Hindi umiiimik si Elmo habang nakaupo sila ni Julie sa may rooftop. Hinahayaan lang niya ito na umiyak. Wala naman masyadong ingay na lumalabas dito, ang mahinang pagdaing lamang ang maririnig pati na rin ang malalim na paghinga nito.
Maya-maya ay lumayo na din si Julie nang mapatigil ang paghikbi niya. Mahina siyang ngumiti sa lalaki na nasa harap niya. "Salamat Elmo ah..."
"Do you want to talk about it?" Tanong naman ni Elmo.
Kahit hindi pa siya ganun kasigurado ay tumango na lang din si Julie.
Nanahimik naman si Elmo dahil hinihintay lang niya na may sabihin ang babae sa kanya.
"K-kapatid ko si Miguell..." Ulit ni Julie. Pagak siyang natawa at napangiti. "Nakita ko yung picture ng tatay niya. We have the same dad. Lagi ko tinitingnan ang picture ng daddy ko and it's the same guy." Napasinghot siya at tumingala pa. Para man lang bumalik ang mga luhang dumadaloy nanaman. "May kapatid pala ako...akalain mo iyon. May ibang pamilya tatay ko...buti pa sila naging buo. Samantalang ako nawalan ng nanay, wala man lang sumalo na tatay." Napaiyak nanaman si Julie at hindi na napigilan ni Elmo ang yakapin muli ang dalaga.
Alam niya na kailangan siya ni Julie ngayon. "A-anong sabi mo kay Miguell?"
Julie shook her head. "W-wala. Hindi ko alam. Baka hindi ko na lang sabihin. Magulat pa yung bata eh."
"But he needs to know...your dad needs to know." Sabi naman ni Elmo at lumayo ng kaunti para magkatinginan sila ni Julie. Nakita niya kung gaano kalungkot ang mga mata nito at hindi niya napigilan ang paghalik sa noo nito.
Nakatingin sa ibaba na nagsalita muli si Julie. "Ano na lang mangyayari kapag nagpakilala ako? Muhka pa naman mahal na mahal nung mom niya ang papa namin. Ayoko. Baka makasira lang ako."
Elmo sighed. "You can't hide it forever Sioppy...but build it slowly. Kailangan niyo din mag-usap ng dad mo."
"Maybe...someday..." Hikbi ni Julie. She pulled away and looked at Elmo. "S-salamat Elmo ah..."
Kahit ba lumayo si Julie ay kakaunti lang din ang layo ng kanilang mga muhka. Pakiramdam niya hanggang kaibbuturan niya ang nakikita ni Elmo. Masyado malagkit ang pagkatitig nito. At hindi na niya namalayan na naglapat na ang kanilang mga labi.
It was soft at first. Until they had to take a breath and Elmo took that oppurtunity to delve his tongue with hers.
Impit na napaungol si Julie at napasampa na rin siya sa kandungan ng lalaki para mas mahalikan ito ng mabuti. Inikot ni Elmo ang mga braso sa baywang niya habang ang kamay niya ay lumalakbay sa buhok nito.
Ilang segundo din ang halikan nila na iyon hanggang sa si Julie na ang unang lumayo.
They were both gasping for air and Julie immediately stood up.
Napailing na lamang siya at maglalakad na sana palayo pero nahawakan ni Elmo ang kamay niya.
She painfully looked at him and he returned the same expression.
"Sioppy, b-bakit?" Sabi ni Elmo. "Bakit tayo ganito?"
Naiiyak nanaman na binalik ni Julie ang tingin sa lalaki. "Kasi hindi ko kaya ito Elmo. Ayaw ko nito..." She walked away pero napatigil nang may sinabi si Elmo.
"Julie I love you..."
Dahan dahan siyang napatingin dito na kaunting nakakunot noo. "W-what?"
Lumapit naman si Elmo at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. "Sioppy mahal kita..."
Julie shook her head. "Elmo...hindi pwede..."
"Bakit? Ito ang nararamdaman ko Sioppy eh. Totoo ito! Mahal kita!"
"Hindi nga pwede!" At lumayo nanamn si Julie. "A-ayoko ng nararamdaman ko Elmo....hindi pwede ito. Kalimutan mo na din yang nararamdaman mo para sa akin." At bago makapagsalita si Elmo ay mabilis nang nakalayo si Julie.
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
Malalakas na katok nanaman ang bumungad kay Julie nang pagkauwi niya sa condo niya. At isang tao lang naman ang ganun kung makakatok eh.
Binuksan niya ang pinto at nakita si Maqui na nakasimangot sa kanya. Hindi na siya nagsalita at bumalik na sa loob. Narinig naman niya na sumunod sa kanya si Maqui na isinasara pa ang pinto sa likod nito.
"Ano nanamang drama ito San Jose? May eksena daw kayo ni Magalona kanina?"
Hindi sumagot si Julie at pasalamapk lang na naupo sa couch. Tumayo sa harap niya si Maqui at nakahalukipkip pa na tinitigan siya.
"Julie, uso magsalita."
Pakiramdam ni Julie na sasabog na rin ang karamdaman niya kung hindi niya ito mash-share. Huminga muna siya ng malalim at tiningnan ang pinakamatalik na kaibigan. "Elmo told me he loves me..."
Ganito nanaman yung eksena. Nananahimik ang si Maqui bago ito umupo sa harap niya.
"What's new ba Julie Anne? Mraming may alam na niyan."
Julie looked at her friend. "H-ha?"
"Kayong dalawa lang naman kasi ang parehong manhid!" Sabi ni Maqui na halatang naiinis na. "Susko nag-aaral pa lang tayo alam na ng lahat yan. Ano ba pinoproblema mo? Edi go...be with the guy."
"I-I can't risk it."
Napatingin nanaman sa kanya si Maqui. "Jusko Julie Anne! Bakit naman? Anong problema?"
"I saw what happened to my mother..." Nananahimik si Julie. Hindi pa kasi siya nababalita kay Maqui na alam na niya na kapatid niya si Miguell. "Tapos iniwan lang siya ni papa. Nakita ko kung paano siya naghinagpis."
"Hindi naman si Elmo ang papa mo..."
"Well what if he still does it?" Sabi naman ni Julie. "Ayoko... masyadong nasaktan na si mama dahil sa sa letseng pagmamahal na yan, ayaw ko gumaya."
Inirapan siya ni Maqui. "Ewan ko sayo Julie Anne, wag mo lang hintayin na hindi mo na masabi kay Elmo na may nararamdaman ka din para sa kanya. Baka magsisi ka lang...baka magsisi ka na hindi mo nasabi sa kanya at may mangyari na lang bigla bigla."
Sasagot pa sana si Julie pero bigla naman tumunog ang cellphone niya. Nagtatakang tinignan niya ang phone number na unkown bago sagutin ito.
"Hello?"
"Hello is this Ms. Julie Anne San Jose?"
"Yes..."
"Mam, you're on speed dial one in Mr. Elmo Magalona's phone, mam, I'm sorry to tell, he's been in an accident..."
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o
AN: Chapter is rewritten since w*****d has lost the original data published.