bc

ANG ALALAY KONG TIBO(SPG)

book_age18+
7.1K
FOLLOW
48.0K
READ
HE
age gap
playboy
heir/heiress
lighthearted
addiction
like
intro-logo
Blurb

“Pukay, magpalit ka ng damit. Isuot mo ito. Tama na kaboboso ng chicks, may lakad tayo.” utos ko kay Pukay. Busy na naman sa kaka-scroll sa kung saang website, panay tingin sa mga pictures ng babaeng naka-lingerie.

Tsk!

“Kainis naman oh. Saan naman ‘yan, Sir?” sabay sipat sa damit na tinapon ko sa mukha niya. Halos lumuwa ang mata ni Pukay nang makita ang lacy dress.

“Basta, isuot mo ‘yan.” matigas kong utos.

“Ano? No way! Mag-reresign ako!” pumadyak pa habang nagrereklamo, parang bibe ang haba ng nguso.

“Ows? Talaga ba, Pukay? Alalahanin mo hindi ka pa bayad sa mga nabasag mong vase na antik, milyon ang halaga ng mga iyon. Besides, naka-confine ang Lola mo sa isang private hospital at ako ang nagbayad ng bill. Susunod ka sa utos ko o mawawalan ka ng internet? Ikaw din, hindi ka na makakaboso sa mga pinapantasya mong babae.” mahabang paalala ko sa kanya.

Inikot ni Pukay ang mga mata niya. Iritang-irita kapag pinapakialaman ko ang buhay niya. Sayang, ang ganda pa naman at ang sexy ni Pukay, malusog ang dibdib kaso babae din ang gusto.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Pia Kaye's POV “Pukay, sigurado ka ba na hindi mo ako type? Di mo ako pinagnanasaan? Ang ganda mo sana kaso maganda rin ang gusto mo.” tanong na bungad ni Sir Watson, binaba pa ang newspaper upang sipatin ang katawan ko. Hawak ko pa ang tray na may nakapatong na mainit na kape. Buhusan ko kaya siya ng kape at ng magtino. Kaso hindi pwede. Baka masesante ako at walang sahurin. Sanay na ako, malibog kasi ang hayop, pati ako gusto pa yata na taluhin. Wala naman siyang ka-appeal-appeal sa akin lalo pa't alam kong babaero siya. Sabi nila love has no gender, no boundary. Pero ang tangang ito, hindi alam ang ibig sabihin ng pag-ibig. Alalay niya lang ako pero pinapakialaman ang personal kong buhay. Madalas kaming magtalo, ang manyak kasi ni Lowi Watson Lee, a. k. a. Mr. Leebog. “Hoy Dude, ang yabang mo! Porket may sandata ka at wala ako, akala mo ikaw lang may karapatan magpaligaya ng babae? Ibahin mo ako, hinahanap hanap ng mga babae ang daliri ko. Huwag mo akong subukan!” Bulyaw ko kay Sir Libog. Oo, Libog ang tawag ko sa kanya. Kung sino-sino baga namang babae ang kinakalantare at dinala dito sa bahay niya na mukhang casa ng prosti. Naiinis ako sa kanya, ang dami-dami niyang babae pero hindi man lang ako alukin kahit isa. Napakasugapa at swapang. “Hoy Pukay, tandaan mo, babae ka! Tingnan mo nga, ang laki ng dibdib mo, mukhang masarap. Feeling mo lang lalaki ka, huwag mong ubusin ang pasensya ko kung hindi, makakatikim ka ng binyag sa akin at hanap-hanapin mo.” pang-aasar sa akin ni Watson. Ano nga ba ang feeling ng may kaulayaw na lalaki? Hindi ko pa naranasan ‘yun. Bigla akong kinilabutan sa naisip ko. Ano ba ‘yan? Winagwag ko ang aking katawan para maalis ang masasamang ispiritu ng kamanyakan ni Lowi na pilit kumakapit sa katawan ko. Sabay naman kami lumaki ni Lowi Watson Lee, anak nga lang ako ng isang kasambahay pero patay na si Nanay, kaya si Lola Pasing ang nagpalaki sa akin. At itong si Lowi Watson, siya ay anak ni Mr. Lee ang dating amo ni Nanay. Ang totoo niyan, mag-best friend kami ni Watson kaso pinag-aral siya sa ibang bansa noong nag kolehiyo. Pagbalik niya, ang gwapo ng walanghiya. Muntik ko ng hindi makilala. Hmp! Hindi ko talaga type ang mga lalaki. Hindi pa rin naman ako nakakaranas makipagrelasyon sa babae pero ewan ko bakit mabilis ako ma-attract sa kababaihan. Bukod pa rito, wala din naman may nagtangkang manligaw sa akin dahil na rin siguro sa pananamit ko. Gusto ko kasi ang mga loose shirt at mga six pockets short. Astig kasi ‘yun o kaya hoodie kahit mainit ang panahon at corduroy na shorts. Muntik na nga rin akong hindi makilala ni Watson kaya pinakita ko agad sa kanya ang singit ko na may balat saka lang siya naniwala na ako ito. Ang dati niyang kalaro. Bakit kaya napakaraming babae na nahuhumaling kay Watson? Siguro magaling siya sa kama at talentado sa pagpapaligaya ng babae. Gusto kong masilip si Watson kung paano makipag-s*x. Nasisiraan na yata ako ng bait pero gagawin ko talaga iyon. Naiinis ako, nagkalat ang condom sa kwarto niya. Eww! Nakailang putok kaya si Watson kagabi? Grabe ha. Ang libog talaga niya. Lowi Watson's POV “Pukay, magpalit ka ng damit. Isuot mo ito. Tama na kaboboso ng chicks, may lakad tayo.” utos ko kay Pukay. Busy na naman sa kaka-scroll sa kung saang website, panay tingin sa mga pictures ng babaeng naka-lingerie. Tsk! “Kainis naman oh. Saan naman ‘yan, Sir?” sabay sipat sa damit na tinapon ko sa mukha niya. Halos lumuwa ang mata ni Pukay nang makita ang lacy dress. “Basta, isuot mo ‘yan.” matigas kong utos. “Ano? No way! Magreresign ako!” pumadyak pa habang nagrereklamo, parang bibe ang haba ng nguso. “Ows? Talaga ba, Pukay? Alalahanin mo hindi ka pa bayad sa mga nabasag mong vase na antik, milyon ang halaga ng mga iyon. Besides, naka-confine ang Lola mo sa isang private hospital at ako ang nagbayad ng bill. Susunod ka sa utos ko o mawawalan ka ng internet? Ikaw din, hindi ka na makakaboso sa mga pinapantasya mong babae.” mahabang paalala ko sa kanya. Inikot ni Pukay ang mga mata niya. Iritang-irita kapag pinapakialaman ko ang buhay niya. Sayang, ang ganda pa naman at ang sexy ni Pukay, malusog ang dibdib kaso babae din ang gusto. Sayang. Sa dami ng babae na nagkakandarapa sa akin, hindi ba talaga nagkagusto sa akin itong si Pukay? Napa buntong hininga ako, pasimple kong tinitigan ang nakatalikod niyang katawan dahil nagmamaktol papasok sa sarili niyang kwarto. Ang ganda ng balakang at korte ng bewang kahit na loose ang damit nito. Kung hindi ko lang kaibigan si Pukay, baka matagal ko na siyang na-donselya. Walang ibang nakakakita ng katawan niya kundi ako lang. Pero ngayong araw na ito, may kailangan akong makuha na deal. Kailangan ko ang presensya ni Pukay para mabilis kong mapapirma ang isang bigating kumpanya na mag-invest sa business namin. Ngayon ko lang ito gagawin, pagkatapos ay hindi ko na uulitin, alam kong magagalit sa akin si Pukay kapag nalaman niyang ginagamit ko siyang pain sa mga business ko para lang makakuha ng malaking deal. Napakaganda kasi ni Pukay. Pero uupo lang naman siya doon at ngingiti, hindi niya kailangan magsalita. “Ready na ako. Pero ang kati ng damit. Ang cheap siguro nito. Nalulugi na ba ang business mo bakit hindi ka makabili ng malambot na damit?” untag niyang reklamo sa akin. Halos malaglag ang panga ko sa suot ni Pukay. Nakapatong ang lacy dress sa ibabaw ng T-shirt at naka maong pa na shorts. “Pukay naman oh. Can you please cooperate? Promise, magka-clubbing tayo sa weekend. Maraming babae dun.” kumbinse ko sa kanya. Syempre, kahit paano iniingatan ko si Pukay. May terno naman na blazer ang damit kahit pa medyo daring at may slit sa tagiliran. Maganda rin kasi at napakakinis ng mahahabang legs ni Pukay, sigurado ako pipirma agad ang swapang na investors.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook