Pagabi na ng makadating na sa may condo ni Julie silang dalawa ni Elmo.
"Sioppy kaya ko magbuhat ako na diyan." Sabi ni Elmo once na nasa may hallway sila sa tapat ng pinto ng condo ni Julie.
"Alam mo Elmo, mas kaya ko yung bag. Kapag ikaw nahilo at humandusay diyan hindi kita mabubuhat." Sabi ni Julie habang linalabas ang mga susi.
"Tsk. Tigas ng ulo eh."
"May sinasabi ka?"
"Wala wala." Elmo smirked. He was the one who pushed the door open and actually grabbed Julie's hand before pulling her inside.
"Wow ha, bahay mo bahay mo?" Pangungutya ni Julie.
Isang nangaasar na ngiti lang naman ang binalik ni Elmo at may kinuha oa sa loob ng wallet niya.
Nagtatamng nakatingin naman si Julie hangga't sa inilabas na ni Elmo ang isang maliit na susi mula sa pitaka.
"Oo Sioppy, bahay ko na din ito. Binigyan mo nga ako ng susi diba?" He said as they stood in the middle of the living room.
Namula naman si Julie doon. Naaalala niya kasi na pinapabalik niya ito and now, well, here they were at hindi talaga binalik ni Elmo ang susi.
"O bakit ka namumula?" Elmo teased. Magsasalita pa sana si Julie pero bigla naman gumalaw si Elmo at inangat ang kamay para haplusin ang muhka ng babae.
Napatitig si Julie sa mata ng lalaki. Pakiramdam niya kasi sinsilip nito ang pinakibuturan ng kaluluwa niya. "Elmo..." She gasped.
"You don't know how glad I am na kinakausap mo na ulit ako Sioppy." Bulong ni Elmo habang patuloy ang paghaplos. "Wala kasi ako sa sarili ko nung mga panahon na ayaw mo ako kausapin."
"I-I'm sorry Sioppy." Julie was able to croak out.
Naramdaman na lang niya na pinapatong ni Elmo ang sariling noo sa noo niya bago siya muli nitong tingnan. "No need to apologize Julie I just want to feel you beside me. And being with you is enough. Sabi ko naman sayo na kaya ko maghintay eh."
And before Julie could say anything, Elmo pulled her forward and softly planted his lips on hers.
Julie gasped softly and Elmo smiled against her lips. He missed this. No one could tell him otherwise.
She dropped the duffel bag on the floor and circled her arms around his neck. The kiss was getting deeper as his hands started working around her waist and their tongues got into the mix.
Nauna na tinulak ni Julie palayo ang binata. "S-sorry Sioppy, bawal daw muna e sabi ni Doc." Sagot naman ni Julie habang yinayakap na lang ulit si Elmo. Bawi na lang.
Elmo groaned in exasperation and could only hug Julie back, burying his face in her hair. "Tsk. Si doc naman eh. Di naman totoo yun. Di naman ako mabibinat."
Natawa na lang si Julie. "Ang hayok mo talaga Elmo Magalona." She slowly pulled away from him and grabbed the duffel bag on the floor before making her way to their...ah, her room.
Naiinis na napaupo sa may sofa si Elmo. Kainis bitin.
Wala pang limang minuto nang marinig niya na tumunog ang doorbell ng condo.
Kaagad na lumabas mula sa kwarto si Julie at inunahan si Elmo sa pagbukas ng pinto.
Tumunog na ang lock ng pinto once na mabuksan ito ni Julie at tumambad ang isang lalaki na hindi naman kilala ni Julie. Kaso, sa itsura pa lang nito muhkang alam na niya kung sino ito.
Laking gulat na lamang niya nang may kasama pa pala itong tao na kilalang kilala niya.
"HOY HULYETA!"
Julie took a step back. "M-Maqui?"
"Babaita ka talaga! Sabi ko hintayin niyo ako kasi tutulong ako magbuhat ng mga gamit! Tsugas pagdating ko naman doon sabi ng nurse nakaalis na daw kayo ni Elmo!"
Napatampal sa noo si Julie. Sinabi nga naman talaga ni Maqui sa kanya na sasama ito. Nakalimutan lang niya.
"Maq, sorry talaga, si Elmo kasi gusto na rin makauw--"
"Nako ha!" Nakapamaywang na sabi ni Maqui. "Pakisabi nga diyan kay Magalona na hindi naman kayo makakapagsiping kaagad dahil hindi pa pwede! Doctors orders!"
"Maqui!" Naeeskandalo na sabi ni Julie. Saka naman niya naalala ang kasama ni Maqui. "S-sino..."
She stopped midway when they heard Elmo padding their way.
"Ano nangyayar--kuya?!"
"Di mo man lang sinabi sa akin Moe na naaksidente ka." Sabi ng lalaki na nasa likod ni Maqui.
Nakaikot ngayon silang apat sa dining table ni Julie.
"Nakita ko ito si Frank sa may ospital, hinhanap si Elmo..." Sabi ni Maqui. "At dahil mabait ako, edi sabay na kami papunta dito sa condo mo." She explained. "Hindi naman siya muhkang masama saka, sigurado ako na kuya nga tlaga siya ni Elmo, pareho ng tabas ng muhka eh!"
Mahinang ngumiti lang naman si Frank kay Maqui na namula at nag-iwas ng tingin.
Naaamuse na tumaas ang kilay ni Julie. Ay? Mehganon...
Saka naman hinarap ni Frank si Elmo na nasa kaliwa niya. "May kakilala lang ako doon na doctor na sinabi sa akin na naaksidente ka nga daw. Bakit di mo sinabi sa akin?"
Napabuntong hininga naman si Elmo. "Okay lang naman kuya. Ayoko lang pagalalahanin pa kayo. Inalagaan naman din ako ni Julie eh." Sabi niya at ngumiti naman kay Julie na nasa tabi niya.
Sa sinabi nito ay tumingin naman si Frank kay Julie. He smiled at her and Julie noticed how gentle it was.
"Ah, siya ba yung kinukwento mo nung college ka pa lang?"
"Kuya." Elmo hissed.
Natawa naman si Frank. "O bakit, so siya nga?"
"Teka teka, ano po iyon?" Nagtatakang tanong na ni Julue at napalean pa sa table sa harap.
"Wag kuya." Pagbabanta ni Elmo sa nakatatandang kapatid pero tinawanan lang naman siya ni Frank.
"Ah, kasi..." Pagsisimula ni Frank habang napabuntong hininga na lang si Elmo at parang nahihiya na nag-iiwas ng tingin kay Julie. "Nung college, walang iba kwinento ito si Elmo kundi si Julie ganyan, Julie ganito, yung kwento niya bilib na bilib daw siya sayo pero naaasar din daw siya kasi lagi siya talo. Kaya ayun lagi ko siya inaasar na baka naiinlove na siya sayo. Todo deny naman ang gago. Tapos isang gabi lumapit na lang siya sa akin na umiiyak. Pumunta ja na daw kasi sa states."
"Bwahahaha!" Hindi napigilan na pagtawa ni Maqui. "Elmo shet ka! Dati ka pa pala inlababo dito sa kaibigan ko?! Aba'y pinatagal mo pa ang pag-amin! Dinaan mo pa sa kama! Mga galawang Elmo Magalona nga naman o!"
"Shut up Maq!" Nahihiya na sabi ni Elmo at namumula nanaman ang muhka.
Si Julie naman ay napapailing na lang din habang tinitingnan si Elmo.
"Tsk, kuya naman eh. Binisita mo ba ako dito para bukingin?" Sabi nanaman ni Elmo kay Frank habang umaangil.
Tumawa lang naman si Frank. "Ay nako lil bro, e gusto ko lang naman sana alagaan ka."
"Tsk." Sabi lang ulit ni Elmo dahilan para mapatawa nanaman silang lahat.
Pero dahil kagagaling lang ni Elmo sa ospital ay napagdesisyunan na lamang muna nila na magpahinga at sabi na lamang ni Frank ay babalik siya kinabukasan.
"Di ko alam na nagbago ka na pala ng condo?" Sabi naman ni Frank kay Elmo. "Di mo man lang sinabi."
"Ay hindi Frank." Sagot naman ni Maqui. "Yung totoo kasi niyan kay Julie itong condo na ito. Nagvolunteer lang talaga ang best friend ko na siya ang magaalaga sa kapatid mo. Kaya dito muna si Elmo."
Natutuwang napangiti naman si Frank. "Talaga? Wow! Thank you Julie Anne! I bet my brother is in good hands. Pero diba professor ka din sa Apollo-Artemis? Paano yan aabsent ka kasi aalagaan mo si Elmo?"
"Ah welcome po kuya." Ngiti naman ni Julie. "Okay lang po. Sabi naman po ni doc if after tomorrow ay wala na maexperience na abnormalities si Elmo, pwede na siya bumalik sa routine."
"Ayan bes! Nandito naman pala si Frank!" Biglang sabi ni Maqui habang inaayos ang bag niya. "Bakit hindi ka na lang muna pumasok tomo tapos si Frank na ang mag-aalaga muna sa kanya sa umaga? Tapos sa hapon ikaw na lang?"
"Ha?" Biglang sabi naman ni Elmo kaya napatingin sila sa kanya. "E-eh diba, Sioppy ikaw mag-aalaga sa akin?"
"Sus ginoo santisima maria ina ng Diyos!" Maqui exclaimed at napahilot pa sa sintido. "Paka-clingy! Magalona may trabaho din naman si Julie! Saka uuwi naman siya after tomorrow! At ayaw mo ba makasama si kuya mo kahit isang araw lang?"
Elmo could only huff. Parang bata na pinagbawalan makakain ng candy.
"Haha! Elmo ano ba!" Frank chided. Sabay hinarap si Julie. "Sige na Julie Anne, ako muna bahala kay Elmo bukas. Ikaw pumasok ka. Trabaho din naman yun."
At dahil masyado malakas ang convincing powers ni Maqui at ni Frank napapayag na rin nila si Elmo at Julie, well mostly si Julie dahil naghihimutok lang na pumasok sa loob ng kwarto si Elmo habang naiwan na tumatawa sa may living room ang natirang tatlo.
Naabutan ni Julie na naghuhubad ng t-shirt si Elmo para nakaboxers na lamang ito at walang pakundangan na nahiga sa kama niya. Nakatalikod ito sa kanya at sa may bintana na nakaharap.
She shook her head, medyo natatawa pa din. Para kasi itong bata na nagtatampo. Dumeretso muna siya sa CR ng kwarto at nagwash-up bago nagsuot ng puting camisole at female boxer shorts. Di na siya nagsuot pa ng bra. Mahihiya pa ba siya kay Elmo e nakita na nito ang lahat lahat sa kanya?
Lumabas na ulit siya sa may kwarto at nakitang ganun pa rin ang posisyon ni Elmo.
"Sioppy?" She called out.
Walang sagot.
Lumapit nanaman siya dito at dahan dahan na humiga na rin sa kama. "Sioppy?" Tawag nanaman niya. This time ay sinilip na niya ito at nakitang tulog na tulog na ito.
"Night Sioppy." She whispered before turning the bed side lamp on her right and settling herself on the bed.
Mga ilang minuto lang din ang lumipas at makakatulog na talaga siya. Mawawalan na sana siya ng ulirat nang maramdaman niyang gumalaw ang kama at isang pares ng mga braso ang pumailabot sa bewang niya.
"Goodnight Sioppy." Elmo said, before kissing Julie's exposed shoulder. And after that they both fell asleep.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
"Good morning mam Julie!"
Masaya kahit gulat na bati ng mga estudyante ni Julie nang pumasok siya sa loob ng classroom.
Alam kasi nang mga ito na absent nanaman siya sa araw na iyon pero ayun nga at pumasok siya.
"Good morning!" Bati din ni Julie.
Linagay niya ang lahat ng gamit niya sa taas ng desk at nginitian ulit ang mga estudyante.
"Alam ko na alam niyo na wala pa dapat ako ngayon. But everything is settled na kaya we'll continue with our lesson."
"Mam." Taas kamay ng isang estudyanteng nagngangalang Angela.
"Yes?"
"Mam, kamusta na po si sir Elmo? Kayo daw po nagalaga sa kanya pagkatapos nung aksidente eh."
"YIIIIIII."
Chorus na sinabi ng mga estudyante. Parang high school lang.
Sinubukan naman itago ni Julie ang pamumula ng muhka niya. Professor siya at lahat tapos makikita siya ng mga estudyante niya na nagb-blush? Nako wag.
"Ah oo. Ako ang nagalaga kay professor Magalona." Sabi niya na may maliit na ngiti. "And yes he's doing well."
Nakita nanaman niya ang mga malisysosong ngiti ng mga estudyante niya. "Pero teka kanino niyo nalaman yan?"
"Kay professor Farr po."
Lintik ka talaga Maqui oo.
"Ah well, Professor Magalona is a close friend so natural lang na aalagaan ko siya." Sagot na lang ni Julie at sisimulan na sana yung lesson kaso hindi talaga nagpaawat ang mga estudyante.
"Eh mam, friends lang po ba talaga kayo? Or are you two something better?"
"AYIIIIIII."
Natatawang napailing na lamang si Julie. "Stop it students he's just a friend. Magsimula na tayo sa lesson."
At dahil alam na ng mga estudyante na tapos na ang usapan ay nanahinik na lamang silang lahat.
Hindi naman nagsisinungaling si Julie eh. She and Elmo were friends...and yes, something better than that. Pero hindi pa nga siya ready at mas lalong hindi niya pwede ireveal ng ganun sa mga estudyante niya.
Matiwasay naman ang naging araw ni Julie hanggang sa nag lunch break na. Mag-isa siyang kumakain sa may cafeteria dahil wala naman siyang nakasabay kayla Maqui at sa iba pa niyang kaibigan. Either nauna ang lunch break ng mga ito or mamaya pa.
She decided to text Elmo.
"Sioppy kamusta ka na? Kumain ka na ba diyan? Pinagluto ko kayo ni kuya Frank ng beef steak. Happy eating!"
Hindi na siya nakapagpaalam dito nung umaga dahil tulog na tulog pa. Marahil ay napagod pa mula sa ospital. Sakto naman na dumating si kuya Frank bago siya umalis kaya she knew Elmo was in good hands.
Nagpatuloy na lamang sa pagkain si Julie nang may maramdaman kaagad siya na pagvibrate ng cellphone.
"Hi Sioppy! Yeah we ate already. Sarap nga eh. Muntik na kami mag-away ni kuya kung kanino huling serving. Half-day ka na lang Sioppy, ikaw na mag-alaga sa akin dito. Haha! Joke lang. Workaholic ka eh. Kaya mas mahal kita e. Salamat sa lunch Sioppy! Ikaw rin ha? Kain ka na!"
Hindi napigilan ni Julie ang mapangiti. Ang rami sinabi ni Elmo! Madaldal sa text! Sa totoong buhay din naman. O sa kanya lang talaga uto madaldal? Ewan!
Papatuloy pa sana siya sa pagkain nang may umupo bigla sa harap niya.
Gulat na gulat siya nang makita na si Kiara ito.
"Hi Julie." The girl smiled sweetly at her.
Uh-oh. Kinukutuban na siya.
"Kiara..." Mahinang bati niya.
"Kamusta naman si Elmo?" Walang preno na sabi ni Kiara.
Nagkipaglaban ng titigan si Julie. "Okay naman siya. Muhkang maayos naman ang tulog kagabi." She smiled sweetly. Sa totoo lang ayaw naman niya patulan si Kiara eh. Kaso sinusubukan talaga siya eh.
"Huh." Kiara scoffed. "Ayos ka din e no? Nung una wala lang sayo si Elmo. Parival rival at frenemies pa ang peg niyo. Tapos sa dulo magiging FuBu din?"
Gusto sana tanungin ni Julie kung paano nalaman ni Kiara pero ito na rin ang sumagot ng katanungan sa isip niya.
"Minsan talaga malakas ang boses ni Kris eh. I overhead him talking to Elmo about your relationship. Ang sa akin lang naman, hanggang FuBu lang pala kayo. So may taning na rin yan? Katawan lang habol non sayo." Nangiinis na sabi ni Kiara.
At kagaya ng kanina ay magsasakita pa sana ulit si Julie pero parang M-16 itong bunganga ni Kiara. Walang tigil.
"Tapos dinedeny mo pa relationship niyo? Wala. Wala din maabot yan. Pero salamat Julie ah. At least pwede ko iassure na nandito ako para sa kanya if ever." At kagaya ng kanina, Kiara only smiled sweetly at Julie before picking her tray up and walking away.
Di man lang nakalaban si Julie! Naiinis siya sa sarili niya! Inis na naitulak niya palayo ang tray.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
Nakauwi si Julie ng mga alas sais na ng gabi. Nakita niya na naglalaro pa rin ang Magalona brothers ng cards sa may coffee table niya sa living room.
"Oh hi Julie Anne!" Bati naman ni Frank.
"Hello po kuya. Kamusta naman?" She asked, settling her things on the table.
"Okay naman itong alaga natin." Frank joked. Tumayo na siya, para bang ready to leave na din. Tumayo na din si Elmo pero nananahimik pa rin doon sa may harap lamang ng TV.
"I think he'll get up going in no time. Di naman siya nahilo or nasuka this day." Explain ni Frank. Saka naman niya hinarap si Elmo. "I'll visit from time to time bro." Then she glanced at Julie. "You're very lucky tk have this lady with you here. Thanks again Julie Anne."
"Thank you din po kuya." Sabi na lamang ni Julie.
"Bye kuya...thanks." Sabi ni Elmo and gave Frank a manly hug.
Kumaway na ng paalam si Frank sa dalawa at lumabas na ng condo ni Julie.
They were alone now.
"Hi Sioppy." Elmo smiled.
Binalik naman ni Julie ang ngiti at sabay silang naupo sa couch. "So kamusta? Hindi ka talaga nahilo or ano?"
"Wala na po mam. Okay na po." Elmo teased.
"Haha sira." Julie said. They sat in comfortable silence. Naalala sana ni Julie yung sinasabi sa kanya ni Kiara pero she chose to ignore it. Wala din magagawa ang pagiisip nya doon at baka lalo lang siya mabadtrip. Tungkol kay kuya Frank na lang ang pinagusapan nila.
"Close ka din pala sa kuya mo no? Akala ko...medyo ayaw mo sa kanya kasi mas gusto siya ng dad mo." Oo naaalala pa niya ang oinagusapan nila dati.
Elmo shrugged. "Di naman kasalanan ni kuya na mas gusto siya ni dad. He was just a better son. Bale, mas sinusunod niya ang gusto ng dad namin. E tingnan mo ako." Elmo gave a small laugh. "Iba ang tinahak. But no, I do love my brother."
"Malaki din pala ang puso mo." Julie joked. Sakto naman na paharap siya kay Elmo and she saw him looking somber. He moved closer to her on the couch until she was almost sitting in his lap.
"Malaki talaga puso ko Julie. Mahal nga kita diba? Lalo na para sayo. kaw lang ang kakasya dito."
Nanahimik nanaman si Julie. Yung nga banat na ganyan ni Elmo...it gets to her eh.
"K-kumain na nga tayo, ano ba gusto mo ulam?" Iniba na lang niya ang topic.
"Hindi ba pwede ikaw na lang?"
"Elmo!"
"Magaling na ako!" Elmo pouted. "Pwede na ulit tayo magpagod!"
"Ugh Elmo ah! Di pa pwede mabibinat ka!" Julie stood up and moved away sa totoo lang tinatago niya ang pagblush niya.
Narinig niya si Elmo na sumagot ulit and she swore na parang naririnig niya ang ngiti sa tono nito. "So gusto mo nga? Concerned ka lang na mabibinat ako?! Okay na ako Sioppy! My body is ready!" Sigaw ulit ni Elmo mula sa couch habang si Julie ay nasa kusina na.
Napapailing na sagot na lang ni Julie habang nagp-prepare ng food. "Pakyu Elmo!"
"Oo sige! Gusto ko! Gusto ko talaga!"
"Ugh!
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
AN: Hey guys! So sorry for this late update! Holiday kasi haha nagkita kita nanaman ang magkakaibigan :D
Sorry talaga! Pati po pala sa typos hehe!
Anyways salamat po sa lahat ng nagbabasa! Sa lahat ng nagcocomment, nagboboto, nag-aadd sa reading list at sa library maraming salamat po!
You guys make me want to write more hehe!
Keep the comments coming! Sobrang nakakatuwa marinig ang side niyo.
Mwahugz!
-BudokPuno