PROLOGUE

1017 Words
STONE is holding his throbbing head. His room was full of broken bottles dahil sa mga basyo nang ininom na alak. Ilang beses niyang nilunod ang sarili sa pag inom. Baka sakaling makalimot siya kahit saglit.  Pagak siyang natawa. Asawa? Meron pa nga ba siyang asawa? Nasapo niyang muli ang ulo at dahil sa kirot na nararamdaman sa bahagi ng kanyang puso. Hindi niya napigilan ang sumigaw. "Ahhh...! Bakit?! Bakit s'ya pa?!" He couldn't stop the tears from falling in his eyes. Iyon ang unang gabi ng kasal nila ni Elaine. But he was there, nag iisa habang tahimik na kinakalimutan ang mga impormasyon na narinig niya sa inupahang tao para hanapin ang kapatid niya.  "Sir, your sister's name is Neerah Elaine Altero. I have all the information about her personality since she went to the orphanage." Hindi niya matanggap, na ang babaeng pinakasalan niya~ay kapatid pala niya! Patuloy na umalpas ang luha sa kanyang mga mata. It was so painful; it was like he just wanted to die. Paano na ang pag-ibig niya para kay Elaine? Paano na? **** KANINA pa nag aalala si Neerah. Hindi siya mapalagay habang paroot-parito sa loob ng silid ng hotel na inuukupa nila ng kanyang asawa. Hindi pa rin ito bumabalik, at nag aalala na siya! Sinubukan na din niya itong tawagan, pero bigo siya dahil hindi naman ito sumasagot sa mga tawag niya. "Na saan na ba ang lalake na'yon?" tanong niya. Pero ganun na lang ang gulat niya nang bumukas ang pinto ng silid nila ng asawa. "Xander!" hiyaw niya, agad niyang inalalayan ang asawa na muntik pang matumba dahil sa pasuray-suray na paglalakad nito. Naasiwa siya ng maamoy ang alak sa bibig nito. Hindi rin niya mapigilan ang makaramdam nang pait. Unang gabi nila bilang mag asawa. At bago matapos ang kasal nila. Nangako pa ito na mananatili sa tabi niya. Pero bigla na lang itong umalis at iniwan siya. Hindi niya alam ang dahilan nang inaakto nito. Nagtataka din siya. Bakit naman kaya ito naglasing? Ano ang dahilan? May malaki ba itong pino-problema? Nakakapanibago na bigla na lang itong nagbago. Na saan na ang lalaking panay ang habol sa kanya at nagmamakaawa na pansinin lang niya? Umismid siya bago alalayan ang asawa pahiga sa kanilang kama. Kailangan niya itong tanungin kung bakit ito naglasing? Pero ipagpapabukas na lang niya dahil sigurado naman siya na hindi niya ito makakausap nang matino. Napabuga siya ng hangin bago simulang asikasuhin ang asawa. Pinunasan niya ito at pinalitan ng damit. At nang matapos, saka niya ito tinabihan. Payapa na ang tulog nito na ikinangiti niya. Aminin man niya o hindi, malaki ang naging parte ni Xander sa buhay niya. Nabago siya ng pagmamahal nito. Matapos niyang makawala sa poder ng mga kinilalang pamilya, mula sa tulong ng matalik nitong kaibigan~si Kuya Arc. Malaki na talaga ang ipinagbago ng buhay niya. Hindi na siya ang gusgusing bata na si Neerah. Napangiti siya ng maalala ang binata. Guwapo at mabait ang kuya Arc niya. At may mga pagkakataon na hindi niya maiwasan na hangaan ang kabaitan nito. Labis-labis ang pasasalamat niya dahil naging napakabuti nito sa kanya. Kung pwede nga lang sana na hatiin niya sa dalawa ang katawan para nagagawa din niyang pagsilbihan ang lalake, matagal na siguro niyang ginawa, ang kaso nag iisa lang ang katawan niya. Napangiti ulit siya ng maalala ang mga kapilyahan niya noon. Madalas niyang kinukulit ang kuya Arc niya, para lang mapagbigyan siya nito. Isang bagay na hindi naman nito tinatanggihan. Itinuring siya nitong prinsesa kahit hindi sila magkadugo. Higit pa sa isang kapatid ang pagtrato nito sa kanya. At labis niya iyong ipinagpapasalamat. Masaya na siya noon sa tuwing kasama ang itinuturing niyang kuya. Ang kaso nagbago talaga ang lahat, nang dumating sa buhay niya si Xander. Paunti-unti, nagawa ng asawa niya na kunin ang lahat ng atensyon na para lang sana sa kuya Arc niya~sa lalake na itinuring niyang kapatid. Naagaw ni Xander ang mga panahon na maaari pa sana niyang ilaan para sa kuya Arc niya. Napabuga ulit si Neerah ng hangin. Maingat niyang iniangat ang kamay para haplusin ang pisngi ng nahihimbing niyang asawa. "Alam ko galit ka, kasi sinabi ko na si Kuya Arc ang mahal ko at hindi ikaw. Naiinis kasi ako sayo. Akala mo ba hindi ko alam na palihim kang nakikipagkita sa ex-mo? Tsk! Sabi ni Kuya Arc maganda raw ako, kaya sigurado akong maraming lalake ang mahuhumaling sakin. Kaya pasalamat ka at ikaw ang pinili ko," kausap niya sa asawa habang patuloy ang paghaplos sa isang pisngi nito. "Xander, alam ng diyos na mula ng dumating ka sa buhay ko. Ikaw na lang ang nilalaman ng puso ko. Si Kuya Arc, mahal ko kasi kapatid ang turing ko sa kanya. Mahal ko sya, kasi, inalagaan at kinupkop nya ako. Pero hindi mo naman kailangang makipagkita sa ex-mo dahil lang sa nagseselos ka. Hindi mo iyon kailangang gawin. Kasi, mahal na mahal naman kita. Kaya lang, hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis mong nagbago. Kahapon lang panay ang dikit mo sakin. Panay ang sabi mo na mahal na mahal mo ako. Kaya bakit? Anong dahilan at nagbago ka? Alam mo namang magkaiba ang kahulugan ng pagmamahal ko sa inyo ni Kuya Arc. Nagselos lang talaga ako. Kaya sana bukas okay kana ulit. Sana pansinin mo na ako bukas," patuloy na kausap niya sa nahihimbing na asawa, at hindi namalayan ni Neerah na umiiyak na pala siya. Dapat masaya lang siya kasi ikanasal na siya sa wakas. Kasal siya ngayon sa lalaking mahal niya. Pero mula ng may tumawag sa asawa niya kanina habang nasa reception sila ng kasal nila. Bigla na lang itong nagbago. Bigla na lang itong umalis at iniwan siya. Nag iba din ang mga titig nito sa kanya. Tapos ngayon makikita nya na langong-lango ito sa alak? Nakakapanibago talaga! Sana nga bukas okay na ulit ang asawa niya? Ipinapangako din niya na simula bukas ipaparamdam na niya sa kanyang asawa kung gaano niya ito kamahal. Ibubuhos niya lahat ang atensyon niya dito. Iyon ang pangako ni Neerah na hindi na pala matutupad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD