45

753 Words

Pasado alas-9 na ng gabi. Dapat ay nasa loob na ako pero mas pinili kong manatili sa pagkakaupo rito sa ilalim ng puno ng niyog. Nakalatag ang carpet, oo carpet, dahil hindi pumayag si Papa na manipis lang ang sapin. Nakasuot din ako ng jacket at sumbrelo. Mahamog na pero heto ako, narito pa rin sa labas. Ang daming nagbago sa buhay ko. Pitong buwan na ang dinadala ko, nag-suggest na si Papa na magpunta na kami sa city para makatiyak na malapit ang hospital. Pero tumangi ako, kaya ngayon naka-stand by na ang doctor at dalawang nurse para bantayan ako. Dumating kanina si Perri, dinala lang n'ya ang wedding invitation, ikakasal na ito sa foreigner na nakilala n'ya noong minsang namasyal s'ya rito. Pero malabo akong maka-attend. Hindi rin naman safe na bumyahe na ganito kalaki ang t'yan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD