Chapter 2 : Ahyme

1744 Words
THE pain is unbearable. Halos mawalan na ako ng ulirat dahil sa sobrang sakit. Nanlalabo ang aking paningin habang pilit na inaalis ang kamay ni Morrigan sa aking dibdib. Hindi ko namalayang nasa aking likuran si Omisha. Naramdaman ko na lang ang malamig niyang mga palad na nakahawak sa aking sentido. I felt like my head is about to split in a half when Omisha used her ability unto me and begun to manipulate my mind. I’m losing my strength as the two of them were stealing my memories. “No, no! Don’t do this!” malakas kong sigaw habang nagpupumiglas at kumakawala mula sa kanilang dalawa. Ngunit hindi ko kaya ang pinagsama nilang lakas. Tuluyan na akong bumagsak sa madumi at malamig na lupa. Nanginginig ang paa ko, pakiramdam ko'y nasa loob ako ng isang masamang panaginip. Mariin kong pinikit ang dalawa kong mata habang nananalangin na sana'y tumigil silang dalawa sa kanilang ginagawa. My memories are slowly drifting away until all I can remember is why I am looking for Morana and what is the reason why I'm in the Ahyme — a deserted place with low chances of survival. Ramdam ko ang init sa buong lugar kaya marahan kong minulat ang aking mga mata. Natatanaw ko ang malawak na lupain, walang kahit na anong puno na siyang maaari kong silungan at wala rin akong matanaw na dagat o kahit batis na siyang mapagkukunan ko ng maiinom. Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa buhangin at ganoon na lang ang aking pagtataka dahil sumasakit ang aking dibdib. "Cozbi, alalahanin mo kung paano ka napadpad sa lugar na ito." Mahinang sambit ko sa aking sarili habang naglalakad sa kawalan. Patuloy lang ako sa paglalakad at iniinda ang nangangalay kong mga paa't binti. Hindi ko alam kung saan ako tutungo, kahit saan ako tumingin ay puro buhangin ang aking nakikita. Unknowingly, I touched my neck and discovered that I'm bleeding. This thing confuses me a little, I got wounds and deep cuts in my arms and neck but I cannot remember that I was attacked by someone nor engaged into a fight. I keep on checking my whole body to find some hidden bruises or wounds when I get sleepy all of the sudden. Dahil wala rin naman akong pagpipilian, nahiga ako sa mainit na buhangin at hinayaan ang sarili kong hilain ng antok. Subali’t isang hindi inaasahang pangyayari pala ang aking masasaksihan. She’s dying. MORRIGAN was staring at me and I felt like she was hypnotizing me. The truth is, she invaded my mind to give me a message. “Killing him is unnecessary, we must do something to keep him alive but also make sure that he won’t tell anyone about what he knew.” “No one should know that Thadeus is trapped in the Sehnos Realm because of us.” Sumilay ang ngiti sa kanyang labi matapos niyang pasukin ang aking isipan. Ganoon na lang ang gulat ko dahil bigla niyang sinugod si Cozbi. Ang buong akala ko’y kakausapin niya lang ang huli subali’t nagkamali ako. Sa isang iglap ay hawak na niya ang dibdib ni Cozbi at alam ko kung ano ang ginagawa niya. She will inflict pain to Cozbi’s heart to weaken him so I could finally remove his memories. Hindi ko na kailangan na utusan pa, lumapit ako sa likuran ni Cozbi at hinawakan ang kanyang sentido habang umuusal ng isang salamangka nang sa gayon ay makuha ko ang ilan sa kanyang alaala. Sumisigaw si Cozbi dahil sa sobrang sakit. Bumaba ang temperatura ng katawan ni Cozbi pero nakikita ko ang pagtulo ng kanyang pawis. Nanginginig din ang buo niyang katawan hanggang sa tuluyan siyang bumagsak sa lupa. Morrigan shifted her gaze at me and once again, she invaded my mind. “Throw him in the Ahyme. Make sure that no one will ever discover that he was there.” Wala sa sariling tumango at tiningnan si Cozbi na sa ngayon ay nakahandusay at hindi na gumagalaw. Subali’t batid kong buhay pa siya dahil naririnig ko pa ang mahinang pagtibok ng kanyang puso. “Go ahead, Omisha. You can do whatever you want.” Naglaho si Morrigan matapos niya bitiwan ang mga katagang iyon. Mahinang sinipa ko ang balikat ni Cozbi dahilan para kumawala ang ungol sa kanyang labi. “It is agonizing that I couldn’t kill you,” I whispered between my breath. I held his hand so we could teleport in the Ahyme, I left him there without uttering a single word. MORRIGAN didn’t vanished, she concealed her presence and observed what Omisha is going to do with Cozbi’s dying body. She smirked cryptically after seeing that she kicked him gently. “A softhearted demon, so ironic,” she softly said and followed Omisha to the Ahyme. She was standing from far away, enough to witness everything. When Omisha left, Morrigan checked if Cozbi is still alive. Too much to her disappointment, the evil is still breathing and still has a chance to survive in this Realm. She left in Ahyme and decided to visit her old friend. The friend that she was keeping in the dark filthy place for five long years. Morrigan used her dark magic to open the portal connecting to the Maltain — the covert place where she hides the most dangerous demons. Since all types of evils and demons slipped away because of her “death”, she locked her up in the Maltain. “Morana,” aniya. Walang ingay siyang naglakad palapit sa hawlang gawa sa pinaghalong dugo at ginto. Isa itong espesyal na hawla sapagkat walang kahit na sino ang nakakatakas, maliban na lamang kung mayroon isa sa mga Ruler o Divinity ang magbukas gamit ang kanilang kakayahan. Napatingin si Morana sa kararating lang niyang panauhin. Hindi niya ito nakilala ngunit sa kanyang isipan ay makakatulong ito upang siya ay makalaya at makabalik na sa mundong kanyang ginagalawan. Nakatingin lang si Morrigan kay Morana pero wala siyang balak na pakawalan ito. “T-tulong… kung sino ka man. Tulungan mo ako. Bigyan mo ako ng makakain… pakiusap, hirap na hirap na ako.” Naiiyak si Morana habang nakaluhod at lumuluha. Ngunit walang emosyon ang mukha ng babaeng kanyang kaharap. Morrigan thinks that this isn’t the right time to let Morana go. Magagamit pa niya ito para sa kanyang plano para hanapin ang asawa't anak ng nakababatang kapatid na si Devon. Hindi rin siya basta papayag na makaalis si Morana sa lugar na ito. Hangga’t nabubuhay pa si Cozbi at Cessair. Ang dalawang nilalang na siyang higit na nasaktan dahil sa kanyang pagkawala. She still wants to play with their feelings. Sinadya niyang kunin ang katawan nito para maisagawa ang lahat. “Please, help me!” desperadong pagsigaw ni Morana kaya nag-isang linya ang kilay ni Morrigan, pero hindi pa rin ito nagsalita. Nakatitig lang siya sa dalawa na siyang nagmamakaawa na pakawalawan at tulungan niya. “P-please, I’m begging… please let me out of here.” Paulit-ulit itong nakiusap ngunit bingi si Morrigan. Hindi man makita ang emosyon sa kanyang mukha ngunit parang sasabog naman ang puso niya sa sobrang saya dahil sa nasasaksihan. Walang salitang namutawi sa bibig ni Morrigan habang siya’y marahang naglalakad palapit sa hawla. Ang buong akala ni Morana ay tutulungan siya nito ngunit nagkamali siya. Sa isang iglap ay nakalimutan niya ang lahat ng nangyari at nakita niya muli ang babaeng walang mukha. Ito ang babaeng nagkulong sa kanya. Sinubukan niyang sirain ang hawla subali’t hindi kaya ng kanyang lakas. Wala siyang magagawa kung hindi ang maghintay ng tulong. “Pakawalan mo ako! Ano ba ang kailangan mo sa akin!?” Pagalit niyang tanong ngunit wala siyang nakuhang sagot. Biglang naglaho ang babae sa harapan niya at naiwan siyang mag-isa sa mabaho, madalim at madilim na lugar. Morana begun to cry. The hopelessness, desperation, sadness and grief is making her weak that she’s thinking of giving up. Hindi na niya mabilang kung ilang araw o taon siya nakakulong sa lugar na ito. Walang kahit na sinong makakausap, ang tanging magagawa niya lang ay ang kausapin si Cozbi gamit ang pagbibigay dito ng mga pangitain sa pamamagitan ng panaginip. She tried to wreck the dungeon open but to no avail. Her strength is not enough to escape, plus her growling stomach. It has been a couple of days since someone brought her a food and water, but it’s limited and isn’t enough to quench her thirst and make her stomach full. No matter how loud her shout is, nobody could hear her torment. She would just end up laying on the ground and pathetically wait for help. Maybe she would die not because of demons but because of hunger. Morana wiped away the tears streaming down her cheeks and lean on the cold dungeon. She slowly shut her eyes as she laid down on the dirty ground that smells like blood and curled up so she could hugged her knees. She silently cried for the nth time and unconsciously sent a Cozbi a message that she needed some help. “Help me, Cozbi. Save me.” COZBI is still in deep sleep but he is moving from side to side. He is dreaming about Morana who's in danger and this time, she is dying. Nasaksihan niya kung paano mawalan ng buhay si Morana. Nasa isang madilim siyang silid. Ang paligid ay puno ng mga nagliliparan na kaluluwa habang siya ay duguang nakahandusay sa lupang kasing pula ng dugo. “She needs me. Kailangan ko siyang makita dahil kung hindi ay mamamatay siya,” aniya sa kanyang isipan. “Cozbi!” sigaw ni Morana. Fear is visible in her eyes as she stared at him. She tried to reach for his hand but when he is about to grab it, the ground split in half, and everything was surrounded by blazing blue fire. “Help me, Cozbi. Save me.” Her voice is cold and shaky. She looked straight in his eye and gave him a smile before she fell on the fire. “Morana!” malakas at puno ng takot na sigaw ni Cozbi bago magising ng tuluyan. Napahawak siya sa kanyang dibdib at nagmamadaling tumayo at naglakad sa gitna ng kawalan. He was frantically trying to figure out how to escape from Ahyme. “She is still alive! Kailangan ko siyang iligtas bago tuluyang mangyari ang nasa aking panaginip.” ON THE other hand, Cessair was watching himself in front of the mirror when his reflection changed. He took a step back when Morana’s face showed up, he was happy at first but it turns into fear after seeing her falling in the fire. “Hindi maaari, kailangan ko siyang iligtas.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD