Palibhasa laking mayaman kaya kayang bil’hin ang kahit anong masasarap na pagkain. “Mahal, paano ba iyan? Miss ko na ang best friend ko. Saka kailangan ko talaga ng trabaho. Si Lowi lang ang masasandalan ko ngayon,” paalam ko kay pinsan. “Ayos lang iyon. Heto magdala ka ng maraming tuyo at bagoong. Tiyak hindi ka magugutom ng ilang araw basta may bigas ka lang. Marami naman sigurong bigas ang bf mo.” Inabot ni Ai-ai ang nakahanda ng package. Balot na balot ito ng d’yaryo at karton na sinelyuhan ng plastik upang hindi mangamoy sa biyahe. “Salamat, mahal ko. Pasensya ka na, hindi ko na mahihintay si Inang. Pakisabi na lang umalis na ako. Tiyak, maraming labahan si Lowi at baka wala ng gamit na brief iyon,” biro ko, pero ang totoo ay kinakabahan ako na baka sineryoso ni Lowi ang sulat ko.

