Chapter 2

4411 Words
Ramdam ni Julie na hindi siya makahinga at literal na parang kinakapos siya sa pagtibok ng puso. Hindi ba delikado yon?! Baka may sakit na siya? Napako ata ang mga paa niya doon sa bungad ng auditorium habang tinitingnan ang lalaking nasa may stage pa rin. "Elmo..." Sa wakas may lumabas na salita sa bibig niya. Dahan dahan na tumayo si Elmo at itinabi ang gitara sa stand na ansa tabi din niya. Nakatingin lang sila sa isa't isa na para bang hindi alam ang sasabihin. "Bumalik ka na pala..." Sabi ni Elmo na nakatayo pa din sa may stage. "O-oo..." Julie uttered. "Kanina lang..." Hindi niya alam bakit parang kabadong kabado siya. Hindi kasi niya mabasa si Elmo. Sobrang blangko lamang ang muhka nito. "Bakit ka nandito?" Sabay tanong naman ni Elmo. Kinulang nanaman ang t***k ng puso ni Julie sa sinabi na iyon ni Elmo. He seemed so cold. Parang ayaw pa nito na nandon siya. Hindi niya napigilan ang lumaban. Force of habit. "Bawal ba?" Ngumisi lang si Elmo at saka umupo ulit sa stool. "Hindi naman. Sanay lang kasi ako na di ka nagpaparamdam." Magsasalita pa sana ulit si Julie nang bumukas ang pinto ng auditorium na nasa likod niya. Napasinghap siya sa gulat nang makita na si Ben pala iyon. Nakangising pumasok ang lalaki. "Pareng Elmo!" Sabi bigla ni Ben, habang nakatayo sa tabi ni Julie. "Nakilala mo na pala si Julie Anne? Ganda pare no?" Blangko lang ang ekspresyon ni Elmo. "Matagal ko na kilala si Julie, Ben. Kilalang kilala ko yan." Nagbago na ang itsura nito at napangisi pa. Julie clenched her teeth. Kahit kailan talaga Magalona gago ka. "Ows?" Biglang sabi ni Ben. At napapitik. "Oo nga pala! Magkakaklase kayo nila Maqui dati!" Natawa ito. "Anyways pare, pinapatawag tayo ni Mr. Ramirez sa office." Sabay harap niya kay Julie. "Ikaw din Jules pinapatawag niya." Tumaas saglit ang kilay ni Julie. Jules? Paka-FC naman nito. "Tara tara!" Sabi naman ni Ben at talagang kinuha ang kamay ni Julie at hinila ito palabas ng auditorium. "Sunod ka na lang Magalona!" Sigaw pa ni Ben. Wala na nagawa si Julie dahil ang lakas ng kapit ni Ben! Parang linta! Siya nama mismo ang nagpumiglas kahit gaano pa kahirap iyon. "Ben! Ben ano ba! Marunong ako pumunta sa office ni Mr. Ramirez!" Kahit naiinis is Julie ay nakangisi lang sa kanya si Ben na sa wakas ay binitawan din naman ang kanyang kamay. "Sungit mo naman." Nakangiting sabi ni Ben. "Mabait naman ako ah. Friendly pa." "Nasobrahan ata pagkafriendly..." "Ano yun?" "Ah wala." Julie smiled sweetly. Binilisan niya ang pagalakad niya dahil sa inis niya kay Ben. Importante pa man din ang makausap niya si Elmo tapos bigla bigla na lang ito sisingit. Although aminado siya na nagulat siyang nandoon si Elmo. Hindi naman niya kasi naisip na magtuturo ito sa school. If she knew him any better she'd bet he rather be writing and producing songs. Napatingin siya sa likod niya at nakitang si Ben lang naman ang nakasunod, ibig sabihin naiwan si Elmo sa auditorium at hindi ito sumunod sa kanila. Sa linaki laki ng school na ito, sa wakas ay nakarating din naman siya sa opisina ni Mr. Ramirez. Nakaupo na ang ibang tao doon, si Maqui si Kris, isang babaeng hindi kilala ni Julie at si...Tippy. "Julie!" "Tippy!" Wala silang pake na may ibang tao doon basta ang alam nilang dalawa ay masaya sila at nakita nanaman nila ang isa't isa. Tumayo si Tippy sa inuupuan niya at linapitan si Julie para yakapin ng mahigpit. "Ikaw pala yung sinasabi na surprise ni Maqui." Sabi naman ni Tippy habang yakap yakap pa rin si Julie. "Girls tama na yan." Sabi ni Mr. ramirez bagamat nakangiti pa rin naman. Mahinang natawa ang dalawang babae bago nagsiupo din naman. "Ben, asan si Elmo?" Tanong naman ni Mr. Ramirez. Nakita ni Julie na parang tensyonado sila Maqui at ang iba pa niyang mga kaibigan at para bang hinihintay ang rekasyon niya. Hindi nila alam na siya naman talaga ang kasama ni Elmo kanina. "Pasunod na iyon sir." Sagot ni Ben. "Magkasama po sila kanina ni Julie Anne sa auditorium eh." Hindi na napigilan nila Maqui ang mapatingin kay Julie na sa mga panahon na iyon ay patuloy lang sa pananahimik. Ayaw niya masyado magpahalata kaya hindi rin niya tintingnan ang mga kaibigan. "Itext ko na ba sir?" Bigla naman nagsalita ang babae na nakaupo sa harap ni Julie. "That won't be necessary Kiara." Sabi naman ni Mr. Ramirez. "Alam naman ni Elmo kung pupunta siya dito o hindi. Wag mo na guluhin." Narinig ni Julie ang pigil na pagtawa ni Tippy at nakita niya ang maliit na pagsimangot nung babaeng nagngangalamg Kiara. "Papasok na rin naman iyon mamaya." Sabi ni Mr. Ramirez. "Ben, umupo ka na." "Ah opo!" Masayang sabi ni Ben bago umupo sa tabi ni Julie na abot langit ang ngiti. "Tinawag ko kayo dahil ibebrief ko sana kayo sa upcoming school year." Sabi ni Mr. Ramirez bago tumingin kay Julie. "And Julie, I know na bago ka dito as a teacher but hindi ka bago dito sa Apollo-Artemis." He smiled. "Anyways, hindi pa kita pormal na mapapakilala sa lahat ng ibang instructor dahil wala pa naman yung iba dito. But anyways, welcome back to Apolo-Artemis." Masayang pumalakpak sila Maqui. "Kiara and Ben..." Siyang pagsalita naman ni Mr. Ramirez. "I'd like you to meet Julie Anne San Jose, she's an alumni of Apollo-Artemis and the batch valedictorian." Mahinang ngumiti si Julie sa dalawang tao na naka harap ngayon sa kanya. "It's nice to meet you." The girl named Kiara reached out her hand for Julie to shake. "Hi there, Kiara Hernandez, violin instructor here at Apollo-Artemis." "Nice to meet you." Balik ni Julie. Pasimple niyang pinagmasdan ang babae sa harap niya. Maganda ito, balingkinitan ang katawan, medyo kulot ang buhok at kahit nakaupo ay tantya ni Julie na matangkad ito. Saka naman siya humarap kay Ben na ngayon ay abot langit nanaman ang ngiti. Ewan ba niya kung maiinis o matatawa siya sa lalaki na ito. "I see you've already met Ben?" Sabi ni Mr. Ramirez. Binalik naman ni Julie ang tingin sa nakatatandang lalaki. "Ah opo. Kanina sa cafeteria napakilala na po siya sa akin nila Maqui." Julie explained. At that moment ay bumukas ang pinto at bumungad sa kanilang lahat na nandoon si Elmo. "Ah, Elmo, nice of you to join us." Nagbibirong sabi ni Mr. Ramirez. Elmo only nodded his head. "Sorry sir. Was a little caught up at the auditorium." Soemthings never change. Masungit pa rin talaga ito at may pagka-aloof. "Upo ka na Moe." Sabi naman ni Kiara at sumenyas pa sa tabi niya. Tumango lang naman si Elmo at imbis na umupo sa tabi ng babae ay sa likuran na lamang ni Julie pumwesto. Parang nanlamig ang buong pagkatao ni Julie. Ramdam na ramdam niya kasi ang pagtingin ni Elmo sa kanya mula sa likod. Kahit hindi niya ito nakikita, alam niyang nakatingin talaga ito sa kanya dahil parang dumadaloy ang init ng titig nito sa kanya. Inayos niya ang sarili sa pag-upo at sinubukan na wag na lamang pansinin ang nararamdaman niya ngayon. "Elmo sigurado naman ako na kilala mo si Julie Anne so no introductions needed." Panimula ni Mr. Ramirez. "Anyways, kaya ko kayo tinawag dito dahil kailangan natin ng bagong hymn." Nakalapat na ang dalawa niyang kamay sa may desk. "20 years na ang Apollo-Artemis and we need a hymn to celebrate that." Saka naman siya napatingin kay Julie. "Ah, saktong sakto Julie Anne, you were my best student sa song-writing natin non." "Siya nanaman." Julie pretended to not hear what Kiara was saying but she did hear it loud and clear. "Uhm sir, I'm sure marami po kami na talentado na gagawa ng kanta dito." Sabi naman ni Julie. But Mr. Ramirez wouldn't have it any other way. "Prejudice or not Julie Anne, sure naman ako na maganda ang gagawin mong kanta, mapapahaba pa kasi ang proseso kung lahat kayo ay pagagawin ko at pipili pa ako isa isa." "Hindi po ba mas maganda iyon? Para po marami kayo choice?" Sabi namn ni Kiara. "Magbibigay ka ba ng entry?" Tanong naman ni Ben kay Kiara. "O-oo naman." Sagot ni Kiara kahit na medyo natigilan. "Kakalabanin mo si Julie girl?" Natatawang sabi ni Tippy. "Kung ako sayo sumuko ka na, pinakamagaling namin yan magsulat ng kanta sa batch...ang kapaban pang naman niya non ay si..." "...Elmo." Pagtatapos ni Kris. Nginitian siya ni Tippy at nag-apir pa silang dalawa. "Tumpak." Sabi naman ni Tippy at harap ulit kay Mr. Ramirez. "Diba po Sir? Nung nagaaral pa kami dito silang dalawa ang laging contest sa paggawa ng kanta." Napangiti naman si Mr. Ramirez dahil doon. "Oo...kaya nga naisip ko na bakit hindi na lang si Julie at si Elmo ang magpartner para gawin ang kantang ito." "Po?" Tila gimbal na sabi ni Julie habang si Elmo ay nanahimik lang sa upuan niya pero kita ang bahagyang paglaki ng mga mata nito. "Oo." Sabi ni Mr. Ramirez. "Actually alam ko naman na gane ka na talaga sa pagtanggap sa job na ito kaya naman matagal ko na din naisip na gumawa kayo ng kanta ni Elmo para sa 20th ng school. Are you guys up for it?" Dere-deretso na sabi ni Mr. Ramirez habang tinitingnan ang dalawa. Nagbukas na ng bibig si Julie para sana salita pero naunahan siya ni Elmo. "Sure sir I'm up for it if Julie Anne is." Sabay sabay na napatingin naman sa lalaki ang iba pa nilang kasama. "Sure ka Moe?" Parang nahihiwagaan na sabi ni Kris. "Oo nga." Pagsegunda naman ni Tippy. "Okay lang talaga?" Masyado halata itong mga kaibigan nila eh. Kumunot ang noo ni Mr. Ramirez sa pinagsasabi ng mga guro niya. "Teka nga teka nga, bakit ba? Anong problema?" Tumingin siya kay Julie at kay Elmo. "Hindi ba kayo komportable sa isa't isa?" Lumingon naman si Julie kay Elmo at parang maguusap ang mga mata nila bago harapin muli si Mr. Ramirez at sabay na sumagot; "Okay lang po." "Ayun naman pala eh." Natatawang sabi ni Mr. Ramirez. "So I'm expecting an output, hopefully by May 20? Kaya ba yon?" Hindi pinahalata ni Elmo at ni Julie ang pagkabigla nila dahil dalawang linggo na lamang ang layo non. Ganun kalaki ang tiwala na meron si Mr. Ramirez para sa kanila. Liningon nanaman niya si Elmo. This would be a challenge for them and everyone in tha room knew that they would never back down from a challenge. "We're up for it sir." =0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0 "Julie namiss kita!" Sabi ni Tippy once na makalabas sila sa kwarto na iyon. Mahigpit itong nakayakap kay Julie na hinihigpitan din ang pagyakap pabalik sa kanya. "Ako rin Tips, and I'm so sorry na hindi ko man lang kayo nacontact while I was away." "Sanay naman kami." Biglaang sabi ni Elmo na nakaismid pa. Nagsitinginan namana ang lahat sa kanya pero parang wala lang ito sa kanya na umalis at naglakad palayo. Mahinang natawa si Kris. "Ito talaga si Elmo, tuloy pa rin ang rivalry niyo." "Oo ayaw patalo eh!" Natatawang sabi ni Maqui. "Pinagsasabi niyo?" Singit naman ni Kiara. "Anong meron kay Elmo saka sa kanya?" Sabay turo kay Julie Anne. Pasimpleng tumaas ang kilay ni Julie Anne. Aba parang wala siya doon ah. "Karibal yan sa grades and sa glory kasi dati." Sabi ni Tippy. "Pataasan ganun." Nanahimik si Julie, yun nga ba ang dahilan kung bakit ganun si Elmo o dahil sa nangyari sa kanila? Sinundan niya ng tingin ito at nakitang pumasok na ito sa may faculty room. Muhkang wala itong pinagsabihan sa nangyari sa kanila, dalawang taon na ang nakakaraan. "Ay Jules, ano titingnan mo yung condo sa taas ng condo namin ni Joyce?" Sabi naman ni Kris. Napatingin si Julie nang tawagin siya nga kaibigan at ngumiti na lamang. "Ah sige Kris, if it isn't too much of a bother." "Bother ka diyan." Tawa ni Kris. "Okay lang no. Ano tara?" "Saan kayo pupunta?" Tanong naman ni Ben. "Papakita lang kay Julie kung gusto niyo nung condo sa taas namin ni Joyce." Sabi ni Kris at kaagad naman tumingin kay Maqui saka kay Tippy. "Sasama ba kayo?" "Ako pre hinfi mo iimbitahin?" Nakangisi na sabi ni Ben. "Pa-epal ka nanaman Ben." Sabi naman ni Tippy at umirap pa bago hinarap si Kris. " Sige Kris, sama kami ni Maqui." "Inaaway nanaman ako ni Tippy." Comment ni Ben at kunwaro ay nahuhurt pero natatawa tawa din naman. "Sige na balik na ako ng faculty." "Sama ako Ben!" Sabi naman ni Kiara at sumunod pa kay Ben na naglalakad na papasok sa faculty. Bahagya pa nila narinig ang nangiinis na sinabi ni Ben sa babae. "Whoo, may gusto ka lang makita doon eh." Julie stood there, her face contemplating things before she turned back to her friends. "Ano guys tara?" "Tara!" Since they all had their things with them naman ay deretso na sila lumabas sa grounds ng school. Msayang nagdadaldalan pa si Tippy at si Julie nang biglang mapamura si Kris. "O bakit?" Nagtatakang tanong ni Maqui nang tingnan niya si Kris na nakapwesto sa likod niya. Napasapo sa noo si Kris at tiningnan sila. "Guys sorry, balik lang ako sa may may naiwan kasi ako eh." "Kris talaga." Kunwari ay pag-irap ni Tippy. "Sige sige go ka na saka bilisan mo ah." "Sorry talaga!" Kris said although he was smiling and what not. At saa naman siya dumeretso pabalik sa loob ng school. "Kahit kailan talaga ito si Kris makakalimutin." Napakamot na lang sa ulo si Maqui. Habang naghihintay ay panay ang pagdaldal ng tatlong kababaihan sa isa't isa. Hanggang da may mapansin sila na naglalakad palabas ng gates ng school. nung una ay akala nila si Kris pero hindi. Julie heard Tippy give a soft hiss and that's why she had to face her friend. "Tips bakit?" "Ha? e naaasar ako kay Kiara eh, masyado dikit ng dikit kay Elmo." Napalingon ulit si Julie at nakita na papunta sa may parking lot si Elmo at si Kiara. may kinukwento si Kiara kay Elmo at nakita niya na tahimik lang naman na nakikinig ang lalaki. "Baka naman magkaibigan talaga sila." Mahinang sagot ni Julie. "Sus, e kilala mo naman yan si Elmo diba." Sabi ni Tippy. "Narami lang yan sinasabi kapag nadyan ka kasi nagbabangayan kayo." She pointed out. "Pero wala talaga yan kinakausap na iba." Sabi ulit ni Tippy. "Kaya sure ako na naffefeeling close lang yan si Kiara, palibhasa crush na crush si Elmo." Tumawa na si Maqui. "Girl bakit ka ba affected, may Sam ka na eh. Don't tell me may gusto ka din kay Elmo." Nangaasar na sabi ni Maqui. "Gaga wala no." Kaagad naman na reply ni Tippy. "Eh kasi eeksena yan si Kiara, pano na si Julie saka si Elmo?" Napapitlag naman si Julie sa sinabi ng kaibigan. "Hala pano naman ako nasama sa usapan?" "Ay tigilan mo ako Hulyeta ah. Alam naman ng lahat na naudlot lang kayo ni Elmo kasi pumunta ka ng America. Pero tingnan mo kung hindi ka pumunta edi baka nasimulan na namin ang plano na pikutin kayong dalawa." "Ikaw Tippy kung ano ano pinagsasabi mo." Natatawa  na lang na sabi ni Julie. Natawa na lang din naman si Tippy. Sakto ay narinig nila na tumunog ang motorsiklo ni Elmo at napalingon sila at nakita na nakasakay sa likod si Kiara habang mahigpit pa ang pagkapit sa baywang ni Elmo. Tumigil naman saglit so Elmo sa tapat nila. "Asan si Kris?" He asked. "Pumasok lang sa loob." Sabi naman ni Maqui na sinesenyasan pa ulit ang school. "Ah sige, kita kita na lang." Sabi ni Elmo. Pasimpleng sumulyap ito kay Julie na binalik naman ang tingin niya. Para ba silang naglalabanan ng tingin at si Julie na ang unang nagiwas. "Sige." Huling sabi ni Elmo at pinaandar na ang kanyang motorsiklo. "Tingan mo, hinahatid hatid pa niya pauwi si Kiara, nakakainis." Bulong nanaman ni Tippy. Nananahimik lang si Julie, parang hindi niya kasi matiis...magselos? Ayun nga ba ang nararamdaman niya? Pero sino ba siya para magselos? Wala lang naman siya. Pinakasignificant na na nangyari sa kanila ni Elmo ay ang pagkuha nila sa virginity ng isa't isa. "Tara na guys?" Andyan na pala si Kris. "Tara lets!" Sabi naman ni Maqui at nagsimula na sila maglakad. Sobrang lapit lang pala ng condo nila Kris sa school na nalaman ni Julie ay bagong tayo lang pala. dalawang taon lang ba talaga siya sa New York? Parang iba na kasi talaga ang itsura ng lugar na iyon. "Malapit lang pala dito?" Sabi ni Julie sa mga kaibigan. "Oo girl malapit lang pero kahit malapit, lagi pa rin late ito si Kris." Natatawang sabi naman ni Maqui. "Wag niyo naman ako bukingin!" Natatawang sabi ni Kris. Nagtawanan lang silang lahat bago dumeretso na sa condo buildong na iyon. "Asan nga pala si Joyce?" Julie asked. she was expecting their friend to be with Kris but then  found out that she wasn't working at Apollo-Artemis. "Sa isang office si Joyce nagwowork." Sagot naman ni Kris. "Aba, himalang naghiwalay kayo?" Panloloko ni Julie. Kris merely shrugged. "Ayaw ko nga sana eh kaso gusto niya kasi trabaho niya. At kung saan masaya ang mahal ko edi masaya na din ako." "ANG KESO!" Sabay sabay na sabi ni Julie, Maqui at Tippy. Napuno nanaman silang apat ng tawa hanggang sa wakas ay naabot na talaga nila ang building. Sa tanya ni Julie ay 15 minutes lang naman ang paglalakad bago marating iyon mula sa school. "Shall we?" Kris asked, gesturing up front to the building in front of him. Kinausap na din ni Julie ang management ng condo at sinamahan sila paakyat sa may 5th floor. Simple lang ang lugar. Pero saktong sakto sa taste ni Julie. 1 bedroom lang siya but it was cozy and very homey ang feel. Lahat ng kailangan ni Julie ay nandoon na. Naisip din niya na kung gusto man niya bumili ng piano ay kakasya ito. It was perfect! Love at first sight sa isang condo! Plus malapit pa siya sa school. "Okay na po ba mam? Kunin niyo na po ba?" Isang malaking ngiti ang binigay ni Julie sa management. =0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0= "Yes! Welcome back Julie!" "Cheers!" Sabay sabay silang uminom sa mga inumin nila habang nakaikot sa open bar na iyon. Presko ang paligid dahil nasa labas lang ang mga table at may live band na nasa stage. Plus masarap pa ang nakahandang pagkain para sa kanila. Great food and great company. "Pero Jules masyado mo kami binibigla!" Sabi naman ni Tippy. "Kasi wala talaga kaming alam na babalik ka na." Julie smiled sadly at that. "I know, gusto ko lang magsorry guys kasi hindi ko man lang kayo nacontact non." Inakbayan naman siya ni Maqui at yinakap palapit. "Ano ka ba Jules, ang importante ay magkakasama na ulit tayong lahat. Kaya smile ka na ha? Wag na magdrama." At dahil doon ay napangiti nanaman si Julie. Basta ba kasama ang kanyang mga kaibigan ay masaya na siya. Tuloy na. Lamang ang kwentuhan nila habang nagpeeprform ang isang banda sa stage nang may marinig sila na ugong ng motorsiklo sa likod nila banda kung saan ang parking ng bar na pinaglalagi nila. Napalingon si Julie at nakitang papalapit sa kanila si Elmo. Nagtama ang mata nila saglit pero umiwas ito at tumingin na lang sa linalakaran. Wala din naman pala ito choice dahil ang natitirang upuan ay sa tabi din naman niya. "Moe nakahabol ka!" Kris said at kaagad na tinagayan ng inumin si Elmo. "Wala naman ako ginagawa sa condo eh." Elmo answered with a shrug before drinking from the glass Kris just gave him. "O talaga?" Sabi naman ni Maqui. "Kala ko magkasama kayo ni Kiara." "Ppfft." Elmo uttered. "Hinatid ko lang sa bahay nila. Nag-aya pa nga pumasok. Pero umalis na ako." "Good for you!" Panloloko nanaman ni Tippy. Di naman na umimik pa si Elmo at uminom na lang sa baso niya. Sinula nang dunating ito ay hindi na nagsalita si Julie. Panay lang siya sa paginom sa baso niya. Sa totoo lang, ilang pa rin siya dahil alam niyang hindi pa sila talaga ni Elmo nakakapagusap ng maayos. "Wala kayo balak mag-usap na dalawa?" Sabi ni Maqui dahilan para mapatingin sa kanya si Elmo at si Julie. Ngumiti lang ito sa kanila nang hindi pa rin sila sumagot. "Wala lang. Sanay lang kasi ako na nagbabangayan kayong dalawa." Umiling na lang si Julie at muling uminom. Wala kasi silang pinagsabihan ni Elmo sa nangyari sa kanilang dalawa kaya naman walang ideya ang nga kaibigan nila na ilang sila sa isa't isa. "Pano yan kapag paguusapan niyo na yung pagsulat ng kanta?" Tanong ni Tippy. "Naguusap naman kami eh." Sabi na lang ni Elmo. "Diba Sioppy?" Tumalon nanaman ang puso ni Julie. Ngayon lang ulit kasi may tumawag sa kanya na Sioppy. Aaminin niya, namiss niya din iyon. Nakisakay na lang siya. "Oo naman." Hindi na pinalaki pa ng mga kaibigan nila ang usapan at nagchange topic na lang tungkol sa parating na school year. Hanggang sa lahat sila ay inaantok na din. "Guys, di ko na kaya." Pag-amin ni Tippy. "Mag-isa pa naman ako sa pad, bunisita kasi si Sam sa kapatid niyang nasa States." Napangiti si Julie. Going strong din si Sam saka si Tippy. Good for them. "Tara na uwi na tayo." Sabi ni Kris. "Baka hinahanap na din ako ni kumander eh." Natawa silang lahat dahil doon. "Jules san ka uuwi?" Tanong ni Maqui. "Ah, sa Makati-Shang." Julie replied. "Dalawang sakay pa iyon ah." Sabi naman ni Tippy. "Ah ok lang. Marami pa naman masasakyan na jeep saka bus padaan don." Julie replied. "Gabi na eh!" Sabi ni Maqui. "At least kami ni Tippy magkasama." "Ihahatid ko na si Julie." Sabay sabay silang napatingin sa nagsalita at nakita na  si Elmo na kay Julie nakatingin.  "Hindi, okay lang mag--" "Sa tingin mo hahayaan kitang mag-isa umuwi?" Biglang sabi naman ni Elmo. Hindi nakaimik si Julie at narinig naman nila ang impit na pagtili ng kaibigan nila. Napalingon sila at nakita na humahagikhik si Tippy at si Maqui. "Ay wag niyo kami pansinin." Sabi ni Maqui. "Pero ano na Julie sige go na, pahatid ka na kay Elmo. Safe naman yan sumakay sa  magmaneho ng motorsiklo eh." "Pero--" "Tara na." Naramdaman na lang ni Julie na hinawakan ni Elmo ang kamay niya at hinila siya papunta sa motorsiklo nito. Kahit subukan pumiglas ni Julie ay hindi niya magawa. Masyado mas malakas si Elmo para sa kanya kaya nakita na lang niya ang sarili na umaangkas dito. "Kumapit ka." "Ha?" Hindi nila makita ang ekspresyon ng isa't isa dahil pareho na silang nakahelmet pero alam ni Julie na nakangisi si Elmo sa kanya. Basta alam niya. "Kumapit ka Sioppy." Ulit ni Elmo. Pero hindi na niya pinasalita pa si Julie at kinuha ang mga braso nito bago siya mismo ang nagikot ng mga ito sa bewang niya. "Kapit." Huling ulit niya bago pinaandar ang motorsiklo. "Elmoooo!" Humigpit lang lalo ang kapit ni Julie dahil pucha akala niya ay lumilipad na sila sa sobrang bilis. Wala pa naman tao dahil pamadaling araw na kaya naman walang kasikipan ang daan. Hindi pa ata nakakasampung minuto ay nakadaan na sila sa Makati-Shang. Dahan dahan na bumaba si Elmo pero nanginginig na nakakapit pa rin sa kanya si Julie. "Okay ka lang?" Sabi ni Elmo pero nakangisi pa rin. Matalim siyang tiningnan ni Julie habang nakangisi pa rin siya. "Leche akala ko ba okay ka magmaneho." "Okay naman ah. Diba buhay pa naman tayong dalawa?" Sabi ulit ni Elmo. "Tsk." Julie said. "Sige salamat. Goodnight." Masungit niyang sambit. Maglalakad na sana siya papasok sa mismong hotel nang hawakan ni Elmo ang kamay niya. Napaignin siya sa magkadikit nilang mga palad bago ibalik ang tingin sa lalaki. Nahagip ng mata niya ang tattoo nito sa braso...My Sacrifice. "Bakit?" "Pwede ba tayo magusap?" Elmo said. Pumasok sila sa may lobby area ng hotel at parehong umorder ng kape. Nang mawala na ang waitress ay sabay naman silang nagsalita. "So..." "Ano..." They stopped. "Mauna ka na." Sabi ni Elmo habang tumatango. It was now or never. Huminga muna ng malalim si Julie. "Wala ka pala pinagsabihan sa nangyari sa atin?" Umiling si Elmo. "Wala. Hindi na kailangan malaman ng iba na nawala ang virginity natin sa isa't isa." Tumango na pang si Julie. She was used to Elmo's brazen words. "Gusto ko lang magsorry na iniwan kita sa ere nun. I was a mess. At wala ako sa wisyo." Lumunok muna siya bago nagsalita ulit. "I was just hoping that we could go back to normal, you know, friends...a healthy rival relationship. Banters and what not." Alam niyang awkward pa rin ang nangyari sa kanila dati. There were certain sparks ignited that night but they were easily extinguised just as they were lit. And they were young. Much as Julie knew for a fact that she had strange feelings for the man in front of her, it didn't erase the fact that time had passed and things have changed. Tiningnan niya si Elmo pagkasabi niya nun at nakitang parang saglit na nag-igting ang panga nito pero baka imahinasyon lang niya iyon dahil nang mapatingin siya ulit ay blangko lamang ang muhka nito. "Friends..." Balik ni Elmo. "You want us to be friends again right?" Hindi alam ni Julie kung kakabahan ba siya sa tono nito pero tumango siya. "The way we were Moe. Plus we need to work together for that song right?" Naiwan na nagiisip si Elmo habang nakaupo. Huminga na lamang ito ng malalim bago tumango. "Sige oo naman. Contact na lang kita kung kailan tayo pwede magkita para sa pagsulat nung kanta." Tumayo na ito para umalis. "Elmo." Tawag ulit ni Julie at tumingin naman ito sa kanya. "Salamat ah." Elmo nedded his head. "Sure. Goodnight Julie." Julie watched as he walked outside and couldn't help but notice that he seemed out of it when they were talking. Baka galit pa rin ito sa kanya dahil na rin sa pagetsapwera niya dito. Nakakasira din ng pride eh. And she knew how much pride that guy had in him. They probably had the same amount buried within them. Sure siya na medyo aloof pa rin ang magiging pakitungo nito sa kanya pero okay lang. Kung ano man ang makuha niya mula dito ay tatanggapin na lang niya. =
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD