"Nasaan si Patricia?" tanong ko kay Luningning. "Nasa pwesto na naman po n'ya." Bagsak ang balikat na sagot nito. Tuwing sasapit ang takip silim ay umuupo si Patricia sa sapin na inilatag saka tatanaw sa karagatan. Malapit na s'yang manganak pero gano'n pa rin ang routine nito. Alam kong naghihintay pa rin ito. Pero hindi ko alam kung makakabalik pa ba ang lalaki. Masyadong masakit ang nangyari rito sa islang ito. Nagpasya akong ako naman ngayong gabi ang magbantay rito. Tulala ito habang nakatitig sa karagatan. Nang umupo ako sa kanyang tabi ay hindi man lang ako tinapunan nang tingin. "Patricia..." tawag ko rito. Pero nang sulyapan n'ya ako ay bahagya s'yang ngumiti. "Pa?" "Kumusta ka na anak?" tanong nito sa akin. "Okay naman po... buhay pa." Masakit marinig iyon lalo

