Chapter 1 : Omisha and Morrigan's secret

1786 Words
Panandaliang naglaho si Omisha upang hindi siya makita ng dumaang knight. Hindi siya maaaring mahuli sapagkat malalagot siya kay Morrigan. Mayroon silang usapan na sila'y magkikita sa dakong silangan ng Hymbay – ang lugar kung saan ang mga tulad nilang nilalang ay payapang namumuhay. Nang matiyak na wala na ang knight ay nagmamadali siyang nagtungo sa lugar kung saan naroon si Morrigan. Nadatnan niya itong nakatitig sa kawalan habang pinaglalaruan ang kanyang daliri, na siyang kanyang ginagawa sa tuwing siya ay naiinip o malalim ang iniisip. “You are late, Omisha. I’ve been waiting here for about an hour,” aniya sa mababang tinig at bahagya siyang nilingon. Omisha gulped twice after seeing the wrath in her eyes, she knew exactly what will happen to her if she pissed her off. “I apologize for making you wait. Ano ba ang pag-uusapan natin at kailangang nandito pa tayo?” Morrigan secretly showed her lopsided smile before completely turning around to face Omisha. She snapped twice to conceal the whole place, so no one could hear what they’re going to talk about. Omisha was just observing what Morrigan is doing and waited patiently for her to finish covering the whole place with her power. “There, I’m confident that nobody could hear us. Maupo ka, Omisha.” May lumitaw na isang silya sa aking likuran na siyang mauupuan ko. Gawa ito sa pinaghalong bakal at kahoy. May silya rin na lumitaw sa kanyang likuran, dagli siyang naupo at pinagsalikop ang kanyang mga kamay na nakapatong sa kanyang hita. Magkaharap kaming dalawa ni Morrigan at naghihintay kung sino ang unang magsasalita. “Alam namin nating dalawa na hinahanap nila ang kaluluwa ni Thadeus upang magampanan niya ang kanyang naiwan na tungkulin. Nais ko lang itanong kung nasa pangangalaga mo pa rin ba ito?” Tumango ako habang binabasa ang aking labi gamit ang aking dila. Nakatitig siya sa akin at hinihintay na magsalita ako. “I can assure you that he couldn’t escape from the Sehnos Realm. I’m the only one who could manipulate it.” I straightened my back after proudly saying my ability to control the Sehnos Realm. Ang Sehnos Realm ay lugar kung saan nakakulong ang mga ligaw na kaluluwa at kapag sila'y nahatulan, isa lamang sa dalawa ang kanilang kahihinatnan; ang masunog sa nagbabagang mga apoy sa Oevarium o maging malaya at muling makabalik sa kanilang katawan at mamuhay muli. A small smile appeared on her rose colored lips. But I wasn’t expecting the words that she’s going to say. “Pakawalan mo ang kaluluwa niya, Omisha.” Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya. Bahagyang umawang ang aking manipis na labi ngunit tiyak akong sigurado siya sa kanyang tinuran. “But why? Ikaw mismo ang nagsabi sa akin na ikulong ko ang kanyang kaluluwa sa Sehnos nang sa gayon ay hindi sila magkita ng kapatid mo at ni Athanasios.” Nag-isang linya ang aking kilay dahil nagtataka pa rin ako. Ano kaya ang binabalak ni Morrigan, at bakit ito ang kanyang naging pasya makalipas ng limang taon? “ I need him to do something for me. I’m pleading you, Omisha. Bring him back to life and tell Thadeus that I need him.” Kitang-kita sa mga mata niya ang determinasyon na batid kong hindi ko makakayang tanggihan. Kaya bago pa man siya muling magsalita ay nangako akong papakawalan ko ang kaluluwa ni Thadeus. Inalis niya ang kapangyarihang nakabalot sa buong lugar at muling nagsalita, “umaasa akong magagawa mo ang nais ko, Omisha.” Isang malumanay na ngiti ang kanyang pinakawalan bago tuluyang maglaho sa aking harapan. Naiwan akong mag-isa sa lugar na ito. Pinalipas ko ang ilang minuto bago maglakad palabas sa Hymbay at hindi ko namalayang mayroong isang nilalang ang nakabuntot at nagmamasid sa aking galaw. NANGINGINIG pa ang aking katawan matapos kong magising dahil sa isang masamang panaginip. Nakita ko si Morana, duguan ang kanyang mukha at katawan, puno ng galos at sugat, naghihingalo, namumutla at halos hindi na makagalaw dahil sa panghihina. Tinatawag niya ang aking pangalan habang humihingi ng tulong sa akin. Hindi ito ang unang pagkakataon na siya ay aking napanaginipan. Sa tuwing ipipikit ko ang mata ko’y nakikita ko kung gaano siya nahihirapan. Gusto ko man siyang tulungan ay hindi ko alam kung paano, sapagkat hindi ko batid kung saan siya naroon. Hindi ko rin nais na makita ang sinuman sa mga nilalang na kagaya ko dahil sila ang rason kung bakit wala si Morana sa piling ko. Naisip kong hanapin ang kanyang kaluluwa, subali’t hanggang sa ngayon ay hindi ko ito matagpuan. Hindi ko rin alam kung saan na ang aking ama na si Devon at kung ano ang kanyang ginagawa sa ngayon. Nasa malayong lugar ako at nagtatago mula sa kanya, pero alam kong matutulungan ako ni Devon. Sumubok akong muli subali’t hindi ko alam kung bakit kasalukuyan akong narito sa Hymbay at naglalakad patungo sa dakong silangan. Habang naglalakad ay napansin ko ang ika-anim na Ruler, si Omisha. Nagtatago ito sa tuwing may nakakasalubong at iniiwasang may makakita sa kanya. Dala ng kuryosidad, siya ay aking sinundan at tinago ang aking presensya. Hindi niya namalayang nakasunod ako sa kanya. Pumasok siya sa isang silid. Malayo pa lang ay nakita ko na ang isang babaeng nakatayo at nakatitig sa kawalan. Kaagad ko itong nakilala, siya ang ikalawang Ruler. She is Morrigan, also known as the gatekeeper of Hell. Siya ang kumukuha sa mga kaluluwa ng masasamang nilalang at kinukulong ang mga ito sa isang lugar na tanging siya lang ang may alam. While they’re talking, I remain silent and unmoving to keep my presence hidden. Until Morrigan vanished and Omisha was left alone, not totally alone because I’m here. Omisha begun to walk silently and I was behind her all the time, stealthily following her. Patuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa marating ang batis sa bahaging kanluran ng Hymbay. Ang tubig na dumadaloy sa batis ay hindi tubig, kung hindi dugo ng mga namatay mula sa isang malagim na trahedya. Katulad lamang ng mga taong pinatay o kaya’y aksidenteng nasunog. Ang kanilang dugo ay ang siyang nagbibigay buhay sa lugar na ito. Omisha suspiciously looked around her, making sure that nobody was there to see what she’s up to. She made an illusion where no one could notice her then she started to do the ritual. She clasped both of her hands and instantly the color of her eyes changed from black to red. Red as the blood that was flowing down the creek. Nagsimula siyang bumulong sa hangin gamit ang salitang hindi ko maunawaan. Unti-unti ay nagbabago ang kulay ng dugong dumadaloy sa batis, nagiging kulay asul ito hanggang sa tuluyang maging tubig. The ground was shaking under my feet as the earth slowly cracked open. The water dried up in a blink of an eye. All of the sudden, the portal that looks like a black hole appeared. She opened her eyes and a small smile slipped from her pouty pale lips. Omisha went inside the portal and before it vanish, I followed her. We’re inside the portal and I was beyond surprised when I first saw the souls trapped in a small tubes. Some are chained and some are shouting in vain as they tried to escape. “Sana ay narito ang kaluluwa ni Morana,” bulong ko sa aking sarili. Isa-isa kong sinuri ang bawat sulok ng lugar na ito, nagbabaka-sakali na narito nga ang aking hinahanap. Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap ng biglang magsalita si Omisha. “Sehnos Realm, my sacred place,” aniya sa mababang tinig. Pansamantala kong tinigil ang paghahanap upang magtago at silipin kung ano ang kanyang ginagawa. Omisha is inside the magic circle, and for the second time, she’s performing a ritual but it’s different from the one earlier. I didn’t know that she has this ability. She’s holding a piece of black cloth and she’s murmuring a foreign language. Sa harap niya ay nakalutang ang itim na bolang apoy. Marahang lumilipad sa kanyang likuran ang iba’t ibang uri ng ilaw na hindi ko alam kung saan galing. Nakakamangha ang kanyang ginagawa kaya nakalimutan kong nagtatago pala ako. I unconsciously removed the power that could hide my presence. Mabilis ang naging pangyayari at sa isang iglap ay nasa harap ko na si Omisha. Nakatutok sa aking leeg ang hawak niyang combat knife. “Hindi ko alam na mayroon pala akong panauhin.” Diniin niya sa aking leeg ang hawak na kutsilyo. Hindi ako nagsalita o nagtangkang gumalaw, nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa tuluyan niyang sugatan ang aking leeg. “Ano ang karapatan mong pumasok sa Sehnos? Paano ka nakapasok at ano ang iyong pakay rito?” sunud-sunod niyang tanong. Hawak ko ang nagdurugo kong leeg habang nakatitig pa rin sa kanya. “Sumagot ka, Cozbi.” Ngumisi ako bago sumagot, “may hinahanap lamang ako.” She didn’t think twice to attack me. All I did was to avoid her and protect myself for the reason that I don’t want to hurt her. I know my capability and I might kill her if I couldn’t control myself. Hindi maipagkakaila na mahusay siya sa pakikipaglaban dahilan upang mahiwa niya ang aking braso at tagiliran. Subali’t hindi pa rin ito sapat para patulan ko siya. Nanatili akong kalmado ngunit isang pagkakamali na umatras ako. Napabuntong-hininga ako matapos tumama sa pader ang aking likuran. Nakangisi siyang lumapit sa akin at muling tinutok ang kutsilyo sa aking leeg. “Die, you little piece of skunk! I will send you in hell.” She was about to stab me when Morrigan appeared all of the sudden then pushed her away from me. “Are you out of your mind, Omisha?” kalmado niyang tanong sa huli. Umiiling na tumayo si Omisha at tinago ang hawak na kutsilyo sa kanyang likuran at saka yumuko. “Paumanhin, ngunit hindi siya nararapat sa lugar na ito. Nararapat lamang na siya ay aking paslangin sapagkat nakatitiyak akong alam niya ang ating napag usapan.” Tumalim ang titig niya sa akin pero wala siyang ginagawang hakbang upang saktan muli ako. “Batid mo ang mangyayari sa oras na saktan mo si Cozbi.” May pagbabanta na sabi niya. They looked at each other’s eyes like they are communicating through their soul, and I was just looking at them. Wondering what is running inside their mind. Morrigan swiftly went in front of me with a cryptic smirk plastered on her lips. “Hope you will understand me, Cozbi,” she uttered softly and placed her left hand on my chest. Everything happened so fast that I found myself screaming in torment as she forcefully dug her nails unto my flesh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD