BOOK 2 - PANGAKONG NAPAKO

1133 Words

3rd Person POV MASAYANG pumasok sa bahay ang anim na taong gulang na batang babae nang buksan ni Pukay ang pinto at sumalampak agad ito sa sahig nang basta-basta na lang. “Nanay, huwag mo na po pala akong ibili ng lato-lato. Tingnan mo, oh, mayroon na ako.” Masayang kinuha ng bata ang kulay pink na laruan na galing sa loob ng kaniyang bag at ipinakita sa ina. Kagagaling lang nilang dalawa sa school. Hanggang alas-dose lamang ang pasok ng anak ni Pukay kaya may oras siyang maglabada sa hapon. “Oh, e, saan mo nakuha iyan? Wala pa akong pambili. Hindi ko pa kinokolekta ang bayad ng mga boarder sa third floor. Huwag mong sabihin na nagnakaw ka ng laruan ng classmate mo?” nababahala na tanong ni Pukay sa anak na akala mo naman ay malaking tao na ang kausap. Tinatant’ya kung nagsisinungaling

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD