Chapter 1

2946 Words
KINABUKASAN masaya si Neerah. Gusto niyang ipaghanda ng almusal ang asawa kaya maaga siyang nagising. May ngiti sa labi niya nang pumasok siya sa kusina. Kumakanta pa siya habang nagluluto ng almusal para kay Xander. Naroon pa rin sila sa hotel. Pero dahil may kusina naman sa loob ng suite nila. Malaya siyang nakakapagluto. Hindi rin siya nahirapan dahil kumpleto rin ang mga sangkap na kailangan niya sa pagluluto. "Ayan tapos na!" masayang bulalas niya nang matapos sa paghahanda. Nakapaghain na siya at sigurado siyang matutuwa ang asawa niya oras na matikman nito ang mga niluto niya. Sa isiping iyon hindi napigilan ni Neerah ang kiligin. Excited na siyang makita ang magiging reaksyon ni Xander sa luto niya. Tamang-tama namang inalis niya ang suot na apron nang pumasok sa kusina ang asawa. Ibinigay niya dito ang pinakamatamis niyang ngiti. Ang kaso agad din iyong napalis ng makita ang itsura nito. Walang emosyon ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. Kinabahan siyang bigla. Iyon ang unang beses na tumingin sa kanya ng ganoon si Xander. At hindi siya sanay. "Ahm, naghanda ako ng almusal, ipaghahain na kita," kabadong kausap niya sa asawa. Iyon din ang unang beses na kinabahan siya sa pakikipag usap dito. Noon sanay na sanay siyang tarayan ito kapag kinukulit siya. Ito lang ang tao na nakapagpapalabas nang pagiging maldita niya. Isang ugali na nakuha niya sa mga taong kumupkop sa kanya. Pero ngayon tila lalabas na sa dibdib niya ang puso niya dahil sa labis na kaba. Napakurap siya nang magsalita ang asawa sa walang buhay na boses. "Wag na, hindi ako dito kakain, may pupuntahan pa ako." Tumalikod si Xander. Bumalatay ang kirot sa puso niya dahil sa narinig na kalamigan nang boses ng asawa. Pero hindi niya iyon ipinahalata. Tumingin pa rin siya dito nang nakangiti. "Ahm...pwede ko bang malaman kung saan ka pupunta?" mahina ngunit lakas-loob na tanong niya, matalim ang tingin nang lingunin siya ng asawa. Pero nang makita nito ang pagkabigla sa mukha niya mabilis na ulit itong tumalikod nang hindi man lang nagpapaalam. Napaupo na lang siya at malungkot na napatingin sa almusal na hinanda niya. "Hindi man lang niya tinikman." Napabuga na lang siya ng hangin at matamlay na tumayo. Na walan na din siya nang ganang kumain. Ilang oras ang lumipas magmula nang umalis ng bahay si Xander. Hindi pa siya kumakain ng almusal at kahit tanghalian. Inaantay kasi niyang bumalik ang asawa. Wala pa silang dalawang araw na naikakasal. Pero dalawang beses na siyang iniwan at pinaghintay ni Xander. Hindi niya alam kung saan ito pumunta? Nakapatay ang phone nito kaya wala ding saysay para tawagan niya. Hindi talaga niya alam kung ano ang nangyayari sa asawa niya? Wala naman siyang ginawa para umakto ito ng ganun. "Boba ka talaga Neerah!" malakas na sermon niya sa sarili ng maalala na may dahilan nga pala ang asawa niya para magtampo sa kanya. Sino bang matinong lalake ang matutuwa matapos nitong marinig na ang babaeng pakakasalan nito ay nag pahayag ng pagmamahal sa ibang lalake. Malamang iyon ang dahilan nang pagbabago ng asawa niya. Pero kasinungalingan lang naman yon! Malungkot na lang siyang napangiti. Mukang wala din yatang balak si Xander na ituloy ang honeymoon nila. Umalis na naman ito nang hindi nagpapaalam. Nilakasan niya ang kanyang loob. Hindi siya dapat malungkot lalo na ang umiyak. Dapat masaya lang siya palagi. Kasal na siya at kapiling na ang lalaking alam niyang mamahalin siya ng lubos. Hindi siya dapat mag alala. Sa isiping iyon, muling sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Huminga siya nang malalim at puno nang sigla na muling hinintay ang pag-uwi ng pinakamamahal niyang asawa. Kaya lang, lumipas na ang isang oras, dalawa, hanggang sa humating gabi. Wala pa ding Xander na dumating. Kumukulo na ang tiyan niya dahil sa labis na gutom. Pero pilit niya iyong iniinda. Sanay siya sa gutom. Naging mahigpit noon sa kanya ang mga taong kumupkop sa kanya. May mga pagkakataon na kinukulong siya sa kanyang silid at hindi pinapakain. Kaya baliwala sa kanya ang gutom na nararamdaman. Higit pa sa gutom ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Ayaw man niya pero unti-unti na siyang nilalamon nang poot. Matagal ng nawala ang poot sa puso niya magmula nang tulungan siya ng kuya Arc niya. Pero dahil sa ginagawa ngayon ni Xander, dahil sa pambabaliwala nito sa kanya. Unti-unti na naman iyong nanunumbalik. Napapikit siya nang mariin bago pinilit ang sarili na dalawin ng antok. Baka bukas pag gising niya maging okay na ang lahat. Sana... ***** NAKATINGIN si Stone sa mukha ng kanyang asawa. Nakaupo siya sa sahig sa gilid ng kama. Puno nang luha ang kanyang mga mata. Mahal na mahal niya si Elaine. Pero hindi tama na mahalin niya ito sa paraang gusto niya. Umalis siya kaninang umaga para lumayo dito sandali. Hindi niya kayang pakiharapan ang asawa. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag dito ang lahat? Masakit man para sa kanya ang nangyayaring ito, sinikap pa din niyang isaayos ang lahat. Kahit naninikip ang dibdib niya, pinilit niya ang sarili na humarap sa abogado niya. Kailangan na niyang itama ang lahat, at ibigay ang nararapat na pagtrato para kay Elaine. Sa kanyang nakababatang kapatid. Maingat niyang iniangat ang kamay para haplusin ang pisngi ng asawa. Iyon na ang huling gabi na tatawagin niya itong asawa. Bukas magbabago na ang lahat. Bukas hindi na niya magiging pag aari si Elaine. Bukas wala na siyang asawa. Mapait siyang napangiti kasabay nang muling pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. Gusto niyang maging masaya dahil sa wakas natagpuan na niya ang kapatid. Pero para na din siyang namatay habang iniisip na kailangan na niyang burahin ang damdamin para sa asawa. Makakaya mo din ito Stone... Two years later... MASAMA ang tingin ni Stone sa hawak na magazine. Kulang na lang umakyat ang dugo niya sa ulo. Gusto niyang sumigaw at magwala. Pero nagpakatimpi-timpi siya. Huminga siya nang malalim bago pasalampak na naupo sa kanyang swivel chair. Pinilit niyang alisin ang galit na nararamdaman bago tawagan ang kapatid. Pero mas lalo lang siyang nainis nang hindi ang kapatid ang sumagot sa tawag niya. "Where is my sister?" iretableng tanong niya sa alalay ng kapatid. "Eh... Sir Stone, busy pa po s'ya sa photo shoot." Halata ang kaba sa tinig ng alalay dahil sa panginginig ng boses. Mariin siyang napapikit bago ito utusan na iabot ang phone sa kapatid niya. Ilang minuto lang ang inantay niya nang marinig ang naiinis na tono ng kapatid. "What?!" Pumikit ulit siya nang mariin bago magsalita. "Sinabihan na kita na wag magpopose ng nakahubad. Ano na naman bang kalukohan ang ginagawa mo?!" inis niyang sermon na ikinatawa nito. Parang nahimigan pa niya ang pang iinis sa pagtawa nito, malamang ay may kasama pang pag irap at pag ikot ng mga mata. "Modelo ako kaya natural lang ang ginagawa ko. Isa pa kasama sa pinirmahan kong kontrata ang paghuhubad. At pwede ba wag mo akong pakialaman. Gagawin ko kung ano ang gusto ko!" nainis siyang lalo sa naging sagot nito. "Neerah, wag na wag mo akong gagalitin at pagtataasan ng boses. Kung ayaw mong patigilin kita sa pagmomodelo. Sundin mo lahat ng mga gusto ko. Isang beses pa na makita ko ang mga hubad na litrato mo sa pesteng magazine na hawak ko ngayon, I swear Neerah--" hindi na siya nakapagsalita ng p*****n siya ng phone ng kapatid. Naiinis na lang niyang naihilamos ang kamay sa kanyang mukha matapos ay sunod-sunod na nagpakawala ng malutong na mura. Sa gaanong tagpo siya naabutan ni Rocket. "Hey man! What happened?" tanong nito pagkapasok. Napatayo siya at nilapitan si Rocket. "It's about my sister. May lumabas na namang photos n'ya habang nakadapa sa dalampasigan at walang saplot ni isa," problemadong sagot niya matapos itong ayaing umupo sa couch niya. Umiiling-iling si Rocket sa narinig at nakauunawang tumingin sa kanya. Alam nito ang mga problemang pinagdadaanan niya sa kanyang kapatid. Ilang buwan na lang at matatanggap na niya ang kumpletong proseso ng annulment nila ni Neerah. Prosesong natagalan. At alam iyon ng binata maliban na lang sa dalawa pa nilang kaibigan. Alam din nito—na matapos niyang ikasal kay Neerah—saka niya nalaman na kapatid niya ang babae. Alam na alam din nito na inilihim nila sa iba ang natuklasan niya. Hindi rin naman iyon ipinagkalat at binanggit ni Neerah kay Arc. Bagay na ipinag pasalamat niya. Baka mas lalo lang kasing magalit si Arc. Sinaktan niya ang damdamin ni Neerah. Maguguluhan din ito sa naging sitwasyon nila. Napakurap siya nang magsalita si Rocket. "Nagrerebelde lang siguro. Isa pa hindi naman gaanong malaswa ang pagkakakuha sa kanya," umismid siya sa naging kumento nito. Nakatingin ito sa magazine na inihagis niya sa sahig. Tumingin siya sa kaibigan saka sinabi ang saloobin niya. "Ilang buwan pa s'yang magrerebelde dahil lang sa galit n'ya sa'kin? Kasalanan ko ba na magkapatid kami? Kasalanan ko ba kung bakit hindi naging sila ni Arc? Nagrerebelde ba siya dahil doon o dahil alam niyang hindi na mapapasa kanya si Arc?" Alam naman niyang mas lalo lang niyang ginalit ang kapatid nang ipaalam niya rito na kasal na si Arc. Sinabihan pa siya nitong sinungaling. Kaya naman walang konsidirasyon niyang ipinadala dito ang litrato ni Rozel. Ayaw niyang bumaba na naman ang lebel ng kapatid dahil lang sa pagkakagusto nito kay Arc. Mabuting tao si Rozel, hindi nito dapat maranasan ang masamang ugali ng kapatid niya. Pero may kakayahan nga ba siyang pigilan si Neerah? Lalo na sa sitwasyong meron sila ngayon. Tumayo siya dahil sa labis na pagkainis. Lumala pang lalo ang kapatid niya matapos nitong malaman na ilang buwan na lang ang aantayin nito para sa approval ng kanilang paghihiwalay bilang mag-asawa. Naikuyom niya ang kamay habang nagsasalin ng alak sa kopita. Tama lang naman ang ginawa niya. Kaya bakit kailangang magalit ni Neerah? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal niya dito bilang kapatid? Bakit kailangan nitong magmatigas? Their annulment case lasted for another two years. Basta na lang din itong nagpasya na aalis papuntang Canada dahil pumirma daw ito ng kontrata para mag modelo. Napabalik siya sa wisyo nang muling magsalita si Rocket. "Stone, sa palagay ko dapat mo na ding tigilan si Rozel. Baka mas lalong manggalaiti ang kapatid mo kapag nalaman n'ya na may nagugustuhan kana at asawa pa ng taong tumulong sa kanya. Nakalimutan mo na ba na nag away din kayo patungkol sa isang babae?" salita ni Rocket. Umigting ang panga niya, mas humigpit pa lalo ang hawak niya sa kopita matapos ay sinaid niya ang laman niyon. Nanuot sa lalamunan niya ang nainom na alak at puno nang pait na tumingin kay Rocket. "I try to make everything normal. I know there is no reason para idamay ko si Rozel sa problema namin ni Neerah. But I counldn't help but interfere in Arc's life. Alam mo ba Rocket, malaki ang inggit ko kay Arc? There is a woman who loves him. I can feel how much Rozel loves him. Samantalang ako. Kahit kaunti wala akong maramdamang pagmamahal mula sa kapatid ko. I want to experience being loved, kahit kaunti lang. Si Rozel lang ang taong nagpahalaga sa nararamdaman ko. Kasi kahit anong pilit ko—si Neerah, hinding-hindi na s'ya magiging akin. Kaya bakit? Bakit hindi niya ako kayang mahalin bilang kapatid n'ya?" mahabang salita niya, nag iwas siya ng tingin ng may butil ng luha ang nalaglag sa pisngi niya. Muli siyang nag salin ng alak sa kopita at inisang lagok iyon. Umaasang mabubura ng alak na iniinom ang sakit na nararamdaman niya. Ang kaso alam niyang hindi iyon mangyayari. Dahil paulit-ulit pa rin niyang mararamdaman ang sakit. "So anong balak mo? Mag papatuloy ka sa ginagawa mo? Isang lapit mo pa kay Rozel sigurado akong hindi mangingimi si Arc na saktan ka ulit. Gusto mo na naman bang ma-ospital?" wika nito na nagpaalala sa kanya ng mga ginawa ni Arc. He was hospitalized because of thier friend. Arc was very jealous of him. Kahit ilang beses na siya nitong binalaan na huwag lalapitan ang asawa nito. Nagpumilit pa rin siya. Dahil dun nasagad niya ang pasensya ni Arc. Huminga siya nang malalim. Maybe he should have stopped. "Wag kang mag alala kakausapin ko s'ya at hihingi ako nang tawad. Pag balik ng kapatid ko mag-uusap kami." seryosong pahayag niya bago muling naupo. Isinandal niya ang katawan sa couch bago matiim na tumingin kay Rocket. Napangisi siya sa nakikitang itsura ng kaibigan. "What?" sikmat nito. Natawa siya sa reaksiyon ni Rocket. "How about you? May nagpapakulay na ba sa boring mong buhay?" nakangising tanong niya sa kaibigan na ikinasimangot nito. Bigla itong nainis, sabay sabi, "Sapakin din kaya kita?" Itinaas niya ang kamay saka natatawang bumalik sa swivel chair niya. "So, may girlfriend na si Rockety? Pakilala mo naman sa'kin?" pamimilit pa niya, nainis ito kaya hindi na siya nagtaka nang bigla na lang itong tumayo. Pero bago pa ito tuluyang lumabas ng opisina niya,nilingon pa muna siya saka muling nagsalita na ikinailing niya. "Tatanungin ko pa siya kung papayag, bye for now my friend." anito bago tuloy-tuloy na lumabas. Pagkaalis ni Rocket muling nanumbalik sa kanya ang problema patungkol kay Neerah. Malapit na itong bumalik. Aminin man niya o hindi, may nararamdaman siyang pagkasabik na muli itong makita at makasama. Pero tiyak na siya lang ang nakakaisip niyon. ****** NEERAH's hips swayed artfully as she walked into the building of the company where her manager's friend worked. She was there to attend a photo shoot. Isa siya sa mga sikat na modelo ngayon sa bansa. Pero ni minsan hindi pa siya sumabak sa isang photo shoot na kailangan pang makipag kompitensya sa ibang mga modelo. She is Neerah Elaine Zandres! And no one can match her beauty. Napaismid siya at pinagbuti pa ang paglalakad. Napapansin niya ang mga matang nakatingin sa kanya. Pero ganun na lang ang inis na naramdaman niya ng makita niyang naglalakad ang isang babae na kilalang-kilala niya. Rozella Villa Ruiz. Tumaas ang kilay niya ng makita ang kabuuan ng mukha ng babae. Hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit. Napakaganda nito. Maamo ang bukas ng mukha at may mga matang nangungusap. Para itong buhay na manika. Nag isang linya ang mga ngipin niya sa ngitngit, hindi na nakapagtataka kung bakit nagustuhan ito ng kuya Arc niya. Sa hindi malamang dahilan nakaramdam siya ng panibugho. Gusto din niya nang ganoong atensiyon. Ang mahalin nang sobra. Isang bagay na inakala niyang mararanasan niya sa lalaking pinakasalan. Pumait ang panlasa niya ng maalala ang asawa. Oo nga pala, wala na siyang asawa. Ang meron siya ay isang kapatid na walang ibang ginawa kundi ipaalala sa kanya ang lahat ng sakit na nararanasan niya. She is a miserable woman. At hindi niya kayang makita na may taong masaya habang nakabaon siya sa kamiserablihan niya. Tumaas ang kilay niya bago lapitan ang babae at sadyaing banggain ang balikat nito. Kumuyom ang kamay niya nang mabilis itong humingi ng paumanhin. Naalala niya ang sarili dito. But she is no longer the same. Hindi na siya mabait gaya noon. "Tanga ka ba at hindi mo ako nakita!?" nakataas ang kilay na bulyaw niya sa babae na panay naman ang hingi sa kanya ng dispensa. Gusto sana niya itong muling tarayan pero mas pinili na lamang niya na lagpasan ito. Kumuyom ang kamay niya. Parang gusto niyang umiyak. Naaawa siya sa kanyang sarili, iyon ang nararamdaman niya. Stop there Neerah! Kaya mo 'yan! Kinalma niya ang sarili bago pumasok sa silid kung saan niya kakatagpuin ang manager. Nagpupulong na ang mga ito pagdating niya. Sinikap niyang ipakita ang pinakamaganda niyang ngiti. Hindi siya dapat magpaapekto. "Are you ready? Marami kaming napiling mga modelo na isasali sa fashion show. Pero kahit ikaw ang pinakamagaling at napupusuan namin. Hindi pa rin magbabago ang napagkasunduan. Pipili pa din kami ng lalaban sayo para sa gown na ipi-feature sa magazine." salita ng manager na nagha-handle ng mga modelo sa fashion show na sasalihan niya. Napataas ang kilay niya. Pero sinikap pa din niyang ngumiti. "Sure, no problem," sagot niya habang may ngiti pa din sa labi. Pero ilang segundo palang siyang naghahanda para sa photo shoot nang mahagip ng mga mata niya si Rozel. Tumaas ang isang kilay niya nang lapitan ito ng isang baklang staff para ipasuot ang swim suit na hawak. Pero tumanggi ang babae. Ang arte! aniya sa isip. Habang nakataas ang kilay na nakatingin sa deriksiyon nito. Nakita pa niya na nagpumilit ang baklang staff pero sadyang ayaw talaga ni Rozel na isuot ang swim suit, kaya lumapit na siya. Sinabi pa niya na baka hindi bagay dito ang magsuot ng ganoong klase ng damit. Gusto lang niya itong asarin dahil halata naman na hindi ito sanay na magsuot ng ganoong klase ng damit. Pero kalaunan pumayag na din ito. Pagkatapos ng photo shoot at maiksing pagalingan sa pagsuot ng damit natapos na din sila at inanunsiyo na kung sino ang napili para sa gaganaping fashion show. Nainis at nagalit siya ng si Rozel ang mapili ng mga tumayong hurado nila. Sinampal niya ito kaya naman natumba ito sa sahig. Nakaramdam pa siya ng panginginig nang dumating si Stone at lapitan ang babae. Hindi na niya napigilan ang emosyon niya kaya nang dumating din ang kuya Arc niya. Tumakbo siya sa bisig ng lalake para yumakap. Ang kaso bigla na lang siya nitong hinawakan sa magkabilang braso at inilayo sa katawan nito. Mabilis nitong nilapitan ang asawa nito saka sinuntok si Stone. Nagkasagutan din kasi ang dalawa. At hindi niya inaasahan na dobleng kirot sa puso ang mararamdaman niya matapos marinig ang mga itong mag palitan ng salita. Merong gusto si Stone sa asawa ni Kuya Arc?

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD