Chapter 11

3111 Words
AN: heto nanaman po tayo sa typos haha! ✌ Pagpasensyahan na po haha nahihilo ako sa microscope dahil napakalabo ng mata ko :P "Bes..." "..." "Julie..." "Maq, please, wag ka muna magsasalita." Nanahimik na lamang si Maqui habang pinapanuod si Julie na tuwid na tuwid na nakaupo sa loob ng taxi. The moment na matanggap nila ang  call kanina sa hospital ay kaagad sila naghanap ng masasakyan na taxi at dali-dali na nagpunta sa St. Anne's. At ngayon ay hindi umiimik si ajulie habang papunta sila sa ospital. Kinakabahan na nga si Maqui kasi pakiramdam niya sasabog na ang best friend niya maya-maya. She tried again. "Julie..." "Maq please, wag muna...hindi pa ako makapag-isip." Sagot naman ni Julie. Tuluyan na nanahimik si Maqui. Alam naman niya kasi na hindi makapagfocus ito si Julie. "Putang ina bakit ba traffic!" Bigla namang sigaw ni Julie na ikinagulat ni Maqui. Hindi kasi ito sanay na naririnig na nagmumura ng ganun ang best friend niya. Sinubukan niya pakalmahin ito sa pamamagitan ng paghagod sa likod pero parang wala lang dahil nararamdaman pa rin niya na tense pa rin si Julie. Kahit yung taxi driver ay parang kinakabahan kaya naman mahinang ngumiti na lang muna si Maqui na para bang sinasabi na okay lang ang lahat. Sa wakas ay nakarating na sila sa St  Anne's at halos ibato na ni Julie ang bayad sa driver bago tumatakbong pumasok ng ospital. Humabol nalamang si Maqui na nabibigla din naman sa mga pangyayari. Kaagad lumapit si Julie sa may nurse's station sa harapan. "Miss, I'd like to ask where's patient Elmo Magalona?" Tanong niya. Kaagad naman sinearch ng nurse sa computer sa harap niya habang si Maqui ay nakahabol na at tumayo sa tabi ni Julie. "Mam, kakatransfer lang po sa kanya sa room 427..." "Alright, thank you." Hinila na rin ni Julie si Maqui papunta sa elevators. Napapansin na din ng huli na parang namumutla na si Julie at kumukuha na din ito ng lakas sa pamamagitan ng paghawak sa kamay niya. Atat na atat na din ito dahil hindi mapakali habang nakasakay sa may elevators. The moment na tumunog ang bell na nagsisignal na nasa floor na nila sila ay kaagad naman bumaba si Julie, hila hila si Maqui hanggang sa mahanap nila ang hospital room kung nasaan naroon si Elmo. Kinalma muna ni Julie ang sarili habang binubuksan ang pinto. Dahan dahan lamang iyon at tumambad naman sa kanya ang eksena sa loob bg hospital room. Dalawang nurse ang nag-aayos sa isang natutulog na si Elmo at isang doctor naman ang nakatayo sa tabi nito at pinagaaralan ang isang chart. Kaagad naman napatingin ang mga katauhan nang pumasok sa loob si Julie at si Maqui. "Ah yes ladies?" Sabi ng matandang lalaking doctor sa kanila habang tinatanggal ang reading glasses saka naman tinuon kay Julie ang pansin. "Are you his girlfriend? I am Dr. Alonzo." Julie opened her mouth to say otherwise Maqui quickly interjected. "Yes po doc, ano na po ang lagay ni Elmo?" Tumango lang naman ang doktor bago binaling ang tingin kay Elmo na ngayon ay natutulog sa hospital bed. May benda ito sa ulo at may malaking galos sa kaliwang braso. "Sioppy..." Wala sa sarili na nabulong ni Julie habang linalapitan ang lalaki. "He's very lucky." Sambit naman ng muhkang mabait na doctor. Napatingin si Julie at si Maqui. "Apparently masyado mabilis ang patakbo ng motor nito ni Mr. Magalona nang bigla na lamang may tumawid na bata sa harap niya. Nakaiwas siya pero dahil sa bilis ay napasemplang pa rin siya." Tiningnan naman ulit ng doctor si Julie. "Maswerte ang boyfriend mo iha. Minor injuries lamang ang natamo niya. But I do caution you about his concussion. We'll be observing him for further tests." "S-salamat po doc." Sabi na lamang ni Julie. Sa totoo lang wala pa rin siya sa sarili niya. Hindi siya sanay na makita si Elmo nang ganito. "I'll be off then." Dr. Alonzo said, laying a comforting hand on Julie's shoulder. "Babalik na lang ako fro rounds." "Thank you po doc." Lumabas na din ang mga nurse na tumutulong kanina sa pag-ayos kay Elmo at nagpasalamat na din si Julie sa mga ito. Sumara na ang pinto ng kwarto at naiwan naman doon si Julie at Maqui, siyempre si Elmo. "Bes..." Bulong ni Maqui habang umuupo si Julie sa tabi ni Elmo. Laking gulat na lamang nito nang marinig ang isang singhot at sumunod na rin ang mahinang iyak ni Julie. "J-Julie?" "Akala ko iiwan na niya ako Maq." Umiiyak pa rin na sambit ni Julie habang hinahagod ang kamay sa buhok ng natutulog pa rin na si Elmo. Pinagmamasdan lang niya ito. Sobrang laking pasasalamat lamang niya na walang ganoon kasama na nangyari dito. Tumabi na lang muna si Maqui sa kaibigan at yinakap ito gamit ang isang braso. Nagpaakap naman si Julie at hiniga na lang muna ang ulo sa balikat ni Maqui. "Bes, sorry ah." Sabi bigla ni Maqui. Hindi pa rin inaangat ni Julie ang ulo mula sa kanyang pwesto nang tanungin niya si Maqui. "Ha? Bakit Maq?" "Pakiramdam ko kasi kasalanan ko e. Sabi kasi dati sabi sa akin ni mama dilang anghel ako." Mahinang natawa si Julie sa sinabi ng pinakamatalik na kaibigan. Pinunasan naman niya ang mga luha na kanina pa tumutulo sa muhka niya. "Hindi Maq, nagsasabi ka lang naman ng totoo." They stayed in that position for a long while, just looking after a still sleeping Elmo. Saka naman humila palayo si Maqui at tumayo. Nakatingin dito si Julie nang ito ay magsalita. "Jules, bili lang muna ako ng kape saka ng makakain ah. Kailangan din natin ng emergency food. Ikaw na muna magbantay kay Elmo dito." Tumango na lang si Julie. Medyo napapagod din na kasi siya magsalita. Nginitian naman siya ni Maqui at tumingin din muna saglit ang huli kay Elmo bago ito lumabas ng kwarto. The moment na sumara ang pinto ay hinarap na ulit ni Julie si Elmo. "Di ko alam kung nananadya ka ba o ano." She whispered, caressing his face with the back of her hand. Napahinga siya ng malalim at tumayo para sana may kunin sa loob ng bag niya nang... "Mmm..." Julie quickly turned around when she heard that groan. Nanlalaki ang mga mata niya nang makita na unti unti na nagigising si Elmo mula sa pagkakatulog nito. "Elmo..." She whispered just as Elmo blinked his eyes awake. Parang nawawala wala pa ito sa sarili at napatingin naman kay Julie. "Sioppy?" Lumapit si Julie sa may tabi ng kama nito at napaiyak nanaman. "Tarantado ka!" Gulantang na napatingin nanaman si Elmo sa kanya. "Akala ko pa naman nasa langit na ako tapos ikaw yung anghel. Kaso alam ko hindi nagmumura ang mga anghel e." He rasped out. "Wag mo ako sisimulan Elmo Magalona!" Julie yelled. "Alam mo ba kung gaano ako nagalala? Ha?! Anong problema mo at mabilis ka daw magpatakbo?! Paano kung tama ang mga pinagsasabi ni Maqui?! Paano kung iniwan mo na ako ha?! Paano kung hindi ko nasabi--" Nahuli ni Julie ang sarili bago pa siya may masabi na iba. Nagtatakang tiningnan naman ni Elmo si Julie. "Masabi ang ano Sioppy?" "W-wala." Julie shook her head. Binaling naman niya ulit ang tingin kay Elmo. "K-kamusta ka na? May masakit ba?" At saka naman siya biglang napaiyak. "Bakit ba kasi ang bilis mo magpatakbo?!" "J-Julie..." Gulat na gulat si Elmo sa mga pangyayari. Windang pa nga siya sa nangyari sa kanya e. Hindi nga rin niya ganun maalala kung paano siya naaksidente tapos nabibigla pa siya kay Julie ngayon.  Umiiyak pa rin si Julie na lumapit at hindi napigilan ang pagyakap kay Elmo. "W-wag mo naman ako bigla iiwan ng ganun." She sobbed, burying her face unto Elmo's shoulder. Dahan dahan naman na deretsong umupo si Elmo at binalik ang yakap ni Julie. "Ssshhh shhh, Sioppy, tama na iyak. W-weakness ko yan eh." Nasa ganun pa rin sila na posisyon nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng ospital at bumungad sa kanila si Maqui na may dalang kape at mga sandwhich. "Ay...gumaganon?" Biglang sabi naman ni Maqui at napangiti habang papalapit sa kama ni Elmo. "Gising ka na Moe!" Nagkalayo naman na ang dalawang nagyayakapan kanina at napapunas na lamang ng luha si Julie. "O, Hulyeta, akala ko ba okay ka na? Bakit bigla ka na lang umiiyak diyan?" "Di ko rin alam Maq eh. May pinainom ka ba dito? Bakit parang ang emosyonal?" Sabi ni Elmo habang humihiga ulit sa kama niya. Tumaas naman ang kilay ni Maqui. "Aba, ako nanaman ang may kasalanan? Nafefeel ko na tuloy nararamdaman ni PNoy mga walangya kayo! E baka ikaw talaga Elmo! Kakadilig mo dyan sa best friend ko baka may nagbunga kaya nagmu-mood swing na yan!" "Maq naman!" Julie immediately interjected. Ayaw niya sa topic. "Gumagamit ako ng pills Maq!" Lumaki naman ang mata ni Elmo. "T-teka...Alam mo na...?" Napairap si Maqui. "Oo Magalona, nasabi na rin sa akin ni Julie ang hidden agenda niyo. Kaya naman pala dati may naririnig ako na ingay sa studio 4! Kala ko tugtog lang ng hindi magaling na estudyante! Iba pala na tugtog!" "Ugh Maq!" Julie yelled covering her ears. =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= "You suffered a mild concussion Mr. Magalona..." Pasimula ni Dr. Alonzo a little later that night. "Mabuti na lang at hindi ganun kalala. Maswerte ka talaga. Pero we'd like to keep you over night for observation. Babantayan ka ba ng girlfriend mo?" Sabay tingin naman nito kay Julie na hayun at nakatayo sa tabi ng kama ni Elmo. "Opo doc, siya na po ang sasama sa akin." Sabi naman ni Elmo at kinuha pa ang kamay ni Julie para bigyan ito ng maikling halik. Hindi naman nakaimik kaagad si Julie dahil nakakahiya naman kay Dr. Alonzo kaya naman ngumiti na lamang siya dito at hinigpitan na lang ang hawak sa kamay ni Elmo. Nagpigil naman sa pagdaing si Elmo. Ang higpit makahawak! Dinaan na lang niya sa ngiti. "Ah salamat po doc. Ano po ba ang dapat gawin sa magaling ko na boyfriend?" Julie asked. "Nako iha. Basta wag mo na lang siya istress muna. Lalo na yung mga nakakapagod na activites. Bawal muna. Asikusahin mo lamg siya ng maigi. At kahit kapag nakauwi na siya ay kailangan na may nakabantay muna sa kanya." "Ah sige po doc salamat." Julie answered. Masayang ngumiti naman ang doctor at may mga rineseta pa na pain killer kay Elmo bago umalis na ng kwarto. Humarap naman kaagad si Julie kay Elmo na nakangiti ngayon sa kanya. Umuwi na muna si Maqui dahil kumuha ito ng gamit ni Julie. Oo si Julie talaga ang magbabantay kay Elmo sa gabi na iyon. "Nginingiti mo diyan?" Tanong ni Julie kay Elmo. At hayun, lumawak lang ang ngiti ni Elmo. "Wala. Masaya lang ako na ikaw ang mag-aalaga sa akin." "Tss." Tumalikod saglit si Julie para magbalat ng saging. "Bakit ba kasi nag bilis mo magpatakbo Elmo? May balak ka ba magpakamatay?" "Kapag sinabi ko ba na oo, papayag ka na ligawan na lang kita para hindi na ako magpakamatay?" Marahas na napatingin si Julie sa lalaki at nakita na seryoso ang muhka nito. "Elmo wag kang ganyan." "Hindi ako magpapakamatay Sioppy. Mabilis lang talaga ang patakbo ko at sakto na may bata na tumawid. Pero hindi ako magpapakamatay dahil walang bisa din kasi hindi na kita makikita." Sagot ni Elmo. Seryoso pa rin talaga ang muhka nito. Julie sighed and approached the man. She sat down on the chair beside his bed so that they could face each other. She held his face in her hands and caressed his cheeks with her thumbs. "Sioppy..." She whispered. Elmo held the hand she had on his face, inunahan niya ito magsalita. "Alam mo ba Sioppy, kahit ano mangyari, ikaw pa rin talaga. There's no other choice for me, ikaw lang talaga. Walang "or" dahil hindi naman ako pipili ng iba. Ewan ko ba. Sabi ko sayo, simula pa lang alam ko na eh. Di ko rin alam if it's too early to say pero walang hangganan na ata ito e, tuloy tuloy lang." Ramdam na ramdam ni Julie ang bilis ng pagtibok ng puso niya. Eh letse naman kasi magpakilig ito si Magalona o! "Sioppy naman eh." Julie pouted. Mahinang natawa si Elmo at gumalaw para halikan ang noo ni Julie. "Kinilig ka lang Sioppy. Pero totoo yun. Hihintayin talaga kita. I'll wait until you are ready." Nakangiti pa rin na lumapit naman si Julie at mahigpit na yinakap ang lalaki. She wasn't ready but she was getting ready... "Tara Sioppy dito ka sa tabi ko sa kama matulog." "Elmo ah..." "Hahaha. Jowk lang. Bawal pa nga daw nakakapagod na activities sabi ni doc." "Elmo!" =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= Sa ospital nga natulog si Julie at siya din ang nagalaga kay Elmo buong araw. Nagbigay na din kasi si Dr. Alonzo ng go signal na pwede na makauwi si Elmo ng gabi din na iyon. "Sioppy, hindi ka talaga pumasok? Paano yung classes mo ngayon?" Tanong ni Elmo habamg pinagbabalat siya ng ponkan ni Julie. May classes silang dalawa pero siyempre si Elmo ay hindi makakapasok, sabi na rin naman ng doctor. At si Julie ay umabsent na lang din. Sino kasi ang mag-aalaga kay Elmo diba? Si Maqui na din ang nagpaalam para sa kanilang dalawa at naintindihan naman iyon ni Mr. Ramirez. "Eh kung pumasok ako edi walang nag-alaga sayo? May lahi ka din na eng-eng ano Elmo?" Sabi ni Julie. Tumaas naman ang kilay nang makita na imbis na maasar sa sinabi niya ay namula ang tenga ni Elmo at parang...nagb-blush ito. Puti kasi, halata tuloy. "Hoy Elmo, epekto ba yan nung concussion? Kasi kung oo sasabihin ko kay doc." "H-ha? Hindi ah. Wala ito." Nag-iwas na ng tingin si Elmo at para bang sarap na sarap na lamang sa kinakain na ponkan. "Elmo..." Tawag naman ni Julie kaya napatingin ang lalaki na hinihintay na lang ang sasabihin nito. "Kinikilig ka ba?" Sabi naman ni Julie na napapangiti pa. Ayan at namula nanaman si Elmo. "H-hindi ah!" "Washu kinikilig ka Sioppy?" Ulit ni Julie at kunwari ay kinikilit pa ang tagiliran ng lalaki. "Isa, Julie Anne!" Pag-iwas ni Elmo sa talipandas na daliri ng babae. "Kapag hindi ka tumigil hahalikan kita diyan!" "Aba aba gumaganon?!" Napatigil naman ang dalawang nagaaaaean ng bigla bigla na lamang bumukas ang pinto ng hospital room ni Elmo at bumungad ang iba sa mga katrabaho nila. "Maq, sabi ko pabili ng kape, hindi yung magdala ka ng madalang tao." Natatawa na sabi ni Julie habang nakaupo sa upuan sa tabi ng kama ni Elmo. Saka naman niya narealize na dismissal na nga pala kanina ng Apollo-Artemis kaya siguro bumisita na din ang mga ito. Nandoon si Sam, si Tippy, si Kris, pati na si...Kiara. "Eh siyempre bes, gusto kamustahin ng lahat ang lolo mo." Sabi ni Maqui sabay lapit kay Elmo at may binigay na malaking card dito. "O mokong, fans club mo na mga estudyante." Mahinang napangiti naman si Elmo nang makita na ginawan siya ng malaking get wellnsoon card ng mga estudyante niya. "Pakisabi sa kanila salamat ha Maq." Sabi na lang ni Elmo. "Bro, problema mo naman kasi at ang bilis mo magpatakbo?" Sabi ni Sam habang marahang hinahawkan ang balikat ni Elmo. "Hindi nga ako nagmamadali bro." Sagot din naman ni Elmo. "Loko lang din yung bata at bigla tumawid." "E kwento nito ni Maqui mabilis ka daw nagpatakbo." Sabi naman ni Tippy habang linalagay ang basket ng prutas sa lamesa sa dulo ng kama ni Elmo. "Siyempre kay Maq kami maniniwala." Sabi ni Kris at umupo na sa vacant na kama sa kwarto na iyon. "Pero okay ka na Moe?" Biglang sabi naman ni Kiara at hinawakan pa ang kamay ni Elmo. Hindi napigilan ni Julie ang pagtaas ng kilay niya. Mabuti na lamang at ang nakakita lang ay si Tippy at si Maqui na pareho lamang nagpigil ng tawa. "Okay naman na ako Kiara, salamat." Simpleng sagot ni Elmo. "Nako mabuti naman. Pinagalala mo kaming lahat eh. Lalo na ako." Sabi nanaman ni Kiara at hinarang ang sarili para katabi niya si Elmo dahilan para mapaurong ng upuan si Julie. Sinusubukan na ba talaga ako ng babae na ito. At ito naman si Elmo pangitingiti lang! Nakita kaagad ni Tippy ang namumuo na inis sa muhka ni Julie Anne kaya naman linihis na niya ang usapan. "Oo nga pala Moe, paano yan, uwi ka na daw mamaya? Sino magbabantay sayo?" Tippy asked. "Ah..." Natigilan si Elmo. "Siguro kahit ako lang mag-isa sa condo... Kaya ko naman eh. Wag lang ako masyado magpapagod." Magsasalita na sana si Julie kaso sumingit si Kiara. "Ay diba Moe, malapit lang condo mo sa condo ko? Gusto mo doon ako sa condo mo matulog para maalagaan na lang kita?" Nakangiting sabi ni Kiara. "Tutal malapit naman ako sayo." Napakuyom ng palad si Julie. s**t lang. Pati ang ibang tao na nandoon ay mga nagkakatinginan. Hindi rin nila kasi alam bakit kasama ito si Kiara. Pero kasi gusto ng babae na bisitahin si Elmo at sino naman sila para tumanggi diba?  "O-okay lang naman Kiara." Tila nahihirapan na sabi ni Elmo. Bahagya siya na napatingin kay Julie na para bang nanghihingi ng tulong pero tumaas lang ang kilay ng babae. Nagsalita naman ulit si Kiara. "Ay ako na talaga mag-aalaga sayo. Saka para kapag nalamigan ka sa gabi edi pwede ako tumabi sayo!" "Sorry Kiara pero sa condo ko matutulog si Elmo." Napatingin naman ang lahat at nakitang nanghahamon na riningnan lang ni Julie si Kiara. Saka naman hinarap ni Julie si Elmo. "Ano Sioppy?" Lumawak kaagad ang ngiti ni Elmo. "Oo ba Sioppy." "Aysos! Laki ng ngiti ni gago!" Natatawa na sabi ni Sam. "Hmpf." Biglang sabi naman ni Kiara. "Bili na lang ako ng pagkain." At lumabas na ito ng kwarto. Nagtawanan naman ang lahat ng makalabas ito. Tumatawa pa rin na hinarap naman ni Kris si Julie. "Grabe Jules, possessive lang? Rawr!" Napangisi lang si Julie. Eh sa condo naman talaga niya matagal na natutulog si Elmo eh. "Alagaan mo ako Sioppy ah." Sabi naman ni Elmo at inabot ang kamay ni Julie para halikan. "YOWN!" =•=•=•=•=•=•==•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= AN: Yay! Nakayanan ng utak ko! Haha! Salamat po sa lahat ng nagbabasa nagcocomment at bumoboto! Sobrang appreciate ko sila :) And I love comments! Natutuwa kasi ako sa mga thoughts niyo sa chap! #TeamSioppy Mwahugz! -BundokPuno 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD