong nakaraang araw nga, nahuli ko siyang may kahalikan na isang senior high sa banyo e! Tapos syempre, sexy at maganda! Nung nakita ko iyon, hindi ko alam ang tamang gagawin. Para talaga akong nakapanood ng live show! That's the time I feel awkward to him. Kapag bumibili siya ng ice candy, hindi ko talaga kayang makipagtitigan sa kanya. Para kasing nai-imagine ko pa rin yung nakita kong halikan nila ng babae niya. Umiling nalang ako at sinunod ang gusto ni papa. Lumabas siya kaya nagsimula na akong maghanap ng susuotin ko. Hindi ko naman kailangan magsuot ng mamahalin na damit, o di kaya'y pang sosyal. Imbitado lang naman ako dahil kay papa. Pagkatapos kong maghanap ng susuotin, napagpasyahan kong piliin ang isang pink under knee na casual dress. Naalala kong binili ito sa akin ni papa noong nakaraang birthday ko. Ngayon ko lang ito susuotin, pagkatapos ng isang taon. Tinignan ko ang sarili sa salamin, napansin kong namumutla ang labi kaya kinuha ko ang liptint sa bag at nilagyan ang labi. Hindi naman ako magarbong babae, just a simple thing can do for me. Ayoko ng over make-up, ayoko din ng mga high heels. Mas komportable ako sa ganitong panonoot, simple at walang arte-arte pa. Ngumiti ako ng makita ang mukha. Hinayaan kong bumagsak ang buhok sa katawan, hindi ko na iyon tinali pa. Bagay naman sa akin ang ganitong style. Nang maging kontento na, tsaka palang ako lumabas ng kwarto. Nakayuko pa ako dahil naramdaman ko kaagad ang mga mata ni Vizier sa akin. Naramdaman ko ulit ang dagundong sa puso ko. Yung pakiramdam na para akong hihimatayin sa kaba at takot, sa mga mata niyang malalim kung tumitig. It tells a lot, it tells something... "Tapos na pala itong anak ko, alis na tayo sir?" si papa. Inangat ko ang ulo, hindi nakaligtas sa mga mata ni Vizier. Hindi niya pa pala iniiwas ang tingin sa akin. Napalunok ako, umiwas ng tingin sa kanya. "Sure. Let's go," he said firmly. Tumango si papa, nauna sila ni Jonesar lumabas. Napakagat-labi ako habang pareho pa kaming nakatayo at magkaharap. Sinubukan kong kumalma pero ganoon pa rin, ang lakas ng kabog ng puso ko. "You look…gorgeous," he said softly. Nakaramdam ako ng pamumula sa pisnge. I tried to smile but it come out fakely. "S-salamat." utal kong sabi. He smile viscously. Tumango siya bago tumalikod at lumabas ng bahay. Napalunok muli ako, pinakiramdam ang sarili. My heart trembling, my knees is shaking. I tried to compose myself, calming my heart and knees. Tsaka palang ako sumunod lumabas ng maging maayos ang pakiramdam. I locked the door, napahinga pa ako ng malalim bago naglakad papunta sa kotse niyang naghihintay sa akin. Nahiya pa ako ng makita siyang naghihintay sa akin, hawak-hawak ang pinto sa shotgun, he look like a prince waiting for his princess. I bit my lip, making myself comfortable even I'm not! I smile hesitantly, tumango ako sa kanya bago huminto sa harap. Bagama't nahihiya, sumakay nalang ako para makaalis na kami. So this is the point why he's here? Sinusundo niya pala kami! That's it? Pero bakit niya ginagawa ito? Bakit parang pakiramdam ko, may ibang plano siya? May ibang nararamdaman ang puso ko na parang may gagawin siyang ikakatanggal ng kalayaan ko. Ano ba itong pinag-iisip ko? Pumasok na siya, naramdaman ko agad ang bigat ng ambiance. Lumapit siya sa akin at niyakap ako, my eyes widened literally. Pero kumalma naman ako ng mapagtantong kinuha niya lang pala ang seat belt sa gilid ko. Oh God, kinakabahan ako sa kanya! Para talaga akong humaharap sa presidente ng Pilipinas kapag nagkakaharap kami. Sinubukan ko ulit pakalmahin ang sarili, hindi ko siya tinitignan kahit pa hindi ako mapakali. Umalis kami ng tahimik ang sasakyan. Walang nagsasalita hanggang sa makarating kami sa mansyon nila. Sa labas palang kitang-kita na ang neon lights, animo'y nagkakasiyahan na sa loob. Naunang lumabas si papa at Jonesar, samantalang naiwan ako dahil sa kabang nararamdaman. Kumatok si Vizier sa bintana, napatingin ako sa kanya. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa akin. Nakuha ko ang ibig niyang sabihin ng tumango siya, I sighed heavily. Binuksan ko ang pinto at lumabas na din. Nahihiya pa ako sa kanya kasi sabay kaming naglakad papasok sa engrandeng pintuan nila. "Don't be nervous. It's just my birthday." he said while we walking. I nodded hesitantly. Bumukas ang pinto ng makarating kami sa tapat, yumuko ang mga kasambahay habang parang sinasamba ang kasama ko. Nagtuloy-tuloy kami sa paglalakad, rinig na rinig ko na ang ingay mula sa likod ng malaking bahay nila. First time kong makapasok dito, at first time ko ring makita ang loob nito. Unang bumungad sa akin ang naglalakihang picture frame ng pamilya nila. Napanganga ako ng makita ang kagandahan ng angkan nila. My eyes widened, looking at their family's picture. Hermes with his wife is perfectly good looking. While their son, Vizier is handsomely standing like a soldier with ferocious face. And the rest two children is also a good looking face. Ngayon ko lang nalaman na may dalawa pa pala siyang kapatid. Buong akala ko, nag-iisang anak lang siya ni Hermes at Estrecia Costiño. Napabuga ako ng malalim na hangin, muling binalik ang sarili sa paglalakad. Pumasok ulit kami sa isang pinto, napapikit pa ako ng masilaw sa neon lights. Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ang mga bagong mukha. Hindi ko kilala ang mga bisita nila, at ngayon ko lang sila nakita. Sumunod ako kay Vizier sa paglalakad, ramdam ko na ang kakaibang mga tingin sa amin ng tao. Yumuko ako habang nakasunod pa rin sa kanya, huminto lang dahil nakita ko si papa na umupo sa ibang lamesa. Lumapit ako doon at nahihiyang umupo sa tabi ni Jonesar. Hindi naman malayo ang pwesto ng lamesa ng pamilya Costiño, pero grabe talaga ang epekto nila sa ibang tao. Nakita kong may lumapit na lalaki kay Vizier, magkasing-taas lang sila, at pareho rin ang sinisigaw ng mukha, kapangyahan! Bumulong si papa sa akin. "Yan ang anak ni sir Ranilo, yung kausap ni sir Vizier. Tapos sa lamesa nila ay anak ni ma'am Delrose. Basta ang buong angkan ng pamilya nila ay nandito ngayon." bulong ni papa. I swallow. Tumango ako at huminga ng malalim. Umiwas ako ng tingin sa lamesa nila dahil napansin ako ng isang babae na nakataas ang kilay. Dumagundong ang puso ko sa kaba ng tumayo ang babae at lumakad palapit sa akin. Nanginginig ang kamay ko, umiigtang ang bagang sa kaba. Huminto ang babae sa harap ko, mula sa paa kitang-kita talaga na isa siyang anak ng mayaman. "Hey b***h! Why are you looking at us?" maarteng boses ng babae. "Ah pasensya na po, ma'am Salvacion. Nahihiya pa kasi itong anak ko dito." si papa. Inangat ko ang ulo, nakita ko agad ang kagandahan ng babaeng ito. Halos mapanganga pa ako sa taglay niyang ganda, lalo na kapag nakataas ang kilay niya. Teka, parang pamilyar siya sa akin! Parang nakita ko na siya sa telebisyon! Oo, tama! Isa siyang sikat na artista ngayon! Siya nga! Siya yung may commercial ng isang sikat na napkin ngayon! Siya nga! "Yes? Do you know me now?" maarte niyang sabi. Napalunok ako habang pinagmamasdan pa siya. Sobrang ganda niya sa personal! Naririnig ko rin ang pangalan niya sa mga classmate kong lalaki e! Siya si Cion Alzarte, yung sikat na artista! Pinsan pala siya ni Vizier! Buong akala ko ay hindi! Oh God, nakakabigla naman ito! "Oh God, I'm waiting b***h! Do you know me now?" she said again with same voice. I nodded while still stunned to her face. "I-ikaw si Cion Alzarte, yung model ng sikat na napkin. Tama, ikaw nga iyon!" nai-excite kong sabi. Umirap siya at ngumisi. Hindi ko akalain na makikita ko siya sa personal. Sinubuybayan ko rin ang huli niyang teleserye sa isang sikat na network e! Ang galing niyang umarte at balita ko nga, nakuha niya ang best actress sa Famas Awards e! "Oh yes. I'm Cion, the famous. By the way, who are you? And why are you here?" sunod-sunod niyang tanong. Napahinga ako ng malalim, sinusubukan kong ayusin ang sarili. Grabe, sobrang ganda niya talaga! Hindi ko expect yung mukha niya sa TV tapos sa personal. Sobrang iba sa kaharap ko siya ngayon at kapag nasa loob siya ng telebisyon. "A-ahh? A-ako nga pala si C-chacel." utal kong sabi. Nakaka-panginig naman ng katawan ang pamilya nila! Para akong nakalutang sa kalangitan ngayon! "So? Ba't ka nga nandito?" mataray niyang tanong. "Ma'am, anak ko po siya. Inimbitahan po kami ni sir Hermes para sa birthday ni sir Vizier." si papa. Umirap si Cion at umiling. Nakita kong lumapit sa amin si Vizier habang seryoso ang mukha. "What's going on here? Salvacion?" Vizier said with hard tone. Umirap pang muli si Cion bago maarteng humarap sa pinsan niya. "Oh my gosh, Viz. Happy birthday, you look handsome tonight. May kasama ka bang babae mo? You know what I mean, right?" sagot ni Cion. Sumeryuso ang mga mata ni Vizier. "Stop talking nonsense, Salvacion. Wala ka sa harap ng camera kaya tumigil ka sa kakaarte mo." direct to the point na sabi ni Vizier. Napanganga si Cion at parang napahiya sa pinsan niya. Hinampas niya ang balikat ni Vizier, animo'y nagagalit. "How dare you saying that to me! Umuwi ako dito kasi utos ni papa! I'm living my life in Manila, and this place is very sucked! Gosh!" she said exaggeratedly. Bumuntonghininga si Vizier habang umiikot ang mata sa kaharap niyang babae. Honestly, ang daming nagsasabing magaspang daw ang ugali niya sa personal, hindi ko naman akalain na totoo pala iyon. Pero siya naman talaga nagsasabi sa bawat interview sa kanya e. She always said that she is a kind of stagy girl. Outspoken person and bubbly. Rinig ko ding marami siyang ex celebrity na nakalista sa papel, parang damit lang ang lalaki sa kanya kung makapagpalit. "Oh God! Stop being exaggerated please? At wag mo ding tarayan si Chacel! She is kind so be nice to her." Vizier said. Tinarayan ako ni Cion bago maarteng umalis palayo sa amin. Napapailing nalang ako sa kanya, sobrang taray nga niya sa personal. Kung ano ang sinasabi niya sa TV, yun din ang katotohanan sa kanya. Hindi naman ako nati-turn off sa kanya, sa katunayan mas gusto kong nilalabas niya ang totoong ugali. In that way, hindi siya nagiging plastic sa mga kaharap niyang tao. She is just honest with her real attitude. "Pasensya na kayo sa kanya. Parati siyang ganyan sa mga taong hindi niya pa kilala. Don't worry, mabait din iyon." si Vizier. Ngumiti ako ng malumanay. Umiling lang ako at tumango. Umalis siya dahil nagsimula na ang party. Nag-open speech muna si sir Hermes sa kapamilya niyang nandito ngayon. Maraming bumati kay Vizier, lalo na yung mga pinsan niya. At mas nagulantang ako ng makita ang nagmamahalang regalo sa kanya ng mga pinsan. May nakita akong binigay sa kanya ang isang susi, napagtantong susi iyon para sa regalong ducati. Yung iba mga hindi ko kilalang regalo. Ang yaman talaga ng pamilya nila! "Sa mga nagbigay ng regalo sa akin, lalo na si Braze na bumili pa talaga ng Ducati para sa akin, maraming salamat! At syempre, salamat at pumunta kayo sa kaarawan ko. Let's enjoy the night, everyone." he announced happily. May tumayong lalaki at para bang umaangal sa sinabi niya. "Teka, hoy hati kami ni kuya sa ducati noh! Mas malaki nga ang ambag ko kaysa sa kanya e! Tapos siya lang ang may special mention, what the heck?" angal ng lalaking tumayo. Kumunot ang noo ko, nagtataka sa lalaking nagsalita. "Yan si sir Zier, anak rin ni sir Ranilo. Silang dalawa ang humahawak sa malaking negosyo ng Costiño." bulong ni papa. Napatango ako, kaya pala may kahawig sa lalaking kausap ni Vizier kanina. "Ulol mo, kilala kita Zier! Ikaw maglabas ng pera? Ang kuripot mo kaya!" bwelta ni Vizier. Hindi na nakasagot ang lalaki dahil pinaupo na siya ng isang babae. Natawa ako sa kanila, ang kulit din pala nila. Akala ko mga formal sila lalo pa't kilala ang pamilya nila sa listahan ng mga mayayaman dito. Natapos ang speech kaya nagsimula ang kainan. Tumayo ako para sumunod kay papa at Jonesar na naglalakad papunta sa isang mahabang lamesa, nandoon ang mga pagkain at iba't-ibang cake para sa birthday celebrant. Kumuha ako ng pinggan, nakaramdam ako ng init sa likod kaya bumaling ako doon. Napaatras ako ng bumungad sa akin si Vizier habang may ngisi sa labi niya. Napahinga ako ng malalim, hindi mapigilang mamangha sa gwapo niyang mukha. "Kumain ka ng marami. Ang payat mo, you should eat more." he said at my back. Napakurap ako ng mata. Kabadong-kabado sa kanya! "A-ahh? Hehe t-thank you." nahihiya kong sabi. He sighed deeply. Gusto ko sanang bumati sa kanya kaso nauunahan ako ng hiya. Wala pa naman kaming dalang regalo para sa kanya. Bumuntonghininga ako, tinatagan ang loob para bumati. Hinarap ko siya at ngumiti kahit pa kinakabahan. "V-vizier…happy b-birthday nga pala." utal kong bati. He smiled sweetly as his lip landed on my forehead. Nagulat ako, kinabahan. He kissed me in my forehead! "Welcome, baby." He said softly and raspily. --- Alexxtott
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD