Chapter 1

3675 Words
Kakain muna siya dahil kanina pa kumakalam ang tiyan niya. Wala pake si Julie na ang rami-rami niyang dala na bagahe, basta kakain muna siya. Nakakapagod yung flight niya eh. 2 years din siyang nandon sa New York, nagtrabaho bilang lounge singer at tumutugtog din sa mga bar at cafe. But now she was back. Nakakamiss din pala ang Pilipinas. Sa isang cafe siya dumeretso at nagorder na ng pasta, sandwhich, side dish pati na rin ng dessert. Oo gutom siya at wala siya pake kahit muhkang pangdalawa na ang kakainin niya. Ninanamnam na niya ang side dish niya nang mapansin niyang may nakatingin sa kanya. Napalingon siya sa may kaliwa niya banda at nakitang may lalaking nakatingin sa kanya. Tumaas ang kilay niya dito kaya kaagad naman ito nag-iwas ng tingin at pero natatawa tawa pa rin. "May problema ba?" Naiinis na tanong ni Julie. Hindi na siya makapagpigil eh. Nangaasar ata kasi itong lalaki. "Wala naman." Sabi nung lalaki na nagpipihil ng tawa. Tumaas ulit ang kilay ni Julie. Taray na taray na siya eh. "Wala pala. Baka naman gusto mo tumawag ako ng mental ospital para sayo kasi nasisiraan ka na." Tumawa lang ang lalaki sa kanya. "You're cute, my name's Ben. You are?" Isang sarkastikong ngiti ang binigay ni Julie Anne. "I'm leaving. Goodbye." "W-wait!" Tinatawag na siya nung lalaki pero mabilis naman siya nakalabas ng cafe at dumeretso naman sa isang dress shop na nasa tabi lamang. Kaagad niyang tiningnan ang phone niya at nag-Uber ng cab para dalhin siya sa Makati-Shang. Hindi rin naman nagtagal at dumating na ang cab. Tinulungan siya ng driver na isakay lahat ng bagahe niya at saka na sila umandar papunta sa Makati. "Ang rami niyo po bagahe ma'am, balik-bayan?" Tanong ni Manong Driver habang sinulyapan saglit si Julie sa rear-view mirror. Mahinang ngumiti naman si Julie. "Opo manong, 2 years lang naman ang linagi ko sa ibang bansa." "Ah eh, welcome back po mam, pero bakit po kayo sa hotel dederetso? Wala po ba kayo uuwian?" Tanong ulit ng driver. "Wala na po eh." Sagot ni Julie habang tumitignin sa labas. Binenta na kasi nila ng tita Beth niya yung dating bahay nila kaya ngayon maghahanap din siya ng apartment. "Aba, muhka kang bata pa eh, mag-isa ka na lang? Kung hindi mo mamasamain matanong ko lang kung ilang taon ka na?" Mahinang natawa si Julie, ang daldal kasi ni manong driver. "mag-21 po manong." "Aba eh kabata mo pa nga!" Sabi nanaman ni manong. Natawa na lang si Julie. Matapos ng usapan na iyon ay nanahimik na si manong. Baka napagod ang dila. Kaya siya naman ay umupo na lamang doon at tumingin tingin sa nadadaanan nila. Hindi naman nagbago ang Pilipinas, pero namimiss niya din kasi dito. Kahit ba mas maganda doon sa New York, Pilipinas pa rin ang kanyang tirahan, ang pwede niyang tawagin na "home". At isa ding dahilan kaya siya umuwi ng Pilipinas ay para sa kanyang musika... "My sacrifice..." She uttered quietly to herself. "Ano ho iyon mam?" Napapitlag siya at nakitang tinitingnan siya ng driver mula ulit sa rear view mirror. "Ay, wala po kuya." Sagot na lang niya. Maliit na ngumiti lang si manong at saka tinuon na lang ang pansin sa pagdrive. Saka naman nito naisipan na buksana ng radyo. I am free, I am careless, I believe Above all the others, we'll fly This brings tears to my eyes My sacrifice Napatingin si Julie sa radyo na tumutugtog at napailing na lamang. Kamusta ka na kaya? Sa wakas ay nakadating sila sa Makati-Shang, ang hindi lang namimiss ni Julie ay ang traffic sa Pilipinas, b***h pa rin talaga. Pagbaba niya ay kaagad naman siyang tinulungan ng mga tauhan doon sa kanyang bagahe. Nagpasalamat na siya kay manong driver at dumeretso sa front desk. Meron na siyang naka reserve na room kaya naman hindi na siya nagtagal pa sa pagasikaso. At sa wakas ay nakapasok na siya sa kanyang kwarto at nagbihis para makapagpahinga. Tiningnan niya ang oras; alas diez pa lamang ng umaga, mayroon pa siyang apat na oras. Kinuha niya ang kanyang telepono at kaagad na nagtext. "Sir, Just landed po. Will be there by 2pm." Hindi pa ata nakakalagapas ang isang minuto nang may matanggap na siyang reply. "Alright, will see you later." Matapos ay kaagad na humilata si Julie at natulog. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= Sa totoo lang, hindi alam ni Julie kung ano ba ang mararamdaman niya ngayon. It's been a long time since she'd walked along the grounds of this school. Napangiti siya. Maganda na nga abg Apollo-Artemis dati pero mas gumanda pa ngayon. Nadagdagan ng landscaping ang grounds at mas lalo pa luminis. Nakita din niya na muhkang may bagong tayo pa na auditorium, dagdag sa napakarami naman na talaga nitong auditorium. Nagpakita siya ng ID sa security gaurd sa may entrance at kaagad naman siyang pinapasok pagkatapos niyang magsulat sa visitor's log book. Hindi napigilan ni Julie ang pagngiti niya. It's good to be back... Wala masyado tao dahil hindi pa naman start ng semester, it was only May at ang mga nakikita niya dito ay paniguradong mga guro lamang o di kaya mga mageenroll na estduyante. Tiningnan niya ang kanyang relo, 1:30 pa lamang ng hapon kaya naman pwede pa siya magliwaliw dahil mamayang alas dos pa naman ang kanyang meeting. Palakad lakad siya sa mga hallway nang may mapansin siyang mas batang lalaki na muhkang nawawala. Tumitingin tingin ito sa mga bulletin board at maya maya ay maglalakad tapos ay bababalik nanaman. Nawili tuloy si Julie sa kakatingin dito. Parang may naaalala kasi diya dito. Siguro ay mas bata ito sa kanya ng ilang taon. Nakatingin pa rin siya dito nang bigla naman ito napasulyap sa kanya. Pareho silang nagulat at saka naman lumapit ang lalaki sa kanya. "Ah, miss, tanong ko lang po kung alam niyo kung nasan po ang registrar?" Tanong ng lalaki. Gwapo ito, maamo ang muhka na para bang hindi makabasag pinggan. "Ah, dederetso ka diyan, tapos makikita mo yung pababa na stairs, baba ka doon then kanan, doon yung registrar." Sagot naman ni Julie na may maliit na ngiti. Binalik naman ng lalaki ang ngiti. "Ay salamat po ah. Kanina pa ako nawawala eh." Kaagad naman ito naglakad kung saan man ang tinuro ni Julie. Naiwan ang huli na nakatingin sa likod ng lalaki, parang kakilala niya kasi ito na...hindi. Ang gulo. Nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad. Natagpuan na lamang niya ang sarili na dumederetso sa may quadrangle ng school at sa gazebo na nandoon. Wala talagang tao kaya nararamdaman niya ang pagkapayapa ng lugar. Ngumiti ngiti siya nang masilayan ang lugar. Dito kasi sila unang nagkakilala ni Maqui. First day of school iyon at napaaga nanaman siya, lagi naman siya maaga eh. Umupo siya sa gazebo na iyon at nagbabasa lamang ng libro nang may nakitabi sa kanya na babae na kumakain ng sandwhich. Nagtanong ito sa kanya kung may extra ba siyang panali sa buhok and the rest was history. Mapait na napangiti si Julie. Simula kasi nang lumipat siya sa New York ay hindi na sila masyado nakapagusap ni Maqui. Ang alam niya busy lang din ito sa pagtrabaho at kahit may f******k ay hindi rin sila masyado nakakapagusap. "May extra ka bang pantali ng buhok?" Julie froze at that. No, she was just imagining things. Nakatingin pa rin siya sa sahig ng gazebo na iyon nang may marinig nanaman siyang nagsalita. "Ui, miss, sungit naman nito, kako wala ka ba extra na pantali ng buhok? Ang init kasi." Okay, sure na si Julie na hindi niya imahinasyon iyon. Dahan dahan siyang nagangat ng tingin at nagulat nanag may makita siyang babaeng nakangiti sa harap niya. "M-Maqui?" "Julie!!!" Hindi na napigilan ni Maqui at hinila patayo si Julie upang yakapin ito ng mahigpit. "Namiss kita!" Maqui said tearfully. At kahit si Julie ay hindi na napigilan ang pagtulo ng kanyang luha at mas lalo pang hinigpitan ang pagyakap kay Maqui. It was only two years but come on, no communication whatsoever? "Sobrang namiss kita Maqui." Sabi ni Julie at parang linta na ayaw bumitaw. Hindi niya alam ay mas marami na ata ang luha na linalabas ng mata ni Maqui. Kaya maya maya ay bumitaw ito at marahang hinampas si Julie. "Ikaw! Sobra ka nakakatampo! Bigla bigla ka na lang lumipad papunta sa America!" Julie's expression softened as she still held on to Maqui. "I'm so sorry Maq, hindi ko rin naman talaga ginusto na umalis. But you, I needed to forget." Mahinang ngumiti lang naman si Maqui. She was a very supportive and understanding best friend. "Alam ko bebe gurl. Nalulungkot lang ako na ang tagal natin di nagkausap. Kelan ka pa nakabalik?" "Kanina lang." Sagot naman ni Julie. "Iinterviewhin ako ni Mr. Ramirez eh, siya na pala ang bagong director." Lumaki naman lalo ang ngiti ni Maq. "Well... Welcome back to Apollo-Artemis!" "Huh?" =0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0= "Julie Anne!" "Good afternoon po sir." Masayang bati ni Julie nang makita ang dati niyang guro sa paaralan din na iyon. "Ang tagal kitang hindi nakita ah." Sabi ni Mr. Ramirez. Saglit silang nagyakapan at umupo na sa magkabilang side ng desk na nasa office na iyon. "So Julie, pili lang talaga ang nga instructor ko dito and I'm so sure of your skills and your knowledge. Graduate ka pabdito na valedictorian." Pagsisimula ni Mr. Ramirez. "Ayoko sa iba dahil sa inyo lang ako bumilib ng ganito. And I am so sure that you guys can be a good team, magkakaibigan kayo eh." Hindi pa nagsasalita si Julie dahil medyo hindi niya naiintindihan ang sinasabi ni Mr. Ramirez. Ang kilala lang naman niya na isa pa na instructor dito ay si Maqui kaya sino naman ang sinasabi ng kanyang dating guro? "So Julie Anne, up for it? We would greatly like you to be with us. Be with your alma mater." Nakangiting sabi ni Mr. Ramirez. Buo na rin ang isip ni Julie. Kaya nga siya umuwi dito sa Pinas eh. Para makahanap ng trabaho. Tama na ang pakanta kanta sa nga bar at hotel. Gusto niya ito. Muhkang kakayanin niya ang academe world. "I'm up for it Mr. Ramirez." Sabi naman kaagad ni Julie. Lumaki lalo ang ngiti ni Mr. Ramirez. "Talaga Julie Anne? Nako muhkang magiging maganda ang semester na ito! Maraming salamat!" Tumayo ang lalaki at nakipagkamay pa kay Julie. Napagusapan din nila na sa susunod na araw na lamang nila paguusapan ang kontrata ni Julie dahil marami pa kailangan ayusin. Pagkabukas ng pinto ay muhka ni Maqui ang kaagad bumungad kay Julie Anne. "So???" Maqui asked expectantly. Isang malaking ngiti ang binalik ni Julie kaya naman hindi napigilan ni Maqui ang mapatalon at napatili sa tuwa. "Aaaaaah! This is such good news!" Masayang sabi ni Maqui bago lapitan si Julie at yakapin ito ng mahigpit. "Hindi ko alam na instructor ka na din pala dito!" Sabi naman ni julie kay Maqui. Ngumiti sa kanya ang huli. "Marami kami dito Jules, puro mga one year pa lang siyempre yung mga tanders non mga nagsi-retire na pero may iba pa rin naman na nagtuturo pa rin." Saka inangkla ni Maqui ang braso niya kay Julie. "Tara! Ikot ikot tayo. Tapos magkwento ka sa akin ng bonggang bongga!" At nagpatianod naman si Julie sa pagkaladkad sa kanya ni Maqui paikot sa buong school. "Saan ka nga pala titira?" Tanong ni Maqui. "Doon pa din sa dati niyong bahay?" Julie shook her head. "No, binenta na namin yun eh. I'm actually looking for condos around here..." "Ay may alam ako!" Sabi ni Maqui. "Magkasama kasi si Kria saka si Joyce sa isang condo na malapit lang dito. actually walking distance lang siya, gusto mo?" Napangiti si Julie. "Magkasama din pala yung dalawang yun?" "Oo kasal na nga lang kulang eh." Sabi naman ni Maqui. "Sige pacontact na lang ako sa kanila." Sabi ni Julie. "Kausapin mo na lang si Kris." Sabi naman ni Maqui. "Nandito siya?" Nagtatakang tanong ni Julie. Maqui only nodded her head and led Julie to a certain part of the school. Alam ni Julie ang lugar na ito. Madalas siya dati dito eh. "Walang pinagbago." Napapangiti na sabi ni Julie. Isang mahabang hallway ang linalakad nila at alam ni Julie na pagdating sa dulo ay sa paboritong studio niya sila mapupunta. Nauuna si Maqui maglakad kaya naman sinisigurado ni Julie na masilayan niya ang kapaligiran. Aba, ilang taon din naman talaga siya nawala. Palapit nang palapit na sila sa dulo at may narinig na tugtog ng gitara si Julie. Kaagad naman binuksan ni Maqui ang pinto sa kwarto na iyon. A soft melody was playing and Julie had to smile when she saw who was playing the guitar. Saglit na napatigil ang tumutugtog nang marinig niya ang pagbukas ng pintuan. At saka naman siya nagangat ng tingin. "Julie?" "Hi Kris!" Nakangiting binaba ni Kris ang hawak niyang gitara at napalundag sa tuwa bago lumapit at yakapin si Julie. "Julie ikaw nga! Nagbabalik!" Masayang sabi ng lalaki. Binalik naman ni Julie ang pagyakap ng kanyang kaibigan bago sila naghiwalay. "Grabe, totoo ba ito?" Sabi ni Kris at tumingin naman kay Maqui na para bang nanghihingi ng kompirmasyon. Masayang tumango si Maqui. "Oo Kris! Konkreto yan si Julie na nasa harap mo!" "Kailan ka pa nakabalik?" Tanong naman ni Kris. "Kaninang umaga lang. Naghahanap pa nga ako ng condo eh." Sabi naman ni Julie. Lumiwanag ang muhka ni Kris. "Sakto! Yung isang condo na nasa floor sa taas ng sa amin ni Joyce, bakante." "Nako, can I check it out? Baka pwede mamaya? Busy ba kayo?" Sunod sunod na tanong ni Julie. Tumawa lang naman si Kris. "Hindi ah. Nay inayos lang ako na mga report para sa upcoming school year." "Ang rami niyo namang naging instruxtor dito?" Natatawang sabi ni Julie. "Sino sino pa ba na kabatch natin ang nandito?" "Si Sam saka si Tippy nandito din!" Sabi ni Kris. Tapos napatingin siya kay Julie at maliit na napangiti. "Pati si—aray!" "Kain muna kaya tayo ng lunch ano Kris?" Sabi naman ni Maqui habang gulat na nakahawak pa rin sa sariling tiyan si Kris. "Ah—Ah! Oo sige sige. Tara sa canteen na lang?" Sabi naman ni Kris. Tiningnan muna ni Julie ang dalawa niyang kaibigan na para bang may tagong usapan pero bago pa siya makapagreact ay hinatak na siya ni Maqui papunta sa canteen habang si Kris ay nakasunod sa kanila. Umupo na silang dalawa sa isang table na medyo naarawan para naman hindi madilim ang buhay nila. "Girls ano gusto niyo kainin?" Tanong ni Kris habang nakatayo sa harap nila. "Ako na oorder!" "Nandito pa rin ba yung bistek tagalog nila?" Masayang tanong ni Julie. "Namimiss ko yon eh!" "Oo nandito pa." Ngiti ni Kris. "Sige, kaw Maq?" "Bet ko magporkchop Kris." Sabi naman ni Maqui. "Roger that!" Sabi naman ni Kris. Umalis na ito para umorder ng pagkain kaya naman naiwan ang magbestfriend sa table na iyon. "Kamusta ka na bes?" Maqui asked. "Kamusta ang naging buhay mo sa New York?" Julie leaned back on her chair and breathed in. "Okay naman." And that was true. She was satisfied with her life back there. "Pero mas gusto ko talaga dito sa Pilipinas." Bigla naman bumukas ang pintuan sa tahimik na canteen kaya napatingin silang dalawa. Saglit na tiningnan ni Julie nag lalaki na pumasok bago nanlaki ang mata nang marealize kung sino iyon. Magsasalita na sana siya pero lumapit ang lalaki sa table nila ni Maqui nang mahalata na siya iyon. "Why hello there miss." Umangat ang kilay ni Maqui at tiningnan ang matangkad na lalaki na nakatayo sa harap nila ngayon. "Oi Ben, anong miss ka diyan, ako 'to, si Maqui." Ngumisi ang lalaking nagngangalang Ben. "Kilala kita Maq...siya hindi." Sabay tingin kay Julie na prenteng nakaupo doon. "Ah...ganda ng best friend ko no?" Sabi ni Maqui. Hinarap naman niya si Julie na tahimik lang nanunuod sa eksena sa harap niya. "Jules, si Ben Estrella nga pala, acting coach dito sa Apollo-Artemis." "Hello again miss.." Sabi ni Ben na may malaking ngiti sa mga labi. Pinigilan ni Julie ang umismid dahil nga muhkang kaibigan naman ito ni Maqui. Pero kasi naaalal niya yung eksena nila kaninang umaga sa cafe. "Hi." Pilit pagngiti niya. "Julie Anne San Jose." "Wow. Sa wakas sinabi mo sa akin pangalan mo." Napatignin si Maqui sa lalaki. "Teka teka. Magkakilala kayo?" "Di nga Maq eh." Sabi ni Ben. "Ayaw kasi niya sabihin panagalan niya sa akin kanina. "But now I know." Sabi ulit ni Ben na nakangiti nanaman kay Julie. "And now I know you are named Julie. Beautiful name, it suits your face." Ay ayan. Hindi na napigilan ni Julie ang pagikot ng kanyang mga mata. "Nako, pagbigyan mo na yan Jules, may sapak kasi yan." Sabi naman ni Maqui. Tumawa lang si Ben at prenteng umupo pa talaga sa tabi ni Julie Anne. "So I guess ikaw ang bagong vocal coah dito?" Tanong ng lalaki. Napatingin naman si Julie sa kanya. "And what makes you say that?" Ben shrugged. "Eh kasi may bagong magiging instructor daw sabi ni Mr. Ramirez, nafeel ko lang na ikaw iyon." "Let's eat guys!" Napatigil naman si Kris nang makita niya na nadoon si Ben. "Ui, Ben. Nandito ka pala?" "Para mo naman ako pinapaalis Kris." Natatawang sabi ni Ben. Pilit lang na napangiti si Kris at kaagad naman napansin iyon ni Julie. "Well, kailangan ko muna tapusin iyong mga ipapasa kay chief mamaya. Maiwan ko na kayo." Sabi ni Ben habang tumatayo mula sa table at saka tiningnan si Julie. "Again, it was nice meeting you Julie." Maliit na ngiti lamang ang binalik ni Julie. Ewan ba niya parang hindi niya kasi feel si Ben. Kanina pa sa cafe pa lang. "Kung ako sayo Jules, layuan mo iyon." Kaagad na sabi ni Kris habang inaabot sa kanila ang mga order nila na pagkain. "Mabait naman si Ben ah." Sabi bigla ni Maqui. Masamng tiningnan ni Kris si Maqui na natawa lang. Humarap naman ang huli sa best friend niyam "Alam mo kasi Jules, may pagkaplayboy iyon si Ben." "Anong pagka? E halos lahat ng babae dito pinapatulan niyan eh. Buti nga wala pang pinapatos na estudyante." Natawa si Maqui. "Oi Kris, wag kang ganyan ah. Seryoso yung kaso kapag ganun." "Aba problema na niya iyon kung papatusin nga niya." Sabi naman ni Kris. "Basta, hindi maganda pakiramdam ko sa lalaki na iyon eh. Bago pa lang siya last year kagaya natin pero ang yabang, at hindi pa siya alumni ng lagay na iyon ah." "Alam mo Kris." Panimula ni Maqui. "Kain ka na lang. Naiinis ka nanamn eh." Natatawang sabi ni Maqui. Kris shrugged at that. "Basta ayun ang feel ko sa kanya. Kaya ikaw Jules..." Dabi niya habang nakatingin kay Julie. "Kung ako sayo magiingat ako don." "I think I can take care of myself Kris." Sabi ni Julie na may maliit na ngiti sa muhka. Tinuloy nilang tatlo ang pagkain nila hanggang sa kung ano ano na rin ang napagk-kwentuhan nila. "Ikot ikot muna ulit tayo?" Sabi ni Maqui. "Matagal ka na wala dito sa school na ito, may mga nagbago din naman kahit papaano." Tumango lang naman si Julie at sinundan ang mga kaibigan. "May kailangan nga pala ako tapusin!" Biglang sabi ni Kris na muhkang ngayon lang naalala ang detalye na iyon. At saka naman niya hinarap si Julie. "Jules, tawagan mo na lang ako mamaya ah. Tapos pakita ko na din yung apartment. Mamayang hapon pa kasi ako makakapabas dito." "Nako, sige Kris, salamat ah." Sabi naman ni Julie. Nagpaalam na si Kris sa dalawang kaibigang babae bago bumalik sa may faculty room. Akalain mo iyon. Dati ay mga estudyante pa lang sila dito, ngayon ay mga guro na sila. "Mag-iikot pa rin ulit tayo?" Tanong naman ni Maqui kay Julie. "Wala ka bang trabaho?" Nagtatakang tanong ni Julie sa kaibigan. Kasi si Kris ay kanina pa may ginagawa, pati si Ben. Tumawa naman si Maqui at hinawakan ang kamay ni Julie. "Ikaw pinapaalis mo na ako ah. Actually meron pero gusto kasi kita makasama." "Maq, I'll be her naman hanggang hapon pa eh. Baka hindi ako makahanap ng tirahan kapag di ko nakausap si Kris." "Ah so si Kris lang talaga ang hanap mo?" Tumawa nanaman si Julie. "Namimiss talaga kita bes eh. Pahug nga ulit!" Sabi naman ni Julie at kaagad kinabig palapit si Maqui para yakapin. "Oo na oo na!" Natatawa na sabi ni Maqui pero yinakap din naman palapit si Julie. "Magikot ikot ka na lang muna dito ah. Ito number ko o. Isave mo muna. Pahingi na din ng sayo." At nagbigayan naman sila ng numero. "Text mo na lang ako mamaya ah. Sandali lang ako. Magikot ikot ka na lang muna ulit." At nayagpuan ni Julie ang sarili na mag-isa nanaman. Napangiti siya sa sarili. It was so good seeing her two friends again. Parang walang nagbago. Ganun pa rin talaga. Kaya ayan. Kung saan saan nanaman siya dinadala ng paa niya. Sa totoo lang memorize naman niya talaga ang buong school eh pero nagmumuhka siyang bagong salta dahil panay siya ng tingin dito at tingin doon. Ngayon ay sa auditorium naman siya dinadala ng paa niya. Sa may front door siya banda naglakad nang may marinig siyang pamilyar na tunog. Bumilis ang t***k ng puso niya nang marinig kung ano iyong kanta na nanggagaling sa loob. At alam niya na gitara lang iyon pero buong buo ang tono ng kanta. Hindi kaya... Dahan dahan niyang binuksan ang pinto. Tuloy pa rin ang pagtugtog sa loob at natigil si Julie. Doon sa gitna ng stage ay may isang pigura na tumutugtog ng gitara. Ang unang humili sa atensyon ni Julie ay ang tattoo na nasa inner forearm ng pigura, kitang kita niya ang mga nakasulat dito. My Sacrifice Ang sumunod ay nang sa wakas nagangat ng tingin ito at nagtama ang kanilang mga mata. She gasped inwardly. He looked the same. probably just more mature, and his body looked stronger than before. Magsasalita na sana siya kaso nauna ito. "Julie..." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD