Chapter 14

3844 Words
Paikot ikot si Julie sa loob ng condo niya ng gabi na iyon. Alam niyo naman na kapag ang babae nagb-byahe at nagiimpake, isang buong araw ata ang ginugulgol para lamang doon. "Okay underwear, damit, toiletries, gadgets..." Iniisa isa na ni Julie ang mga kagamitan na nandoon sa loob ng kanyang bag nang maramdaman niya na tumutunog ang cellphone niya sa loob. It was a message from Elmo. "Sioppy, may iba pa ba daw na kailangan dalhin? Bukod sa sarili natin? Wag ka na magdamit tatanggalin ko din naman yan." Mag-isa na namula si Julie sa condo niya. Gago talaga ito si Magalona kung ano ano kasi sinasabi. "Tarantado. Kagatin kita diyan eh. Wala na daw kailangan dalhin, nakaregister naman daw tayo." Reply niya. Parang wala pa isang minuto ay nakapagreply na din kaagad sa kanya si Elmo. Fast fingers ang loko. "Sige kahit saan mo ako kagatin masarap naman kapag ikaw eh. " "Ugh! Bwisit na Magalona ito!" Julie yelled. Nabubuwisit siya kasi imbis na totoong mabuwisit ay nagiinit lang ang pakiramdam niya sa pinagsasabi nito. Mahinang hinagis niya ang cellphone sa kama bago muling tiningnan ang maleta na dala. Muhkang okay naman na ang mga dala niya. Bigla naman kumalam ang tiyan niya. Hindi pa nga pala siya nakakakin ng dinner. Dumeretso na siya sa kusina ng condo at magsisimula na sana sa pagluluto nang marinig niya na bumukas ang pinto ng condo niya. Iniwan naman niya kaagad ang mga sangkap na sana ay lulutuin at dumeretso sa receiving area at hindi na rin nagulat nang makita niya si Elmo na nandoon at nagtatanggal ng sapatos at jacket. "Elmo naman eh." She whined just as Elmo smiled at her and made his way to her. "Hi Sioppy." Bati ni Elmo bago halikan si Julie sa may pisngi. Tapos ay dimeretso ito sa may kusina. "Anong linuluto mo?" Mabilis na sumunod si Julie kay Elmo na nakita niya ay binubuksan na ang kalan niya. Masyadong at home ang mokong! "Elmo! Bakit ba nandito ka nanaman? Diba sabi ko doon ka sa condo mo matulog?" Tanong ni Julie na nakapamaywang pa. Ngumisi lang naman si Elmo at bigla siya nilapitan. Ngiting ngiti ito habang si Julie naman ay nakasimangot. He placed his hands on her waist and looked at her. "Sioppy naman. Wala kasi ako pagkain sa condo. Makikikain ako." "Ever heard of fastfood Magalona?" "Di naman food kakainin ko eh." Pilyong sabi ni Elmo habang hinahapit pa palapit si Julie. Kaagad naman nakuha ng babae ang sinasabi nito kaya mabilis na hinampas ang isang braso ni Elmo. "Nako ito na sinasabi ko. Umuwi ka na ha Elmo!" "Joke lang Sioppy tara na ako na magluluto ng pagkain natin." He winked at her and made his way back to Julie's kitchen counter. Pinaupo na lang niya ang dalaga sa may dining table habang siya naman ay nagsusuot ng apron.  Walang sabi sabi na nagsimula na magluto si Elmo ng carbonara na hinahanda na rin kanina ni Julie. Simpleng nakaupo naman doon ang dalaga sa may island counter at pinagmamasdan ang lalaki. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi sila nagkakakitaan. Maya maya ay napansin na lamang ni Julie na ngumingiti siya mag-isa. Wala lang. She felt giddy looking at Elmo while he worked around her kitchen. It just looked like he belonged there. "All done Sioppy!" Ganun pala kabilis yun! Nagulat na lang siya nang makita niya na may isang malaking plato na ng carbonara ang nasa harap niya habang si Elmo ay naghugas na ng kamay at nagtanggal ng apron. Parang pareho sila takam na takam sa pagkain kaya naman parehong walang sabi sabi na linantakan ang carbonara. Napapaikit si Julie sa sarap. Magaling lang kasi talaga magluto si Magalona. Talong talo siya. Marunong lang siya magluto pero aminado siya na she doesn't enjoy doing so. "Ang sarap Elmo! Ipagluto mo ako lagi ah." Sabi naman ni Julie. Hindi naman umiimik si Elmo dahil tuwang tuwa lang ito na nakikita si Julie na sarap na sarap sa pagluluto niya. Nang matapos na sila kumain ay mabilis na tumayo si Julie. Si Elmo na nga nagluto ng pagkain siya pa ang maglilinis? Di siya papayag. "Pahinga ka na doon Sioppy ako na maglilinis ng pinggan." Sabi ni Julie bago dumeretso sa may lababo at naglinis. Mula sa likod ay narinig niya na nagsalita si Elmo. "So pwede na ako matulog ngayon dito? Yes yes! Wala na bawian ito!" Hinarap ni Julie ang lalaki pero nakita na wala na ito sa may kusina. Narinig na lang niya na pumapasok ito sa maliit na music room na meron siya. Naisahan siya non ah! Iniwan niya ang mga dapat na linisin at sinundan ito sa may living room pero nagulat na lamang nang makita na nandoon ang mga maleta nito sa may receiving area. So ready talaga siya dito matulog?! Pinuntahan niya ito sa may Music room at nakitang tinutugtog nito ang kanyang gitara. Kaagad naman nagangat ng tingin sa kanya si Elmo nang nasa may pintuan na siya. "Hi Sioppy dito na talaga ako matutulog ah." He said, giving a small smile. "At dala dala mo na talaga ang maleta mo ha." Nakapamaywang na sabi ni Julie. "Sure ka na na dito ka na matutulog?" Ngisi lang ang binigay ni Elmo. "Oo naman Sioppy. Ikaw pa. Can you resist me?" "Tseh, bakit, sino ba may sabi magkatabi tayo matulog? Sa couch ka!" Hindi na niya hinintay pa ang isasagot nito dahil mabilis siya na bumalik sa kusina pero wala din dahil narinig naman niya ang sagot nito. "Madali ka gapangin Sioppy! May susi nga ako ng kwarto mo!" Julie growled by herself. Kanina pa siya iniinis ng mokong na iyon. Masyado hayok! Gusto niya magpahinga! Mabilis naman niyang nahugasan ang mga dapat hugasan bago bumaliks sa may music room kung saan nandoon si Elmo. Wala naman iba ginagawa ang lalaki kundi mag strum ng random chords. "Tinutugtog mo?" She asked him, sitting down on the stool next to him. Kinuha niya ang gitara mula dito at siya rin ay tumugtog ng kung ano anong chords lang. "Kung ano ano lang." Sagot naman ni Elmo. He looked at Julie a little too seriously for her liking. "Bakit?" Julie hesitantly asked. "Alam mo na ba kung sino ang makakasama natin bukas sa Baguio?" Alam naman ni Julie na ganun lang ang pasimula na tanong ni Elmo, para bang dinadahan dahan siya pero siya mismo ay alam na alam na ni Elmo kung sino. "S-sino...?" Elmo breathed in as he answered. "Si Ms. Umali saka si Mr. San Jose." Sabi na nga ba ni Julie eh. Hawak hawak pa rin niya ang gitara habang nagiisip. Nakatingin lang siya sa baba habang si Elmo naman ay pinagmamasdan siya. "Sioppy..." Elmo said softly as he used the tip of his finger to lift Julie's chin. He made him look at her. Binalik din naman ni Julie ang tingin sa kanya pero mabilis na nag-iwas. She sighed, holding the guitar close to her. "S-Sioppy, hindi ko pa alam kung ano sasabihin ko eh. Paano ko ieexplain sa kanya?" "Wag mo din muna bibiglain yung bata." Pagpayo ni Elmo. "Baka kasi hindi siya kaagad maniwala. Siguro ang pinakamaganda mo na gawin ay ang hintayin hanggang sa makita mo na din ang tatay mo." Naramdaman ni Elmo ang pagtense ni Julie sa tabi niya. He automatically circled a comforting arm around her shoulder. "Nandito naman kami lahat para sayo Sioppy eh." Julie softly nodded her head and leaned into his strong arms. "Salamat. H-hindi ko lang din alam kung ready ba ako na makita ulit tatay ko. Ewan. Bahala na..." Lumapit lang ulit si Elmo at hinalikan ang tuktok ng ulo ng dalaga. Nanahimik sila pareho at bigla na lamang nagkatigninan. Pinagmasdan ni Julie ang lalaki sa harap niya. Sobrang lapit nanaman ng muhka nilang dalawa. Madalas naman na ganito ang kanilang proximity pero ngayon tinititigan niya talaga si Elmo. Wala sa sarili na inangat niya ang kanyang kamay at hinaplos ang muhka ni Elmo. Linapit naman ng lalaki ang sariling pisngi na para bang dinadama talaga ang paghawak sa kanya ni Julie Anne. "Sioppy salamat ah." Sabi ni Julie. "Ang sungit sungit ko lagi sayo pero ganyan ka sa akin." Mahinang ngumiti naman si Elmo sa kanya. "Kasi...mahal kita Julie Anne." Bulong niya. Julie froze yet again. Alam naman niya na ilang beses na sinasabi sa kanya ni Elmo yon pero hindi pa rin talaga siya sanay. At medyo naiilang din siya. Nakita naman ni Elmo ang itsura ng babae kaya nginitian na lang niya ito na para bang sinasabi na okay lang ang lahat. And because she felt like it, Julie leaned in, pulling Elmo by the back of his neck and gave him a passionate kiss. Sabik na sumagot naman si Elmo at hinapit pa palapit si Julie, hawak hawak ang napakaliit na bewang ng dalaga. Mabilis na linapag ni Julie ang gitara sa stand na nasa tabi bago siya hilain ni Elmo para mapaupo siya sa kandungan nito. They kissed like there was no tomorrow, her arms around his neck and his around her waist and her back. He gently squeezed her waist, making her gasp and so he thrust his tongue inside her mouth and explored her crevice. "HARUJUSKO!!" Muntik na malaglag si Julie sa kandungan ni Elmo pero mabuti na lamang mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya pati na rin ang pagpulupot ng binti niya sa baywang nito. Napatingin silang dalawa sa bigla na lamang na sumigaw at nakita si Maqui na nakatayo sa may pintuan. Hindi naman na makagalaw si Julie dahil ano pa nga ba ang magagawa nila e nahuli na sila. "Maq, bakit ka nandito???" Kunwari'y naiinis na tanong ni Elmo. "Aba Magalona pasensya naman sa pagsira ko ng moment niyo ha!" Sumbat ni Maqui. "Sorry dahil gusto ko makita best friend ko dahil tatlong araw siya mawawala at ikaw naman masosolo mo siya! Sorry ah...ako na talaga!" Litanya ni Maqui at lumabas na ng music room. "Julie nasa kwarto ba pills mo?! I-f-flush ko na!" Sigaw naman ni Maqui mula sa labas at narinig na nila Julie ang paglalakad nito palayo. Umalis naman sa pagka-kandong si Julie at inayos ang sarili bago maliit na nginitian si Elmo. "Sioppy sunod ka na lang sa labas ah." Hindi na niya hinintay pa ang sasagutin nito at lumabas na ng kwarto papunta sa bed room kung saan nakita niya na nakatayo sa gitna ng kwarto si Maqui. "Maq..." She called out at napansin na hawak hawak ni Maqui ang banig niya ng pills. Nanlaki namana ng kanyang mga mata. "Anong gagawin mo?" "Huh?" Inosenteng sabi ni Maqui. "Wala naman. Tinitingnan ko lang. Saka rinearrange ko yung mga sticker para malito ka." "Ha?!" Nagpapanic na sabi ni Julie at lumapit para sana agawin yung banig pero lumayo naman kaagad si Maqui at tinaas pa ang kamay. At dahil mas matangkad siya kay Julie, talo talaga ang huli. "Maq umayos ka!" Sabi ni Julie at tumalon talon pa pero panay lang ng tawa si Maqui at linalayo pa lalo ang banig. "Maq naman eh!" Julie yelled at pilit pa rin na inaabot ang banig hanggang sa nalaglag sila pareho sa kama. "Eew!" Biglang tayo naman ni Maqui dahilan para mabitawan niya ang banig at makuha naman kaagad ito ni Julie. "Napahiga ako sa kama mo yuck! Nag do ba kayo ni Elmo? Eh bes! Pashower!" Sabi ni Maqui at parang kinikilabutan na tumayo sangitna ng kwarto. "Ano ba Maq." Sabi naman ni Julie habang tinatago sa ilalim ng unan ang pills. "Ikaw talaga. Pumunta ka dito para manggulo no." "Aba! Sabi mo kasi wala naman balak matulog dito si Elmo ngayong gabi kaya I grabbed the chance! Malay ko ba na di pala totoo!" Pagdepensa ni Maqui sa sarili habang umuupo ulit sa paborito niyang pwesto; ang vanity chair ni Julie. "Di ko rin naman alam na dadating siya." Sabi ni Julie at umupo sa kama. Kakasabi pa lang niya nito nang may kumatok sa pintuan at doon ay nakatayo si Elmo. "Anong gawa niyo?" He asked. "Mag-girl talk sana Magalona kaya pwede ba shoo ka muna. Pakaclingy mo sa best friend ko e magkasama naman kayo ng tatlong araw." Nakairap na sabi ni Maqui. "Sungit mo talaga Maq..." Elmo shook his head. "Sioppy panuod na lang ako sa T.V. mo ah." Sabi naman niya at naglakad na pabalik sa living room ni Julie, not forgetting to close the door. Once they both were sure of their privacy, Maqui and Julie faced each other. Si Maqui na ang unang nagsalita. "Ano Jules, hindi pa ba kayo ng ugok na yan?" "Anong kami?" Tanong naman ni Julie. Sinimangutan ni Maqui ang kaibigan. "Gusto mo ba ng sapak ha Julie Anne? Tinatanong ko kung kayo na ba ni Elmo." Napaiwas naman ng tingin si Julie. Hindi. Hindi pa sila ni Elmo dahil wala namang formalities. "Jusko naman Julie Anne." Nagsalita ulit si Maqui. "Do you mean to tell me na hanggang ngayon hindi ka pa rin sigurado?" Tiningnan na ni Julie ang kaibigan. She breathed in first before explaining her side. "Maq, aamin naman ako na, kahit lagi ako iniinis ng lalaki na yan, at kahit puro yun lang ang ginagawa namin, it's not just about the s*x anymore." Hinayaan siya ni Maqui na magsalita. "I mean, he makes me feel special. He takes care of me and makes me happy, saka sanay na sanay na ako na nandyan siya." "Hay nako Julie Anne..." Umiiling na lang na sabi ni Maqui. Tiningnan naman ni Julie ang kaibigan. "O bakit?" "E naiimbyerna ako sayo eh!" Tumayo ito at bigla na lamang kinuha nanaman ang pills ni Julie. "Okay flush na toh!" "Maqui!!!" =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= "Good morning po Sir Magalona. Good morning po Mam San Jose." Bati ni Bianca sa dalawang professor sa harap niya. Nginitian naman ni Julie ang batang babae. Nasa labas sila ng school. Madaling araw kaya madilim dilim pa ang kalangitan. "Good morning Bianca." Sabi naman ni Julie. "Ready ka na para sa camp na ito?" Kiming napangiti ang bata. Pinagmasdan ito ni Julie. Maganda ang bata. Soft ang features and she knew for a fact na magaling din talaga ito tumugtog. "Wala pa si Miguell ano?" Elmo hesitantly asked. Tumingin naman pareho sa kanya si Julie at si Bianca at pareho na napailing. Natawa na lang si Elmo. Sabay kasi ang paggalaw ng ulo ng dalawang babae. Saka naman hinarap ni Bianca si Julie. "Ah, mam San Jose, pwede po magtanong?" Tiningnan ni Julie ang dalaga. "Oo naman. Ano yon?" "Ano po ba pinakagagawin sa camp na ito?" Julie smiled. Ang totoo nakapag ganito na sila dati ni Elmo nung first year din silang dalawa. Iba lang talaga kapag professor ka na na isesend sa ganito. Iba kasi ang ginagawa niyo apart sa mga estudyante. "Hmm, kapag students kasi, puro kayo workshop and seminars. May mga contests na din na makakatulong sa learning niyo. Kaming mga professor ang magsisilbing gaurdians and chaperones pero meron din naman kami sariling seminar." Sagot ni Julie. Tila naexcite naman si Bianca sa sinabi ng professor. Napatingin naman sila lahat sa orasan at nakita na malapit na mag alas-singko at wala pa din si Miguell. Naghihitay lang naman ang service van para sa kanila. Hinarap naman ni Julie si Elmo. "Sioppy, magCR lang muna ako ah. Pakibantay ng gamit." "Ah sige." Sagot ni Elmo at mabilis na kinuha ang ibang bagahe ni Julie. "Sama po ako!" Biglang tawag ni Bianca at sumama kaagad kay Julie papasok ng school kung saan sila pwede magCR. Kakapasok pa lamang ng dalawa nang maanigan na ni Elmo ang isang kotse na papalapit sa school. Kinutuban na si Elmo na si Miguell iyon pero parang bumilis ang t***k ng puso niya nang mapansin na isang middle aged na lalaki ang nagd-drive ng kotse. Sa harap niya mismo pumaeada ang kotse at kaagad naman bumaba si Miguell kasama ang iba pa nitong bagahe. "Good morning po sir Magalona! Late na po ba ako?" Tanong naman ni Miguell. It took a while for Elmo to find his voice again dahil nakatayo din sa harap niya ngayon ang kababa lang na lalaki na nagdrive ng kotse. Walang duda...ito ang tatay ni Julie. Hindi ganun na magkamuhka si Julie at si Miguell pero walang duda na kamuhka ni Julie ang tatay nila. "Ah hindi naman." Sagot ni Elmo sa binata as he cleared his throat. Nakangiti naman na tumango si Miguell bago binaling ang tingin sa katabing ama. "Papa, ito nga po pala yung isa ko pa na professor. Si Sir Magalona." "Good morning po. Elmo Magalona po." Sabi ni Elmo habang nakikipagkamay sa lalaki. "Ah good morning. Julian San Jose." Ngiti ni Mr. San Jose habang nakikipagkamay. Nagpasalamat si Elmo na nacontrol niya ang sarili at hindi masyadk halata na naiilang siya. Kapangalan pa talaga ni Julie ang ama nito. "Pakialagaan na lang si Miguell, mahalaga sa akin yang bata na iyan." Sabi ni Mr. San Jose. Elmo nodded his head. "Ah opo sir." "Pano, alis na ako anak ha. Sunduin ko pa nanay mo sa ospital." Sabi ni Mr. San Jose kay Miguell.  "Bye Pa, ingat ah. Ikaw talaga. Sabi sayo commute na lang ako eh." Sabi nj Miguell sa ama. "Kagagaling mo pa lang sa ospital." "Nako di na. Itong batang ito. Andami dami mo dala eh." Ngiti ni Mr. San Jose bago yinakap si Miguell. "Have fun anak." "Thanks dad." All the while ay pinapanuod lang ni Elmo ang eksena at hindi niya mapigilan na malungkot para kay Julie. Ang alaga ni Mr. San Jose kay Miguell tapos siya iniwan lang? Napalingon naman siya sa school. Asan na kayo iyon? Ang tagal talaga minsan ng babae mag-CR o! Pero bago pa siya makaimik ay nakasakay na ulit si Mr. San Jose sa loob ng kotse at umalis na. "Sir, saan po si Bianca at si Mam Julie?" Natanong naman ni Miguell dahil nakita niya na nandoon naman ang maleta mg dalawang babae. "Nag-CR lang." Sagot ni Elmo. Kakasabi pa lamang ni Elmo niyon nang narinig na nila ang paglakad ng dalawang babae. "Ui! Tagal mo ah!" Bungad ni Bianca nang makita niya si Miguell. "Grabe! 10 minutes lang naman!" Balik naman ni Miguell. Natawa si Julie nang panuorin nila ang bangayan ng dalawang kabataan. Naaalala lang niya sila ni Elmo noon...hanggang ngayon din naman. "Tara Sioppy, sakay na tayo?" Elmo said. Sumakay na sila sa van at nanahimik naman silang lahat dahil kinailangan pa nila maghabol ng tulog. =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= "Wow! Sa Baguio country club oa talaga!" Ayun ang bungad ni Bianca nang pumasok sila sa lobby ng Baguio country club. Magtatanghali na nang makarating sila at gusto na talaga nila lahat magpahinga. Marami na tao ang nandoon, panigurado ang ibang mga kasama sa music na camp ang mga ito. Nakatayo lang si Elmo sa may mga couch habang ang dalawang bata ay nakaupo at si Julie ang nagaasikaso ng rooms nila. Sobrang raming tao. Marami din talaga ang kasama sa camp na ito. "Elmo?" Napatingin siya sa nagsalita sa may bandang kanan niya. Kumunot ang noo niya dahil may isang babae doon na matamis na nakangiti sa kanya. "Uhm..." Okay, sino man ito ay kilala siya pero siya mismo ay hindi kilala ito. "Elmo ano ka ba! Ako ito! Si Iris!" Sabi bigla ng babae. Sinusubukan pa din alalahanin ni Elmo kung sino itong babaeng ito. Medyo kulot ang buhok at mamumula na pisngi. Saka niya naalala. Kasama din nila ni Julie ito sa camp nung sila naman ang estudyante. "Iris." Mahinang bati na lang niya saka tumango. Natawa naman si Iris at bigla bigla na lamang lumapit para yakapin si Elmo. Hindi kaagad nakagalaw ang lalaki sa gulat pero pasimple naman siya lumayo. Di talaga siya touchy kahit kanino...kay Julie lang. "Grabe! Professor ka na din pala sa alma mater mo!" Sabi ni Iris. "Ako din!" Sabay pakita nito ng suot suot na ID. Isa siya sa professors sa Valdez Music School or VaMS. "Ah oo eh. Tagal na rin ah." Sabi ni Elmo. Sa totoo lang di niya alam paano kausapin itong babaeng ito. Naalala lang niya kasi na nung camp din nila dati e patay na patay din ito sa kanya. Di naman sa nagyayabang siya pero ganun talaga. Hihingi sana siya ng takas kay Miguell at Bianca pero nakita na masyado busy ang dalawa sa paglalaro sa mga cellphone. Napatingin ulit siya kay Iris at awkward na ngumiti. "Ah so kamu--" "Mam Iris tara na!" May tumawag kay Iris na ikinainis naman ng babae. "Tsk. Istorbo eh." Irap nito pero ngumiti naman kay Elmo. "Kita kita na lang sa seminars ah! Grabe ang saya ko nandito ka!" Sabi ni Iris bago yakapin nanaman si Elmo at naglakad na palayo. Naestatwa sa kinatatayuan si Elmo. What the f**k just happened? "Elmo." Hala patay ka. Napaharap siya at nakitang matalim na nakatingin sa kanya si Julie habang hawak hawak nito ang mga susi ng kwarto nila. Napalunok si Elmo. "Ui Sioppy..." "Sino yon?" Fuck. f**k. "Uh, si Iris, kasama din natin dati sa camp. Naging prof na din siya." Kinakabahan na sagot ni Elmo. Ewan niya kung bakit pero pinagpapawisang tunay siya sa talim ng titig ni Julie. "Uh, basta ka-camp natin siya." Tumayo na rin naman sa couch si Miguell at si Bianca habang nakatingin pa rin si Julie kay Elmo.  "Ka-camp pala...kaya may payakap yakap siya na nalalaman." "Siya unang nangyakap Sioppy--" Hindi na natapos ni Elmo ang sasabihin dahil binigay na ni Julie ang susi sa kanya. "O, yan kwarto niyo ni Miguell, 515, sa 517 kami ni Bianca." Nagsimula na maglakad palayo si Julie pero pinigilan siya ni Elmo. "T-teka teka, b-bakit kwarto namin ni Miguell? Akala ko--" "Sira ka ba ha Elmo?" Biglang sabi ni Julie. "Hindi pwede na tayo ang magkakwarto at yung dalawang bata sa isa pa. Natural kami ni Bianca sa isa tapos kayo ni Miguell sa isa. Tabi nga!" At hindi na nakapagsalita si Elmo dahil nauna na maglakad si Julie. Napatitig na lang ang lalaki sa likod ng babae at nagtatakang napakamot sa likod ng ulo. Ano naman nangyari don? Narinig niya na lang bigla na mahinang tumatawa si Miguell at si Bianca sa tabi niya. Tiningnan niya ang dalawa at tumigil naman ang mga ito. "Ah sorry po sir ah." Sabi ni Bianca habang nagpipigil pa din ng tawa si Miguell. "Ang cute po kasi ni Mam Julie. Nagseselos." Napabalik naman ang tingin ni Elmo kay Julie na ngayon ay nasa hallway na at naghihintay sa mga elevators. Hindi niya mapigilan ang mapangiti. Si Julie? Nagseselos? =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= AN: Okay panigurado marami nanaman ito typo haha! Sorry po talaga! These fat fingers kasi haha! Maraming salamat po sa nagbabasa! Comments or votes too please! Sobrang thank you! Especially sa comments haha :)) nakakatuwa po talaga :D Salamat po ulit! Mwahugz! -BundokPuno
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD